Kabanata 7

"Pwede namang sarili mo nalang ang isipin mo. Pero dahil 'feeling' super woman ka, ayan, masarap?"

"Puta---" Mabilis kong tinampal ang kamay ni Cloud nang diinan niya ang paglalagay ng betadine sa pisngi kong may sugat.

Napangisi naman siya at kinuha ang band aid, "H'wag ka nga sumimangot. Halika lalagyan ko na nang band aid."

"Hindi mo naman kailangan gawin 'to."

"Kailangan. Remember? You're my responsibility. Parang hindi lang ako nakasabay sa 'yo kahapon ayan, may bangas ka na naman."

"Bangas?!" Napahalukipkip ako, "Hindi 'to bangas. Alam mo, dapat gumawa rin kayo ng gamot na makakapagpabago sa mga ugali ng bully. Pinagtanggol ko lang si Noctis, kung ano ang tama." Pagde-depensa ko sa sarili.

Hindi ko nga alam kung gaano katagal akong naupo do'n nang iwanan ako ni Noctis. Bumalik lang ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ng lalaking 'to at ayun, imbes na mag-alala eh inasar pa ako.

"Lumapit ka dito," tinanguan niya ako at wala sa loob nalang ako na lumapit para matapos na ang paglalagay ng band aid. "Boys are boys. Bullies are bullies. Alalahanin mo na IKAW ang dapat mag-adjust."

"A-Aray!" Saka ko siya mahinang tinulak. Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko, shit talaga. Diniinan na naman.

Habang siya nama'y tatawa-tawa nalang na parang hindi masakit 'yung ginawa niya.

Ayos 'to ah? Baka nakakalimutan niyang mas matanda ako sa kanya? Kahit hindi ko alam ang eksaktong edad nito ay alam kong mas matanda pa rin ako base sa una naming pagkikita.

Tumayo siya at binalik ang medical kit sa banyo. Napabuga nalang ako sa hangin at inalala ang kahapon. Hindi ko pa naiisip pero kaagad na akong napalingon sa kama ko kung saan nakapatong ang puting panyo ni Noctis.

"You're really a dumb,"

Mariin akong napapikit dahil pakiramdam ko, narinig ko na naman ang boses ni Noctis. Medyo sanay naman na akong marinig 'yun pero...

Hindi. Wala lang 'yun.

"Don't ever do that again,"

Malamig ang tono niya. Walang emosyon ang tingin. Pero bakit iba 'yung nafe-feel ko kapag naaalala 'yun? Wala naman sigurong special do'n?

Pero hindi eh, para bang ano...

Hays!

Napayuko ako at tinampal ang dalawang pisngi ko dahil sa mga karumal-dumal na nararamdaman o naiisip ko pero kaagad ko din 'yung tinanggal at napangiwi.

Aw. Natampal ko 'yung sugat ko. Huhu.

"Hey Lindsay,"

Umangat ang tingin ko kay Cloud na nagpupunas ng kamay at lumapit sa akin. "Hindi kaya... may crush ka kay Noctis?" At lumabas ang nakakainis na ngiti nito sa labi.

Pero ugh! Ang tanda ko na para magkagusto sa bata! Child abuse 'yun! No fucking way.

"H'wag mong bigyan ng malisya 'yung ginawa ko, stupid!" Napairap ako at sumandal nalang sa upuan. Kinuha ko rin ang cellphone ko at nagbukas ng fb at wow, halos sumabog ang notif ko sa dami.

Kung sa bagay, ilang araw na akong hindi nagfa-facebook. At syempre, ilang araw ko na ring hindi nare-replayan ang mga kaibigan ko sa text. Maski tawag ay iniisnob ko.

Huhu. Sorry!

Dahil bahagya akong nalungkot, nag-log out nalang ako nang biglang may pumasok na message sa inbox ko.

From: Bubbles

Girl! We miss you! Bakit 'di ka na nagte-text o kahit tawag man lang? Makipagkita ka naman sa amin. Sobrang busy mo ba sa trabaho? Sana magreply ka. Ingat ka palagi!

Napakurap ako ng ilang beses. Simula nang maging bata ulit ako ng sampung taon ay hindi na ako tumitingin sa inbox ko maiwasan lang ang mga text nila pero...

