Kabanata 16

Pinagmasdan ko ng may ngiti ang buong paligid ng classroom. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang bewang ko at napabuntong hininga. Ngayon na ang araw ng Cultural Festival kaya naman kada-kwarto ay may iba-ibang pasabog at ito ang resulta ng kasikapan namin ni Noctis as leaders. H'wag na kumontra.

Everyone's doing their job, busy serving our customers from outside and inside the classroom. Nakakatuwa lang na sa dinami-dami ng pwede nilang puntahang shop, ang cupcake shop pa ang napili nila. How overwhelming.

"Ey, Gossen. You're serving customers so smile a bit, dude."

Napatingin ako sa kaliwa ko nang marinig ang boses ni Neil. Katabi n'ya ang nakasimangot na si Gossen habang naghihiwa ng strawberry cake.

"Why am I even doing this?" Mahina ngunit rinig kong usal nito.

"Go-Gossen, part 'to ng---"

"I want to rip this fucking outfit off and run for it right now,"

"Well," humakbang ako palapit sa kanilang dalawa. Bahagyang nagulat si Neil sa paglapit ko dahil hindi n'ya siguro akalain na narinig ko ang sinabi ng kaibigan n'ya. Nginitan ko si Gossen na seryosong nakalapat ang paningin sa akin. "Sadly, you can't rip that off. If I remember correctly this is our class participation and evaluation as well,"

Napakamot sa ulo si Neil at pilit na ngumiti. "Sorry sa nasabi nito, Lindsay. Sadyang tamad lang si Gossen."

"Tsk," Pasiring siyang tinignan ni Gossen at nag-peace sign naman sa kanya ang kaibigan.

"Galingan n'yo!" Tumalikod ako at humakbang nang may maalala kaya naman muli akong humarap sa kan'ya, "By the way, you look good. Handsome," saka ako tuluyang umalis.

Nakakatatlong hakbang palang ako nang marinig ko na ang pang-aasar ni Neil kay Gossen kaya napangiti ako.

"You look good daw, handsome. Ayiee---"

"Shut up, Neil."

"Namumula ka. Hahaha!"

"Ilakas mo pa ipapalamon ko sa 'yo 'to ng buo!"

Hindi ko nalang 'yun pinansin at dumiretso na sa iba upang kamustahin sila. Nakita ko naman sa isang gilid ang grupo ng mga babae na nag-aayos ng lamesa, kabilang na do'n si Katherine na sobrang ganda sa suot n'yang uniform.

"Lindsay!" Kaagad nitong binaba ang hawak n'yang trey at lumapit sa akin. "Ohh, kawaii!" nilagay pa n'ya ang dalawang kamay sa magkabilang pisngi n'ya.

In fairness, ang cute n'ya.

"Salamat. Pero mas maganda ka---"

"Is everything fine?"

Natigil ako sa pagsasalita nang may sumingit. Pagtingin ko sa likod ko, si Noctis lang pala.

SI NOCTIS LANG PALA!

Suot ang white polo long sleeve n'ya at black vest na sing-haba rin ng polo, tinernuhan ito ng red ribbon sa may bandang kwelyo. Naka-brush up ang buhok nito pero hinayaan n'ya ang buhok sa magkabilang gilid na bagsak. Lalo siyang gumwapo dahil bumagay ang suot n'ya itim at bilog na hikaw. Wala siyang emosyon pero... ibang klase.

Mukha siyang lalaking kontrabida sa isang pelikula. Waaaah!

"A-Ah, Lindsay, okay ka lang?" Narinig kong tanong ni Katherine kaya naman dali-dali ko siyang nilingon.

"Huh?" Wala sa sariling sagot ko.

Ngumuso ito ng patagilid at mapang-asar na ngumiti sa akin.

"Ba-Bakit?"

"Ikaw ah." Saka ito bumungisngis na parang tanga.

"I just came here to check if you're already here. By the way, I'm going to return to I.S., I'll leave you in charge here, okay?" Pormal na utos ni Noctis habang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng kanyang slacks.

