Kabanata 17
Sobra. As in sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa mga nangyayari. Una, inayos ni Noctis ang kwelyo ko dahilan para matulala ako sa kanya. Pangalawa, hinawakan n'ya ang kamay ko. Pangatlo...
Niyakap n'ya ako... at hindi ko inaasahan 'yun mula sa kanya.
Siya na ang kusang bumitaw sa yakap. Nahihiya akong tignan siya ng diretso sa mata kaya naman napangiti nalang ako habang nakatingin sa likuran n'ya.
"U-Uhm, gi-ginulat mo 'ko sa... sa ano, ginawa mo. Hehe," Kahit hindi ko nakikita ang sarili kong mukha, ramdam kong pulang-pula na ako ngayon. Ugh!
"Lindsay," Usal nito kaya naman tinaasan ko siya ng dalawang kilay habang kinakabahan pa rin.
"Do you think I have an infatuation right now?" Walang emosyong sambit nito kaya naman nagulantang ako.
What... the heck.
"I-I-Infatu... infatuation...?"
Noctis is absolutely making me feel nervous right now! Hindi ako makapaniwala sa mga kinikilos at sinasabi niya sa 'kin ngayon! Alam niya bang naiilang na 'ko?!
Tumango-tango siya, "I just want to confirm something from myself."
Nang hindi ako makapagsalita, bumuga siya sa hangin at namulsa saka tumagilid sa 'kin. "Sorry, forget about it." Saka siya nagtuloy sa paglakad na parang wala lang.
"Infatuation isn't something you confirm in a moment," Litanya ko dahilan para tumigil siya sa paglalakad. Huminga ako ng malalim bago ituloy ang sinasabi. "Feelings like those hit you naturally over time."
Mula sa pagkakatalikod, muli itong humarap sa akin... nang may ngiti sa labi.
"Yeah, and I guess I got hitted from the moment I can't remember."
Ilang buwan ko palang nakikilala si Noctis pero pakiramdam ko ang tagal na n'yang pinapalambot ang puso ko. The moment he said those words, feeling ko may kung anong nagpakalabog sa puso ko na anytime pwede nang sumabog.
Dahan-dahan lumabas ang ngiti ko sa labi at ginantihan ang ngiting binibigay n'ya. Hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko.
Hindi ko na alam ang nararamdaman ko sa 'yo... Noctis.
# # #
"Sasama ka ba mamaya?"
"Hindi ko alam. Baka kasi may lakad kami ng pamilya ko, pero gusto ko din sumama."
"Girl! Tayo ang pinaka mataas na evaluation na in-announce kanina! Kailangan natin 'yun i-celebrate."
"Pag-iisipan ko. As much as I want gusto ko talaga sumama mamaya."
Napasandal ako sa upuan ko at tumulala nalang sa bintana. Naririnig ko ang dalawang kaklase kong babae na nag-uusap tungkol sa party mamayang gabi. Balita ko pa sa mega coast 'yun gagawin kaya medyo exciting ang lahat dahil isa 'yon sa pinaka magandang beach dito sa lugar.
Natutuwa ako at kami ang nakakuha ng highest evaluation. Sa pangalawang pagkakataon, panalo na naman sa pangunguna ni Noctis.
"Ano ba kasi nangyari sa 'yo? Chester naman..."
Napalingon ako sa pintuan nang pumasok si Katherine habang nakaalalay kay Chester na iika-ika. Nangunot bigla ang noo ko at napatayo.
Nang makaupo ito sa upuan, agad akong lumapit. "Kath, ano nangyari?"
Namewang si Katherine at napabuntong hininga nalang na napatingin kay Chester na salubong ang mga kilay. "Na-aksidente 'yan kaninang umaga sabi nila AJ."
"A-Ano?!" gulat akong napatingin kay Chester at napansin kong nakabenda ang isang paa nito. "Bakit pumasok ka pa?! Teka, bakit na-aksidente?" Balik tanong ko kay Katherine na mukhang naiinis sa ginawa ni Chester.
"Nagyaya 'tong magmotor kasama sila AJ, tapos itong isa, pinaharurot 'yung motor na gamit n'ya hanggang sa nawalan ng balanse. Ayon, mabuti nalang at sa damo siya bumagsak." Napairap si Katherine kasabay ng paghalukipkip nito.
