[Chapter 10]

Kate's POV

.

.

"Good morning!"masiglang bati ko pagpasok ng classroom. Pero nagulat ako ng may linagkakaguluhan sila sa harapan. Agad akong lumapit para tignan kung sino o ano yun, nang makalapit ako nakita ko si Mika na umiiyak. Lumapit agad ako sa kanya at itinanong kung bakit siya umiiyak pero tumingin lang siya sa akin at umiling.

Minabuti ko na lang na sabihin sa Teacher namin ang nangyayari pero naalala kong wala pa pala ang mga Teacher dahil 7 o' clock pa lang ng umaga at 30 minutes pa bago mag-umpisa ang klase namin.

Mabuti na lang at dumating na si Miguel at tinanong ako kung ano ang nangyari.
"Hindi ko din alam, pagdating ko umiiyak na si Mika tapos nung tanungin ko siya kung bakit....umiling lang siya."pagpapaliwanag ko.

"Sige try ko siyang patahanin."sabi ni Miguel. Lumapit siya kay Mika saka umupo sa katabing upuan nito at kinausap si Mika.

Ako naman umupo na sa upuan ko at kinuha ang libro ko para makapagreview. Nakakailang paragraph na ako ng mapansin ko ang oras at mapatingin kina Mika at Miguel, mukha tumahan na si Mika at nakaubob na lang sa desk niya , si Miguel naman tumayo na at lumapit sa akin habang nakapasok sa bulsa ang dalawang kamay.

"Okay na siya?"tanong ko. Imbis na magsalita nginitian lang niya ako at tinaas-baba ang kilay niya saka umupo sa upuan niya na sa likuran ko.
"Okay class sit down --"utos ng kapapasok lang naming Teacher, na natigilan dahil napansin siguro si Mika na nakaubob at pahikbi-hikbi pa.

"Are you crying Ms.Villanueva?"tanong ng Teacher namin kay Mika na napa-angat ang ulo. Lumapit naman ang Teacher namin at tinanong kung bakit siya umiiyak.

"Class wait lang, sasamahan ko lang si Mika sa clinic."paalam sa amin ng Teacher namin na kasamang lumabas sa room si Mika.

Lumingon agad ako kay Miguel at tinanong kung ano ang dahilan ng pag-iyak ni Mika.
"Masama daw ang pakiramdam niya."malamig niyang sabi.

"Ah....."sagot ko at bumalik na sa pagrereview.

Maya-maya lang bumalik na ang Teacher namin na may dalang isang maliit na papel.

"Class eto na yung schedule ng exams niya para sa Monday."sabi ng Teacher namin habang isinusulat niya sa blackboard ang yung schedule at syempre kinopya namin.

Tapos pinagreview lang kami sa lahat ng subjects.

"Hindi kaba kakain?"napa-angat agad ang tingin ko sa nagtanong sakin, si Miguel pala.

"Hindi, konti pa lang kasi yung narereview ko."sagot ko.

"Oh sige, punta na kami ni Vince sa canteen ha."paalam niya sakin at hinila palabas si Vince.

Bumalik na lang ako sa pagrereview. Habang nagrereview ako naalala ko nanaman kaninang umaga nung magkatabi sila, alam ko naman na hindi sila masyadong nag-usap at magkatabi lang sila pero nagseselos parin ako. Ngayon nihindi lang ako pinilit ni Miguel na sabayan siya kumain sa canteen.

Miguel's POV
.
.
Bumili ako ng tatlong sandwich yung isa para sakin, isa para kay Kate kasi masyado siyang busy sa pagrereview, at isa para kay Mika nag-aalala kasi ako sa kanya. Since, kasama ko si Vince siya na lang ang uutusan ko na magbigay nitong sandwich kay Mika. Kanina kasi apat na words lang ang sinabi niya sakin 'Masama lang pakiramdam ko' yung lang at iling na siya ng iling sa lahat ng sabihin at itanong ko sa kanya. Kaya nung medyo tumahan na siya tumayo na ako at pumunta sa upuan ko.

"Halika na sa clinic."sabay hila ko kay Vince.

"Ngayon ko lang narealize ang hilig ko palang manghila."

"Bakit ba kailangang ako pa magbigay?"tanong ni Vince.

"Basta wag ka ng magreklamo."

Tumigil kami sa labas ng clinic at pinagbilinan ko si Vince na huwag sabihin kay Mika na galing sa akin ang sandwich.

"Oo na, oo na."iritang sagot ni Vince at pumasok na sa loob ng clinic. Habang papalapit si Vince sumilip ako sa pinto at hinanap ko kung saan napapwesto si Mika, nakita ko siya sa pangalawang kama sa kanan na nakaupo.

"Hi Mika."bati ni Vince na ikinagulat ni Mika.

"Hello, bakit nandito ka?"tanong ni Mika.

"May nagpapabigay kasi nito."sabay abot niya ng sandwich kay Mika.

"Sino naman?"

"Secret daw eh."sabay tawa ni Mika.

"Sige, pakisabi kay Secret, Thank you ha."sabay ngiti.

Sa wakas nakita ko na uli siyang nakangiti at tumawa. Lumabas na si Vince at dumiretso na kami sa classroom.

