X. Bestfriend

Ngumiti ka at ayaw ko man ay napangiti din ako.

Kagaguhan.

Anong tong kagaguhan na 'to?


“Kamusta?” Ngumiti ka na parang walang nangyari nung huli nating pag uusap. Nakakainis. Nakakaasar. Parang nalimutan mo na lahat ng sakit na ibinigay mo sa akin dati.


“Ok lang” Pinatuloy kita sa bahay, binigyan ng juice at umupo tayong dalawa sa sofa.

Walang nagsasalita. Walang kumikibo. Wala.

Tanging ang tv lang ang nagbibigay ng ingay sa buong bahay.


Awkward silence.

Magsasalita na sana ako para tanungin kung hindi ka pa uuwi pero naunahan mo ako.


“Kayo pa din?”

Tumingin ka sa mga mata ko na parang interesado kang malaman kung kami pa ni Eos. Napangiti ako bigla. Hindi ko naman sinabi sa'yo na sinagot ko na siya pero alam mo.


“Paano mo nalaman?” May care ka pa pala sa akin.


“Kalat sa school bago ako umalis”

Parang biglang nadurog ang puso ko ng sabihin mong kalat sa school. Parang ipinahiwatig mo sa akin na kaya mo lang nalaman ang tungkol sa amin ni Eos ay dahil kalat sa school. Ayaw mong malaman pero nalaman mo.


Bwisit ka.


“Ah…” Hindi ko na alam ang sasabihin ko. We've been bestfriends for years pero mukhang hindi nga talaga kita kilala. Hindi ko pa talaga kilala ang tunay na ikaw.

Wala kang kwenta.

Wala akong kwenta.

Katahimikan.

Binalot na naman tayo ng katahimikan.

Hindi na talaga tayo tulad ng dati kung saan bata pa tayo. Hindi na tayo 'yung tulad ng dati na pwede nating sabihin ang lahat ng bagay sa isa't isa. Hindi na tayo 'yung tulad ng dati na maingay kahit na tayo lang dalawa.


Hindi na tayo 'yung dating magkakilala pa.

Hindi na tayo 'yung dating magkaayos pa.

May sarili na akong buhay.

Siguro ay may sarili ka na ring buhay.

Kanya kanya na tayo ng mundo.

Hindi na tayo 'yung dating:


“Bestfriend”



---x
Dedicated to Clarisse:
"Gosh, nakakaiyak. Grabe. Ang hirap ng ganung buhay.  :( By the way, I'm a new reader. Clarisse here. I love your story. 100 thumbs up!  :D Nakakaiyak at nakakaawa. SOBRAAAAA  :( Nararamdaman ko na yung sakit na nararamdaman niya. Kahit hindi ko pa 'to naramdaman.  Anyway, keep up the good work! God bless."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top