Kabanata 12

Napabuga ako ng hangin nang makitang nakalabas na ng tuluyan si Chester. Halos nawala ang kaba at takot sa loob ko dahil sa pinagsasabi niya kanina, like...

"Are you inlove with someone?"

Err, hindi ko alam kung bakit parang mas kinabahan ako do'n kaysa sa mga tanong n'ya about interviews ko and such. Tapos ang nakakainis pa... Bakit naman pumasok sa isip ko si Noctis?

This past few days napapansin ko namang nagiging okay na kami ni Noctis-- and I like that. Sabi ko nga, bilang nakakatanda, ayoko naman na mabuhay siya sa school na 'to na hindi nakakaranas ng saya. 'Wag rin kayo mag-isip ng kung ano dahil sadyang na-kunsensya lang talaga ako sa mga nalaman ko sa kanya.

And also, alam ko naman na deep down inside him... Mabait talaga siya.

Pero bakit nga siya ang unang pumasok sa isip mo, Lindsay? Bakit?! Don't tell me---

"Alam mo bang---"

"No way! No fucking way! 'Di ko siya gusto, gwapo at matalino lang siya pero hindi ako magkakagusto sa kanya! 'Yun iyon!" Napahalukipkip ako at napasimangot sa nasabi ko. Pero bahagyang nanlaki ang mata ko nang ma-realize ang nagawa.

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Nakahawak siya sa magkabila niyang bewang at kunot noong nakatingin sa 'kin.

Gosh...

"Defensive ka naman masyado. Bakit, nakaistorbo ba ako?" Pormal na saad ni Cloud kaya lalong nanlaki ang mata ko.

"Hi-Hindi naman si Chester 'yung tinutukoy ko... eh..." Napakamot nalang ako sa aking sintido at napapikit sa inis.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Cloud saka ko naramdaman na umupo ito sa pwesto kanina ni Chester. Napatingin ako sa kanya at ngayon, nakangisi na siya.

O ayan na, mukhang ginaganahan na naman mang-asar.

"Ah. Kilala ko ba 'yon?"

Tss!

Inirapan ko nalang ito saka tinuloy ang ginagawa ko sa mesa kahit na alam ko sa sarili kong hindi ko na maibabalik ang pokus ko sa pag-aaral. Syempre, isa na sa dahilan ay nandito ang kupal na 'to.

"Oo nga pala," muli akong napatingin sa kanya. "Bakit ka pala nagmamadaling pumunta dito? May importante ka bang sasabihin?"

Nagpapasalamat ako kay Cloud dahil dumating siya ng sakto mula sa pag-uusap namin ni Chester, pero nakakapagtaka na mukhang madaling-madali siya. So, I assume may sasabihin siyang mahalaga.

"Narinig ko lahat ng pinag-uusapan n'yo ni Chester. Wala akong sasabihin sa 'yo, pero natatakot lang ako sa pwede mong masabi sa kanya about sa 'yo." Seryosong usal naman nito na bahagya kong kinagulat.

Ibig sabihin... "Na-Narinig mo lahat ng si-sinabi ni Chester? As in?!"

Dahan-dahan naman siyang tumango bilang kumpirmasyon na narinig nga n'ya. Shit! Nakakahiya!

"Pa-Paano mo naman narinig 'yun?"

"Sa pamamagitan ng cellphone mo," tinuro n'ya ang phone kong nakapatong sa mesa. "Palihim kong nilagyan ng application ang cellphone mo na tanging mga taga scientific institution lang ang may alam. Kahit naka-lock ang cellphone mo, basta in-activate ko ang app sa cellphone ko, maririnig ko kung sino at kung ano ang pinag-uusapan niyo."

Woah.

"Bakit parang wala naman akong nakitang bagong app sa phone ko?" Kinuha ko 'yun at tinignan isa-isa ang app pero wala talagang bago.

"Nakatago 'yun. H'wag mo nang alamin at baka tanggalin mo pa. Hoy, Lindsay, hindi por que nalaman mo ang tungkol sa ginawa ko eh pwede mo nang iwanan o i-off 'yan. Hindi kita ma-o-obserbahan ng mabuti kung mawawala 'yan."