"Pwede ba, kung mag-uusap kayo 'wag kayo sa harap ko?!" Iritadong bulalas sa amin ni Chester kaya itong katabi ko, biglang namewang sa kanya.
"Hoy, magpasalamat ka nga sa 'kin dahil sinundo kita sa gate para ihatid dito. Kung hindi pa sinabi sa akin ni AJ, baka malamang gumagapang ka pa rin hanggang ngayon sa hagdan papunta dito!"
"O eh 'di salamat! Now, go."
Namilog ang bibig ni Katherine at bahagyang nanlaki ang mata n'ya. "Ga-Ganyan ka ba talaga? Hindi ka naman ganyan dati ah, ano bang problema mo, ha, Chester?!"
"You. You're so irritating,"
"Ang kapal talaga---" At bago pa lalong uminit ang dalawa, pumagitna na ako.
"Hey, hey, ano ba? 'Wag nga kayong mag-away." Suway ko sa dalawang 'to pero nakita kong parehas nilang sinalubong ng tingin ang isa't-isa ng salubong ang kilay.
"Ugh! Nakakainit ng ulo. Gumapang ka pauwi! Bwiset!" Inis na sabi ni Katherine bago pumunta sa kanyang upuan at padabog na umupo.
Sumandal nalang sa kanyang upuan si Chester at tumingala, pumikit siya at bahagyang pinisil ang tulay ng kanyang matangos na ilong.
Ano kayang nangyari at bakit n'ya pinaharurot ng gano'n ang motor n'ya?
"Okay ka la---"
"Good afternoon, class!"
Napatingin ako sa kakapasok lang na si Ma'am Nabual. Napabuntong hininga ako nang muling ibaling ang tingin kay Chester na gano'n pa rin ang itsura. Mabuti nalang at hindi ko natuloy ang tanong ko. Sino ba namang na-disgrasya ang okay lang?
Baliw.
Nagkaroon lang ng kaunting discussion si Ma'am pagkatapos ay pinag-usapan lang ang nangyari sa cultural festival. Kaninang umaga sa event hall, in-announce kung sino ang pinaka mataas na evaluation ang nakakuha, at iyon nga ang klase namin. Nakakatuwang malaman na nagbunga ang paghihirap ng klase-- especially, Noctis.
Nang matapos ang isa't-kalahating oras, nagpa-dismiss na agad si Ma'am para daw makapag-celebrate pa ang lahat mamaya. Deserve daw namin 'yun at agree ako do'n.
Isa-isa nang tumayo ang lahat at magsilabasan. Nakita kong lumakad na si Katherine palabas kasabay ni Yahiko. Mukhang badtrip pa rin si Katherine kay Chester.
Speaking of him, napatingin ako sa gilid ko. Nakita kong nakayuko siya at hinihimas ang paa na nakabenda.
Sa mukha palang n'ya, kita mo na agad ang hirap sa kanya.
Huminga ako ng malalim at inayos na ang gamit ko. Tumayo ako at saktong nakita ko si Noctis na palabas na. Nakahawak ang isa n'yang kamay sa isang strap ng bag n'ya na nakasabit sa balikat n'ya. Mula sa pwesto ko, naamoy ko agad ang halimuyak ng pabango n'ya. Hindi lang 'yun, medyo nagulat pa ako nang magkatinginan kami.
Napangiti ako sa loob-loob ko. Parang nagugustuhan ko na talaga 'yung pabango n'ya. Lakas makaakit!
Naipilig ko ang ulo ko at kinuha ang bag ko para sana sumabay kay Noctis pero kaagad akong nahinto nang marinig na umungol si Chester.
"U-Uy..." Naiusal ko nalang habang nakatingin sa kanya.
Tumingin siya sa 'kin pero agad din n'ya iyon tinanggal. Akmang tatayo na siya nang bigla siyang mapaupo ulit sa sakit ng naramdaman n'ya. Napakagat labi na lamang ito at mariing napapikit.
"Chester..."
Hindi n'ya ako pinansin kaya naman sinubukan n'ya ulit na tumayo. This time, dahan-dahan na siya. Humakbang siya ng isa, hanggang sa naging dalawa. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Pero sa pangatlong hakbang n'yang bigla nalang siya napayuko kaya mabilis ko na itong nilapitan at inalalayan sa braso na siyang kinagulat n'ya.
