kabanata 22

"This is the last activity we're going to have before the sem ends. Ang bilis 'no? Parang kailan lang noong una tayong magkita-kita. Tapos ngayon, weeks nalang ga-graduate na kayo."

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko matapos ko marinig 'yan kay sir Carambas. Tama siya. Ilang linggo nalang graduate na kami at tapos na sa pagiging estudyante. Tatahakin na namin ang buhay ng isang adult. Pero... hindi na bago sa 'kin 'yun dahil matagal ko na 'yong natahak.

Excited ako na magtrabaho ulit. Excited ako na hindi na pumasok ng school at mag-aral. Pero hindi ko maitatago na habang malapit na ang pagtatapos nito, pasakit ng pasakit ang puso kong umiibig kay Noctis. Darating kasi ang araw na hindi na kami magkikita. Ang pinaka masakit pa do'n, kahit makita ko siya, hindi na niya 'ko maaalala... kahit kailan.

Simula nang mag-confess siya sa 'kin ng nararamdaman niya, nag-iba ang takbo ng samahan namin. Masungit pa rin siya, oo. Pero palagi na niya akong kinakausap ng kung anu-anong bagay. Para bang mas kinikilala niya ako. Napapansin ko rin ang mga simpleng concerns niya sa 'kin katulad nalang ng mga scores ko pag may exam, kung umiinom pa daw ba 'ko, kung okay lang ako mag-isa tuwing gabi sa bahay.

Aaminin ko, kinikilig ako. Natutuwa at kinikilig ako dahil gano'n siya sa 'kin. Kapag nakikita ko siya at ngumingiti siya sa 'kin, gustong-gusto ko siyang talonin upang yakapin pero... syempre hindi pwede.

Gusto kong aminin sa kanya na gusto ko siya. Mahal ko siya. Pero pilit 'yong pinipigilan ng utak ko dahil alam kong masasaktan ko lang siya. Malilimutan man niya 'ko, pero alam kong maiiwan ang sakit na mararamdaman niya sa puso n'ya. Ayon sa experiment, utak lang naman ang makakalimot. Hindi puso.

Kaya heto, ini-enjoy ko nalang ang bawat araw na magkasama kami at dinadamdam ang pagmamahal niya. Sa gano'ng bagay man lang maparamdam ko sa kanya na sobrang importante n'ya sa akin.

"Lindsay!"

Nagulat ako nang malakas akong tawagin ng professor ko at pagtingin ko sa kanila ay malayo na sila sa 'kin na parang pinapanuod ako. 'Yun pala, nagsisimula na sa activity at ako na ang natawag.

GG. Ano nga bang gagawin?!

"P-Po...?"

May mga gamit sa harapan ko. Tali, malaking box, halaman, isang bowl ng lupa, trowel at kung anu-ano pa na ginagamit sa activity na 'to.

Lahat ng kaklase ko ay nakatutok sa 'kin habang hawak ang mga gamit na kagaya sa 'kin. Pero hindi ko talaga alam kung anong gagawin dahil lumilipad ang utak ko kanina.

Huhuhu. Sorry na,

"Tipunin mo lahat ng nasa harapan mo at tumakbo ka papunta sa linyang 'yon!" tinuro niya ang pulang linya malayo sa 'kin. "Hindi ka ba nakikinig sa eksplanasyon ko kanina?! Gusto mong bumalik nalang sa room at magmuni-muni nalang?!"

Aw. NAKAKAHIYA!

Dahil sa pagkapahiya, mabilis kong kinuha ang mga gamit at nilagay sa malaking box. Tumayo ako agad at tumakbo pero nahulog ang halaman dahilan para matapakan ko.

Patay ka na naman!

Huminto ako at pinulot 'yon pero tangina durog na siya bes! Kaya naman nilagay ko nalang siya sa box pero kaagad na sumigaw si sir. Amp!

"Wala nang kwenta 'yan, Lindsay. Ano ba?!"

Natataranta na 'ko. Kaya naman tinapon ko nalang 'yun sa baba at agad na tumakbo sa line. Halos madapa-dapa pa 'ko kakamadali at nang makarating ako do'n, umpisa na para gamitin ang mga dala ko.

Pero... ano nga ba talagang gagawin?

Napakamot ako ng sintido habang pinagmamasdan ang kagamitan nang biglang nagsalita si Katherine 'di kalayuan sa 'kin. Mahina lang ang boses niya dahil baka marinig siya na nagsasabi sa 'kin.

"Kailangan mo nang halaman! Itanim mo 'yung halaman sa maliit na paso!" Sumisenyas pa siya sa 'kin kaya naman hindi na 'ko nag-aksaya pa ng oras.

Pero oo nga pala... nasira pala 'yung halaman ko.

"O paano mo ngayon gagawin 'yan eh wala kang halaman? 'Di sabi ko kasi ingatan?" Inis na saad ni sir Carambas.

