Kabanata 20
Mula no'ng sinabi sa 'kin ni Cloud 'yung tungkol sa nakita niya, na magkasama sina Noctis at Zerene nang gabi nang mismong party ni Bubbles ay hindi na talaga ako matahimik. I mean, ayaw akong tigilan ng utak ko!
Anong oras na 'yon, tapos magkasama pa sila? Saan sila nagpunta? Bakit sila magkasama? Anong ginawa nila? Nagda-date na ba sila?
Ouch.
Tangina namang utak 'to! Bakit mo ba iniisip 'yon? Nasasaktan na nga ako eh.
Isang malakas na buntong hininga ang ginawa ko dahil sa mga pumapasok na nakakainis na bagay sa utak ko. Kahit anong pilit kong tanggalin, naiinis ako. Pagkatapos n'ya ako sabihan nang, "H'wag ka mag-alala, sa susunod na kiligin ka ako lang ang makakakita."
Tss!
Lindsay, ibig bang sabihin nito... mahal mo na si Noctis?
Mahal?
Ma-Mahal agad?
Malapit na 'kong makapasok ng gate ng school nang biglang may nagsalita sa tabi ko. "So, how was your night with alcohols? Are you satisfied?"
Natigil ako sa aking sarili at mabilis na tinignan ang tao na 'yon. Dahil do'n, naramdaman ko agad ang mabilis na tibok ng puso ko na tipong gusto nang lumabas at tumalon kay Noctis.
Walang emosyon n'ya akong tinignan kaya naman wala pang tatlong segundo ay umatras na ako. Pansin ko na nagtaka siya sa inasta ko.
Noon, kapag tinitignan ko siya ay parang wala lang. Gwapo at matalino, nakakahanga. Pero hindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago ang nararamdaman ko sa lalaking ito. Hindi ko alam kung simula ba 'yun na naging mabait siya sa akin o... noong pinakitaan n'ya ako ng mga nakakakilig na gestures.
Gusto kong aminin na... baka mahal ko na nga siya. Pero may part na gusto ko pa ring itanggi dahil hindi pwede. Ako lang ang masasaktan, kagaya ng naramdaman ni Chester sa 'kin.
"Why?" tanong nito pero muli na naman akong umatras.
Kumunot ang noo n'ya na tila nawi-wirduhan na sa akin. Alam naman kasi n'ya na, hindi ako ganito sa kanya.
Pero this time, kailangan ko siyang iwasan.
Baka sakaling isang panlilinlang lang itong nararamdaman ko para sa kanya.
Bago pa siya muli na magsalita ay tinalikuran ko na siya at mabilis na naglakad papasok ng school. Mas mabilis pa ang tibok ng puso ko kesa sa lakad ko. Para na akong magkakasakit sa puso.
Nang makapasok ako sa room at makaupo sa upuan, doon lang ako nakahinga ng maluwag at napahawak sa puso kong hindi na mapakali.
# # #
"Lindsay, niyaya ko na si Katherine."
Mahinang saad ni Yahiko sa tabi ko habang nasa harapan si Ma'am Nabual at nagsasalita. Napangiti ako bigla at tinignan siya. "Pumayag?"
"Oo," saka ito napangiti dahil sa kilig.
Haay, ang cute talaga kiligin nitong hapon na 'to.
"Sumama ka bukas ng gabi, yayain mo si Noctis."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ako pa talaga ang magyayaya?! Saka, hindi ko nga siya pinapansin eh.
"A-Ano ka ba, 'wag na. Kayong dalawa nalang ni Kath para enjoy." Sabi ko na lamang.
"Kaibigan ka ni Katherine, dapat nando'n ka para makapag-picture kayo."
"Makapag-picture o para may tagakuha kayo?"
"Pwede rin,"
Tss...
"Magmumukha lang akong third wheel," Saad ko.
"Eh kaya nga isama mo si Noctis."
Ugh. Nakakainis 'tong si Yahiko! Push na push na yayain ko ang isang 'yun.
Sumandal ako sa upuan at napairap nalang. Bahala sila, basta hindi ako magyayaya lalo kay Noctis.
Hindi ko siya papansinin kahit anong mangyari. Period. No erase.
Dahan-dahan dumako ang mata ko sa gilid at nilagpasan no'n si Yahiko na nakatingin sa harapan. Hanggang sa pasimple akong lumingon patalikod. Bahagya akong nagulat nang makita na nakatingin sa akin ng mataman si Noctis.
Kaagad akong bumalik sa dating posisyon. Tank in a, sana pala hindi na 'ko lumingon eh, eh 'di sana hindi kakabog ng ganito na naman ang puso kong baliw sa kanya. Huhuhu!
Okay. Hindi na ako titingin sa kanya. Self, please behave.
# # #
Galing kami ng cafeteria ni Katherine at ito naman, kwento ng kwento kung gaano siya kakilig sa pagyayaya ni Yahiko sa kanya kagabi.