Ano ba 'yan, naiiyak ako!

"Bakit hindi mo i-text na inaayos mo ang buhay mo para tantanan ka." Malupit na suhestiyon ng katabi ko na ngayong si Cloud.

Lumunok ako at pinatay ang phone, binagsak ko 'yun sa lamesa, saka ko siya tinignan ng masama. "Magpalit kaya tayo ng sitwasyon?! Gano'n kadali?! Ha?!"

"Wo-Woah, easy..." at marahan itong natawa.

"Saka..." huminga ako ng malalim at tumingin sa bintana, "Kapag nireplyan ko si Bubbles, baka masabi ko pa 'yung sitwasyon ko. Baka maiyak pa ako. Baka hindi ko siya matiis."

Sa aming limang magkakaibigan, kay Bubbles talaga ako pinaka open. Sa kanya ko una lagi sinasabi ang nararamdaman ko bago kila Cassey. Hindi din kasi seryoso kausap 'yung mga 'yun minsan. Kumbaga, na-sobrahan sa pagka-kalog.

"Oh, poor little girl."

Hays. Napaka seryoso ko tapos babanatan ako ng pang-asar?! Kahit kailan talaga.

Nawala ang pag-e-emo ko nang may sunod-sunod na kumatok sa pinto. Nagkatinginan kami ni Cloud. Bigla akong kinabahan dahil baka mamaya isa na iyan sa mga kaibigan ko.

Omg. Paano pagnakita nila akong ganito? Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Magtatago ba ako? Anong sasabihin ko tungkol kay Cloud? Waaaah bigla akong nataranta!

Nginitian ako ni Cloud at walang pasabing lumakad papunta 'ron. Argh! Bakit parang alam niya gagawin niya?! Hindi niya ba alam na ma-intriga 'yung mga babaeng 'yun!

"Te-Teka lang!" Mahinang usal ko kay Cloud pero hindi ako nito pinansin.

Binuksan niya ang pinto at malapad na ngumiti sa taong naroon.

"Si-Sino ka? Nasaan si Lindsay?"

Napakagat ako sa ibabang labi. Somehow, nawala ang kaba ko dahil hindi 'yun isa sa mga kaibigan ko. Pero nasa akin pa rin ang kaba dahil nandiyan na 'yong kinakatakutan ko...

Naniningil na sa upa.

"Ay, natutulog po siya. Ano pong kailangan niyo?"

Kung makipag-usap si Cloud ay parang scripted na sa utak niya kung anong sasabihin. Nando'n pa rin 'yung pagiging pa-cool. Hays.

"Ngayon ang due date para sa upa. Pwede bang pakigising mo?" Masungit na utos ni Aling Benggay-- 'yung landlady.

Marahang natawa si Cloud at napakamot sa ulo, "Pasensya na po manang pero, gusto niyo po ba na sinisira ang tulog niyo?"

Parang gago!

"Anong sabi mo, hijo? Sino ka ba, ha?" Ayan na, tumaas na ang boses ni Aling Benggay.

"Uhm, Boyfriend niya po ako."

Bigla akong nasamid dahilan para mapaubo ako. Pasimple namang tumingin sa akin si Cloud at nakita ko ang pagkunot ng noo nito.

Geez, ang daming pwedeng dahilan 'yun pa?! Ugh.

"Gising na yata siya eh-- Lindsay!"

"Ah," may dinukot si Cloud sa kanyang bulsa. Kinuha nito ang kanyang itim na wallet. "Magkano ba? 3k? 5k? 7k?" Saka siya nag-abot sa landlady ng pera. "Oh ayan 10k. Bye,"

Inis ko 'tong pinagkunutan ng noo nang sinaraduhan niya bigla si Aling Benggay. Nakangiti siyang namulsa sa harap ko at sumandal sa pinto.

"10k? 5k lang upa ko dito!" Bulalas ko.

"Baliw ka ba? Hindi ko naman pera 'yun, galing 'yun sa company. Saka, may allowance ka 'wag kang mag-alala." Kampanteng anito.

Napairap ako. Sayang 'yung 5k. Nai-imagine ko na tuloy si Aling Benggay na naglalakad palayo habang may malaking ngiti sa labi at sinasabing, "Bigtime naman ng jowa ni Lindsay, sana nandoon siya palagi. Hehehe,"

Ugh!

