Kabanata 21

Binagsak ko ang sarili sa aking malambot na kama at tumulala sa kisame. Napabuntong hininga ako ng malalim nang maalala 'yung senaryo kanina habang kausap ko si Cloud. Alam kaya niyang nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon?

Syempre alam niya 'yun. Lahat ng galaw ko, alam niya.

Pumikit na ako para sana matulog pero biglang nagvibrate ang phone kong nasa lamesa. Pinulot ko 'yon at walang ganang tinignan.

From: Noctis

Good evening. I know it's late but... Just wanted to tell you that I'm gonna ask you on a date. Can we?

My heart... skipped a bit.

Nanlaki ang mata ko at biglang napaupo. Naitakip ko ang isang kamay ko sa bibig ko at napamura sa isip.

Shit. Date?

Napailing ako at naglakad ng pabalik-balik. Ramdam ko 'yung puso ko na ang bilis ng tibok. Akala mo eh galing sa isang habulan. Gabing-gabi na pero 'yung puso ko ayaw umawat!

Anong sasabihin ko? Papayag ba ako? Pero bakit kami magda-date? Anong pag-uusapan namin? Tangina anong gagawin ko? Gusto ko tumalon sa kilig, Noctiiiis!

Pagkatapos ng ilang minuto ay huminto ako at handa nang magtype sa phone ko ng, "Can't be. May importante akong gagawin." pero naunahan ako ng isa pang message niya.

From: Noctis

Don't bother to answer. Let's meet at diamond circle park at 6pm.

I'll wait you, goodnight.

Napasinghap ako at napanganga na halos mag letter O na ang bibig ko dahil sa gulat. Siya na ang nagdecide. Sobrang bagal ko ba mag-isip?

Pero teka, gustong-gusto ko. Pero ayoko din kasi... lalalim lalo 'yung nararamdaman ko nito eh. Lalo lang akong mahuhulog.

Shit.

Umupo ako sa kama at napapikit. Wala na, finish na. Siya na ang nagdesisyon.

Pero...

Wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Gusto kong tumaya, pero natatakot akong matalo. Pero sige, pupunta ako dahil una siya na ang nagsabi. Pangalawa gusto kong tumaya. Bahala na. Bahala na talaga.

I-ready mo lang ang sarili mong masaktan, Lindsay.

# # #

Buong maghapon akong tulala at nandito lang sa bahay. Hindi ako nanuod ng tv, nag-sounds, nagfb, nakipagtext or what. Trip kong magmuni-muni dahil gulong-gulo ako sa nararamdaman ko. Oo nga't alam ko na, na gusto-- mahal ko na siya. Pero 'di ba dapat hanggat maaga pa eh agapan ko na 'to?

Sabi ng puso ko, subukan ko ito. Sumugal ako. Tignan ko. I-enjoy ko. Ramdamin ko. Kung masasaktan, atleast pinagbigyan ko ang sarili ko na makasama at maiparamdam sa kanya na mahal ko siya.

Pero kontra ng isip ko, lalalim lang ang sakit ng nararamdaman ko sa huli. First love ko siya, malamang ay first heartbreak din.

Gusto kong kumonsulta kay Katherine o kahit kay Cloud nalang pero... malamang ay hindi ko rin 'yun mapapakinggan dahil ako din ang masusunod. Titigan palang ako ni Noctis natutunaw na niya ang puso ko.

Pero sa huli...

"Come on, Linds! That is the most memorable event in the town."

"Pero hindi naman ako bata para mag-enjoy pa do'n. Unlike Noctis na pwede pa dahil ilang taon lang naman siya compared mine."

Napabuntong hininga ito, nai-imagine ko na napapakamot na ito ng kilay dahil sa akin. "It's a precious time that won't come again..."

Sumandal ako sa pinto ng verendra ko at pinakinggan si Cloud sa phone. "But I guess for you," bahagya itong natawa. "This is your first and last moment with him in a lovely fireworks event." at natawa pa siya na parang nang-aasar.

Psh. Seriously, Cloud?

Napairap ako sa kawalan, "Damn you, sadist."

# # #

Tumingin ako sa wall clock at nakitang 5:45 na ng hapon. 6pm ang usapan namin pero hindi pa ako nag-aayos.

Ano kayang gagawin niya pag hindi ako pumunta? Magagalit kaya siya? Magtatampo? O baka naman... wala lang?

Haay, sige pa saktan mo pa sarili mo.

Sa huli ay binagsak ko nalang ang sarili sa kama at pumikit.