Hindi pa 'ko nakakasagot nang bigla siyang lumapit sa akin kaya naman natulala ako sa kanya.

Nang maramdaman ko ang kamay n'yang nasa kwelyo ng uniform ko at bahagya itong inayos, bigla akong nanlamig at bumilis ang tibok ng puso ko.

What the hell are you doing?!

Gusto kong tanggalin ang kamay n'ya sa akin pero ni umiwas ng paningin ay hindi ko magawa. Naiilang ako pero... hindi ko magawang tanggihan 'tong ginawa n'ya. Argh!

Wala pang limang segundo nang tanggalin din n'ya ang kamay sa akin, "That should do it."

Napahawak ako sa kwelyo ng uniform ko at tinignan 'yun, okay, so bakit hindi sinabi sa akin ni Katherine na hindi pala nakaayos ang kwelyo ko??

"Sa-Salamat," iyon na lamang ang nasabi ko dahil sa hiya at ilang. Muli siyang namulsa saka nagsimulang lumakad palayo at lumabas ng pinto.

Kahit wala na siya sa paningin ko, pakiramdam ko ramdam ko pa rin ang kamay niya sa ginawa niya. Pakiramdam ko mababaliw ako sa ginawa niya! Pero aaminin ko... kinikilig ako.

"Do you like him?"

"What?!" Kumunot ang noo ko kay Katherine. Nakakainis, obvious naman 'di ba?

Joke lang.

"Natulala ka kay Noctis kanina no'ng makita mo siya. Aminin mo, ang pogi 'no?"

Haay, sinabi mo pa.

"Hi-Hindi ah. Sakto lang," Nasabi ko na lamang.

"Sus! Tapos halatang-halata 'yung pamumula mo nang ayusin n'ya 'yang kwelyo mo! Ayieee! Kinilig ako sa inyo, promise!" Tuwang-tuwang usal nito.

Napailing nalang ako rito at natawa, "Bahala ka nga diyan,"

"Bagay kayo!" Singhal nito saka tatawa-tawang kinuha ulit ang trey at kunin ang mga platito sa lamesa.

Inipit ko ang aking mga labi sa isa't-isa at hindi na napigilang mapangiti. Napahawak rin ako sa kwelyo ko, saka ko naalala 'yung mukha ni Noctis.

Haayy... Kalma lang, heart. Kalma.

# # #

Alas tres ng hapon nang maisipan kong maupo muna. Limang oras na kaming nagta-trabaho ng non-stop, palit-palitan sa dami ng dumadayo. Nakakapagod pala ang ganitong trabaho, dapat hindi na ako manibago sa ganito eh dahil nakapag-trabaho na ako noon. Pero iba pala kapag crew o waitress ka.

A busy, yet worthy day.

"Guys! Can we have a picture? Part of documentary!" Masayang saad ng kaklase naming babae-- si Dana.

"Taraaaa!"

At nagkayayaan nga ang lahat na pumwesto sa gilid kung saan wala masyadong customer, habang ako ay nanatili lang sa kinauupuan ko.

"I'm sure this will be a great memory!" Natutuwang litanya ni Katherine. "Huy, come over here na!"

Hindi sinasadyang nagkatinginan kami ni Cloud na nakatayo at nakasandal sa pader malapit lang sa 'min. Wala siyang sinasabi kaya naman tumingin nalang ulit ako kay Katherine at tumayo.

"A-Ako na 'yan," Sabi ko doon kay Dana na may hawak na camera.

"Okay lang kahit wala ako."

"Hindi ayos lang, ako na diyan." Para hindi na siya umangal, kinuha ko na agad ang hawak niyang camera.

"Ang arte mo talaga!" Biglang bulalas ni Katherine pero inisnaban ko lang ito.

Pinwesto ko ang camera kung saan lahat sila ay makikita. Ang wala lang, ako, si Cloud at si Noctis.

"Okay, squeeze a little more... there!" Napangiti ako, this will be their great memory.

"1... 2... 3 smile!"

