Kabanata 19

Halos mamangha ako at magulat nang makarating kami sa venue ng birthday party ni Bubbles. Nandito kami ngayon sa "Speakeasy in the heart of wicker park," dito sa berkely city kung saan piniling i-celebrate ni Bubbles ang kanyang kaarawan. Sobrang cozy, intimate at ang lakas maka-sophisticate ng dating. Malayong-malayo sa mga trip ng barkada namin.

Sa bagay, si Bubbles 'to. Hindi ito mahilig sa maiingay at yugyugang party. She is so classy when it comes in celebration.

Maraming tao at lahat ay may kanya-kanyang kausap. Medyo kinabahan ako nang humakbang pa ako ng ilan para makaupo sa malaking itim na sofa na narito. Iniisip ko kung ano kaya ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko na ulit ang mga mahal kong kaibigan?

"You look uneasy,"

Mahinang sambit ng katabi kong si Cloud. Huminga ako ng malalim bago siya tignan at ngitian. "Sino bang hindi? Ilang buwan ko silang hindi nakita at nakausap."

Isang gabi lang 'to, gusto ko nang lubus-lubusin.

Napalunok ako nang may isang lalaking huminto sa harap namin. May hawak siyang wine glass na may lamang white wine, I guess. Kumunot ang noo n'ya't nakipagtitigan sa akin na parang minumukhaan ako.

Napalunok ako. I know him...

"Do you know---"

Bago pa matapos ang sasabihin ni Cloud ay mabilis na lumapit ang lalaki at malaki ang ngiting tumabi sa 'kin. "Hey! Lindsay, long time no see."

"Yeah,"

"How are you? I mean, ang tagal mong hindi nagpakita. Balita sa 'yo?"

Nabasa ko ang labi ko at tumingin kay Cloud na nakataas ang dalawang kilay sa amin. Marahil nagulat sa biglang paglapit ng lalaki ito sa akin.

"Okay naman. I didn't expect to see you here, I thought you were in China?" Tanong ko. Napailing naman siya sabay ngisi bago sumandal sa sofa.

"The moment I knew that she and her boyfriend broke up, I didn't waste any time so, I rush to come back here and surprise her. To tell her how much I love her, need her." Seryosong sambit nito saka lumingon sa 'kin. Doon ko nakita ang pagka-sinseridad n'ya. Malayong-malayo sa dati. "Lindsay, this time, I really wanna be with her."

Siya si Sammuel Mitra. Half chinese, half pinoy. Lumaki dito sa pilipinas at pagdating ng graduation namin noong College, lumipad na siya pa-china para doon na magtrabaho at manirahan since nando'n ang kanyang chinese mother and siblings.

"Lindsay! Oh my go---"

Sabay-sabay kaming napatingin sa babaeng malawak ang ngiti at yayakap sana sa akin nang bigla siyang mapatigil at mapatitig kay Sam. Nawala ang magandang ngiti ni Bubbles at napalitan ng blangkong ekspresyon. Nanghinayang tuloy ako, she looks so gorgeous in her long off shoulder lace dress. Kitang-kita ang kurba ng katawan n'ya dahil dito.

"Sa-Sam..."

Bumuntong hininga si Sam bago tumayo at lumapit kay Bubbles. Ngumiti siya rito, "Happy birthday, Bubbles." saka siya umalis sa harap nito at tuluyan nang makihalubilo sa ibang kasama.

Tumayo ako at lumapit kay Bubbles na nakatingin sa maliit na mesa na nasa harap namin. Mukha siyang dinaanan ng malaking problema ngayong kaarawan n'ya. Hays.

"Bubbles... ha-happy birthday! Akala mo hindi ako pupunta 'no? Hehehe," So, I'm really trying to cheer her up kasi mukha talaga siyang naaapektuhan.

"Hey..."

Tumingin ito sa akin, sa wakas.

"Kasama mo siya?" And I know, she's pertaining to Sam.

"Hindi. Nagulat nga ako na nandito siya, he's telling me something about the girl she loves. Hindi kaya ikaw 'yon?"