"Sobrang romantic. Hindi ko akalain na pupuntahan n'ya ako sa bahay para lang bigyan ng tatlong rosas at yayain bukas. Hindi ko kinaya!" Tuwang-tuwa na kwento nito. "Tapos, ang gwapo din niya sa suot n'ya. Alam mo 'yun? Ang lakas maka-boy next door! Kyaaah!"
Buti pa sila may mutual feelings. Hays.
"Kinwento ko nga agad sa kuya ko kung gaano kabait at ka-sweet n'yang si Yahiko eh. Sabi n'ya, gusto pa raw n'yang makilala---"
Huminto siya sa pagsasalita nang huminto ako sa paglalakad at mapatingin sa taas ng hagdang sana ay aakyatan namin. Medyo napanganga ako dahil hindi ko akalaing makakasalubong ko si Noctis dito na pababa na.
Nakahinto rin siya at nakapamulsa, seryoso ang mga tingin sa akin.
GG. Ayan na naman si heart nagsisimulang kumatok ng malakas.
"Huy," Bahagyang binunggo ni Katherine ang braso ko kaya naman umiwas ako ng tingin at umatras.
"Na-Nakalimutan ko 'yung sukli ko kay ate, una ka na!" Saka ako mabilis na naglakad pababa muli ng hagdan pero narinig ko pang sumigaw si Katherine.
"Huh?! Anong sukli eh nilibre lang naman kita?!"
Argh! Pota ka mag-dahilan, Lindsay!
# # #
"Class dismiss."
Pagsabi ng professor namin sa dalawang salitang 'yan ay mabilis nagsitayuan ang mga kaklase ko. Naunang lumabas si Chester na mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin ako balak pansinin habang sina Katherine at Yahiko ay nagpaalam na sa akin dahil kakain pa daw sila sa labas.
How sweet.
Dali-dali kong pinasok ang mga gamit ko sa aking bag dahil baka magkasabay pa kami ni Noctis ng labas at ayoko no'n. Paninindigan ko kung ano ang nasimulan ko.
Handa na ako lumabas nang pagharap ko para humakbang ay...
Nakatayo na si Noctis sa harapan ko habang bitbit ang isang strap ng bag n'ya sa isang balikat. Walang emosyong nakatingin sa akin na para bang may nagawa akong kasalanan sa kanya.
'Yung naglasing ba ako?
Hindi ko na dapat ika-sorry 'yun sa kanya. Siya nga kasama si Zerene eh. Nagsorry ba siya? Tsh.
"Iiwasan mo na naman ako?"
Malamig na tanong nito sa 'kin. Hindi ako nakapagsalita at napatingin nalang sa gilid. Wala nang tao.
"A-Ano bang kailangan mo?" Medyo kinakabahang tanong ko.
Namulsa ito bago magsalita, "Lindsay..."
Lumapat ang mga mata ko sa seryoso niyang mukha.
"Do you have any plans tomorrow night?"
W-What?
Nagulat ako. Ang dami kaagad na eksena ang pumasok sa isip ko pero agad ko ding tinanggal 'yun. Imposible.
"Go out with me,"
Oh my...
"A-A-Ano...?" Syempre hindi ako makapaniwala eh. 'Go out with me' daw, hindi 'yun biro, 'di ba?
Huminga siya ng malalim saka umiwas ng tingin. Doon ko siya malayang pinagmasdan ng mabuti.
Kung tutuusin, dapat umalis na ako sa harap n'ya eh. Kung talagang iniiwasan ko siya, hindi na ako tatayo pa dito sa harapan n'ya't pakikinggan siya. Pero...
Iba na talaga epekto n'ya sa akin... Harangan lang n'ya ako, kusa nang lumalambot ang puso ko.
"On a da---" Napapikit siya ng mariin at hindi na naituloy ang sinasabi. Muli itong umayos at tumingin sa 'kin. "I'll text you the details tonight,"
Then, he walked away.
Naiwan akong tulala at mag-isa sa classroom. Tahimik. Tanging tibok lang ng puso ko ang maririnig. Halos manghina rin ako dahil aaminin ko, nag-a-assume ako na 'date' ang gustong sabihin ni Noctis do'n.
Sa huli, sumilay ang ngiti sa aking labi at napahawak ako sa puso kong ayaw kumalma. Gusto ko siyang tanungin kung bakit ginagawa n'ya sa 'kin 'to. 'Yung sakit na naramdaman ko no'ng gabing nalaman kong magkasama sila ni Zerene? Nawala ng parang bula.
At ngayon, kumpirmado na at sigurado na ako.
# # #
Alas otso palang ng gabi pero wala nang katao-tao dito sa street. Matapos nang nangyari kanina, hindi na muna ako umuwi at dumiretso na lang ako sa playground dahil parang gusto ko magmuni-muni.
Hindi pa kasi talaga ako makapaniwala na... para niya akong niyaya sa date bukas ng gabi.
Nakakatuwa, yet nakakalungkot.
