[Chapter 11]
Mika's POV
.
.
Pagkamulat na pagkamulat ng dalawang mata ko, hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti na hindi na ako sanay gawin. Pero bakit ngayon bigla-bigla ko na lang nagagawa? Napatingin ako sa alarm clock ko na nakapatong sa drawer na nasa gilid ng kama ko, nagulat ako nang makita ko na pasado alas-nuwebe na. "Napasarap masyado ang tulog ko." Mabuti na lang at sabado ngayon.
Bumangon na ako at inayos ang kama ko saka bumaba. Nakita ko si Mama na nagwawalis habang si Chazel naman ay nanunuod lang ng Tv.
"Good morning! Ma at Chaz." bati ko sa kanila na hindi ko na madalas ginagawa.
"Oh, maganda yata ang gising mo ngayon. Kumain kana." sabi ni Mama habang takang-taka.
"Syempre si Kuya Miguel pa." singit naman ni Chazel.
Papunta na sana ako sa kusina pero narinig ko ang sinabi ng kapatid ko kaya napatigil ako.
"Ano, ano?!" kinikilig kong tanong. Oo kinikilig ako at hindi ko dine-deny. Tapos yung magaling kong kapatid ayun tinawanan lang ako tapos si Mama iiling-iling lang habang nakangiti. Alam kasi nila yung matagal ko ng problema.
Hinayaan ko na lang sila dun at pumunta na ako sa kusina para kumain. Habang kumakain ako naalala ko yung nangyari last 5 months ago...
Flashback
Simula nung araw na sagutin ni Kate si Miguel naging matamlay na ako, tahimik at malungkot dahil masyado talaga akong nasaktan. Akala ko biro lang yung sinabi niya sakin na liligawan niya si Kate kasi ang torpe-torpe dati ng lalaking yun. Sobra akong nasaktan at naapektuhan, dati pa lang kasi may nararamdaman na ako para kay Miguel, sinubukan kong magmove on pero sobrang hirap lalo na kung lagi ko siyang nakikitang masaya kasama si Kate. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang may ibang kasama at katawanan pero siguro kailangan ko na lang tanggapin na magkaibigan lang talaga kami.
Kahapon ng umaga ang aga kong pumasok, habang naka-upo ako ang daming bagay na tumakbo sa isip ko isa na dun yung kay Miguel, hindi ko alam kung bakit ako biglang naiyak kahapon. Tapos ayun nagdatingan na yung classmates ko tapos pinagkumpulan na nila ako, sumakit tuloy ulo ko kakaiyak. Dumating pa si Kate, tinanong nya ako kung bakit ako umiiyak pero pinili ko na lang na umiling para hindi na humaba ang yung usapan. The worst is dumating si Miguel, tumabi siya sakin at tinanong din ako kung bakit ako umiiyak, sumagot naman ako pero matipid nga lang. Hindi naman ako galit sa kanya kaya ko siya iniiwasan, the thing is gusto ko munang magmove on bago uli kami maging magkaibigan, well hindi ko naman sinasabing hindi kami friends, hindi lang kami "masyadong" nagkikibuan. Hay ewan.....ang gulo, pero-- .
End of Flashback
"Oh?Mika anak, natulala kana dyan." nagulat ako kay Mama natapos tuloy agad yung flashback. Di ko namalayang natulala na pala ako, buti ubos na yung pagkain ko kundi nilangaw na to.
"Ay...sorry po Mama." tumayo agad ako para ligpitan ang pinagkainan ko.
Habang nagliligpit ako biglang may kumatok sa pintuan.
"Tao po?!" tawag ng taong nasa labas. Lumabas agad ako ng kusina para pagbuksan yung kumakatok.
"Ate?May kumakatok!" sigaw ng kapatid ko.
"Teka lang." sabi ko.
Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan, nagulat ako nang makita ko ang taong nasa labas.
"Hello Mika." bati nya sakin sabay ngiti.
"Uh, H-hello M-miguel, anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong.
"Nahihirapan kasi akong magreview, pumunta nako kina Kate para magpatulong sana pero maaga pala silang umalis...kaya dito na lang ako pumunta."
"Bawal ba?" pahabol niyang sabi.
"Hin-" magsasalita pa lang sana ako ng biglang lumapit ang kapatid ko.
"Kuya Miguel! pwedeng-pwede ka po dito samin." sabay yakap kay Miguel.
"Namiss mo ba ako Chazel?" tanong niya sa kapatid kong nakayakap sa kanya.
"Opo, pero hindi lang po ako ang nakamiss sayo." biglang lapit sakin ni Chazel. Nalakamapang-asar talaga ng batang to.
"Pasok ka." sabi ko kay Miguel. Bigla lumabas si Mama sa kwarto.
"Oh, Iho maigi naman at napabisita ka." Bati ni Mama.
"Hello po, magpapatulong po sana ako kay Mika na magreview."
"Ah ganoon ba, pwede kayong magreview doon sa terrace, chazel hinaan mo ang Tv at magrereview sila." pagbibilin ni Mama.
"Tara sa terrace." yakag ko kay Miguel. Agad nyang nilapag ang backpack niya sa upuan at umupo.
