How To Love A Bastard
https://www.wattpad.com/story/9708246-how-to-love-a-bastard
By Khira1112
+++++
Mahal mo pero hindi ka mahal. Mahal mo pero may ibang mahal. Mahal mo pero hindi siya para sayo. Sana gano'n na lang lagi ang mga scenario. Mas madaling tanggapin ang pagkabigo pag tahasan kang tinanggihan dahil may iba siyang mahal. Valid ang dahilan at alam mo na wala kang pag-asa.
Pero yung matanggihan ka ng taong mahal mo dahil sa napakababaw na dahilan, hindi madaling tanggapin at kalimutan. Tatatak sa isip mo at araw-araw mong panghihinayangan. Yung may magagawa ka pero ayaw kang bigyan ng pag-asa. May tsansa pero takot siyang pagbigyan ang sarili niya. Dumidistansya at laging nag-iisa. Mahirap magmahal ng ganyang klaseng tao. Laging may takot, pangamba, hindi marunong magtiwala at hindi naniniwala sa pag-ibig.
Ang pinakamasaklap na scenario sa lahat : Mahal mo pero hindi marunong magmahal. Ang kwento ng isang babae at lalaki . Imposible pero posible. Hindi pero oo. Tama pero mali. Langit at impyerno. Ang magkabilang mundo ni Annielle Martin at Cyfer Madrigal.
😘March 9, 2019👍
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top