[Chapter 13]
Mika's POV
.
.
Malapit nang matapos ang School Year kaya sarap buhay na lang kami-- yung mga kumpleto lang pala ang requirements kagaya ko-- bago pa kasi mag-last periodical examination, kinokompleto ko na yung mga requirements ko para wala ng iintindihin.
Last 3 days na lang ang pasok namin, kaya masasaya at malulungkot na ang itsura ng mga kaklase ko kasi yung iba lilipat na ng school at ang iba gusto ng magbakasyon. Nandito kami ngayon sa respective classroom namin yung iba nakapaikot ang upuan at tinatapos ang requirements namin habang ang iba ay prenteng naka-upo sa mga upuan nila at kung ano ang ginagawa tulad ko, busy-ing nagi-instagram. Pwede na kasing magdala ng gadgets kasi wala na kaming klase sa lahat ng subjects. At Halfday na lang ang pasok namin.
"Mikay!" ayan nanaman po ang term of endearment sakin ni vince na sobrang unique.
Napalingon ako mula sa harapan. "Bakit?" hindi na ko masyadong masungit sa kanya kasi lagi nya kong sinasamahan tuwing mag-isa lang ako this last few days.
"Tara sa labas, tapos nanaman ako sa mga requirements ko." aya nya sakin.
"Ayoko nga, busy ako." sabay harap ko uli sa may blackboard, nang mahagip ng mga mata ko si Miguel na mag-isang naka-upo sa sulok at natutulog. Inilibot ko pa ang mga mata ko sa buong classroom ng makita ko si Kate na kasama ang mga kaibigan nya.
"Huy! kanina ka pa tulala." sabay tapat ng palad niya sa mukha ko at ginalaw-galaw iyon.
"Tara na kasi." sabay hawak nya sa braso ko at hinatak ako palabas ng classroom namin. Nakakainis talaga tong lalaking to', hindi ba nya alam na nakakaistorbo sya.
Habang naglalakad kami hawak parin ni Vince ang wrist ko. Nagtinginan samin lahat ng mga estudyante na nasasalubong namin na nagbubulungan. Ang tatalim ng mga tingin nila sakin para bang sa mga isip nila tinotorture na nila ko. Dahil nga sa sikat na model tong si Vince ng isang sikat din na brand ng damit.
"Sila ba ni Vince my loves?" sabi nung isang babae.
"Kelan pa sila naging close?" sabi pa nung isang mukhang taga kabilang section lang.
Napadaan kami sa playground at nagyaya si Vince na doon tumambay sa swing.
"Ayan! humina yung signal dito." biglang tayo ko sa swing habang hawak-hawak ang cellphone ko.
Tumayo si Vince at lumapit sakin. "Tama na muna kasi yan. May ikukwento ako sayo." sabay kuha nya sa cellphone ko.
"Hoy! akin na yan!" itinago nya sa bulsa nya ang cellphone ko at umupo sa swing. Ako naman pinilit ko paring kunin yung cellphone ko pero ayaw nya talagang ibigay.
"Hindi ko ibibigay sayo to' hangga't hindi ka nakikinig sa kwento ko." bigla naman akong natigilan at umupo na uli sa swing. Wala akong magagawa baka hindi nya ibigay ang cellphone ko, hindi ko pa naman kayang mabuhay ng walang cellphone.
"Alam mo ba yung pakiramdam ng walang Tatay?" napatingin ako sa kanya dahil sa parang nag-iba yung tono ng boses nya. Babarahin ko pa sana sya, kaya lang parang malungkot at seryoso na si Vince ngayon. Hindi na lang ako sumagot at nakinig na lang sa kwento nya. Wala ba syang Tatay?
"Yun bang parang kulang lagi yung pamilya mo kasi wala kang Tatay na papayuhan kang manligaw, puprotekta sa inyo at yung taong matatawag mong sarili mong Tatay? ako alam ko yun. Simula palang wala na kong Tatay, sabi ni Mama patay na daw sya, yun yung pinaniwalaan ko."
"Pero yung akala kong totoo, kasinungalingan lang pala. Matapos sabihin ni Mama ang totoo, nagkaroon na ako ng tinatawag ko sanang Papa, pero ang hirap pala kung may kahati ka. Na malaman mo na anak ka lang pala sa labas."
"T-teka, Vince--" hindi nya pinansin yung pagtawag ko sa pangalan nya at nagtuloy-tuloy sa pagkukwento nya.
"Si Papa, wala syang anak sa totoong asawa nya, kaya nag-ampon lang sila. Ang Papa ko ang may-ari ng Castillo Corporation kung saan model ako ng products nilang mga mamahaling damit. Kaya pala doon ako ipinasok ni Mama bilang model. Ang hirap ng sitwasyon ko noh?" biglang naging masaya ang kaninang seryoso nyang mukha.
Natulala at napanganga naman ako sa kwento nya, hindi ko kasi akalain na ganun yung istorya nya.