Napasimangot nalang ako at pinatong sa mesa ang phone. Nakakainis naman 'tong si Cloud, daig pa ang obssess na boyfriend. Hays!

"Back to the main topic, si Noc---"

Bago pa n'ya matapos ang sasabihin ay tinignan ko na ito ng matalim, dahilan para lalong lumaki ang ngisi niya. "Si Noctis na naman 'yung nasa isip mo... Am I right?" tanong niya.

Napalunok ako at dahan-dahan dumapo ang aking mga mata sa notebook na nasa harapan ko. Kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit parang palagi ko siyang naiisip. Alam ko namang wala akong nararamdaman sa kanya. Wala naman siyang binibigay na rason para... ma... gustuhan... ko... siya...?

Bigla kong naalala 'yung moment na sinampal ako no'ng boyfriend ni Zerene. 'Yun iyong time na pinagtanggol ko si Noctis. Tapos... Binigyan niya ako ng puting panyo sabay sabing, "You're really a dumb,"

Hindi lang 'yon, sumunod na pumasok sa isip ko 'yung time na pinaglinis ako ng court dahil sa insidente sa amin ni Zerene. 'Yon 'yung oras na naglabas siya ng saloobin sa 'kin ng hindi sinasadya. 'Yun kasi 'yung oras na nalaman ko ang nararamdaman niya sa kabila ng lahat ng popularity na nakukuha niya.

'Yung time na... ngumiti siya sa 'kin.

Naalala ko rin 'yung oras na sumabay ako sa kanyang kumain ng lunch dahil hindi ko makita sila Katherine. Natapon at nasayang ang pagkain dahil sa ka-malditahan ni Zerene, 'yun 'yong time na inalok ko si Noctis ng tubig dahil ayokong maiwan mag-isa at kumakain. Akala ko aalis na siya no'n, pero hindi ko inakalang babalikan niya ako at binilhan niya pa ako ng bagong pagkain.

Bigla akong napangiti, ang sweet n'ya.

"'Wag mo masyadong pag-pantasyahan si Noctis. Hinay-hinay,"

Doon ako bumalik sa aking sarili at biglang napatingin kay Cloud na nakasalumbaba sa mesa at nakatingin sa 'kin. Ghad! Nakita niya akong nakangiti? Ugh!

"Mu-Mukha mo. Ba't ko naman siya pagpapantasyahan? Gusto ko ba siya? Tss!" Inis kong niligpit isa-isa ang gamit ko at nilagay sa bag. Ipagpapa-bukas ko nalang 'to dahil wala na talaga.

Napabuga siya sa hangin sabay ayos ng upo. "Lindsay, 'wag mo lang kakalimutan na hindi ka pwedeng ma-inlove kahit sino sa kanila. You are 10 years older than them," huminto ako sa pagliligpit dahil sa narinig. "In case I didn't mention, you are not allowed to fall inlove with Noctis. Bata pa siya, matanda ka. 'Age doesn't matter' sabi nila pero in your case, you are under our experimentation. Please don't break the rule."

Huminga ako ng malalim bago siya tignan sa mata. "Pero paano kung mahulog ako sa kanya ng hindi sinasadya? Maaari bang hindi na ako makabalik sa tunay kong edad at itsura? Sa kaso ko kasi mukhang..."

"Don't worry, I won't break the rule."

Naramdaman kong marahang na pinatong ni Cloud ang kanyang isang kamay sa ulo ko kaya nai-iwas ko na lamang ang aking tingin. Matunog siyang ngumiti. "Good,"

Wala naman siguro siyang kakayahang basahin ang isip ko 'no? Hindi naman siguro n'ya nakikitang may doubt sa loob ko. Gayunpaman, pinapangako ko sa sarili ko na kahit nag-aalala ako sa pwedeng mangyari, hinding-hindi ako magkakagusto kay Noctis...

No, never...

Haay.

