VI. Bestfriend
Sa apat na taon na lumipas na nakilala kita.
Wala ni isang lalake ang pumukaw ng atensyon ko. Wala akong ibang nagustuhang lalake. Walang ni isang lalake ang nagningning sa mata ko.
Siguro kasi wala ng ibang hinahanap ang puso ko.
Ikaw lang.
Ikaw lang talaga.
Para sa akin, ikaw na ang lahat.
Ikaw na ang lahat ng hinahanap ko sa isang lalake. Hindi ka man perpekto, hindi man ikaw ang lalakeng pinagkakaguluhan ng mga babae, alam ko sa sarili ko—ikaw ang kailangan ko.
Pero 'yun ay para sa akin lang.
Ang mali ko kasi, hindi ko inaalam kung ano nga ba ang para sa'yo. Alam ko sa una pa lang, wala na ako sa'yo.
Best friends lang talaga.
'yun na 'yun.
Habang nagmumukmok ako sa kwarto ko at iniisip ang mga nangyari kanina, nagvibrate ang selpon ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang pangalan mo. Nagtext ka na pumunta ako sa bahay niyo within 15 minutes.
Natuwa ako siguro kasi naalala mo ako. Excited ako kaya naman ay nag ayos lang ako't pumunta na agad agad sa inyo. Masaya ako, basta feeling ko maganda ang mangyayari pag nagpunta ako sa inyo. Masaya ako siguro kasi makikita kita. ewan ko, masaya lang talaga ako.
Pero hindi naman lahat ng saya ay nananatali.
Madilim na ang paligid at tanging isang poste ng ilaw na lang ang nagbibigay liwanag sa buong kalsada. Sa baba ng poste, may nakita akong dalawang tao na parang ang saya sayang magkayakap.
Lumapit ako ng kaunti at tinitigan ng mabuti ang senaryo. Napagtanto ko na lang na nanood na pala ako sa paghahalikang nagaganap sa harap ko. Isang romantikong paghahalikan ang nangyayari na naging dahilan ng pagtulo bigla ang luha ko.
Ang sakit, ang ng puso ko.
Tumalikod ako't umiyak dahil napagtanto ko:
Ikaw pala 'yun at isang babaeng hindi ko kilala.
Nawala na lang bigla lahat ng saya na naramdaman ko kanina na parang kinuha mo lahat ng lakas ko. Pumasok ako sa 7eleven nang hindi ko alam kung anong gagawin ko dito nang makita ko si Eos.
Lumapit siya sa akin at niyakap ko siya.
Inis na inis ako sa sarili ko. Bakit ba ako umaasa sa'yo? Bakit ba ako aasa sa best friend ko? Bakit ba kailangan magpakatanga ako sa best friend ko?
Best friend lang kita, best friend lang.
At masasabi kong ang tanga tanga ko nang maisip kong magiging masaya ako.
“Eos, pumapayag na akong ligawan mo ako”
---x
Author's Note:
Happy 11/11/11 and 18th birthday to me! :)
Dedicated to Jane:
"anyway, i love this story. i'm a sucker for bestfriend-unrequited love stories. feel na feel ko bawat line. feeling ko tuloy ako yung bida. haha. ang hyper pa man din ng imagination ko. :D
silent reader ako dati, lumitaw na ako ngayon! busy kasi eh. ;D i'll try to post comments as often as I can. ;)"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top