VIII. Bestfriend
Nag iba ka na.
Hindi na ikaw 'yung lalakeng nakilala ko.
O baka iba 'yung lalakeng nakilala ko noon?
Papunta ako ng 7eleven at dala dala ko pa rin 'yung sakit ng pag iisnob mo sa akin. Mugto pa din ang mga mata ko pero wala na akong pakielam. Minsan kasi naiisip ko, itong 7eleven na 'to ay isa sa mga nagpapasaya sa akin.
Hindi pa ako nakakalapit sa 7eleven ay may natanaw akong lalake na nakatayo. May binuga siyang usok at sa di malamang kadahilanan, kinabahan ako.
Lumapit ako ng kaunti ng may lumapit na babae sa lalakeng 'yun. Kinuha nung babae 'yung stick ng sigarilyo na hawak hawak nung lalake at siya naman 'yung nanigarilyo.
Nangilabot ako ng nilapit nung babae 'yung bibig niya sa bibig nung lalake at binuga 'yung usok ng sigarlyo sa bibig nung lalake. Pero mas kinilabutan ako dahil pagkatapos ng ginawa nilang mag'share' ng usok sa mga bibig nila ay naghalikan sila.
Lumapit ako lalo at mukhang mali ata ang paglapit kong 'yun. Parang tinusok ng isang libong karayom 'yung puso ko sa nakita ko. Ayoko man maniwala sa nakikita ng mga mata ko pero hindi eh, totoo 'to.
Anong ginagawa mo?
Bakit ka nagkakaganyan?
Anong nangyayari sa'yo?
“Babe, kilala mo?” Tumingin kayong dalawa sa akin pero hindi ko pinansin 'yung babae at sa'yo ako nakatingin. Hindi ko masyadong maaninag ang mga mata mo dahil against sa light pero alam kong nakatingin ka sa akin.
“Wait lang” Nakatitig lang ako sa'yo. Hindi ko labis maisip na hahalikan mo 'yung babaeng 'yun sa harap ko na para bang sinigaw mo sa tenga ko na hindi mo ako mahal.
Hinatak mo ako papasok ng 7eleven habang naiwan 'yung babae na kahalikan mo sa labas, naninigarilyo. Hindi ko inaakalang mapapasama ka sa ganyang klaseng tao. Hindi ko inaakalang ang dating ikaw na kilala kong ayaw na ayaw sa usok ng sigarilyo ay maninigarilyo.
“Bakit ka nandito? Gabing gabi na” Tinitigan kita sa mata. Gusto ko makita mo sa mga mata ko na naiinis ako sa'yo at nagagalit sa mga kinikilos mo.
“Bakit ikaw? Bakit ka nandito? Para makipaghalikan sa babae at manigarilyo?” Sumama ang tingin mo sa akin na parang sinasabihan mo ako ng 'shut up'. Nagtinginan lang tayong dalawa na parang may halong galit ang bawat segundong lumilipas.
“Wala kang alam”
“Wala akong alam kasi hindi mo naman pinapaalam. Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka ba nagkakaganyan? Akala ko ba best friends tayo!?” At sa puntong 'yun, parang nagkamali ako ng pagpili ng salita. Dapat pala hindi ko sinabi 'yung akala ko best friends tayo. Hindi ko inakalang sa pagbigkas ko ng mga salitang iyon ay siya ding magpapaiyak sa akin.
“Akala mo lang 'yun” Tinignan mo ako sa huling pagkakataon at iniwan ako. Lumabas ka ng 7eleven habang ako, umiiyak na naman. Dahil sa'yo.
Dahil akala ko, kahit masakit—best friends tayo.
Akala ko lang pala 'yun.
---x
Dedicated to Blue:
"bakit ba nasasaktan ako tuwing nasasaktan yung bida sa storyang to? ano bang mahika ang ginamit mo rayne para maiparamdam sa akin ang sakit? nakakainis ka
napapaemo ako :'("
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top