Napayuko nalang ako. Nakakahiya talaga ako.

"Sige. H'wag ka nang mag-activity at magta-take ka nalang ng exam para sa finals. Tayo!"

Nanlumo ako. Pahiya na nga ako magte-test pa ako para sa finals. Mukhang magkaka-problema pa 'ko.

Tatayo na sana ako nang biglang may lumapit sa akin. Nakita ko ang itim na running shoes niya na nasa harapan ko at bago pa umangat ang tingin ko ay lumuhod na siya gamit ang isang tuhod.

"Binibigay ko na sa 'yo 'tong halaman ko. Ilagay mo muna 'yung lupa sa paso pero tantiyahin mo para makatayo 'tong halaman. Pagkatapos lagyan mo ng bagong lupa at isiksik mo para masiguradong hindi siya babagsak." malumanay n'yang litanya sa akin.

"No-Noctis... pero paano---"

"Don't mind me,"

Natulala nalang ako sa kanya. Bumuntong hininga siya bago tumayo at humarap kay sir na nakatingin sa amin at nagtataka.

"Ako ang magta-take ng exam, sir. Sa kanya na ang halaman ko." Seryosong saad ni Noctis.

Nagulat ako. Pero mas nagulat ang lahat dahil sa desisyon niyang 'yun.

Kung tutuusin, mas mapapadali ang grade mo dito sa activity. Pero binigay sa akin 'yun ni Noctis para lang hindi ako magka-problema sa exam.

Bakit...

"Kung 'yan ang gusto mo, mr Caelum. O, Lindsay. Gawin mo 'yan ng tama at 'wag mong sayangin dahil hindi lahat gagawin 'yan para sa 'yo."

Binalik ko ang atensyon ko sa halaman at nagsimulang kumilos kahit sa loob-loob ko, humihilab na ang puso ko.

It's like only the people who loves you can sacrifice anything just for you to be save. Because not all can stand in ground and prove how staunch he is.

Noctis proves me something I believed I can't let go.

# # #

Alas kuwatro na ng hapon at kanina pa kami tapos sa pagtatanim kung saan 'yun ang naging basehan ni sir Carambas para sa aming finals. Nakaupo ako sa bench habang nagpupunas ng pawis dahil sobrang init ng panahon. Katabi ko si Katherine at Yahiko na kumakain ng snacks.

"Alam mo, kinilig ako sa ginawa ni Noctis sa 'yo kanina. Hindi ko alam kung anong meron sa 'yo at gano'n nalang pag concern sa 'yo nila Chester at Noctis. Ganda mo talaga!" Bulalas ni Katherine.

"Oo nga. Noong una no'ng nadapa ka sa P.E. kung saan nagmamadaling dinala ka ni Chester sa clinic. Ngayon naman nagpaubaya si Noctis para sa nasira mong halaman." Dagdag ni Yahiko.

Napangiti nalang ako. Hindi naman kasi nila alam na umamin sa akin ng pagtingin ang dalawang lalaking 'yun.

"Sa tingin ko may gusto sa 'yo si Noctis," Banat ni Katherine kaya kunot noo akong tumingin sa kanya.

"Huh?"

"Oo! Kasi ikaw lang 'yung babaeng nilalapitan niya at ino-offeran niya ng tulong. Sa dalawang taong pagkakakilala ko dian, never 'yan nagkaroon ng pakialam sa ibang tao lalo sa babae."

"Saka, nabanggit ni Neil na magkasama kayo noong may fireworks display sa park. Date 'yun 'no?" Nagulat ako sa sinabi ni Yahiko kaya nanlaki ang mata ko pero mas nanlaki ang mata ni Katherine.

"Whaaaat?! Magkasama kayo?!" Oa na bulalas nito.

"Te-Teka, let me explain."

"Hindi ka nagsasabi sa 'kin, ah? That was week ago pero wala kang nabanggit! At ikaw naman love hindi mo rin sa 'kin sinabi! Anong klaseng kaibigan kayo?!" Umirap ito at humalukipkip sa inis.

"Hehe, love naman eh ngayon ko lang naalala." Napapakamot sa ulong salita ni Yahiko.

"Kahit pa! The moment na nalaman mo sana binalita mo agad sa 'kin. Ikaw, nakakainis ka!" Duro sa akin nito. "So kayo na ni Noctis? May pa-ayaw ayaw ka sa pagpunta eh si Noctis lang pala makakapilit sa 'yo! Hanggang kailan mo 'to balak ilihim sa akin?!"

"Wait-- huminahon-- ugh, nagkakamali ka. O-Oo magkasama kami pero hindi ibig sabihin no'n eh---"

Hindi niya na ako pinatapos, "Okay nando'n na tayo. Pero sana sinabi mo sa 'kin. Girl, gustong-gusto ko si Noctis para sa 'yo kasi hindi naman 'yan dating ganyan. As a bestfriend sana shini-share mo din sa amin."