"Are you kidding me?" Sarcastic na tanong nito at napailing nalang. "Damn, why the hell is he here..." Pabulong pang litanya nito.

Hays. Ang hirap talaga pag love na ang pinag-uusapan. By the way, this Bubbles is Sam's ex lover.

Cute.

Noong College kami, crush na crush na ni Bubbles si Sam kahit na hindi sila magka-klase. Naalala ko pa no'n, gumagawa kami ng paraan para mapansin ni Sam si Bubbles pero... waley talaga eh, Sam is a semi-serious type of guy. Ma-tropa lang, hindi din siya mahilig sa chiks.

Don't get me wrong, hindi siya gay or something. Napatunayan ko 'yan nang minsang ligawan n'ya si Pia. One of my friendships.

Oo, si Pia na kaibigan namin ni Bubbles, Georgina, at Casey.

Hindi man halata, medyo nagulat ako sa mga narinig ko kay Sam kanina. There must be something happening here...

Hindi naging sila dahil noong time na 'yun, kasasagot lang ni Pia sa boyfriend n'ya na ngayon ay si Angelo. And also, alam naman n'ya patay na patay si Bubbles kay Sam.

"Ehem,"

Napatingin kami ni Bubbles sa katatayo lang na si Cloud. Agad siyang ngumiti kay Bubbles at bumati. "Hi, nice to meet you again. Remember me?"

Dahil do'n, napangiti na rin ang kaibigan ko. "Hi! Cloud, right? Buti at sinama ka ni Lindsay."

"Yeah, Happy birthday pala. Wow, another year has come."

Napabungisngis si Bubbles, "I know. O siya, kumain na kayo. Come,"

Naunang maglakad si Bubbles para pakainin kami kaya agad kong siniko si Cloud at pinagkunutan ng noo. Baka mamaya trip n'yang maging Sam 2.0, ugh!

Imbes na magsalita, kinindatan lang ako nito na may kasamang ngisi.

Nang makarating kami sa malaking mesa, doon ko nakita ang iba pang kaibigan ko na nagkakatuwaan. Nanlaki ang mata ni Pia at kaagad na tumakbo at yumakap sa akin ng mahigpit. Gano'n rin ang ginawa nila Casey at Georgina.

Girls...

"Fucking shit, Lindsay! Nagkaroon ba ng himala at nagpakita ka?! Wow," Usal ni Casey.

"Pa-miss ka masyado! Miss na namin 'yung mga gimik natin." Sabi naman ni Georgina na nagpout pa. Ow,

"Baka naman, ano kailan?" Panghahamon ni Pia na akala mo sigurado nang sasama ako.

As much as I want, pero hindi eh.

"Relax... Saka na 'yan, ang importante magkakasama na tayo! Yieeee!" Tuwang-tuwang sabi ko at nagtatatalon pa na ginawa din nila.

"Pakainin n'yo muna sila. Saka tayo magkwentuhan." Pagsingit ni Bubbles na yumakap sa bewang ko.

"But wait," tumingin si Casey sa likod ko na ginaya naman ng dalawa. "Hi, cutie!"

Uh-oh.

"Kasama mo? Hindi mo naman sinabi na may kasama kang pogi! Boyfriend o fiancèe?" Nakakalokang tanong ni Pia.

Nanlaki ang mata ko at napatingin agad kay Cloud na... Ugh, humahawi ng buhok habang bahagyang nakangisi at nakatagilid ang ulo mula sa amin. Halatang nagpapa-cute ang mokong!

"My goodness boyfriend mo siya?! How come na hindi ka nagsasabi sa 'min, ha, Lindsay Evans!" Pabirong bulalas ni Casey at namewang pa. Aba!

"Uy, ang pogi niya. Saan kayo nagkakilala?"

"What's his name?"

"Bakit hindi ka nagsabi?"

"Ilang months na kayo?"

