Kabanata 4
Nang nakapag-paalam sa mga kasama, dumiretso na 'ko sa labas ng malaking gate. Wala masyadong tao dahil hindi pa naman uwian at karamihan ay nasa cafeteria, kumakain.
Hay. Alam niyo ba kung gaano kalaki 'yung Brent International School? Gano'n kalaki ang St. Oliver University. Kaya nga ayoko munang sumabak sa paggagala dahil baka maligaw lang ako kahit na nandiyan naman sina Katherine at Yahiko. Isa pa, nabuburyong ako sa nangyari sa classroom.
4 over 50?! Score ba 'yon ng estudyante?! Nakakahiya sa mga matatalino kong kaklase!
"Ugh, I'm pathetic..." mahinang asik ko sa sarili habang inis na naglalakad palayo.
"Sadly, I can't disagree."
Mabilis akong huminto at napatingin sa gilid ko, kaagad na nanliit ang mata ko sa lalaking nakasandal sa dingding at naka-cross arm.
"You..."
Umalis siya sa pwesto at nakapamulsang lumakad palapit sa akin. "Your first day was quite a disaster." At akala ko, hihintuan ako nito pero nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.
"Tsh," napalunok ako at inis na hinarap siya. "And who's fault is that?!"
"Of course it's not me, kapag papasok ka sa isang university, be sure to be always ready."
Tinignan ko ng masama ang likod nito dahil tignan mo, hinintay lang ako para sabihin ang mga 'yon pagkatapos uunahan ako sa paglalakad?! What the hell?!
Dahil wala akong choice, humabol ako palapit sa kanya at pilit na kinalma ang sarili. Pasimple ko siyang tinignan ng matalim bago magsalita. "So which is the real you, Cloud? The college student or the grown up--"
Bigla siyang huminto at hinarap ako kaya naman bahagya akong natigil. "Good question," ngumiti siya, "What do you think?"
My ghad with this guy!
"Pw-Pwede ba, sabihin mo nalang dahil hindi ako natutuwa!" Bulalas ko pero imbes na tanggalin niya ang nakakaasar niyang ngiti ay marahan pa itong natawa.
"The grown up is real, it's my job to observe about your behaviour in experiment. Kailangan ko rin magpanggap na estudyante para magabayan ka sa mga maling nagawa mo noon, tulad nang... hindi pag-aaral ng mabuti?"
Napairap nalang ako. "Kung gano'n bakit hindi mo sinabi sa akin ito umpisa palang? Eh 'di sana hindi ako nagtataka sa 'yo at nakapag-review pa ako!"
"If I did that I would missed the hilarious look on your face! Hahahaha!" At ang oa, natawa pa talaga siya sa reaksyon ko kanina.
Dahil sa inis ay binato ko sa kanya ang hawak kong bag pero parang walang effect sa kanya, tawa pa din siya ng tawa. "Ang sama mo!"
Inunahan ko na ito sa paglalakad habang naririnig ko pa rin ang halakhak niya. Ibang klase, akala ko pa naman totoong gabay, eh parang nag-e-enjoy siyang makita ako na mapahiya sa mga kaklase namin. Kakainis!
"He-Hey, wait!"
"Tsk!"
Nang makahabol siya ay sumabay na ito sa akin sa paglalakad. "Hoy, ngayon lang 'to ah? Hindi ka na pwede umabsent bukas."
Kunot noo naman akong napatingin sa kanya. "Paano mo nalaman na aabsent ako?"
"Narinig ko kanina noong nag-uusap kayo nila Katherine. Didn't I mention? I WILL ALWAYS KEEP AN EYE ON YOU." Pagdidiin nito na akala mo naman eh malaking bagay na 'yun.
Sus. Kahit wala siya kaya kong mag-aral 'no!
Kaya mo ba talaga? Tsh.
# # #
"Wow, normal ba talaga sa 'yo ang ganito, Kath?" Manghang tanong ni Yahiko habang nakatingin sa mga nakahain sa mesa.
Maski ako napapataas ang kilay sa dami niyang nilagay. I mean, yes she's rich pero tatlo lang naman kami para kumain. Hindi naman siguro siya gutom na gutom?
