IV. Bestfriend
Kailangan kong ipaulit-ulit alalahanin na best friend kita at dapat ay hanggang dun lang ang pagmamahal na dapat na ilaan ko para sa'yo. Kailangan kong kalimutan na mahal kita higit pa sa matalik na kaibigan.
Nagtagal ang relasyon niyong dalawa. Masaya ka, masaya siya at ako? Masaya ako...ata? Nagparaya ako dahil alam kong mahal niyo ang isa't isa.
Sabit lang ako.
Oras, araw at buwan ang lumipas. Walang bahid ng kung ano mang paghihiwalay ang inyong relasyon. Naalala ko nga nung prom night natin, sinayaw mo ako nun at masayang masaya ako.
Naging prinsesa ako panandalian dahil sa pagsayaw mo sa akin. Ang masama nga lang, siya ang pinag uusapan natin noon. Gusto ko sanang sabihin sa'yo na inis na inis na ako sa'yo dahil siya na lang lagi ang bukambibig mo.
Siya na lang lagi.
Pwede namang ako muna.
Kahit nung oras lang nun.
Pero ano nga ba ako?
Best friend.
Oo, tanging best friend mo lang ako kaya wala akong karapatan. Tungkulin ko lang naman bilang best friend mo ay maging and'yan sa tabi mo tuwing kailangan mo ako.
Nothing more.
Nothing less.
Lumipas ang minuto nung gabing 'yun. Tumigil tayo sa pagsasayaw dahil last dance na. Alam ko naman sa una pa lang, siya na ang gusto mong last dance kaya naman umalis ako sa dancefloor at naupo.
Masayang masaya kayo sa huling sayaw. Ako, nakatingin sa inyo, nakangiti habang tumutulo paunti-unti ang luha.
Masaya ako, 'wag kang mag alala.
Masaya ako dahil kahit sa akin lang.
Ikaw ang una at huli kong sayaw.
Umuwi ako ng luhaan pero may ngiti sa labi. Gusto ko ialis ang larawan sa isip ko nung mga sandaling nakatingin ako sa inyong dalawa na masayang nagsasayaw pero hindi, ako mismo ang gumagawa ng paraan para ako ang masaktan.
Makakatulog na sana ako ng bigla kang pumasok sa kwarto ko.
Wala kang sinabi. Nagulat na lang ako nang bigla bigla ay niyakap mo ako, umiiyak ka at hindi ko alam ang gagawin ko. Kung noon ay malungkot ka lang nung niyakap mo ako, masaya ka nung niyakap mo ako—ngayo'y umiiyak ka na.
“Bakit? A-anong nangyari?”
Umiyak ka lang ng umiyak at sinabing:
“Hindi na niya ako mahal”
Gusto ko din mapaiyak nung mga oras na 'yun at sabihin sayong: "ang tanga mo kasi, ako nagmamahal sa'yo" pero bakit ko sasabihin 'yun? Para sirain pagkakaibigan nating dalawa?
'wag na lang.
---x
Dedicated toKyu:
"hindi man ako maka-relate ng bonggang-bongga e natutuwa pa rin akong basahin ito.Ang ganda kasi ng pagkakagawa! Galing! Idol talaga kita AUTHOR! Keep it up!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top