# # #

Dumaan ang ilang araw. Every other day pumupunta sina Katherine at Yahiko dito lalo pagkatapos ng klase upang gawin ang 'Golden week' na sinasabi niya. Hindi na rin pumunta pa si Chester, anuman ang rason, wala na 'ko doon.

Naging productive ang 'Golden week' ko kahit masakit sa ulo ang pinag-aaralan, masaya naman dahil sa kanila. Dumaan ang ilang quizzes hanggang sa pinaka aabangan ng lahat ng matatalino-- ang midterm.

Kaya naman nang i-a-anunsyo na ang score...

"Ready ka na ba malaman ang score mo?" Bulong ng katabi kong si Yahiko. Mariin akong napapikit at hindi siya pinansin. Sobrang kinakabahan ako.

Hindi ako lagapak no'ng mga nakaraang test na pinagdaanan kaya naman tuwang-tuwa si Katherine. Kaya naman sana ngayon ay makisama si swerte na hindi rin ako bagsak ngayon midterm.

Huhu! Naiiyak ako!

Parang hindi na ako sanay bumagsak. Ang hirap makipag-sabayan sa matatalino! Pero mas mahirap 'tong tungkulin ko. Ugh!

"H'wag ka mag-alala, sigurado pasado tayo." Napatingin ako kay Yahiko na nakangiti sa 'kin. Wala akong choice kung 'di ang ngumiti sa kanya pabalik kahit na ayaw ko. Kinakabahan kasi ako!

"Yoshida Yahiko, 30."

"Yieee! Ang galing mo!" Syempre, unang-una humiyaw si Katherine para kay Yahiko. Nakakatuwa, para silang mag-jowa.

Pero hindi! Anong nakakatuwa?! 30 siya! Baka 20 ka lang. Kahiya. Waaaah!

"Lindsay Evans..."

Halos makipag-titigan na ako doon sa babaeng nag-a-anunsyo ng score. Bakit poker face siyang nakatingin sa 'kin?

Omg!

"40."

"Yesss! Bestie ko 'yan!" Masayang ani Katherine na malakas naman akong tinapik sa balikat. Kahit medyo malakas 'yun, hindi ko nalang pinansin dahil... I feel overwhelmed.

Waaaaah! Thank you, Lord!

"Sabi ko sa 'yo pasado tayo diyan eh." Napangiti ako ng malapad kay Yahiko. This time, hindi na pilit.

Habang nagsasalita si ma'am Nabual sa harapan, hindi sinasadyang nahagip ng paningin ko si Noctis na walang emosyong nakikinig. Grabe, wala pa ring nakatalo sa kanya simula sa umpisa. Palagi siyang mataas, palagi siyang nangunguna.

Kamusta na kaya ang lagay n'ya? Hindi ko pa natatanong kung may sakit ba siyang dinadamdam. Gusto kong malaman kung ilan silang magkakapatid, kung anong trabaho ng parents n'ya, kung anong pangarap n'ya sa buhay.

Pero pag nagkakataong nagkakausap kami, hindi ko 'yun magawang itanong dahil unang-una, kinakain ako ng ilang at hiya.

Dumako sa akin ang kanyang mga mata habang hindi n'ya pinihit ang kanyang ulo. Wala talagang emosyon ang mga 'yun, hindi ko tuloy mawari kung malungkot ba siya o--- teka, dumako?!

Napakurap ako ng tatlong beses bago mabilis na tumalikod. Napakagat labi nalang ako dahil sa katangahan ko. Ilang segundo ba ako nakatingin sa kanya? Ilang segundo kami nagtitigan? Sheeeet ka, Lindsay!

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Para bang tumakbo ako mula 1st floor hanggang 20th floor dahil sa bilis nito kaya napahawak nalang ako sa dibdib ko. Nabasa ko ang aking labi at tumingin sa bintana.

Bakit... Bakit palaging ganito ang nararamdaman ko sa tuwing magkakatinginan kami?

# # #

"Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala na pumasa ka. Wala namang cheat 'yun 'no?"

Napangiwi ako sa paghihinala ni Katherine. "Hindi ako matalino gaya n'yo pero hindi ako gano'n ano! Saka marami akong natutunan sa 'yo."