"Thank you Vince."pagpapasalamat ko kay Vince.

"Hahahaha....Thank you din daw."

Nilapitan ko si Kate at ibinigay ang binili kong sandwich para sa kanya.

"Eto oh, sandwich, masyado ka kasing busy magreview. Binili narin kita para sabay tayong kumain dito sa classroom habang nagrereview ka."

"Thank you."

Tumabi ako sa kanya at sinabayan siyang kumain.

"Uhmmm....Miguel mamaya nga pala susunduin ako ni Papa may pupuntahan kasi kami right after school kaya hindi ako makakasabay sayo."

"Sige, okay lang, naiintindihan ko."malungkot kong sabi.

*Rrrriiiinnnngggg*

Lumabas at pumasok ang Teachers namin pero puro review lang ang pinagawa samin, naghalo-halo na nga yata yung mga binasa ko maghapon, sumakit at nanuyo ang mata ko kakabasa. Isinasakbit ko ang backpack ko ng malatingin ako kay Kate, hindi ko nga pala siya maiihatid ngayon. Nilapitan ko siya.

"Bye, ingat kayo nina Tito at Tita. Text na lang kita."sabi ko sa kanya.

"Sige ikaw rin, I love you."sabi niya.

"I love you too."

"Ang cheesy niyo, teh walang forever!"sabi ng isa naming classmate.

"Wag ka ngang epal sa kanila!"saway ng isa pa naming classmate.

Nauna ng lumabas si Kate dahil nasa labas na ng school si Tito. Ako naman pumuntang clinic para tignan si Mika. Buti nandito pa siya. Pumasok ako para yakagin na siyang umuwi. Nagulat siya ng makita niya akong palapit sa kanya.

"Uhmmm...Hi uli Mika."bati ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot sa halip ay ngumiti lang siya at sinuot ang bag niya.

"Uuwi kana ba?gusto mo sabay na tayo?"tanong ko.

"H-hindi pa kasi ako dinidischarge ni Nurse Pinky saka baka makagulo lang ako sa inyo ni Kate."sagot niya.

"Hindi ko kasabay si Kate ngayon --"napatingin agad ako kay Nurse Pinky na nakaupo sa desk niya at may pinipirmahan.

"Mika eto na yung letter, pwede ka ng umuwi. Sumabay kana kay Miguel, baka mapano ka pa kapag umuwi kang mag-isa."sabi ni Nurse Pinky na ikinatuwa ko naman dahil parang iniiwasan lang ako ni Mika kaya ayaw niyang sumabay sa akin.

Kinuha ni Mika ang letter at inilagay ito sa bag niya saka kami lumabas ng clinic.

Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad pero hindi parin kami nagkikibuan. Sa tuwing titingin ako sa direksyon niya ay bigla na lang siya yuyuko.

Tumigil kami sa isang tindahan para bumili ng meryenda, masarap kasing kumain habang naglalakad pauwi.

"Anong gusto mo?"tanong ko sa kanya.

"Kahit ano."matipid niyang sagot.

Bumili ako ng dalawang chichirya para saming dalawa at dalawa ring softdrinks.

"Eto na oh."

"Th-thank you."

Tumuloy na kaming maglakad. Habang naglalakad hindi ko na maiwasang hindi magtanong.

"Uhm...Mika?Bes?bakit nga pala sobrang cold mo na sakin?"tanong ko.

Napatingin naman bigla si Mika sakin na bakas samukha ang pagkabigla sa tanong ko.

"K-k-kasi a-a-ano....."bigla siyang tumigil sa paglalakad na nagpatigil din sa paglalakad ko.

Napatingin ako sa paligid at natigilan pala namin ang park na lagi naming pinupuntahan noon. Sa gitna ay may malaking fountain sa kanan naman ay may malaking playground kung saan lagi kaming naglalaro ni Mika noon na paligid ng park may mga nakapaligid na park bench na may katabing lamp post. Sobrang dami naming masasayang alaala dito sa park na to.

Umupo kami sa isa sa mga park bench.

"G-gusto mo ba talagang malaman?"tanong ni Mika sa akin.

"Oo naman."

"K-kinakabahan kasi ako eh, sa magiging epekto nitong nararamdaman ko...."panimula niya.

"Anong nararamdaman?may sakit kaba?"pag-aalala ko.

"Hindi, wala."akala ko naman, hindi na ako sumagot para maituloy na niya ang kwento niya.

"K-kasi M-miguel a-no m-may g-usto a-ko --"biglang naputol ang sasabihin ni Mika ng biglang tumawag ang Mama niya.

"Hello?Ma?"

["Hello?nasan kana bang bata ka ha?"]rinig kong sabi ng Mama ni Mika.

"Pauwi na po ako."

["Aba!padilim na!"]at ibinaba na ni Mika ang phone.

"Kailangan ko ng umuwi, papagalitan na ako ni Mama."sayang naman hindi na natuloy yung kwento ni Mika.

Nagmadali na kaming umuwi dahil paniguradong papagalitan na si Mika.

"Sige babye!Thank you."paalam ni Mika.

Ako naman kumaway na lang sa malayo dahil kailangan ko na ring umuwi. Masaya ako na hindi galit si Mika sa akin.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top