"Hah!" Umupo ito sa tabi ni Yahiko at nag-flip ng hair, "I know it's late but... welcome to St. Oliver!" Biglang bulalas nito kaya nagkatinginan kami ni Yahiko na parang... Ang weird?
Nagulat ako nang bahagyang hampasin ni Katherine ang balikat ko dahilan para mangiwi ako, ano bang problema nito? "Come on! 'Di ba nga, umuwi ka kahapon tapos hindi naman kami nagsabay ni Yahiko ng pagkain dahil kasama ko ang ilang friends ko. So, treat ko 'to sa inyo!"
"Ah, eh... baka naman magtae---"
"Sshh!" Tinakpan ni Katherine ang bibig ni Yahiko, "Don't say that in front of the foods." Saka niya 'yun tinanggal. "Isa pa, hindi ko naman ginamit ang sarili kong pera diyan."
"What do you mean?"
"Sagot nito," pinakita niya sa 'min ang kulay silver na ballpen.
"Ano namang meron diyan?" Tanong ko.
Sinabit niya 'yun sa ID niya bago magsalita. "Kapag President at Vice President ka ng classroom, maaari kang mabigyan ng silver ballpen at golden ballpen. 'Yun ang advantage ng mga officers dito, libre ang kahit anong food basta maipapakita mo 'to na syempre may signature mo."
Wow... so ibig sabihin, hindi kagaya sa ibang school, kapag matalino ka eh grade lang at appreciation ang makukuha mo. Dito, libre pa kahit anong gusto mong pagkain. Plus the fact na famous ka, bonus nalang kung maganda o gwapo ka katulad nalang ni Noctis.
"Ngayon lang ako nakakita ng ganyan. Anyway, congrats, Kath." Nakangiting saad ni Yahiko na siyang kinangiti rin ni Katherine.
Nang magsimula kaming kumain ay siyang paghagip ng paningin ko kay Chester. Wala siyang kasama pero may bitbit siyang bote ng softdrinks. Doon ko lang naalala 'yung hikaw nila na kamukha ng kay Katherine.
"Uhm, Kath?"
"Yes?"
"Curious lang, napansin ko kasi na parehas kayo ng hikaw ni Chester."
Natigil siya sa pagkain at biglang umiwas ng paningin. Hindi ko tuloy maiwasang lalo magtaka lalo sa pinakita niyang asta. Hmm...
"Talaga? Napansin mo pa 'yun?" Tanong ni Yahiko na kumakain ng pizza.
"Oo. Kahapon ko lang napansin. Tapos wala pang pares 'yung hikaw ni Katherine."
Bumuntong hininga si Katherine bago binaba ang hawak na kutsara't tinidor. "Okay, since napansin mo sasabihin ko na."
Oh, hindi kaya naging mag Ex sila? O kaya nanligaw si Chester noon kay Katherine pero na-busted? Pero bakit? Gwapo naman si Chester, matalino pa. Mukha lang masungit.
"Ang totoo niyan, binigay ko talaga sa kanya 'yun noong 3rd year kami which is last year. Galing 'yon sa Las vegas, padala ni Daddy pero nawala ko kasi 'yung isang pares so... para hindi sayang, binigay ko sa kanya."
"Pero bakit isang hikaw lang din ang sa 'yo? Wala sa kabila?" Tanong ko muli.
"Actually, nawala din 'yung isa. Eh nabigay ko na kay Chester 'yung isa kaya... heto, isa nalang ang ginagamit ko. Saka okay naman ah?"
"Mabuti tinanggap niya?" Okay, sana hindi niya mapansin na sobrang tsismosa ko na.
Marahan itong natawa. "Noong una ayaw niya, pero no'ng sinabi kong itatapon ko nalang eh ayun, kinuha din niya. Nanghinayang ba." At tumuloy na siya sa pagkain.
Napatango nalang ako. Nag-expect pa naman ako na baka ex-lovers sila.
"Pero bagay kayo," saad bigla ni Yahiko kaya naman natawa si Katherine.
"Hindi ko siya type. Mas type ko si Noctis!" Bulalas nito. Well, naalala ko, gwapong-gwapo nga siya sa description kay Noctis kahapon.