"You know what, you should also be thankful to Chester. Kung hindi rin dahil sa kanya baka hindi ka rin nakapasa. Remember, ilang beses ka rin naman n'yang tinuruan."

Napasandal ako sa inuupuan kong kahoy. Alas tres palang ng hapon pero maaga kaming na-dismiss dahil sa mga meetings at preparation daw ng mga professor sa darating na foundation week o mas kilala dito bilang 'Cultural Festival.'

Para sa 'kin, ito ang pinaka magandang oras ng araw. Alas tres. Mainit pero hindi 'yun alinlangan dahil sa masarap na simoy ng hangin. Plus the fact na ang daming puno at halaman sa paligid mo na sumasabay sa ihip ng hangin.

Habang pinagmamasdan ko ang paligid ng school, naramdaman ko bigla ang mabilis na pagpintig ng puso ko. Dahil do'n, bigla kong naalala si Noctis.

Napakunot ako ng noo. Hindi ko naman siya nakita ngayon dahil malamang, umuwi na 'yun. Pero nakakainis, kapag ba biglang bumilis ang tibok ng puso ko... Kailangan biglang mag pop-up siya sa utak ko?!

"Huy! Narinig mo ba ako?!" Naramdaman kong marahan akong tinulak ni Katherine sa aking balikat.

Napatingin ako sa kanya at bahagyang natawa. "Oo! 'Wag ka mag-alala, kapag nakausap ko siya magpapasalamat ako ng marami."

"You should be! Isa 'yon sa matatalinong estudyante dito sa St. Oliver at once in a blue moon mangyari na mag-tutor siya! Oww-- hi!" Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Katherine na nakatingin sa likod ko at nakangiting binati ang tao doon.

Si Noctis ba 'yun?! Akala ko ba umuwi na siya?! Kaya ba bigla nalang bumilis si heart? Omg! Anong ginagawa n'ya dito?

Nevermind, basta ang mahalaga, nandito siya! Waaaa--- joke.

Napaayos ako bigla ng buhok at cinompose ang aking sarili dahil sa nangyayari sa puso ko. Saka ko naisipang humarap sa aking likod para makita siya.

"Hi. Hindi ka nagpunta sa faculty ni ma'am Nabual, Kath. Pati 'yung Noctis na 'yun wala. O eto,"

Pabato n'yang binato ang puting papel na nakatiklop kay Katherine saka siya namulsa. Doon n'ya ako tinignan pero... Nawala ang excitement ko, kumalma ang puso ko, at bigla akong napahiya sa sarili ko.

"Hi, Lindsay." Matipid siyang ngumiti.

"H-Hi, Chester." Pilit na ngiti naman ang naibigay ko.

"Congratulations nga pala kanina. Ang taas ng score mo,"

"Ah. Hehe, hindi naman mangyayari kung hindi dahil sa inyo." Totoong sabi ko. Kaya naman habang nasa harap ko siya, magpapasalamat---

"Great! Thank you, Chester!" Malakas na sabi ni Katherine sabay tayo sa upuan. "The best ka talaga bumunot ng theme! Mabuti nalang ikaw ang nakita ni ma'am! Hihi."

"Kayo ang officers kaya dapat kayo ang bumunot diyan. Ginusto n'yo 'yan, panindigan n'yo. Hindi rin basta-basta 'yang theme na 'yan, Kath." Pormal na usal naman ni Chester.

Tiniklop ni Katherine ang papel at malapad na ngumiti. "Ito naman, tayong bahala dito. Sisiguraduhin kong maganda ang makukuha nating evaluation!"

"Then good,"

Pansamantalang natahimik ang pagitan naming tatlo. Hindi ko alam kung bakit nagkakatinginan kaming tatlo, kaya naman nagsalita na ako. "'Yung sinasabi ko pala kanina. Gusto kong magpa---"

"Save that for later! Uuwi na 'ko." Nagulat ako at bigla nalang kinuha ni Katherine ang bag n'ya sa upuan at bumeso sa akin. "Bye!" at mabilis na siyang nakaalis.