"May nangyari na ba sa inyo---"

"WHAT THE HELL, Casey?!" Kaagad kong bulalas bago pa niya matapos ang sasabihin. Jusq. Bakit ganito sila mag-isip?!

"Hihihi. Ikaw naman, mesherep be?" Pabebeng usal pa niya.

Hays.

Natatawa na napapailing nalang si Bubbles sa mga tanong ng tatlong 'to. "Girls, walang boyfriend si Lindsay. Magka-trabaho lang sila and that's all. Hindi naman maglilihim sa 'tin 'to."

Haay, buti naman...

Nakita ko naman ang disappointment sa mga mukha nila. Mga baklang 'to! Gusto na yata mawala ang virginity ko!

"Nag-expect pa naman ako... Pero, baka naman pwedeng akin nalang?" Sabay hagikgik ni Georgina na sinabayan ni Casey.

Agad ko 'tong tinampal sa braso. "Umayos nga kayo! Kaibigan ko 'yan, ang dami niyo na agad sinabi eh..."

Napabuntong hininga naman si Pia at umakbay sa akin. "Kasi... No boyfriend since birth ka. Gusto mo ba talagang panindigan 'yan hanggang dulo?"

"Oo nga. Akala nga namin may ka-leave in ka na eh. Hindi naman kami magagalit, matutuwa pa nga kami kasi baka magkaroon na kami ng inaanak."

What?!

"Hahaha! Kayo talaga, darating din kay Lindsay 'yan. H'wag niyong itulad sa inyo!" Bulalas ni Bubbles. "Anyways, ipakilala mo na nga siya."

Napabuga ako sa hangin at sinenyasan si Cloud na lumapit na kaagad naman niyang ginawa. "Girls, this is Cloud. My FRIEND." diniin ko talaga ang salitang 'friend' para naman mahimasmasan itong mga 'to.

"Hi! Nice meeting you all," magalang na bati ni Cloud.

"Nagugutom ka na ba? Tara sabay na tayo, I'm hungry na eh." Sambit ni Casey na agad hinatak si Cloud paupo para makakain na. Nakita ko namang napilitan nalang si Cloud dahil sa inasta ni Casey.

Napailing si Bubbles at kumamot sa kanyang sintido. "Casey will always be Casey."

# # #

Alas diyes ng gabi at medyo lumalalim na talaga ang gabi pero tuloy pa rin ang party ni Bubbles. Hindi man gano'ng sayawan, marami pa ring nagsasaya dahil sa mga music at beats na tugtugan dito.

Sandali kong iniwan ang lamesa namin para mag-cr at paglabas ko, alam kong nahihilo na talaga ako. Mukhang napainom na naman ako ng marami.

Pagdating ko sa table, nakita kong nag-uusap si Cloud at Casey. Si Georgina naman ay may kausap sa phone at mukhang baliw na tatawa-tawa. Samantalang wala sina Pia at Bubbles.

"Huy, ayos ka pa?" tanong agad ni Cloud nang makita ang itsura ko.

Ngumiti ako ng malaki at nag-thumbs up. "Okay na okay!"

"Teka, baka gusto mo na umuwi ihahatid na kita."

"Hahaha! My dear, Cloud. Matagal malasing 'yang si Lindsay. Party goer din 'yan eh! 'Di ba, Linds?" Ohh, mukhang marami na ring nainom si Casey dahil namumula na siya.

O baka naman kinikilig lang kay Cloud?

"Don't worry about me," Kumaway ako at paika-ikang naglakad sa gitna. Gusto kong makita si Bubbles, hindi pa kami nagkakausap ng matagal.

Lumabas ako sa pintuang nakita ko dito sa likod. Mukhang fire exit pero wapakels na ako dahil hinahanap ko si Bubbles. Maya-maya ay uuwi na rin ako eh.

Naglakad ako palabas sa tahimik na lugar na puro halaman at bulaklak na, hanggang sa may marinig akong nag-uusap.

"I love you, Pia. Kahit maghintay pa ako okay lang. Mapatunayan ko lang sa 'yo na hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na magugustuhan mo."