But speaking of him...
Nakita ko siya sa tapat ng counter at kinakausap ang cashier. Hindi ko marinig o malaman kung ano ang pinag-uusapan nila pero base sa mukha ng kahera ay kunot ang noo nito.
Hanggang sa layasan siya ng kahera. Wala namang emosyon si Noctis na umalis sa pwesto na 'yon. May biglang pumasok sa isip ko.
Kanina pa kami nandito sa cafeteria pero hindi ko pa yata nakitang kumain si Noctis. Saka, hindi ko mapigilan magtanong kung anong pinag-didiskusyunan nila doon.
"Anong tini-tingin tingin mo kay Noctis Lucas?"
Biglang tanong ni Katherine kaya napaharap ulit ako sa pagkain ko. "A-Ano, nakita ko kasi na parang nakikipag-usap siya sa kahera pero nilayasan lang siya."
"Ah," sumalumbaba naman ito habang kumakain ng fries, "Baka hindi pa siya kumakain. Narinig ko kanina sa faculty na hindi niya nakuha 'yung golden ballpen niya. 'Yun siguro 'yung rason kung bakit nilayasan siya ng kahera."
Gano'n ba talaga ka-halaga 'yung golden ballpen na 'yun? Tsh.
Tumayo ako at maglalakad na sana pero nagsalita si Katherine muli, "O, saan ka pupunta?"
Dumako ang mata ko kay Noctis na nakatayo lang sa harap ng isa pang food station. Alam kong wala akong karapatan na lapitan siya pero hindi naman yata tama na hindi siya makakain ngayon lalo at mamayang hapon pa ang uwian.
Saka ako tumingin kay Kath, "Kakausapin ko lang siya."
Habang naglalakad palapit kay Noctis ay pumasok sa isip ko na, "Bakit hindi nalang kaya namin tawagin si Noctis para kumain kasama namin? Madami namang pagkain sa mesa namin."
Pero kaagad din 'yun nawala nang maalala na type nga pala ni Katherine si Noctis at baka tumiklop 'yun kung ipapasama ko si Noctis sa amin. Isa pa, baka hindi din 'yun pumayag.
Nang makalapit ay kumaway pa ako sa harap nito, para kasing hindi ako nakita eh humarang na nga ako sa harapan niya.
Tumingin siya sa mata ko at naramdaman ko na naman ang panlalamig ng kanyang aura. Pero, dedma na. "Uhm, ku-kumain ka na ba?"
Gosh! Ang awkward ng tanong ko!
Hindi siya sumagot. Pagkaraan ng ilang segundo ay inalis niya ang tingin sa 'kin at namulsa saka tumalikod sa 'kin.
Shit, ang bastos niya!
"No-Noctis!" Huminto naman siya sa paglalakad kaya naman pumunta ako sa harap niya. "Kilala mo naman siguro ako 'di ba?" Sabay ngiti.
Akala ko hindi na naman niya ako sasagutin pero...
"Oh, the one who got 4,"
Pinilit kong mapangiti lalo. Ang dami-dami ng pwede niyang maalala tungkol sa 'kin, 'yung score ko pa talaga?! Ugh!
"In case you didn't know my name, I'm Lindsay." Saka ko inextend ang isang kamay ko sa kanya pero tinignan lang niya 'yun.
Syempre pahiya ako knowing na ang dami pang tao. Kaya naman binawi ko nalang at dinukot ang 1000 sa bulsa ko. "Here, para makakain ka."
Bumuntong hininga siya at tumingin sa ibang direksyon na parang naiinip. Kumunot tuloy ang noo ko, naaawa lang naman ako sa kanya. Nothing more, nothing less!
"Hindi ako tumatanggap ng ganyan. Mamaya nalang ako kakain." Saka niya ako nilagpasan.
Nagulat ako dahil... pera na, ni-reject pa? Huwaw.
Bahagya akong napanganga at tumingin sa gilid, nakita mula 'ron si Cloud na nakangisi sa 'kin habang ngumunguya ng bubblegum. Psh!
Dahil ayokong mapahiya na naman sa harapan niya, hinabol ko si Noctis at hinarangan dahilan para magtama na naman ang mga paningin namin.