# # #

Naglakad-lakad ako sa labas ng building. Parang gusto ko munang mag-break sa sobrang dami ng ginagawa sa classroom. Isa pa, malapit na rin magsara ang event at kaunti nalang din ang tao. Kaya naman na siguro nila 'yun.

Naalala ko bigla 'yung kanina. Pero napangiti nalang ako. Kung saka-sakaling mapasama rin ako sa group picture na 'yun, I'm sure, mawawala rin ako doon na parang multo. Balang araw, makakalimutan rin nila na may nakilala silang nag-ngangalang Lindsay Evans.

And honestly, it makes me feel sad.

Bigla akong napahinto at automatic na kumunot ang noo ko. Kumabog ang dibdib ko at parang may 'kakarampot' na pitik akong naramdaman.

Nakita ko kung paano lumingkis ang mga braso ni Zerene kay Noctis. Kung paano niya ito titigan ng malagkit, at kung paano siya matamis na ngumiti rito.

Bago pa ako madala ng emosyon ko, hindi ko alam pero kusang humakbang ang mga paa ko palapit sa kanila.

"What are you doing here?" Malamig na tanong ni Noctis.

Imbes na sagutin siya, pasimple kong tinignan si Zerene na nakakapit pa rin sa braso niya. Gusto kong hatakin pababa sa sahig ang kanyang buhok hanggang sa magmukha na rin siyang lupa!

But instead, I smiled to her, fake.

"Hi," Sabi ko nalang.

"Ugh," Saka siya umirap sa akin.

"Shouldn't you be taking care of things in class?" Tanong muli ni Noctis kaya huminga ako ng malalim bago siya tignan.

"Everything's well. Isa pa, kaunti nalang ang tao." Pansin ko na nasa harapan kami ng isang stall. So ito pala ang I.S. kung saan lahat ng kasali sa event, may Information Site na tinatawag.

"So, Noctis, pwede mo ba akong samahan sa bahay mamaya? Hanggang sa dumating lang 'yung mommy ko. Pretty please...?"

Sumakit yata ang mata ko sa ginagawang pagpapa-cute ni Zerene. Ugh!

"Stop it." Walang emosyong utos no'ng isa.

"Nope until you say yes,"

Ugh tigas ng mukha!

"May trabaho ako. Kanina pa kita pinagsasabihan ng maayos, Zerene. So please don't make mad."

"Say yes na kasiii! Sasamahan mo lang naman ako, that's all! So pumayag---"

Tinanggal ni Noctis ang mga braso ni Zerene na nakakapit sa kanya. "Kapag sinabi kong ayoko, ayoko. Wala akong pakialam kahit mamatay ka mag-isa sa bahay mo. Now, get lost."

After he said that rude words to her, he just turned around and get back inside the stall. Nakita kong umupo siya sa plastic na upuan at ayusin ang mga papel na nakapatong sa lamesa.

Napatingin ako sa nakangangang si Zerene. Now she deserves it.

Tumingin ito sa akin nang makabawi. Bigla n'ya akong tinaasan ng isang kilay. "Dumating ka kasi, epal."

Aba't napaka galing, nanisi pa!

Sasagot sana ako sa kanya pero bigla nalang n'ya akong tinalikuran at lumakad ng mabilis palayo. Halatang napahiya siya sa sinabi ni Noctis.

Bumuga ako sa hangin at pumasok nalang ng stall, umupo ako sa bakanteng upuan na nasa tabi n'ya.

Tahimik ang naging pagitan namin. Walang umiimik at tanging mga papel lang na inaayos niya ang maririnig, bukod sa mga taong nag-uusap at namamasyal sa labas ng stall.

Lumingon ang mata ko sa kanya nang hindi gumagalaw ang ulo ko. Nabasa ko ang labi saka pinilit na magsalita.

"You're rude," ani ko sabay tawa ng marahan.

Hindi siya nagsalita kaya naman tumahimik nalang ako. Baka mamaya sobrang na-badtrip siya ni Zerene at pati sa akin magalit.

"Hello, Mr. Caelum and Ms. Evans. Masyado na kayong naging busy maghapon and almost everyone is inside the event hall. You can take off," Nakangiting bungad ni Ma'am Nabual sa 'min.