Nalulungkot dahil alam kong kahit na parehas kaming magkagustuhan... hindi rin naman kami magkakatuluyan.
That's for sure.
Tahimik akong naglalakad mag-isa habang sinasalubong ang malamig na simoy ng hangin. Napayakap ako sa sarili ko.
Paglampas ko sa isang maliwanag na poste ay doon ko nakita si Cloud na nakasandal sa pader at nakapamulsa.
Huminto ako kaya umayos siya ng tayo at humarap din sa 'kin. "Bakit late ka umuwi? Sa pagkakaalala ko quarter to 7 nagpalabas na si ma'am."
'Yan agad ang bungad n'ya.
I sighed. "Nagpahangin lang," saka ako tipid na ngumiti. "Umuwi ka na, pauwi na rin ako." nilagpasan ko siya ng lakad pero kaagad din itong nagsalita.
"Hey, are you alright?" Tanong nito.
Huminto ako sa paglakad at nanataling nakatalikod sa kanya. Tumingala ako sa itim na langit.
"Say, do I have to go back to my old life no matter what?" Wala sa sariling tanong ko. Bigla kong naisip sila Bubbles. Ang laking parte nila sa buhay ko, pero gano'n na rin sila Katherine, Yahiko...
Lalo na ni Noctis.
"What?"
"Can't I enjoy my life now and grow old with them?" Muli kong litanya.
Dahil sa nakumpirma ko sa nararamdaman ko-- oo, kanina ko lang nakumpirma ang nararamdaman ko. Kung noon, alam ko na gusto ko lang siya, at in denial pa ako kung mahal ko na ba siya, ngayon ay hindi na. Alam na alam ko na.
Pinigilan ko naman eh. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana para sa 'kin at kay Noctis.
"Once your experimentation ends, everyone you dealt with will forget about you. Didn't you remember about that?"
Napalunok ako. Hindi ko naman nakakalimutan 'yan...
Narinig ko ang pagngisi ni Cloud kaya patagilid ko siyang nilingon. "You sure have changed,"
"Really?"
Pumihit ako paharap sa kanya at humawak sa strap ng body bag ko.
"Yep. From being a victim of bullying and now to liked by everyone." Ngumiti ito sa 'kin, "Please don't abandon the old Lindsay. This version of you is just an illusion."
Bigla akong tinamaan sa sinabi n'ya. Tipong alam ko naman na hindi ito permanente pero... ang sakit kapag naririnig mo mismo sa taong nagdala sa 'yo dito.
Bumigat ang bawat paghinga ko kaya naman napalunok ako't umiwas ng tingin.
"Ri-Right. I should've not bring this up."
Sa sandaling 'yun alam kong nanikip ang dibdib ko. Gusto ko umiyak at magsisi kung bakit kasi sumabak pa ako. Hindi ko naman alam na may isang tao ang magbibigay sa akin ng kaligayahan kahit na hindi kami, at malayo ang agwat ng edad namin.
Hindi namin ito madalas napag-uusapan ni Cloud. Ngayon nalang ulit, at feeling ko ito ang pinaka masakit sa lahat ng pagkakataong napag-usapan namin ito.
Knowing na naging masaya ka sa mga bago mong kaibigan, pero kusa ka din nilang makakalimutan, mahirap.
Tumalikod ako at dali-daling naglakad pauwi. Namuo bigla ang luha sa mata ko kaya agad kong kinuskos ang mata ko para hindi na tuluyang maiyak.
"I--- I won't forget you, Lindsay!"
Napahinto ako dahil sa sinabi ni Cloud.
"Kapag bumalik ka na sa totoo mong edad, lumabas tayo. Kumain tayo sa labas, uminom tayo, mamasyal bilang mga adults. Saka natin balikan ang mga alaala mo noong mga panahong isa ka pang eksperimento." Usal nito. "Kahit mawala sila Katherine sa 'yo... Pwede ko naman silang palitan eh. Nandito ako."
Hinarap ko siya, and this time tumulo na ang luha ko.
Nakita kong lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.
Sobrang naa-appreciate ko si Cloud. Ang dami n'yang efforts sa akin. Hindi lang bilang guidance, kung 'di bilang malapit na kaibigan.
Pinunasan ko ang luha na tumakas sa mata ko at mapait na natawa, "Sure, doesn't sound bad at all." Bumuntong hininga ako at nginitian siya ng matipid. "Thank you so much, Cloud."
After I said that, tumalikod na 'ko at dumiretso sa paglalakad pauwi.
Mahirap umalis ng basta-basta sa mga taong nakasanayan mo na... Pero hindi ba't mas mahirap 'yung naging masaya kayo sa saglit na panahon pero darating 'yung araw na ikaw nalang ang nakakaalala ng lahat?
Gusto ko mang aminin kay Noctis ang nararamdaman ko pero... H'wag nalang. Wala rin namang mangyayari at masasaktan ko lang lalo ang sarili ko. Makakalimutan din n'ya ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top