For the second time, iniwan na naman n'ya akong kasama si Chester. Haay.

Huminga ako ng malalim at tumayo na rin. Nginitian ko si Chester dahil unti-unti ko na namang nararamdaman ang kai-langan ko sa kanya lalo at dalawa lang kaming nandito. Baka kung ano ang isipin ng iba.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko.

"Uuwi. Pero pwede bang humingi ng favor?"

Nagtaka naman ako. "Sure. Ano 'yun?"

"Have dinner with me."

Isa... Dalawa... Tatlong beses akong napakurap sa kanya. Iniisip kung tama ba ang pagkakarinig ko.

Wait, is this a date?

"Don't get me wrong, Natutuwa lang ako sa improvements mo dito. Kaya gusto kitang yayain kumain as... as a reward." Paglilinaw nito na kinahinga ko ng maluwag.

Assuming naman kasi... Date agad, Lindsay?! As if naman type mo siya. May type ka bang iba, ha?!

Oo si No---

Bago pa mabanggit ng isip ko ang pangalan na 'yun ay napailing ako at napapikit. Argh! Ang kulit mo! Type ko ba siya?! Hindi naman ah! Judgemental...

"Wa-Wait, is that a no?"

Bigla akong napadilat at kinaway-kaway ang dalawang kamay ko sa kanya bilang pagtanggi na mali ang iniisip n'ya. "Hindi, hindi! May naalala lang ako. Ano... Oo, sige bilang pasasalamat nalang rin. Mag... Magdinner tayo."

Nakita ko na nawala ang pagkakunot ng noo n'ya at unti-unti lumabas ang matamis n'yang ngiti. "Kung gano'n, magkita nalang tayo mamaya para makapag-pahinga pa tayo ngayon."

And so ayun, sabay kaming maglakad palabas ng school pero huminto rin siya sa parking area dahil dala n'ya ang sasakyan n'ya. Medyo na-shookt pa ako sa sasakyan n'ya. Kung hindi ako nagkakamali, isa 'yung Alfa Romeo 4c na kulay itim.

O ano akala n'yo bobong-bobo ako?! Naka-ganyang sasakyan 'yung crush ko dati sa trabaho... na bakla pala.

Syempre, niyaya ako ni Chester na sumakay at ihahatid na ako pero hindi ako pumayag. Bukod sa ayokong ma-issue, mas gusto ko kasing maglakad nalang since malapit lang naman ako dito.

Bago rin kami maghiwalay, kinuha n'ya 'yung number ko para sa 'dinner' namin mamaya. Hays.

Okay, Friendly date lang 'to. A thank you dinner. A little celebration for passing the midterm exam.

Kasi 'di ba, hindi sila makapaniwalang ang taas ng score ko. Hindi nila 'yun expected sa 'kin.

'Yun lang 'yun.

'Yun lang, 'di ba? 'Di ba?

Ge, ipilit mo pa.

# # #

Suot ang aking white cold shoulder pom trim dress at isang pair nang alaia pom heels na kulay grey, pinagmamasdan ko ang sariling repleksyon sa malaking salamin, iniisip kung anong mangyayari mamaya.

Ayon sa text ni Chester, Munich Brauhaus Restaurant ang pangalan ng aming kakainan. Tunog mayaman, kaya naman nag-ayos ako ng kaunti para dito.

Napabuga ako ng hangin ng marinig ang phone ko na mag-vibrate. Kinuha ko 'yun sa mesa at tinignan ang nag-text, pero nai-ikot ko nalang ang mata ko sa nakita.

"Enjoy your date with Chester!" - Cloud

Hindi na ako nag-abala pang replyan siya at dali-dali ko nang kinuha ang sling bag ko saka lumabas ng bahay. Alam ko namang pang-asar na naman 'yung text nang isang 'yun. Kung 'di kay Noctis, kay Chester ako aasarin. Tsh!

