VII. Bestfriend

Mahirap ang padalos dalos, alam ko.

Pero sa nakikita ko at sa nakita ko, masaya ka na sa piling ng ibang babae. Hindi ko siya kilala, mukhang wala kang balak ipakilala sa akin. Masaya ka? Fine. Bahala ka na.


Gusto ko din sumaya.

Sa apat na taon nating magkasama, laging kaligayahan mo ang iniintindi ko dahil sa tuwing nakikita kitang masaya, masaya na din ako.

Pero, iba na ata ngayon.

Sa apat na taon nating magkasama, ngayon lang ako nalungkot ng sobra. Siguro dahil hindi mo pinakilala sa akin ang babaeng 'yan? Siguro kasi may nakita akong dapat hindi ko nakita?

Ewan. Siguro lang 'yun.

Dumating ang kinabukasan, magkaklase tayo. Iniiwasan kita pero parang wala lang sa'yo ang pag iwas kong 'yun. Nakakainis. Nakakabwisit. Parang wala lang ako sa'yo. Hindi ako nagdedemand bilang isang babae.

Nagdedemand ako bilang bestfriend mo.

Best friend mo.

Lang.

Wala. Isang linggo.

Parang hangin na lang ako sa'yo.

Hindi ko magawang sumaya kahit na kasama ko lagi si Eos.

Hindi ko magawang sumaya kahit na prinsesa ang turing ni Eos sa akin.

Hindi ko magawang sumaya.

Nakakainis.

Isang buwan. Isang buwan tayong nagpapakiramdaman o baka ako lang ang nakikiramdam.

Hindi mo ako masyadong pinapansin at parang nawala na ako sa buhay mo. Nakakainis. Hindi kita magets. Ang gulo mo. Bakit mo ba ako ginaganito?

Best friend mo ako di ba?


“Uy…” Tinawag kita pero hindi ka lumingon na para akong hangin na tinagusan mo lang. Nilapitan kita at hinawakan ko ang braso mo. Tumingin ka sa akin at parang nagbalak ka pang hindi ako pansinin.

Ngumiti ka.

Nakakainis, ang plastic mo.


“Oh ikaw pala 'yan, bakit? Long time no talk” Gusto kitang sabunutan sa sinabi mong 'yun. Isang buwan tayong magkaklase, pero anong ginawa mo? Deadma.


“Mag usap naman tayo” Nagpupumilit na ang mga luha ko na lumabas sa mata ko pero kailangan kong pigilan. Kailangan kong magtimpi. Kailangan kong magtiis.

Ang sabi ko, hindi ako iiyak.

Kaya hindi ako iiyak.

Ngumiti ka na naman.


“Wala naman tayong pag uusapan. Sige, busy ako. Bye” Inialis mo ang pagkakahawak ng kamay ko sa braso mo. Umalis ka at iniwan mo ako.

Best friend? Nasaan na ang best friend ko?


Pagod na akong umiyak.

Pero umiyak pa din ako.



---x
Dedicated to ate Katt:
"super relate mode naman ako sa 'bestfriend'. first chap pa lang, sobrang tagos na sa puso ko. okay bading  :D  Pero seryoso, ang ganda. :D

New Reader! <3"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top