III. Bestfriend
Sa totoo lang, mahirap ang magkagusto sa'yo.
Parang dati lang, wala akong pakielam sa pagngiti mo sa akin. Wala akong pakielam sa paghawak mo sa mga kamay ko. Wala akong pakielam sa pagtinginan natin. Wala akong pakielam sa pag akbay mo. Wala akong pakielam sa mga sweet gestures mo.
Pero ngayon, iba na.
Ibang iba na.
Magkadikit lang mga balat natin, para akong nakukuryente.
Makita ko lang na ngumiti ka, feeling ko ang saya saya ko.
Yakapin mo lang ako, para akong nakahigh.
Feeling ko adik ako.
Adik na adik.
Adik sa'yo.
Pero sabi nga nila, sa bawat saya mo ay may kasamang kalungkutan. At ang kalungkutang iyon ay nagsimula nung fourth year highschool tayo. Dapat ay maging masaya ako para sa'yo pero hindi eh, mahirap.
Kaklase natin 'yung babaeng matagal mo nang binabanggit sa akin dati pa, yung babaeng matagal mo nang sinasabihan ng maganda at 'yung babaeng matagal mo ng gusto.
Martyr nga siguro ang tawag sa akin.
Tinulungan pa kita sa kanya.
Bestfriend kasi kita.
Kaibigan ko siya.
Wala pang isang buwan ay sinagot ka na kaagad niya. Alam ko kasi sa umpisa ay may gusto din siya sa'yo. Niyakap mo ako ng mga sandaling matapos kayo mag usap ng panibago mong nobya.
Niyakap mo ako ng mahigpit.
Mahigpit na mahigpit.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa pagyakap mong 'yun.
Matutuwa ba ako dahil masaya ka?
o
Malulungkot dahil masaya kang kayo na ng taong gusto mo?
Pwede bang both?
Syempre hindi.
Nangibabaw ang kalungkutan.
Nangibabaw ang luha.
Nangibabaw ang sakit.
Ang sakit pala
Ang sakit palang makita kitang masaya.
Ang sakit palang makita kitang masaya kasama ang iba.
Ang sakit palang makita kitang masaya kasama ang ibang babae.
Nakakairita
Nakakainis.
Nakakabwisit.
Ang tanga tanga ko.
Hindi pala kita gusto.
Mahal na pala kita noon pa.
---x
Dedicated to Joyce:
"aww.. ang cute talaga ng pagkakasulat mo nito, yung way ng pagnanarate nung bida ng story it's like im reading her blog or nagkukwento lang talaga sya. yay for this chapter! :)"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top