# # #

Madaming tao. Hindi pa nag-uumpisa ang event pero ang dami nang nag-aabang. 'Yung iba kumakain ng kung anu-anong sitsirya, 'yung iba naman ay nagkakatuwaan kasama ang mga kaibigan.

Maganda sana 'to kung kasama ko sila Bubbles...

Suot ang red jumpsuit dress ko na tinernuhan ko ng white long off shoulder sa loob at white rubber, naglakad-lakad ako sa paligid para hanapin ang taong dahilan ng pagpunta ko dito.

O 'di ba, hindi ko rin siya kayang tiisin. Kumbaga sa 100%, 20% lang ang 'wag ko siyang puntahan at 80% ang puntahan ko siya.

Sabi nga ng magaling na si Cloud, "It's a precious time that won't come again."

Syempre susugal ako kay Noctis. Atleast once in my life, naging masaya ako because of him. 'Yung saya na hindi mo mahahanap sa mga kaibigan mo.

"Lindsay!"

Lumingon ako sa likod nang may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko na kumakaway si Neil at kasama niya si Gossen. Kasama nila ang ibang kaklase namin.

"Ikaw lang?" Tanong ni Neil paglapit. "Gusto mo sama ka na sa 'min? May magandang spot na kami para mamaya."

Ngumiti ako at umiling, "H'wag na. Sige na kayo nalang muna,"

"May hinihintay ka ba? Mas magandang manuod ng fireworks kapag madami kayo 'no."

"Hahaha! Okay lang, Neil." Gusto ko sanang sabihin na hinahanap ko si Noctis pero nahihiya ako. Baka iba ang isipin nila.

"Sigurado ka na---"

"Tss!" Pagsingit ni Gossen na nakapamulsa at nakatingin sa gilid. "Don't force her. Let her be. She's not a child."

Imbes na mainis, napangiti ako at hinawakan siya sa isang pisngi na kinagulat n'ya nang tumingin sa 'kin.

"You're always like that to me since the beginning. Though it's insulting for me, I find you cute." Litanya ko dahilan para makita ko sa periphical vision ko na napahawak si Neil sa bibig niya dahil sa gulat at halos matawa na.

Si Gossen naman... ayun, nanlaki ang palaging seryosong mata sa akin at hindi na nakapag-react.

Magsasalita pa sana ako nang may humawak sa kamay kong nasa pisngi n'ya at ibaba 'yun. Medyo nagulat pa ako nang higpitan n'ya ang kapit sa palad ko.

Napatingin kaming tatlo kay Noctis. Ako naman ang natulala sa kanya. Hindi lang dahil sa bigla n'yang pagsulpot kung 'di dahil sa itsura n'ya.

Plain na black sweater, maong pants at white rubber lang naman pero bakit sobrang attractive n'yang tignan? Ang fresh ng mukha n'ya kahit na wala itong emosyong nakatingin sa akin. Bagsak ang buhok at halos umabot na ang ilang hibla sa kanyang itim na mata. Umaalingasaw rin ang bango ng pabango n'ya.

Ghad, Noctis Lucis.

Dahil walang nagsasalita sa amin at nanatili akong mesmerized sa kanya, siya na ang bumasag.

"How dare you doing that,"

Napakurap ako sa sinabi niya. "I don't allow you to touch someone's face unless it's mine," Seryosong saad n'ya na nakapagpa-kaba sa akin ng malala. To think na nandito pa sila Neil at Gossen.

Bago pa niya ako bigyan ng pagkakataong magsalita, hinatak na niya ako paalis ng lugar. Hindi ko na nagawang magreact, nauna na 'yung puso ko eh.

Pero teka, hindi ba 'yon trip? Kasi kung hindi... lalabas na talaga 'yung puso ko sa dibdib ko!

Huminto kami sa isang bahagi ng park kung saan maluwag at wala masyadong tao. Kakaunti lang ang dumadaan kaya naman magandang lugar ito kung gusto mong mag-isip isip.

Nang bitawan niya ang kamay ko ay agad ko 'yong naikuyom, pakiramdam ko ramdam ko pa rin ang init ng palad niya.

Naupo siya sa isang mahabang wooden chair kaya naman gano'n na rin ang ginawa ko. Pasimple pa 'kong tumingin sa kanya pero prente lang siyang nakaupo habang walang emosyong nakatingin sa mga bulaklak at halaman sa harap namin.

Napalunok ako. Kinakabahan ako...

"Cloud..."

Mababang saad niya kaya lumingon ako sa kanya.

"Is he a friend of yours, Lindsay?"