Nang makapunta sa venue, halos mapanganga ako sa restaurant na nakikita ko. Para kang nasa loob ng forest dahil sa mga halamang nakapalibot sa taas, gilid at sahig ng lugar. May mga maliliit na liwanag din para magsilbing dim lights ang paligid. Melow ang music, kaunti ang tao-- karamihan pa'y couple. Malamig din dito at amoy lavander ang paligid.

Wow...

"Hey, kanina pa kita hinihintay."

Medyo nagulat ako nang may magsalita at pagtingin ko... Parang hindi si Chester ang kasama ko.

"Come, doon ang table." Inakay n'ya ako sa likod at sabay naming tinungo ang gilid na bahagi ng restau.

Nakita ko na hindi lang pala kaming dalawa ang magkasama, may kasama siyang dalawang magandang babae. Bigla tuloy ako na-intimidate. Err,

Marahang tumawa si Chester nang makalapit kami sa table. "Mommy, Sis, this is Lindsay."

Mommy? Sis? Bakit kasama namin ang mommy at kapatid niya? Anong meron?

Pinaghatak niya ako ng upuan kaya naman napangiti ako. Parang hindi ako sanay sa nakikita ko kay Chester.

Ngumiti ang dalawang babae sa akin.

"Hi! I'm Arianna, wow... Ang ganda mo pala talaga in person. Ang ganda mo na nga sa picture ang ganda mo pa sa personal. Nice to meet you, Lindsay!" Inabot sa akin ng babaeng naka red dress ang kanyang kamay bilang pagbati, inabot ko naman 'yun at ngumiti.

Medyo naiilang ako sa ganda niya. Sino nga siya? Si Arianna na kapatid ni Chester? Grabe, mukha siyang artista.

"Picture?" Naguguluhang tanong ko.

"Yeah, picture. Pinakita sa amin ni---"

"Arianna." Sumeryoso bigla si Chester dahil sa kadaldalan marahil ng kapatid.

"Supossedly, kayo lang ng anak ko ang kakain pero dahil hindi niya alam na may pa-dinner ako sa kanya, sumama nalang kami. Is that okay with you?" Nakangiting tanong sa akin ng babaeng mukhang nasa mid 30's lang. Obviously, it's his mom.

Tumango ako. "Okay lang po."

May magagawa pa ba ako?

Napabuntong hininga si Chester, "Mommy, 'yung usapan natin ah?" Mahina pero dinig ko pa ding ani Chester sa mommy niya.

"Hindi mo 'yun kailangan ipaalala, kuya! Excited ka namang ma-solo si Lindsay. Hihihi!"

Natahimik ako do'n.

"Damn it, Arianna!" Mahinang asik nito sa kapatid habang nag peace sign nalang si Arianna at nagtingin sa menu.

Aaminin ko, medyo naiilang na naman ako. Bukod sa hindi ko alam na kasama pala naming kakain ang mommy at kapatid niya, kung anu-ano pa ang naririnig ko kay Arianna. Hindi ko rin alam kung paano ang tamang pakikitungo dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganito. I mean, a guy, with his family, having a dinner together with me. Ugh.

Para naman niya akong pinapakilala as girlfriend... kahit hindi.

Okay, dagdag pagkailang 'yung naisip kong 'yun ah. Hays!

Umorder at nagsimula kaming kumain. Hindi nagiging boring o hindi ako masyado nilalamon ng pagkailang ko dahil kay Arianna na kwento ng kwento tungkol sa buhay niya. Napag-alaman kong isa pala siyang beauty queen. Sumasali siya sa mga beauty contest-- school man o sa tv shows.

No wonder. Nasa pamilya talaga nila Chester ang magandang lahi.

"Kamusta naman si Chester sa school niyo? Maganda ba ang performance niya? Anong masasabi mo?" Wow. Mala-interview ang tanungan ng mommy niya.

Nagpunas ako ng tissue bago magsalita. "Magaling po si Chester. Sa katunayan, isa po siya sa mga hinahangaan kong tao sa school dahil sa talino niya. Napaka consistent niya pagdating sa pag-aaral." Totoong sabi ko sa mga ito.

"Ohh... That so sweet of you, pero paanong consistent?" Tanong ni Arianna.

