II. Bestfriend
Nakakatawa man isipin pero pumasok sa isip ko na itinadhana tayong dalawa para magkita nung araw na 'yun.
Umuulan ng malakas.
Wala akong payong.
Sumilong ako sa 7eleven.
Naabutan kitang umiyak.
Dahil saan? Dahil sa isang heartbreak.
Sa heartbreak na 'yun na hanggang ngayon ay hindi ko kilala kung sino ang nagpaiyak sa'yo, nakilala ko kung sino ang tunay na ikaw. Hindi pala ikaw 'yung epal na mayabang na ipot na panget na kaklase ko.
Ikaw pala 'yung lalakeng magalang, makulit, at maalaga.
Hindi ko alam pero sa apat na taon nating pagiging magbestfriend, hindi ko naisip na bigla kang mawawala sa akin. Hindi ko naisip na iiwan mo lang ako basta basta. Hindi ko naisip na baka sa isang iglap, mawawala ka sa akin.
Hindi ko 'yun naisip.
Hindi ko 'yun iniisip.
Hindi ko 'yun iisipin.
Ayoko kasi isipin.
Basta.
Ayoko.
Ayoko lang.
Naalala ko pa dati nung 3rd year tayo. Nagpaalam ka pa sa akin kung pwede mo bang ligawan 'yung kaklase natin. Natuwa ako sa pagtatanong mo na 'yun. Para kasing gusto mo muna ng pag-oo ko bago ka manligaw sa ibang babae.
Hinayaan kita. Hinayaan kitang maging masaya sa piling ng ibang babae. Kasiyahan mo 'yun at wala akong karapatan tanggalin ang kasiyahan mo kahit ako ang iyong matalik na kaibigan.
Pero isang buwan lang tumagal ang inyong relasyon. Naghiwalay kayo dahil may iba siya at naiwan ka. Naalala ko kung gaano kalungkot ang iyong mukha. Ikinuwento mo sa akin ang lahat at pagkatapos nun ay ikinagulat ko ang iyong ginawa.
Niyakap mo ako.
Nagulat ako sa pagyakap mong 'yun. Para akong natulala sa ginawa mo kasama na ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang nakukuryente pa ako. Feeling ko nasa langit ako, feeling ko ako na ang pinaka masaya at pinaka maganda sa buong mundo.
Ngunit nawala ang kurba ng ngiti sa aking mga labi nang naalala ko ang dahilan ng pagkalungkot mo, nang naalala ko kung bakit mo ako niyakap at nang naalala ko ang lahat kung anong dahilan.
Parang gusto ko umiyak.
Gusto ko umiyak sa harap mo.
Umiyak dahil napagtanto ko.
May gusto na pala ako sa'yo.
---x
Dedicated to ate Mae:
"Nakakarelate ako sa nag-nanarrate. Ganyang ganyan din ako dati. Hay. Nakakalungkot lang pag naiisip kong hanggang magkaibigan lang talaga. :("
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top