Napabuga nalang ako sa hangin pero agad din akong napangiti. Ako din naman... gustong-gusto ko si Noctis para sa 'kin.

"Sorry. Pero hindi kami. Hindi ko alam kung magiging kami dahil hindi natin 'yun masasabi." Nakangiting sabi ko.

"Pero kung sakali... sasagutin mo ba siya?" Tanong ni Yahiko.

Hindi ako kaagad nakasagot. Ayokong magsalita ng tapos.

"Gusto mo rin ba siya?" Dagdag tanong ni Katherine.

Napakagat ako sa aking ibabang labi at pinipigilang ngumiti dahil sa kilig nang biglang dumating ang pinag-uusapan namin.

"Ayos ka lang ba?"

Umayos ng upo ang dalawa at nagtinginan kaya naman natawa ako at sinagot ang tanong ni Noctis. "Oo naman. Bakit hindi?"

"O,"

Napatingin ako sa bottled water na inaabot niya sa akin.

"Ehem," Entrada ni Katherine. "Alis na muna tayo, love."

Tumayo sila at nang makalagpas sila kay Noctis ay sumenyas sa akin si Katherine na parang, 'Go! Kaya mo 'yan!' gumalaw din ang labi niya at nabasa ko ang, 'Love always win!' kahit na walang salitang lumalabas.

Napailing nalang ako at kinuha ang bottled water kay Noctis. "Salamat dito,"

Umupo ito sa tabi ko at pareho na kaming nakaharap ngayon sa mga estudyanteng naglalakad sa gitna. Unti-unti ko na namang nararamdaman ang puso ko dahil sa presensya ni Noctis.

"Sa-Salamat pala kanina. Hindi ko akalaing ibibigay mo 'yung halaman para lang 'di ako magtake ng exam." Panimula ko.

"Yeah, because I know you're a dumb." Walang emosyong usal nito kaya tinignan ko siya habang natatawa.

"I'm a dumb, but still you choose to fall in love with me, aren't you?"

Dumako ang mata niya sa 'kin, "I didn't choose to fall in love with you. It naturally happened."

Habang magkatitigan kami, hindi ko na naman mapaliwanag ang saya ng puso ko. Ang swerte ko sana eh, pero sa kasamaang palad hindi pa rin.

"Noctis... sana hindi mo 'ko makalimutan kahit pag-graduate natin." Sabi ko na lamang. "Sana pag nagkita tayo, maalala mo pa rin ako. Sana... kung ano 'yung tingin mo sa 'kin ngayon, mananatili 'yun. Sana... mahal mo pa rin ako."

Hindi ko alam kung bakit ko nasasabi ang mga katagang 'yan pero kusa itong lumalabas. Nalalabi na ang mga araw, malapit na.

"Why... what if I'm not in love with you anymore?"

Bigla akong nasaktan.

Umiwas ako ng tingin at kunwari'y napangiti nalang. "Then... fine. I will still be happy that I met you."

"Bakit, Lindsay. Hindi mo ba 'ko pwedeng mahalin ngayon?" Biglang tanong nito na kinabigla ko. Tumingin ako sa kanya at nakitang seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Kahit hindi mo sabihin, nararamdaman ko naman eh. Pero bakit mo pinipigilan? Hindi ba tayo pwedeng maging malaya kahit ngayon lang?"

"Noctis..."

"Gusto ko lang maramdaman ang mahalin mo kahit ngayon lang. Kung masasaktan tayo, eh 'di masaktan. Atleast hindi tayo nagpaka-duwag at tumigil. Hindi kita pinipilit na mahalin ako dahil hindi ako manhid. I knew that you have feelings for me. Tignan lang kita sa mata alam ko na."

Yeah. Ang obvious ko naman kasi talaga.

"But if this is what you want, then I won't force you to show it."

Hindi ako makapag salita. Tila umurong ang dila ko sa mga nasabi niya. Pakiramdam ko nagdadala ito sa akin ng pag-asa.

Umiwas siya ng tingin at tumayo na. Humarap ito sa 'kin at namulsa kasabay ng pagpapakita ng ngiti niyang may halong lungkot.

"I love you. Always remember that."

Gusto kong maluha. Gusto kong magsalita na mahal ko rin siya. Gusto ko siyang hawakan at yakapin. Pero hindi ko na naman nagawa dahil umalis na siya sa harap ko at binalot na naman ako ng takot.

Oo. Takot akong sumugal na akala ko okay lang.

Nang wala na siya sa paningin ko ay hindi ko na napigilang yumuko at mariing pumikit. Naramdaman ko sa mga hita ko ang pagtulo ng luha ko. Ang sakit. Mahal niya ako pero ang sakit. Ang sakit sakit.

Sana pwede nalang... sana pwede nalang kami.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top