"Eh bakit Boyfriend? Pwede namang kapatid, pinsan, o kung gusto mo tatay?"

"At ikaw ang nanay?"

Sa huli, hindi nalang ako sumagot.

# # #

"Hm, I see improvements." Nakangiting litanya ni Katherine habang nakatingin sa mga papel namin ni Yahiko.

Kaninang umaga ang pangatlong try namin ni Yahiko na sumagot sa exam at... hah, I'm proud to say na nakakuha ako ng 30 score.

"Pero teka, self-study o may ibang nag-tutor sa 'yo? Si Yahiko lang kasi ang tinuruan ko kahapon." Binaba ni Katherine ang mga papel at kumuha ng pizza saka 'yun kinagat.

"Oo nga, wala ka naman kahapon pero paano mo nagawa 'yan?" Sabi pa ni Yahiko sa tabi ko.

Hindi ko alam kung mapapangiti pa ba ako o maiinis sa mga sinabi nila eh. Wala ba talaga silang bilib sa akin? Tsh.

"Si Chester ang nag---"

"For real?!" Oa na bulalas ni Katherine. Ew, may naramdaman pa akong tumalsik na pizza.

"Ba-Bakit?"

"I never imagine him that way, nakakagulat."

"Pero maganda naman ang kinalabasan 'di ba? Nakakuha ka ng 30. Tapos pansin ko parang nagiging okay na siya sa 'yo, tulad no'ng P.E." saad naman ni Yahiko kaya naalala ko na naman 'yung nakakahiyang nangyari sa akin.

"Oo nga pala 'no?!" Malawak na napangisi si Kath, "Binuhat ka niya. Yieee! First time ko nakitang gano'n si Chester!"

Halaa?! Para namang big deal 'yun? Saka, anong 'yieee yieee?' Hays!

"Oh, please shut up." Napatingin ako sa may bandang gilid, nakita kong nag-iisang kumakain si Noctis sa lamesa.

Napabuga sa hangin si Yahiko, "Tapos na tayo sa pagre-retake, malapit naman na 'yung long quiz."

"Don't worry, magkakaroon tayo ng golden week para sa study n'yo."

Naalala ko na naman 'yung panyo at 'yung ginawa niya.

Sa tingin ko naman mabait talaga siya, pero ang hindi ko maintindihan ay bakit wala siyang kaibigan o palaging kasama?

Gano'n ba talaga siya ka-ilap?

"Gusto mo ba, i-invite natin si Noctis na kumain kasama natin para hindi mo na siya palaging tinitignan?"

Napatingin ako kay Katherine na nakasalumbaba habang nakangiting nakatingin sa akin. "Noong nakaraan ka pa ah, no'ng pinahiram mo siya ng pera. Tapos ngayon tinitignan mo na naman siya."

Okay. Sobrang observant niya.

"Hindi 'yun ga---"

Bigla siyang tumayo. "Yayayain ko siyang saluhan tayo." At saka siya umalis sa pwesto namin.

Akala ko ba hindi siya pinapansin ni Noctis? Bakit ang lakas ng loob niyang lumapit ngayon?

Napailing ako at 'di sinasadyang napatingin ulit kay Noctis pero mukhang nagkamali yata ako. Nagkasalubong kami ng tingin bigla. Oh-Oh my god.

Umiwas ako ng tingin at biglang sinitsitan si Katherine na buti nalang ay hindi pa nakakalayo. Tumingin ito sa akin kaya sinenyasan ko na lumapit.

"O bakit? Gusto mo ikaw tumawag?" Napahawak siya sa kanyang baba na tila nag-iisip. "Naalala ko, hindi nga pala ako pinapansin niyan. Tawagin mo na," umupo ulit siya sa harapan namin.

Kumunot ang noo ko, "A-Ano?"

"Sus. Ayaw mo na may ibang tumawag sa kanya 'no? Selos ka ba?"

Nanlaki ang mata ko. Ano ba 'tong pinagsasabi niya?!

"Crush mo ba siya? Ayieee! Sige na tumayo ka na diyan. Sino ba namang hindi magkaka-crush sa kanya." Patuloy na pang-aasar nito.

"Huy! Tumigil ka nga hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin!" Angil ko rito pero mas lalo lang siyang ngumiti ng pang-asar.