"P-pero bakit mo kinuwento sakin yun?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Hindi pa ba obivous? Bestfriends na kaya tayo." nakangiting sabi nya.
"Huh? bakit hindi ko alam? bakit ngayon ko lang nalaman?"
"Heto na yung phone mo, kawawa ka naman." sabay hagis nya nung cellphone ko papunta sakin na muntikan ko ng hindi masambot.
"Bakit hinagis mo?! wala na kong pambili ng isa pang cellphone kung nagkataong hindi ko nasalo! hindi kami mayaman tulad nyo!" galit na sigaw ko sa kanya.
"Nasambot mo naman di ba? bakit nagagalit ka pa?" nang-aasar nyang sabi.
"Bahala ka na nga dyan!" pagsusungit ko nanaman sa kanya at naglakad palayo sa kanya.
"Hoy! teka lang bestfriend! Bestfriends na tayo di ba?" tumayo sya at hinabol ako. Nung nasa tabi ko na sya ay inakbayan nya ako.
"Bestfriend, Sorry na. Hindi ko sinasadya. Wag ka ng magalit. Please?" sabay himas nya pa ng isa ko pang balikat malapit sa kanya.
"Hmmp!" Nagcross-arms ako at inirapan ko sya. Hindi naman talaga ako galit, nangti-trip lang ako.
"Please? gusto mo ilibre kita? kahit anong gusto mo."
"Sige, kung gusto mong patawarin kita." agad ko naman syang hinila papunta sa canteen.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
"Gusto ko nito, ito, nito, ito at nito. Ito pa pala." masayang sabi ko habang tinuturo ang mga gusto kong ipabila sa kanyang pagkain. Habang sya nakatayo sa harap ng cashier at binubuklat ang wallet nya.
"Magkano po lahat?" tanong ni vince sa tindera.
"125 pesos po lahat."sabi nung tindera at nakita kong napanganga saglit si Vince sa sinabi nung tindera.
Pagkabayad nya agad kong kinuha ang mga binili nya na pinili ko at humanap agad ng mauupuan sa lloob ng canteen. Nakakita naman ako agad kaya lang sa sulok marami kasing nakatambay ngayon dito sa canteen. Agad kong binuksan yung kettle korn na favorite ko.
Nakapamulsang lumapit sa inuupuan ko si Vince at umupo sya sa harapan ko. Syempre tulad kanina pinagtinginan nanaman kami ng mga estudyante dito sa canteen at nagbulungan.
"Wala kang binili para sayo?" tanong ko sa kanya habang mual na mual.
"Sa tingin mo makakabili pa ako ng para sakin, eh ang dami mong ipinabili sakin." bigla syang nagcross-arm at sumandal.
"Kawawa ka naman." agad akong kumuha ng isang piraso ng popcorn mula sa supot na hawak ko at iniabot sa kanya. "Eto oh." agad naman nyang kinuha yung isang piraso ng popcorn.
"Ano to?" nagtataka at inis nyang tanong.
"Popcorn, bakit ngayon ka lang ba nakakita nyan? kawawa ka naman pala talaga ang yaman-yaman mo tapos ngayon ka lang nakakita ng popcorn? alam ba yan ng mga fans mo?"
Napa-iling na lang sya. "Hindi ganun, ang tinatanong ko. Anong gagawin ko dito sa isang piraso, sa tingin mo mabubusog ako dito?" inilapit nya sa mukha ko yung hawak nyang isang pirasong popcorn.
"Ah! Syempre para sa'yo tong ibang pinabili ko sayo, kaya nga marami to' eh." kinuha nya yung isang sandwich at kinain yon.
"Di ba bestfirends na tayo?" tanong ko sa kanya. Bigla namang nabaling ang tingin nya sakin na kanina ay nasa sandwich na kinakain nya.
"Oo, bakit ayaw mo?" tanong nya na may blankong ekspresyon ang mukha.
"Gusto ko naman, pero naninigurado lang, baka nakalimutan mo na. Bestfriends tayo ha, sabi mo yan wala ng bawian. Promise?" itinaas ko ang pinky ko at inilapit sa kanya.
Inilapit din naman nya ang daliri nya at nagpinky swear kami. "Promise." sabi nya pa. At biglang lumakas ang bulungan sa paligid namin.
Tumunog bigla ang cellphone ko na hudyat na may notifications. Kinuha ko yon at nakitang may mga tweet tungkol sa akin at kay Vince. Tinignan ko ang mga tweets at nakita kong Top 5 trending na iyon.
Pinakita ko agad kay Vince yung mga tweets. "Okay lang yan hindi naman yan scandal, tsaka ayaw mo nun sikat kana rin?" ayoko ngang maging sikat, mamaya makidnap ako kasi akala nila mayaman din ako.
"Tara na Mikay." yaya nya sakin umuwi.
To be Continued...
Note: Meron po akong inilagay na video sa chapter 1 sana po panuorin nyo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top