"Ang daming bata ang nagugutom tapos ikaw tatanggihan 'to?"
"Nakalimutan ko lang 'yung golden ballpen ko at 'yung pera ko. Kaya 'wag kang mangulit." Malamig na usal nito.
Ang ginawa ko, kinuha ko ang isang kamay niya ay nilagay doon ang isang libo. "Malapit na mag-time. Utangin mo nalang 'yan at bayaran kapag may pera ka nang dala."
Saka ko siya nilayasan. Nakakainis, ano ba naman 'yung tanggapin at magpasalamat nalang? Kung hindi lang ako naawa sa kanya kanina hindi ako maglalakas loob na gawin 'to eh.
Pasalamat nga siya at mabait ako. Tsh!
Naabutan kong nagtatawanan sina Katherine at Yahiko. "O, ano pinansin ka?" Tanong agad ni Katherine.
"Gano'n ba talaga 'yon? Siya na ngang pinapautang para may makain siya, siya pa ang ma-pride!" Naiinis na sabi ko.
Natawa naman siya. "I told you, sobrang suplado niyan. Sobrang sungit. Kahit type ko nga 'yan eh hindi ko malapitan kasi hindi naman namamansin."
Halata nga. Kanina nga tinalikuran pa 'ko eh. O 'di ba, ang bastos?!
Nang matapos ang maghapong iyon, pinatawag ako ng proctor namin para sa gagawin naming re-take ni Yahiko. Hindi na sumama si Yahiko dahil may kausap sa phone kaya naman ako nalang ang nagpunta.
Binigay sa akin ni Ma'am ang mga ire-review namin para sa susunod ay hindi na kami center of attraction. Gusto ko mang tanggihan 'yun ay hindi pwede, ang kapal kaya ng reviewer! Alam niyong tamad ako sa gano'n pero may magagawa ba ako lalo at nandiyan si Cloud.
Paglabas ko ng faculty, nakita ko hindi kalayuan sa akin si Noctis.
Nakasandal siya sa mesa at nakatingin sa phone. Napatitig ako 'ron. Kanina noong kausap ko siya, aaminin ko na sobrang lamig talaga ng pakikitungo niya. Hindi ko alam kung bakit napapaisip ako sa kung anong meron sa kanya pero...
Ganyan ba talaga siya noon pa? Ang tipid niyang magsalita, ang tahimik niya, wala siyang kaemo-emosyon, ang blangko ng mukha niya.
Kung pag dating sa parents, parehas lang siguro kami na naiwan. KUNG gano'n ang sa kanya. Pero hindi naman siguro sapat na magpalamon siya sa past, 'di ba?
Pero...
"Pero 'wag ka na mag-aksaya ng oras alamin ang pagkatao niya. Whatever you do, he will keep on ignoring you."
Nagulat ako at napatingin sa gilid ko. Nakapamulsa sa harapan ko si Cloud. Sesh, bigla-bigla naman 'tong sumusulpot!
"A-Ano bang sinasabi mo diyan?" Inayos ko ang bag ko at nagsimulang maglakad na sinabayan naman niya.
"Tagal mong nakatingin kay Noctis. Kaya kung interesado ka sa kanya, sarilihin mo nalang." Kumento niya kaya nahampas ko tuloy sa kanya 'yung reviewer na dala ko. "O-Ouch!"
"Hindi ako interesado sa kanya! Napapaisip lang ako kung ba't ganyan siya. Ni hindi nga siya ngumingiti, o magpasalamat man lang sa ginawa ko kanina. Tinanggihan pa."
"Hahahaha! Simply because, he is Noctis! 'Wag mo na i-stress ang sarili mo. Mag-aral ka, 'yun ang dapat."
Nakakainis talaga 'to. Akala mo naman mas matanda sa akin kung magsalita.
Napatingin ulit ako kay Noctis na nasa gano'ng posisyon pa rin.
Interesado? Psh. Ano mang kahulugan ng interesado na 'yan, hindi na 'yun mangyayari. Last na 'yung kanina.
Baka mas mainis lang ako sa kanya kaysa kay Cloud.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top