"Come on don't worry about me, 'di naman ako gano'n ka-patay na patay sa kanya."

"Oh god, shut up. If you want me to talk about love come back after 10 years!" Inisnaban ko nalang ito at pinagpatuloy ang pagkain.

Feeling ko tuloy, kahit wala si Cloud sa tabi ko ay parang nararamdaman ko pa rin. Geez!

Marahang natawa si Yahiko marahil sa pagtatalo namin ni Katherine. "'Wag mo na asarin, Kath. Kumain nalang tayo."

Hindi ko maitatanggi, merong kaunting awa akong nararamdaman kay Noctis. Kung noong una ay naiinis ako sa kabastusan niya, pero no'ng nakita ko kung paano siya kwelyuhan, pagsalitaan no'ng mga nambully sa kanya, hindi ko maiwasang maawa.

Iniisip ko, paano kung wala ako nang oras na 'yun? Nagulpi ba siya? Pinagtulungan dahil lang sa walang kwentang bagay?

Someway, somehow, hindi naman ako nagsisisi na pinagtanggol ko siya. Alam ko naman kasi 'yung totoo. 'Yun lang naman ang gusto ko ipakita kahit na sa huli ay ako ang nasaktan.

Pero...

Despite of his attitude... bakit walang gusto makipag-kaibigan sa kanya? I mean yes, malamig ang aura niya and everything pero naramdaman ko na may soft side din siya. Kahit papaano, alam kong mabait siyang tao at 'yun ang hindi ko makuha.

Alam ko na.

# # #

"Sorry, Can't do that."

"Why not?"

"Considering you're trying to be nice, you sure have a rude way of putting it. Are you trying to say that I'm a loner?"

Napabuga nalang ako sa hangin at sumandal sa upuan. Siya naman ay napangiti at humigop ng kape. By the way, nasa isang coffee shop kami ni Cloud. Niyaya ko talaga siya dito habang break pa para na rin sabihin ang gusto kong sabihin.

"I choose not to mingle for work reasons. I can't exactly stalk you if I'm going to be with that guy."

"Pero minsan may mga kasama ka." Sagot ko.

"Hm," sumandal ito sa kanyang upuan. "Minsan lang 'yon, pag alam kong nasa paligid lang kita at nakikita."

"Pero kaklase mo siya last year, 'di ba? Ano namang masama kung makikipag-kaibigan ka sa kanya? Para lang may kasama siyang---"

"I can't." Pagputol niya sa sinasabi ko.

Hay. Kung hindi lang siguro ako naiilang kay Noctis dahil sa nangyari no'ng nakaraan, hindi siguro ako maiilang ng ganito. Hindi ko na kailangan pilitin si Cloud na makipag-kaibigan kay Noctis.

Pero ang tanong, makikipag-kaibigan kaya si Noctis?

"If it's that important, why not invite him yourself?" Tanong niya kaya naman napaiwas ako ng tingin. 'Yun din siguro ang senyales upang mapangisi na naman si Cloud, "Nagawa mo nga siyang iligtas eh, makipag-kaibigan pa kaya?"

"Ugh. I'm asking because I can't."

"What's this? Sounds like you really care?" Napatingin ako sa kanya. "But don't you wonder..."

"Hm?"

Mainam siyang tumingin sa mata ko, "Is getting rid of all the thorns in someone's path... really what's best for them?"

Hindi ako nakapag-salita sa sinabi niya. Nakuha ko ang gusto niyang ipunto, pero hindi ako makahanap ng reaksyon para doon.

"Hayaan mong maranasan nila ang dapat nilang maranasan. It's important for them to learn the pain of it and how to pick themselves up again." Seryoso at malalim na usal pa nito.

Napalunok ako ng wala sa oras saka huminga ng malalim. Hindi ko alam na marunong naman pala magseryoso 'tong lalaking 'to.

Napasiring ako rito, masyado nang seryoso ang nagiging usapan at hindi ako sanay sa kanya ng gano'n. "You're now in deep words, it's kind of annoying."

"Hahahaha! Pwede mo naman gawin ang gusto mo, Lindsay."

"I know,"

"Let your heart, which had dried up and gotten stiff, beat once more."

Doon ako napatigil. Beat once more...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top