Boses ni Sam...

At ano daw, Pia?

"Ang... Ang hirap kasi. Obvious naman na affected pa rin sa 'yo si Bubbles. She's my friend at kapag nalaman n'ya 'to, masasaktan siya." Pia answered.

"What can I do? Oo maganda at mabait siya pero... Ikaw 'yung gusto ko, Pia. College palang tayo alam mo na 'yan."

"Sa-Sam... Ayokong pigilan ang nararamdaman ko but I feel the same way, iniisip ko lang si Bubbles."

"It's okay. Kung hindi ka pa ready sabihin sa kanya, fine. Ang importante parehas tayo ng nararamdaman."

But wait, may na-realize ako...

Pia has a boyfriend. She has Angelo if I'm not mistaken.

Argh! Sakit sa ulo!

Napahawak ako sa ulo ko at sumandal sa dingding. Parang kasasakay ko lang ng roller coaster sa nararamdaman ko ngayon. Para akong nasusuka na ewan.

Pumikit ako at saglit na pinahinga ang sarili. Nagpapakalma ako ng biglang may impit ako na iyak na narinig. Pag dilat ko, nakita kong katabi ko na pala si Bubbles at... umiiyak siya.

"Bu-Bubbles,"

Humawak ito sa kanyang bibig at umiling. Kitang-kita ko ang mga luhang pumapatak sa kanyang pisngi.

Shit. Nahihilo pa naman ako. Gusto ko siyang yakapin pero hindi sapat ang lakas ko para gawin 'yun. Baka masukahan ko siya ng wala sa oras.

Hinawakan ko na lamang ito sa braso at pilit inaayos ang sarili. Kailangan ako ngayon ni Bubbles.

"Bubbles, stop..."

Pero matigas itong umiling.

Pumikit ako ng mariin saka muling tumingin sa kanya. Nanlalabo ang paningin ko, nahihilo at umiikot ang tiyan ko. Badtrip na Gin 'yan, hindi ko nakayanan.

"I-I'm here..." Mahinang sambit ko habang nanghihina dahil sa nararamdaman.

Hindi ko din maiwasang magtaka. Hindi naman ako ganito kaselan kapag nalalasing. Anong nangyari ngayon?

"Li-Lindsay..." Garalgal na tawag nito sa akin kaya naman pilit ko siyang tinignan at nginitian.

"I... I love him. He broke my heart once, and now he broke my heart twice."

Then, everything went black.

# # #

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Tangina, bakit bukas ang bintana ko? May nakapasok ba?

May nakapasok ba?

May pumasok sa bahay ko?

Haaa?!

Dahil sa naisip, mabilis akong napaupo at gano'n nalang ang biglang pagsakit ng ulo ko kaya naman napahawak ako dito. Shit shit shit!

Hangover...

"Good morning, drunkard woman."

Pinanliitan ko ng mata ang lalaking may hawak na isang tasa ng kape at binaba ito sa lamesang nasa harap ko. Tulad kagabi, gano'ng polo pa rin ang suot niya.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko. Ang aga aga kung makapang-asar.

"Really, you're asking me that?" napangiwi ito at namewang sa harap ko. "Lasing na lasing ka na kagabi, hinimatay ka sa may back door at buti nalang agad na sinabi sa akin ni Bubbles. And you know what,"

"What?" Walang emosyong tanong ko.

"Muntik na nilang malaman ang sikreto mo. You're really out of your mind. Biruin mo, nagblack-out ka na nakakapagsalita ka pa. Kung wala ako do'n, baka mission failed tayo. Nakakainis ka." Okay, halatang inis nga siya.

I feel guilty.

"Ta-Talaga? Sorry..."

"You really have to say sorry. Pinahirapan mo na 'ko, pinakaba mo pa ako. Muntik na kitang iwanan sa kalye sa sobrang daldal mo na malamang, ikakapahamak pa natin."

Napayuko ako. Grabe, ang lakas ng tama sa akin ng alak na 'yun ah.