Nag-isip ako. "Hm, kagaya nalang nang... ayaw niyang mababa ang scores niya. 'Yung 48/50 na score? Mababa 'yun sa kanya." Saka ako marahang natawa, "Kung rank one siya noon at napunta siya sa second rank ngayon, hinding-hindi siya susuko para makuha muli ang rank one. Gano'n siya ka-determinado." Nakangiting dagdag ko pa saka ako napatingin kay Chester na... nakatitig na pala sa akin.

Nginitian ko siya. Kung hindi dahil sa tulong niya, baka nga naman bagsak ako sa long quiz at midterm. Nagagalak din ako dahil sa kabila ng pagkailang ko sa kanya ay naglaan siya ng oras para i-tutor ako.

Well, mukhang hindi naman siya aware na ilang beses na akong nailang sa kanya.

"Talaga?! Wow, brother... We're really proud of you!"

Pero hindi siya tumingin kay Arianna. Hindi siya natinag sa pagtitig ng diretso sa mga mata ko-- gano'n din ako.

Parehas lang silang seryoso ni Noctis. Kay Chester, makikita mo sa mata niya kung anong emosyong pinapakita niya. Samantalang kay Noctis, wala talagang emosyon. 'Yun siguro ang dahilan kung bakit medyo nakukuha niya ang atensyon ko.

Anong sabi ko?

Napakurap ako at natawa sa sarili bago umiwas ng tingin. Bakit ko ba siya kinukumpara kay Noctis? Bakit ko din nasabing medyo nakukuha niya ang atensyon ko, eh nakuha na niya ng buo.

JOKE! Hindi 'yun seryoso ah. Totoo 'yung medyo nakukuha ang atensyon, pero 'yung buo hindi. Pero nasa kanya talaga atensyon ko, pero hindi gano'n ka-lala... sa tingin ko? Pero kuha niya talaga 'yung atensyon ko not totally na kuhang-kuha. Hahahaha tongue in a Lindsay, katol pa!

Kunwari na-gets niyo nalang.

"Haay, mother. In love na yata ang anak mo. First time ko makitang ganyan 'yan." Usal ni Arianna kaya tinawanan ko nalang.

In love agad? Hindi ba pwedeng friends lang kami? Whew.

"Bagay naman sila 'di ba? Parang nagugustuhan ko nga si Lindsay para sa kanya eh."

Whut?!

"Mommy, Arianna... Pwede ba?" Pormal na saad ni Chester.

"Bakit? Totoo naman ah. I can see it in your eyes, brother."

"Stop. You're not making any sense."

"Really? But you're in love with her 'no?" Pang-aasar pa ng kapatid niya.

"Shut up,"

"You like her?"

"Could you please stop talking?!"

"Hahaha! My brother's in love, yieee!"

Kung makapang-asar naman 'tong kapatid niya parang wala ako dito knowing na ako ang tinutukoy.

Spell a-w-k-w-a-r-d.

"Arianna, hindi mo ba ititikom 'yang bibig mo?" Halata na ang inis kay Chester habang nanahimik naman si Arianna ngunit nando'n pa din ang mapang-asar na ngisi nito. "Nakakahiya ka talaga..." Mahinang usal muli ni Chester.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa inaasta ni Chester ngayon. I find him cute this way, marahil sa pang-aasar ni Arianna. Kahit kailan, pikon siya. Parang noon nung inasar siya Katherine. Medyo nahihiya at naiilang lang ako sa mga asar no'ng isa, but all in all, I enjoyed the night with them.

Feeling ko nadagdagan ako ng kaibigan, and I'm glad with that.

"Mommy, quarter to 9 na. Baka hindi na natin maabutan 'yung last full show no'ng movie." Litanya ni Arianna habang nagpupunas ng tissue sa labi.

Tumingin naman ang mommy niya sa kanyang relo, "I forgot. Shall we go?"

Parang nawala ang pagka-inip sa mukha ni Chester at napahinga ng maluwag. "Finally, makakaalis na rin si Arianna."

"I heard you," Nakangising tumayo ang kanyang kapatid. Nasa mukha pa rin niya ang pang-aasar.