"O-Oo naman..."

"I see,"

Bigla kaming kinain ng katahimikan. Hindi ko maintindihan. Kanina lang noong sabihin niya ang mga salita niya sa harap nila Gossen ay parang inaangkin na niya ako, pero ngayon parang wala siyang masabi.

Ganito ba talaga siya makipag-date?

"Close kayo ni Gossen?" muli niyang tanong kaya umiling ako na may kasamang pagngiti. Nakita kong kumunot ang noo n'ya at tumingin sa akin.

"'Yung sinabi mo kanina... what's up with that?" Nakangiting tanong ko.

Pero imbes na sagutin ay iniwas niya ang mata sa akin. "You make friends with everybody easily... that's nice."

"When the first time I met you, you've already got everybody's spot to make friends with you. The time you're always feeling heroic, that's when the realization hit me that I need to strive harder."

Natawa naman ako. "You've already said that. Sabi ko naman sa 'yo, naniniwala ako sa 'yo."

"Yeah, and honestly speaking," lumingon ito sa akin, seryoso. "You became my inspiration."

Noctis...

Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. "You've strived hard. Look, you're rank one, you're smart, ang daming babae na nagkakagusto sa 'yo. Ang daming lalaki na nai-insecure sa 'yo. Marami kang nagawa na hindi mo lang alam sobrang nakakagalak. Noctis, compared to you, I'm nothing. So... thank you that I made you inspired."

Ilang segundo kaming nagkatitigan, saka ko siya nakitang ngumiti.

Ang sarap sa mata...

"The credit is mostly yours...

I'm really glad I met you, Lindsay."

Sa mga oras na 'to alam kong sobrang saya ng puso ko. Pakiramdam ko kailangan kong pasalamatan si Cloud dahil sinabihan niya ako kanina. Nagsabi na rin sa 'kin si Noctis ng saloobin niya dati, na nakatatak sa kanya lahat ng sinabi ko.

But I guess this one's great. 'Yung marinig mo sa taong mahal mo na ako ang naging inspirasyon niya para magsikap lalo, subukang makipag-interact sa iba, nakakagalak ng puso.

Knowing na hindi siya pala-kaibigan. Remember he has no friend even one?

Pero ngayon tignan n'yo, nagagawa na n'yang makipag-interact at bumuo ng kaibigan sa iba. Sobrang saya ko para sa kanya.

But... the more fun I have, the more it'll hurt when we part ways.

I know this is a bad idea... pero, bahala na.

Doon nagsimulang lumiwanag ang paligid kaya naman napatingin kami ni Noctis sa kalangitan. Nag-umpisa na ang fireworks, at sa totoo lang, ang ganda pala panuorin nito sa personal... lalo at kasama ko si Noctis.

"You... are like fireworks," sambit ko habang pinanonood ang magandang tanawin sa taas.

"Huh?"

Napangiti ako at umiling, "Nothing."

Sabay naming pinanuod ang fireworks. Iba't-ibang disenyo at kulay, maliit at malaki. Talaga ang ganda panuorin. Noon kasi, sa tv lang ako nakakakita nito. Hindi ko din kasi hilig na lumabas para dito. Pero dahil isa akong 18 years old at napilit ako ni Noctis, here I am.

Nang matapos ang fireworks ay narinig kong bumuntong hininga si Noctis kaya napatingin ako sa kanya. Dismayado yata dahil tapos na ang fireworks.

"I remembered..." Paumpisa niya saka tumingin sa 'kin, "Uminom ka ng maraming alak, 'di ba? are you really desperate to alcohol?"

Napasinghap ako sa sinabi niya. Desperate agad?!

"G-Grabe ka naman!"

"How about when you're not with Cloud?"

Natahimik ako. Nagsorry na nga ako do'n eh. Saka, turn off na ba siya sa akin? Waaaah!

"Birthday kasi ng kaibigan ko. Matagal ko na 'yong hindi nakakasama kaya napainom. Pe-Pero alam kong mali dahil ang bata ko pa para do'n so sorry."

Ugh.

"Ang inaalala ko lang, paano kung may nangyari pa sa 'yo? Kung alam mong hindi mo kaya, 'wag mo nang ituloy. Pinapahirapan mo lang din 'yung iba."

Hindi ako sumagot at sumimangot nalang. Pero may naalala ako kaya tinaasan ko siya ng noo. "I-Ikaw, kasama mo daw si Zerene no'ng gabing 'yun. Saan kayo galing?"

Akala niya siya lang ah...

"Galing kami sa hotel," kaswal na sagot nito pero ako...