"Umupo ka nalang muna at tatawag ako ng tutulong sa---"
Mabilis na umangal ito at naging malamig ekspresyon nito sa 'kin. "Leave me alone,"
Nagulat man ay hindi ko na 'yun pinahalata. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang siyang naging ganito. This past few days, sobrang seryoso n'ya. Ni minsan hindi n'ya ako kinausap o pansinin man lang. Tapos ngayon, pinapaalis n'ya ako?
"I can handle it," Malamig ang tono na saad nito saka binawi ang braso n'ya sa akin.
Muli siyang humakbang. Sobrang bagal n'yang maglakad patungo sa pinto, akala ko nga makakalabas na siya pero nabigla pa ako nang bigla siyang napaupo sa sahig dahilan para gumawa ng ingay ang mga bakal na upuan na natamaan n'ya.
Kaagad akong lumapit at umupo sa gilid n'ya, "Chester, sige kahit ako nalang maghahatid sa 'yo. Hi-Hindi mo naman kasi kaya..." mababang usal ko.
Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakayuko habang nakasandal ang isang siko sa nakabaluktot n'yang tuhod.
"Ch-Chester..."
Tinaas ko ang isang kamay ko para hawiin ang buhok n'yang natatakpan ang kanyang mukha pero agad akong natigil nang magsalita siya.
"Didn't you hear me?" Mahina ngunit malamig na tanong nito. "I said, leave me alone."
Napalunok ako at binaba nalang ang kamay. Hindi ko maikakaila na kinakabahan ako kay Chester ngayon. Galit siya, ramdam ko na galit siya sa akin dahil na rin sa mga pinakita n'ya nitong mga nakaraan at hindi ko alam kung bakit.
Binasa ko ang labi bago magsalita pero hindi ko magawa dahil... nakita kong may pumatak na luha mula sa sahig.
Umiiyak siya...
"Get out, Lindsay. Leave me," muli nitong giit pero nagmatigas ako.
"I can't just leave a guy who is crying, I know I'm weak but I can lend you a hand and get you down the stairs."
Dahil sa sinabi ko, dahan-dahan itong lumingon sa akin. Doon ko nakumpirma na umiiyak nga talaga siya dahil sa basa nitong pisngi.
Naantig ako sa nakita ko. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak at nasa mismong harapan ko pa. Plus the fact na kilala ko siya, I thought Chester was a really tough guy. Pero sabi nga nila, ang tunay na lalaki ay umiiyak-- umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman na pilit nilang nilalabanan.
At iyon ang nakikita ko sa kanya ngayon.
"I feel like I lost everything... Simula no'ng dumating si Noctis dito sa campus, nawala sa 'kin lahat. Rank, top classes, highest scores, leader... pati 'yung babaeng gusto ko, nakukuha n'ya 'yung atensyon." Sambit nito na kinakunot ng noo ko.
"Everything falls into pieces... Ang sakit sakit lang na hindi ko pa nga natatanggap na lamang sa akin si Noctis... tapos makikita ko na parang, parang ang saya nila ng babaeng gusto ko. Kahit hindi siya madalas magpakita ng emosyon, bilang lalaki mararamdaman mo 'yun eh." Mapakla siyang natawa sa sarili. Napakurap pa 'ko nang marahan ako nitong titigan sa mata.
"Ka-Kayo na ba?"
Tumibok ng malakas ang puso ko sa tanong na 'yon ni Chester. Naging mabigat ang paghinga ko kaya naman napaiwas ako ng tingin. Kahit kailan hindi ko naisip na magiging kami ni Noctis kahit alam ko sa sarili ko na gusto ko siya.
Yeah, I hate to admit but I like him. I want him. I love him.
Pero pilit ko 'yun pinipigilan dahil hindi kami pwede. Malayo ang agwat namin at kung magkataon, hindi na rin naman n'ya ako maaalala pa.
Ngunit ang isa pang nakapag-paalala sa nararamdaman ko ay ang namumuong ideya sa isip ko...
Ako 'yung babaeng tinutukoy ni Chester.
Napatingin kaagad ako kay Chester nang pilitin n'ya muli tumayo. This time, mas naging determinado siyang maglakad ng mag-isa kaya naman agad akong umalalay pero mabilis siyang tumanggi.