"But someone has to stay here," Kontra ng katabi ko.

Marahan siyang tinapik ni Ma'am sa kanang balikat, "Noctis, you try to do much of yourself. You're doing good, go and take your break." bahagyang umatras si Ma'am at namewang. "Go walk around with Lindsay,"

Nabigla ako sa sinabi ni Ma'am kaya naman parang may bumara sa lalamunan ko dahilan para ubuhin ako. Takte!

"Oh, Are you alright?" Tanong ni Ma'am kaya tumango-tango nalang ako.

Hays.

"It'll hardly be fun if you're going with your own, Noctis. Now, get going."

Dahil si Ma'am na ang nagsalita, wala kaming nagawa kung hindi ang tumayo sa upuan at lumakad palabas ng stall hanggang sa iwan na kami ni Ma'am.

Gusto ko tumanggi dahil nahihiya ako. Pero gusto ko din 'yung ganito. Hays, ano ba talaga?!

Tahimik kaming naglakad-lakad ni Noctis sa buong campus. Lahat ng nakikita namin, masaya dahil sa mga iba't-ibang shop na mapupuntahan. May parang restaurant pa at ang cute no'n.

"Hi, po! Baka interested kayo, ma'am, sir."

Biglang may babaeng nag-abot sa akin ng plyers, ('Yung mga namimigay ng papel sa labas keme. Not sure sa spelling, so peace yow.)

Tinanggap ko nalang ito at ngumiti, saka kami naglakad muli. Binasa ko ang nakalagay ro'n at base dito, isa siyang gaming center. Para siyang isang pustahan gamit ang mga laro dito.

Cool.

Nagulat ako at talagang pumintig ng malakas ang puso ko nang... hawakan ni Noctis ang kamay ko.

'Yung naka-intertwined pa 'yung mga daliri namin sa isa't-isa.

Nanlalaki ang mga mata ko siyang inangatan ng tingin pero seryoso pa rin ang mukha n'yang nakatingin sa daan. Like, it is normal! Para bang hindi siya aware sa ginagawa n'ya sa puso ko!

Juice colored.

"No-Noctis..." Really, I'm out of words.

Doon n'ya lang ako tinapunan ng tingin. "Ow, sorry. Just wanna know how soft your hand is," Kaswal na sagot nito saka binitawan ang kamay ko.

Naikuyom ko ang kamay ko na hinawakan n'ya at hindi ko maiwasang mangiti. Nakakainis, ayoko ngumiti sa tabi n'ya at baka makita n'ya!

"Ba-Baliw, baka isipin nila... Ma-Magkadate tayo," Nauutal kong sabi dahil sa hiya at kilig na rin.

"So, what?"

"Huh?"

Huminto ako kaya naman huminto na rin siya. Namulsa ito sa harap ko. "Would it be a problem to you if they did?" tanong niya kaya naman napanganga ako.

Noctis... Ano ba 'tong mga sinasabi mo walanghiya ka!

"A-Anong... Anong sabi mo?"

Tumingin siya sa gilid saka muling humarap sa akin ng seryoso. "Maganda nga na isipin nilang tayo. Para matapos na sila sa pangungulit sa 'kin."

Oh, yeah. Popular nga pala ang isang 'to. Bigla akong nanghinayang. Ang hirap siguro talaga kapag matalino ka na, pogi pa. Nakaka-stress.

"Hug me now,"

WHAAAAT?!

Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko! Parang nakikipag karera ang gago. Hindi maalis-alis sa mukha ko ang pagkalito, kilig at hiya sa pinagsasabi niya!

Gusto ko 'yon pero nasa public---

"Now this is better,"

My heart skipped a beat. Parang wala akong nakikitang tao sa paligid at parang wala akong ibang marinig kung 'di tibok lang ng puso kong nagwawala na. 'Yung hawak kong papel, tuluyan ko nang nabitawan.

Just for a second I realized that...

His hug is drifting my feelings locked with him and I can't stop it.

I can't.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top