"Kukunin ko lang yung gamit ko sa taas." tumaas agad ako para kunin ang gamit ko. Bago bumaba ng hagdan tinawag ako ni Mama at nginitian ako. Si Mama talaga may pagka-weirdo rin minsan.
Pagbalik ko sa terrace agad akong umupo at ipinatong ang mga libro ko sa lamesa.
"Ano ba yung schedule ng exam?" tanong ko.
"Eto yung schedule, buti sinipag akong kopyahin yan." pabiro nyang sabi.
"English pala ang unang exam...." binuksan kk ang libro ko at itinuro kay Miguel ang mga rereviewhin, tsaka ako nagbasa.
Habang seryosong-seryoso akong nagrereview napatigil ako at napatingin kay Miguel. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Miguel na nakatitig sakin.
"Uh -- , B-bakit may dumi ba ako sa mukha?" tanong ko.
"Ah, hindi a-ano wala." pati sya nagulat din.
Tumango na lang ako at bumalik na sa pagrereview.
"Mga anak, meryenda oh." sabi ni Mama habang inilalapag yung pagkain sa lamisita. Anak na din kasi ang turing ni Mama kay Miguel.
"Thank you po Tita." pagpapasalamat ni Miguel.
"Pasok na uli ako sa loob, tawagin niyo na lang ako kapag may kailangan kayo ha."
Habang kumain kami, grabe sobrang tahimik...awkward silence.
"Mika...yung tanong ko sayo kahapon." pagkasabi nya non bigla akong kinabahan. Akala ko hindi na niya maaalala.
"Kailangan ko na bang sabihin sa kanya?"
"Pwede mo bang ituloy yung sasabihin mo dapat sakin kahapon?" tanong ni Miguel.
Hindi ko na alam kung anong ang isasagot ko, sasabihin ko na ba talaga?pano kung sabihin ko sa kanya yung totoo tapos mawala yung friendship namin?ang hirap kapag ganito yung sitwasyon, yung pagkakaibigan niyo yung nakataya.
"Ah, T-teka m-may kukunin lang pala ako sa loob." pagpapalusot ko. Tumayo ako pero laking gulat ko nang hawakan niya ang wrist ko para pigilan ako.
"Iniiwasan mo nanaman ba ako?" tanong niya.
"H-hindi..."
"Akala ko ba hindi ka galit sakin?"isa-isa nang pumatak ang mga luha ko na kanina pa gustong pumatak. Hinawakan niya ako sa braso at iniharap ako sa kanya.
"Bakit ka umiiyak?hala!sorry, okay lang naman sakin kung ayaw mo ng sabihin sakin." pag-aalala niya. Bumalik na ako sa pagkaka-upo ko kanina pero yumuko ako para hindi nya makita ang mukha ko.
"Okay lang, siguro kailangan mo ng malaman..." pahikbi-hikbi kong sabi.
"Nung araw na sinabi mo sakin na liligawan mo si Kate hindi ako naniwala, dati kasi ang torpe-torpe mo.." napangiti ng bahagya dahil sa sinabi ko. Ang torpe nya kasi dati na akala ko bakla siya. Nakita ko sya na nakikinig sakin.
"Pero nung nagpatulong ka sakin na ligawan si Kate dun na ko naniwala, simula nung unang araw na ligawan mo siya hindi mo na ako pinansin dahil lagi na kayong magkasama, nagtatawanan, nagkukwentuhan ni hindi mo na nga naalala na may bestfriend ka na ang pangalan ay Mika. Hindi mo ba napansin na naging malungkot ako nung naging kayo ni Kate?" pagpapatuloy ko.
"Sorry, hindi ko napansin at sorry dahil naging busy ako sa panliligaw kay Kate nun."
"Miguel kasi...a-ano n-nasasaktan ako." pagkasabi ko nun tumayo agad ako at tumakbo ako sa labas ng bahay namin, pero hinabol niya ako.
"Bakit nasasaktan ka?" tanong niya.
"Hindi mo parin ba naiintindihan?ganyan kaba kamanhind?Kasi mahal kita!matagal na kong may nararamdaman para sayo!" bumuhos lalo ang mga luha ko. At si Miguel?ayun natulala, inaasahan ko na ang reaksyon nya.
"Sorry Mika, pero kaibigan lang ang turing ko sayo." lalong bumuhos ang luha ko nang sabihin nya yon. For the last tinignan ko sya, at naglakad na ako pabalik sa loob ng bahay. Tinanong ako nina Chazel at Mama kung bakit ako umiiyak, kinuwento ko sa lanila ang nagyari. Tumaas ako sa kwarto ko at kinomfort ako ni Mama. Sinabi sakin ni Chazel na nagpaalam na sa kanya si Miguel para umuwi. Nakatulog ako dahil sa sobrang pag-iyak. Pagkagising ko alas-dos na ng hapon, bumaba agad ako at kumain ng tanghalian. Pagkatapos ay nagreview ako. Habang nagrereview ako naiisip ko na, na baka hindi hindi na ako kausapin at pansinin ni Miguel ang malala baka mawala na pati ang pagkakaibigan namin. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Dapat talaga hindi ko na sinabi sa kanya ang matagal ko ng nararamdaman para sa kanya ayan lalo lanb akong nasaktan, pero siguro okay na rin na saktan niya ako para matauhan at makamove on na ako.
To be Continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top