WHAT?! HOTEL BA KAMO?!

"Ho-Hotel?! What the hell?!" Gulat kong ani dahilan para walang emosyong niya akong tignan.

Tumayo ako at napatakip sa bibig habang nakatalikod sa kanya. Omg. H'wag niyang sabihin na may nangyari na sa kanila?!

O-Ouch. My heart...

"Hey, are you judging me?"

"Ano, magsa-santo-santuhan ka? You take advantage with her!" Bulalas ko saka napahawak sa isa kong bewang. Hindi ako makapaniwala...

Mas lalo akong nainis nang marinig ko siyang ngumisi kaya tinignan ko siya ng kunot ang noo. "I... I can't believe you. Por que type ka no'n pinatulan mo na?! Isa pa, ang bata pa no'n tapos kinuha mo na agad ang virginity. Bata pa kayo! Hah, really, hindi ako makapaniwala..."

"So?"

"Anong 'so'?!"

"So what? Parehas naman kaming single."

Natigil ako sa kanya. Mahigit tatlong segundo akong nakatitig sa kanya. Kumirot 'yung puso ko dahil sa nalaman. Para bang... biglang gumuho lahat ng saya ko.

Dahil sa pakiramdam ko naninikip na ang dibdib ko, tumalikod ako at agad na pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko. Nakakainis, 'wag ka naman umiyak ngayon, Lindsay.

Damn, ang sakit.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at pinaharap ako sa kanya. Pag tingin ko, seryoso siyang nakatingin sa akin.

"You're crying."

Bahagya akong umatras at umiwas ng tingin. "Na-Naaawa lang ako kay Zerene. Hindi niya deserved 'yun," pagsisinungaling ko.

"Really?"

Hindi ako sumagot.

"Really, Lindsay, sa tingin mo kaya kong gawin 'yun sa babaeng hindi ko mahal?" anito kaya bigla akong napatigil.

"Ano?" Doon lang ako napatingin sa kanya.

Napakamot siya ng pisngi at natawa, 'yung sarcastic na tawa. "Galing kami do'n dahil hinatid niya 'yung lola niya na doon nakatira. Nakita ko lang talaga sila at naawa ako sa lola n'ya. Nagpresinta nalang din ako na ihatid siya sa bahay nila since malalim na 'yung gabi. After that, wala na. Ni hindi nga nagdikit ang balat namin."

"Judgemental," aniya sabay ngisi. "Nagselos ka tuloy."

Para akong binubutan ng tinik. Muntik na talaga akong sumuko sa kanya. Akala ko, ginawa niya 'yun.

Pero ano, selos?

"Wa-Wag ka ngang feeling,"

"Ikaw ang 'wag feeling. Hindi ako gano'ng lalaki. Truth to be told, I've never done such things. Gagawin ko lang 'yun sa tamang babae, sa mahal ko, sa asawa ko."

Gagawin ko lang 'yun sa tamang babae, sa mahal ko, sa asawa ko.

Tila isa na namang pitik ang naramdaman ng puso ko.

I smiled, fake. "Good. That's right,"

Naiinis ako sa nararamdaman ko dahil hindi ko mapigilang magselos pagdating kay Zerene. Kahit hindi siya gusto ni Noctis, mahirap pa ring pigilan.

'Yung nararamdaman ko nga para sa kanya, sobrang hirap mapigilan eh. Selos pa kaya?

"You know..."

Pinasok n'ya ang mga kamay sa bulsa ng pants n'ya at tinanggal ang tingin sa akin. Humarap siya sa mga nagdadaang tao.

"I thought that falling in love with someone and knew that you'd have to part, seemed pointless ." Seryosong saad ni Noctis. "But lately I've realize something... something may seem pointless, but worthy."

Napakurap ako ng ilang beses habang nakatitig sa kanya. Ang seryoso ng mukha n'ya habang sinasabi ang mga 'yun. Ramdam na ramdam ko kung paano tumitibok ang puso ko sa kanya.

You're right, Noctis. Maybe my love for you will turn out to be pointless...

Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin, hindi ko na nagawa pang umiwas ng tingin at nakipagtitigan nalang sa maganda at seryoso n'yang mata.

"Maybe worrying about future is stressful that you miss out on happiness in the present may turn out to waste..."

Hindi ko nagawang sumagot. Bagkus, bigla kong naalala 'yung mga sinabi sa akin kagabi ni Cloud...

"Once your experimentation ends, everyone you dealt with will forget about you. Didn't you remember about that?"