"Don't," giit nito habang nakatingin sa sahig.
"Ch-Chester tutulungan na kita..." Nasabi ko na lamang.
Bigla siyang tumingin sa 'kin, luhaan pero wala nang emosyon ang mga 'yun. "You are so... so numb, Lindsay." Saad nito sa mababang tono at mahihimigan ang sakit sa mga ito.
Pero napailing ako. Hindi ko maintindihan. Bakit ako? Bakit sa dinami-dami ng babaeng nagkakagusto sa kanya... ako pa na walang gusto ni katiting sa kanya?
I don't deserve him. I don't even deserve Noctis. No one in this school deserves me because right from the very start, I am just wearing a mask.
Kaya ba siya nagagalit sa akin at hindi ako pinapansin noong mga nakaraan? This is complicated...
"You two were so sweet to each other. Hindi man kayo palaging magkasama 24/7, pero kapag nagtabi kayo, hindi ko mapigilang isipin na gusto n'yo na ang isa't-isa. Kahit sa mga simpleng tingin o kilos n'yo, ang hirap. Ang sakit." Pagpapatuloy n'ya. "Sa sobrang saya mo kay Noctis, hindi mo na napapansin na gusto kita. Nakakainggit talaga siya, siya na talaga." Naging sarkastiko ang kanyang boses, pagkatapos ay tinalikuran na ako para maglakad. Susunod pa sana ako sa kanya pero kaagad siyang nagsalita.
"Go home. I can handle this,"
Nakatingin lang ako sa likod ni Chester na paika-ika maglakad. Nakikita ko kung gaano siya nahihirapan dahil sa tinamo pero pinipilit n'yang magmukhang matatag.
Nang mawala siya sa paningin ko, napako nalang ang mga mata ko sa lamesang nasa harap ko. Nararamdaman ko ang guilt sa loob ko. Guilt na maaaring dahil sa mga sinabi n'ya.
Gano'n ba ako ka-obvious kay Noctis? Kung oo, pasensya na at hindi ko mapigilan hindi humanga sa kanya.
Gusto kong magsorry kay Chester dahil sa nararamdaman n'ya, hindi man n'ya ako tinanong kung ano ang nararamdaman ko para kay Noctis, ramdam kong alam n'ya na agad ang sagot.
Gusto kong magsorry dahil... hindi ko kayang suklian ang nararamdaman n'ya sa akin.
Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Noctis. Ang mga ginawa n'ya sa akin noong araw ng cultural festival, 'yung pagyakap at paghawak n'ya ng kamay ko...
Ayoko talagang aminin pero na-open na eh. Sa mga sinabi sa akin ni Chester, doon ko nakumpirma kung ano talaga ang nararamdaman ko para kay Noctis. Gusto ko siyang makasama, gusto kong ipakita na importante na siya sa akin pero mali. Hindi 'yun pwede.
Makakalimutan din n'ya ako... Lahat. Lahat ng ito.
At ngayon palang, nasasaktan na talaga ako.
Napapikit ako at tinakip ang dalawang palad sa aking mga mata, napasandal rin ako sa mesang nasa likod ko. Pakiramdam ko, buhol-buhol ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, hindi ako makapag-isip ng ayos.
Ano ba 'tong pinasok mo, Lindsay?
"I didn't expect na makikita kita dito,"
Kaagad kong nilayo ang dalawang palad sa mukha ko at napalingon sa pintuan. Nakita ko si Cloud na nakatayo do'n at nakasandal sa gilid ng pinto, tila nagtataka na nakita n'ya pa ako dito gayong kanina pa uwian.
"Any problem?"
Doon ko naramdaman ang paghagod ng puso ko. Gusto kong sabihin kay Cloud ang nararamdaman ko at ang nangyari sa pagitan namin ni Chester. Pero natatakot ako sa maaari n'ya sabihin.
"C-Cloud..." Ramdam ko... ramdam ko ang biglaang pamumuo ng luha sa mata ko.
Humakbang ito palapit sa akin habang kunot ang noo dahil sa pagtataka. Nang tuluyang makalapit, hinaplos ako nito sa buhok kaya naman napapikit nalang ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"Go on, let it out."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top