Bestfriend

Halos walang paglagyan ang tuwa na bumabalot sa 'yo noong araw na ikaw ang nanalo at hirangin bilang "Ms. Irvine" ng university natin. Ibig sabihin, ikaw ang pinaka magandang babae sa buong paaralan na ito.

Kahit hindi mo kilala ang ibang estudyanteng bumabati sa 'yo, patuloy mo pa rin silang sinusuklian ng matamis mong ngiti.

May iba pa na gumawa ng tarpaulin at banner para masuportahan ka sa pinaka inaabangang event ng school na 'to-- iyon nga ay "Ms. & Mr. Irvine"

Ang dami mong taga suporta. Halos lahat nasa iyo ang atensyon. Kapag dadaan tayo sa cafeteria para kumain, palagi kang binabati ng mga estudyante o maging guro man. Nasa 'yo lahat ng mata.

Mahirap talagang itanggi na napaka ganda mo, Ellen. Kaya nga nagpapasalamat ako at ikaw ang naging bestfriend ko simula nitong high school pa tayo. Kahit sino, nahuhumaling sa angking ganda mo.

Pero sa dinami-rami ng manliligaw mo, wala kang sinasagot dahil gusto mo munang magtapos ng kolehiyo. Agree ako sa 'yo doon. 'Di ba nga't sabay tayong ga-graduate ng single?

Pero isang araw...

Umusbong ang balita na patay ka na raw. Nakita ka sa isang parke na nakahandusay, puno ng saksak ang leeg at naliligo sa sariling dugo.

Hindi ito matanggap nila Tito at Tita. Galit na galit sila sa gumawa no'n sa 'yo kaya naman nagpa-imbestiga sila para sa hustisya mo. Pero ang nakakalungkot, walang lumitaw na suspect.

Tatlong linggo na ang nakakalipas. Tatlong linggo na 'kong walang kasama. Wala na ang pinaka matalik kong kaibigan. Wala na akong kasama kumain sa cafeteria, wala na akong kasama mamasyal sa labas, wala na ang susuportahan kong bestfriend.

Masyado na kitang nami-miss, Ellen.

Tuwing gabi, hindi ko alam kung ba't naririnig ko sa isip ko ang pagtawa mo. Gumuguhit sa isipan ko ang mala-anghel mong ngiti. Bagay na lalong nagpapahirap para sa akin na mag move on.

Nami-miss ko na rin kapag pinupuri mo ako. Palagi mong pinapagaan ang loob ko sa t'wing masama ang lagay ko. Para na kitang ate, Ellen. Ikaw ang nagmistulang bituin sa madilim kong kalangitan.

Dahil sa masamang balita na iyon, maraming nalungkot na taga-suporta mo sa school. Maraming guro ang nanghinayang sa angking talino mo. Maraming lalaki ang nasawi sa pagkawala mo.

Gano'n ka kamahal-mahal, Ellen.

Pero mas mahal kita.

Dumadaong ang konsensya sa loob ko pero sa kabila no'n, wala akong pagsisisi na nakilala kita at naging matalik na kaibigan.

Alam mo rin na bukod sa 'yo, mahal na mahal ko rin ang aso kong si Wiggy. Pinakilala ko pa nga sa 'yo bago ka mawala. Pero nagalit ka sa 'kin dahil sabi mo, allergic ka sa aso.

Oo nga pala, allergic ka nga pala sa aso.

Pero ang hindi ko lang matanggap noong oras na iyon, bakit mo siya sinaktan?

Bakit mo hinampas ng tubo sa ulo si Wiggy kahit na hindi naman siya lumalapit sa 'yo?

Nakakapanghinayang na dahil do'n, nabasag ang ulo ni Wiggy at namatay. Dumagdag ka pa nang iwan mo 'ko.

Sayang, mahal kong Ellen.

Kung hindi mo lang sinaktan at pinatay ang aso ko, eh 'di sana hindi kita pinatay.

----
E N D .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #bestfriend