"That's why I don't wanna miss every single moment I have..."

I pressed my lips before saying, "You're right,"

Dahil hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sa 'kin, nagtuloy ako sa gusto kong sabihin. "Someday, we'll part, possible forgotten. But we're living in the moment." Ngumiti ako, "Let's just not waste any single moment we have..."

Dahan-dahan kong nakita ang ngiti sa kanyang labi, kasabay nang pagharap ng katawan n'ya sa akin.

Kinabahan ako ng sobra nang humakbang siya ng dalawang beses palapit sa akin. Gayunpaman, sinikap kong tatagan ang mga tuhod ko.

"I'm sorry..." mahinang usal n'ya na kinagulat ko sa aking loob.

Pero hindi ko inaasahan ang pagtaas n'ya ng kanang kamay n'ya at dahan-dahan 'yun ilagay sa kaliwa kong pisngi. Naramdaman ko ang init ng balat n'ya and at the same time, pakiramdam ko dalawa lang kami sa parkeng ito.

"I'm sorry for... liking someone as dumb as you," Napangisi siya at...

...hindi ko inaasahan ang sumunod na salita n'ya...

"I love you, Lindsay."

Natigilan ako. Nanlamig ang katawan ko at pakiramdam ko, anytime soon mapapaupo nalang ako dahil sa panghihina. Apat na salita, pero sapat na para kuhaan ako ng lakas.

Did I heard it right?

"No-Noctis..."

Jahe eh, wala akong masabing iba. Kinuhaan na nga ako ng lakas, kinuhaan pa ako ng salita.

Pero...

It felt like my heart is partying inside me that it ended with having mutual feelings like him. Ang sarap sa pakiramdam na nalaman mong mahal ka rin n'ya.

Tinanggal nito ang kamay sa akin at muling namulsa. "I fall madly inlove with you, even if it's just a month since I met you. Guess, time doesn't matter when it comes to love. Ikaw lang kasi 'yung babae na nakapagsalita sa akin. Wala rin ni isang tao ang nagtiyaga sa akin, but you. You gave me inspiration to fight again. You throw meaningful words that I haven't heard from someone. You showed me your devotedness in me that's why I now became this."

Huminga siya ng malalim, "I found hope in you. Gusto ko ngang matawa sa sarili ko eh, I never ever wanted to be in a relationship because before for me it's a stressing thingy. I never confess in my whole life. I never tell my feelings to anyone. Pero... seems destiny wants me to voice out my... my feelings for you,"

This... this is the first time I heard him saying a lot of words.

Kapag nag-uusap kami noon, wala siya masyadong sinasabi at panay sagot lang siya sa mga tanong ko. Nag-open na rin naman siya noon, pero kumpara ngayon? Masyado akong nalulula.

I feel flattered. I'm really mesmerized.

"You don't have to say something. I understand that we're still young and our focus is in studying. That's just all that I'm feeling. Hope that nothing will change in what we have now."

Ang ngiti na kanina ay pinakita n'ya, ngayon ay napalitan ng lungkot. Nakatitig lang siya sa akin na parang pinag-aaralan ang bawat parte ng mukha ko. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng confession n'ya, ay bigla siyang nalungkot.

Dahil ba ang alam n'ya ay parehas kaming teenager? Dahil ba akala n'ya hindi ko siya gusto?

Gustong-gusto kong sabihin. Pero nagdadalawang isip ako.

Akala ko kanina, okay lang to take a risk. Pero seeing his sad face makes me want to hide all my love for him. Paano pa kapag iniwan ko na siya? Malulungkot lang siya... hanggang sa hindi na n'ya ako maalala.

That's the saddest part.

Gusto ko siyang yakapin kaya naman humakbang ako ng isa pero kaagad din akong tumigil. No, Lindsay. Kahit pareho kayo ng nararamdaman, pareho lang din kayo masasaktan.

Okay lang na ako... 'wag lang siya.

Doon ko naramdaman ang mabilis na pagpapalit ng nararamdaman ko. Biglang nanikip ang dibdib ko. Kumirot ang puso ko at pakiramdam ko, maiiyak nalang ako dito ngayon.

Gusto kong tumaya eh. 'Yun naman talaga ang huli kong desisyon. Pero... hindi ko kayang makita siyang nasasaktan.

Hindi ko pala kaya.

"Lindsay... okay ka lang?" biglang tanong ni Noctis.

'Yun ang hudyat na wala ako sa aking sarili. Bumaba ang tingin ko sa dibdib n'ya.

Noctis life will go on...

and...

I won't be there with him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top