ROOBIINHOOD
*The Perfect Weapon
by ROOBIINHOOD
https://my.w.tt/mHW3wQn875
Maraming naka hospital gown ang nakapalibot sa dalawang kristal na may nakapaloob na dalawang tao doon. May kanya kanya silang bitbit na mga kwaderno na animo ay pinag-aaralan ang mga nakapaloob dito.
Isang babae at isang lalaki ang natutulog ng mahimbing sa loob ng malaking kristal na puno ng tubig upang mapanatili ang mga ito sa paglutang. May mga oxygen mask na nakasuporta sa paghinga nito na siya ding nagsusupply ng kanilang pampatulog.
Dumating ang pinuno na siyang utak sa lahat ng eksperimento. Tinignan niya ang dalawang human subject, halos hubo't hubad na ang mga ito liban sa natatakpan ang pang-ibabang pribadong parte. Pareho ding naka-krus ang dalawang kamay na nakatabon sa mga dibdib.
"Ilang taon na din ang lumipas, napakalaki na ng pinagbago nila. Tama ba?" tanong ng nakakatakot na lalaking pinagmamasdan ang pigura ng babaeng subject. +
"Yes, Sir. Malapit na ding matapos ang nga tests, malapit nang makumpleto ang human weapon natin." sagot ng pinuno sa mga siyentipiko na nanduon.
"Ilang taon pa ba ang hihintayin?" Muli nitong tanong.
"Hindi na magtatagal ang paghihintay natin Sir, sa oras na magising sila ay pwede na silang isalang sa training." Diretsang sagot sa kanya na kanyang ikinagalak.
"Good. My perfect creations will soon be revealed and all of those trash will kneel to me. I will have the most powerful human weapon ever existed in this planet. They will look up to me like a god, they will praise me." Nakangiting wika nito.
😎👍
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top