XIV. Bestfriend
Nag-usap tayong dalawa.
Para ngang wala nang bukas ng mag usap tayong dalawa.
No drama. No lies. No negative vibes.
Para tayong nagbalik sa dati.
Best friend mo ako at best friend kita.
Mag best friends tayo.
Mag best friends lang tayo.
Walang nararamdaman.
Walang galit. Walang kirot. Walang sakit. Walang paghihirap. Walang pagmamahal ng mas mataas pa sa best friend.
Napansin ko na panay ang tanong mo sa akin. Kamusta na ako, kamusta na si Eos, kamusta na kami ni Eos, kamusta na ang studies ko at kamusta na ang paninirahan mag isa. Puro patungkol sa akin.
“Kamusta ka na ba?” Ngumiti ka pero ipinagtaka ko ay biglang kang tumayo mula sa pagkakaupo. Sinundan kita ng tingin at nagulat ako nang buksan mo ang pintuan palabas ng bahay.
“Aalis ka na?” Tanong ko at tumango ka.
“Iiwan mo ako dito?” Naglakad ako palayo.
“Dito sa madilim na lugar na 'to” Kunwari nag eemo ako.
“Nag iisa. Nilalamig. Nilalamok. Natatakot” Bigla kang tumawa ng malakas. Sinara mo ang pintuan at lumapit sa akin. Pinisil mo ng pagkadiin diin 'yung pisngi ko kaya pinisil ko din 'yung pisngi mo ng madiin.
Padiinan tayo.
Pasakitan.
Tae ka.
Gaganti ako sa lahat ng sakit na ibinigay mo sa akin these years!
Joke lang.
Nagtawanan lang tayong dalawa habang himas himas ang sarisarili nating pisngi. Hindi ko namalayan, nandito na pala tayo sa higaan ko, nakahiga.
Nagkatinginan tayong dalawa.
Tumingin ako sa'yo kaya tumingin ka din sa akin.
Sabay ngiti.
Eto na ang pinaka masayang gabi ko sa buong buhay ko.
Magkatabi tayo ngayon, natutulog.
Walang malisya. Walang pipigil.
Mag bestfriends kasi tayo
---x
Dedicated to Alys:
"At ako'y nagbabalik. Buti na lang every page may update. Mas madali basahin.
Grabe, Rayne! Nakakadala itong story mo. Di man ako nakakarelate ng bongga, feel na feel ko pa rin yung emotions dito. Ang ganda ng kwento. Sana ayos na talaga yung magbestfriend
Good job!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top