XV. Bestfriend
Pagkagising ko, napansin kong wala ka na sa tabi ko.
Napatingin ako sa paligid at parang nawala ang lahat ng saya na naramdaman ko. Kagabi parang nag inarte ka pang aalis ka tapos dito ka natulog sa bahay tapos ngayon aalis ka na, talaga?
O baka, panaginip ko lang lahat?
Tinapik tapik ko ang mukha ko. Hindi, hindi siya panaginip. Totoo 'yun, totoo lahat. Pagpunta ko sa kusina, nagulat ako sa nakita ko.
Pancakes.
May papel na nasa ilalim nung plato ng pancakes. Napangiti ako sa nakita ko dahil alam ko kung kaninong sulat 'yun. Sa'yo.
Have a nice day.
Napangiti ako kaagad. Hindi nga 'yun panaginip. Ayos na nga tayong dalawa. Best friends na tayong dalawa.
“Gising ka na pala” Napalingon ako sa may sala. Nakita ko si Eos na nakaupo at hindi lumilingon sa akin. Lumapit ako sa kanya at dapat ay hahalikan ko siya sa pisngi pero nilayo niya.
Nagulat ako.
Tumayo siya at tumingin sa akin. Sa pagtayo niya ay parang napuno siya ng angas.
“Itigil na natin 'to” Napatingin ako sa mata niya. Hindi ako makapag salita. Hindi ko mapag kakailang minahal ko si Eos kaya bakit nagkakaganito…
“B-bakit?”
“Tama na 'tong lokohan natin” Lumapit siya sa akin at pinatong ang dalawa niyang kamay sa magkabilang balikat ko.
“Mahal na mahal kita at gusto kita sumaya” Sa bawat salitang binanggit niya, tumagos ito sa puso ko.
“Pero masaya naman ako eh” Niyakap naman niya ako, mahigpit na mahigpit.
“Alam ko masaya ka na kaya kailangan ko na umalis. Gusto ko magalit sa'yo pero hindi ko magawa. Gusto kita kalimutan pero hindi ko magawa. Kailangan ko nang magpaalam ngayon, ngayong masaya ka na” Inialis niya pagkakayakap sa akin at nagmadaling buksan ang pintuan palabas.
Humarap siya sa akin at laking gulat ko nang makita kong umiiyak siya. Oo, si Eos. Umiiyak.
“Bye” Ngumiti siya sa akin at isinara na ang pintuan.
Natulala ako sa harap ng saradong pintuan. Hindi ko alam kung ano gagawin o sasabihin ko. Gusto ko man umiyak pero walang luha ang gustong lumabas sa mata ko. Bakit, bakit ganito nararamdaman ko?
Eto ba 'yung sinasabi mong ‘have a nice day’?
---x
Dedicated to Ingrid:
"hay buhay, minsan di mo malaman ang trip. sa kwentong ito, madami akong napatunayan. :D"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top