Laki tuloy ng utang na loob ko sa isang 'to.

Napabuga si Cloud sa hangin bago umupo sa sahig at humigop ng kape. Blangko ang itsura n'ya, mukhang wala pa siyang tulog. Pero mas mukhang na-badtrip ko siya ng husto.

Dahan-dahan akong umupo sa sahig at humarap sa kanya. "So-Sorry na nga eh. 'Wag mo nga akong simangutan."

Pero hindi siya sumagot.

"Seriously, I really had fun kasi nakasama ko ulit sila. Pero nagpapasalamat din ako sa 'yo dahil nandian ka at inalalayan ako. Uhm, gusto mo libre kitang ice cream?"

Nang hindi siya umimik at nanatiling nakatingin lang sa bintana at humihigop ng kape, napakamot ako ng ulo at bigla nalang yumuko sa lamesa.

"Huhuhu! Sorry na! Oo na mali ko na. Napaka careless ko alam ko. Nakokonsensya ako dahil muntik nang malaman nila Bubbles ang sikreto ko. Sorry, Cloud!"

Narinig ko ang pagbaba ng tasa sa mesa kaya sinilip ko siya mula sa pagkakayuko ko. Nakatingin ito sa akin ng blangko.

"Cloud..."

"Okay. Apology accepted,"

Umayos ako ng upo at ngumiti sa kanya. "Really?"

Tumango ito.

Nakahinga ako ng maluwag. Nakakainis kayang kainin ka ng konsensya mo.

Pero... ano kayang nangyari kagabi? Huli kong naaalala ay 'yung pag uusap nila Pia at Sam sa labas. Tapos, nakita ko nalang si Bubbles na... umiiyak.

Bigla tuloy kumirot 'yung puso ko.

"May isa ka pang kailangan hingan ng tawad..." Biglang saad ni Cloud kaya napatingin ako sa kanya.

"Huh?"

Ngumisi ito, "Noctis saw us last night you were drunk." Nagkibit-balikat ito. "He looks emotionless. Kaya bago pa n'ya matanong, sinabi ko na, na naglasing ka."

WHAT?!

"Anong sabi mo?!" Gulat na tanong ko na tinanguan naman niya.

"H'wag ka mag-alala, hindi naman niya nahalata ang adult look mo." Anito sabay kindat sa 'kin.

"A-Anong sabi n'ya?!"

Ayan na... nagsisimula na tuloy akong kabahan. Baka ma-turn off siya sa akin?! No way!

"Wala."

"Wala?"

"Parang wala ngang pake eh," sabay higop sa kape niya.

Walang... pake?

Naitikom ko ang bibig ko at napasandal nalang sa kama. Pakiramdam ko, dumoble ang kirot ng puso ko. Nakakainis. Sana hindi nalang sinabi sa akin ni Cloud 'to.

Pagkatapos n'ya akong pakiligin kahapon, malalaman ko na wala siyang pake noong nalasing ako?

Bakit gano'n?

"Hoy, natahimik ka?" Tanong ni Cloud kaya inisnaban ko ito. Nawalan ako bigla ng gana kaya tumayo nalang ako para maghilamos nang muli siyang magsalita.

"Kasama n'ya pala si... Zerene ba 'yon? 'Di ba 'yun 'yong nang-away sa 'yo?"

Natigil ako sa lababo dahil sa narinig ko. Lumakas ang tibok ng puso ko na may kasamang pagkirot na trumiple na ngayon. Parang bumalik din ang sakit ng ulo ko.

Gabi... tapos magkasama sila? Bakit?

Hindi inaasahang napahawak ako sa dibdib ko. Naiinis ako na nasasaktan. Gusto kong pigilan pero ang hirap. Mahirap kapag hindi mo alam na nahulog ka na pala talaga.

And that makes me want to hate him.

I hate him. Kahit na wala naman siyang ginagawang kasalanan sa 'kin. It's just I hate him. Kahit na wala akong karapatan magselos at magalit.

I... hate this feeling.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top