"Tama na 'yan. We're going, son." Humalik ang mommy niya sa ulo ni Chester. Tumayo siya at nginitian niya ako bago sila lumakad ni Arianna paalis ngunit nakaka-ilang hakbang palang ang mommy niya nang...

"C-Chester, help!"

Napalingon kaagad kami ni Chester sa likod at nakita naming nakahandusay na sa sahig ang mommy niya habang nakaluhod si Arianna na mangiyak-ngiyak na at 'di malaman ang gagawin.

Bago pa makalapit ang guard at ang ibang crew ay mabilis nang nakarating doon si Chester. Sumunod na rin ako.

Parang kanina lang... okay ang lahat.

"What the fuck happened?!" Tarantang tanong ni Chester sa kapatid.

"Bi-Bigla siyang hinimatay. God, let's take her to the hospital, please!"

Hinaplos ni Chester ang noo ng kanyang mommy at ilang segundong nakatingin lang sa kanya. Bigla akong binalot ng awa hindi lang para sa ina nila, kung hindi para kay Chester na mismo.

"Chester!"

Nakita kong marahang napapikit si Chester at tumayo. Hinabol siya ng tingin ni Arianna habang humarap naman siya sa akin.

"I... I'm sorry," mahinang bigkas nito.

"A-Ano ka ba, ba't ka nagso-sorry? Dalhin mo na si Tita sa hospital." Sabi ko dahil dumadami na ang taong nakikiusosyo.

Tinignan ako nito sa mata. Nakita ko agad ang lungkot sa mga ito dahil sa nangyari, "Gusto pa sana kita makasama pero..." nabasa niya ang kanyang labi at umiwas ng tingin. "Nevermind. Mag-ingat ka pauwi. Text mo 'ko agad."

Hindi pa ako nakakasagot ng buhatin niya na ang kanyang mommy at dalhin sa labas. Hindi na rin ako napansin ni Arianna dahil na rin sa pagmamadali.

Kaya naman ang ending... naiwan akong mag-isa.

Nakakagulat ang pangyayaring 'yun. Nakita ko sa mata ni Chester kanina ang bigla at pagkalungkot, takot at pangamba. Ako kasi, hindi ko naranasan mag-alala para sa magulang ko...

Ilang segundo rin siguro akong nakatayo doon hanggang sa maisipan kong umalis nalang. Sobrang tahimik sa labas, malamig ang simoy ng hangin at wala na talaga masyadong tao. Sigurado, kung mara-rape ako ngayon hindi na dadapuan ng takot ang taong 'yun dahil wala namang tao dito.

Hays.

Habang nag-lalakad mag-isa, bigla kong naisip si Cloud. Alam na siguro niya 'yung nangyari ngayon. Ba't ayaw niya pa akong puntahan para may kasabay ako?

Ayoko naman i-text. Mamaya may ginagawa rin siya. Hindi lang naman sa 'kin umiikot ang atensyon niya...

Speaking of atensyon, naalala ko bigla si Noctis. Haynako.

Ano kayang ginagawa niya ngayon? Tulog na kaya siya?

Naalala ko din tuloy 'yung naging usapan namin noon ni Cloud... Kung may sakit ba si Noctis. Pero pinagtawanan lang niya ako. Tss!

"Sana okay lang si Noctis..." Nasabi ko na lamang.

"Thanks for your concern,"

"Walang anuman---" natigil ako sa paglalakad at literal na nanlaki ang mga mata ko. Humigpit din ang kapit ko sa sling bag na dala ko at halos manigas ako sa kinatatayuan ko.

'Yung boses na 'yun...

Napalunok ako at dahan-dahan humarap sa aking likod para kumpirmahin kung sino ang taong 'yun... at tama nga ako.

Naka-itim na sweater jacket siya, black pants at white rubber. Nakasuksok ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng sweater. Napansin ko rin ang nakabagsak niyang buhok, at ang walang emosyon niyang mga mata...

Confirmed, bes. Si Noctis nga.

At doon na naman nagsimulang mataranta ang puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top