Kabanata 11

Nagising ako sa lakas ng vibrate nang phone ko na nasa lamesa lang. Hindi ko sana 'yon papansinin kaya lang naisip ko na... may pasok pa mamaya at baka tuloy-tuloy akong makatulog.

Hay.

Pikit mata kong inabot ang phone sa lamesa at basta nalang pinindot ang screen. "He-Hello...?" Gusto kong ibaba ang phone para matulog pero hindeee! Hindi pwede iyon!

"Good morning, Lindsay! Ano sa tingin mo ang mangyayari sa 'golden week' natin?" Masiglang usal nang nasa kabilang linya-- si Katherine.

"Ahh..."

"Lindsay?"

"Hmm...?"

"Lindsay!" Biglang sigaw n'ya kaya naman bahagya kong nailayo ang phone sa tenga ko.

Inis akong napakamot sa ulo habang nakapikit pa rin. Pakiramdam ko kasi, ang sakit ng ulo ko at gusto kong humilata maghapon.

"What do you want, Kath?!" Tugon ko rito.

Narinig kong marahan siyang natawa. "According to our proctor, we have no classes for today dahil may meeting lahat ng professors. What do you think?"

Napadilat ako. Walang klase? Omg gusto kong tumalon sa tuwa dahil makakatulog ako ng mahaba! Yeheee--- "And, right now I'm actually with Yahiko... right outside your house!"

Kung kanina napadilat ako sa tuwa dahil walang klase, ngayon naman ay literal na nanlaki ang mga mata ko at napabangon ako ng wala sa oras. Napatingin ako sa pintuan, nasa labas sila Katherine. Oh, shit I'm not ready!

"O-PEN UP!" Malakas na saad ni Katherine sa phone ko dahilan para mapasigaw ako. Argh!

"Waaaah! Wa-Wait, tangena kakagising ko lang!" Saka 'ko napatayo at hindi alam kung ano ang uunahin gawin. For petes sake! Nagkalat ang mga upos ng sigarilyo, canned beer na walang laman at mga balat ng sitsirya sa kwarto ko!

Saka ko lang naalala na galing si Cloud dito kagabi at oo nga pala, nagkaroon kami ng 'munting selebrasyon' ayon sa kanya. Ugh!

"Wh-What are you doing here?!" Bulalas ko sa kanila habang mabilis na pinupulot ang mga nagkalat na lata sa sahig.

"Hindi ba at magkakaroon tayo ng golden week? Ito na 'yun. Mag-aaral tayo ngayon, Lindsay."

"Haaaa?!" Napatigil ako at mariing napapikit. Ngayon na ba ang start no'n? Ba't nawala sa isip ko? Saka akala ko ba masakit ulo niya? Huhuhu.

"Hello? Still there?"

"Give me ten fucking minutes!" Saka ko binaba ang phone at basta nalang iyon initsa sa kama ko.

Dahil sa biglaang pagpunta rito nila Katherine at Yahiko, mabilis pa sa alas kuatro akong kumilos. Pinulot ko ang mga lata na nagkalat, yosi at balat ng sitsirya saka 'yon pinagkasya sa basurahan na nasa verendra ko.

Dumiretso rin kaagad ako sa cabinet para maghanap ng damit dahil tignan mo naman, naka-nighties pa ako! Ugh!

Mabilis akong naghanap ng shorts at t-shirt na disente. Hindi ko nga alam kung mabilis o natataranta na ang tawag sa kilos ko. Nang makahanap, mabilis akong nagpalit at nilagay agad ang nighties sa labahan. Tinanggal ko rin ang mga nakasabit na frame sa dingding kung saan may picture kami ng mga kaibigan ko, diploma ko from college, even 'yung graduation picture ko.

Kung pupunta sila sana man lang sinabihan kaagad ako hindi 'yung ganito to think na masakit pa ang ulo ko. Kainis!

Nag-spray din ako ng air freshener sa buong kwarto ko. Hindi pa kasi matanggal ang amoy mula sa usok ng sigarilyo na gawa ni Cloud kagabi. Isa pa 'yon!

Nang matapos, saka ko lang sila pinagbuksan ng pinto... habang pigil ang paghahabol ng hininga. Gosh!

"Come in," usal ko.

Nagtanggal sila ng sapatos saka tumuloy sa loob. Doon lang ako napahinga ng maluwag nang makapasok sila. Wala naman na siguro akong nakalimutan itago 'di ba?

"Sit wherever you want, and..." dumiretso ako sa maliit na ref ko, "I only have soda and coffee, what do you---"

"Nako, tulungan na kita." Akmang bubuksan na ni Katherine ang ref ko nang mabilis ko 'yong naunahan. Kinuha ko agad ang bote ng dalawang soda.

Nginitian ko siya, "A-Ako na. Umupo ka na." Bahagya ko siyang hinila sa tapat ng lamesa kung saan naka-pwesto na si Yahiko.

Whew.

"Okay, let's start studying! Pass the make ups, guys!" Masiglang bulalas ni Katherine nang maka-pwesto na kami sa aming mga upuan.

Naipatong ko ang isang siko ko sa lamesa at napahawak sa sintido ko. Lalo yatang sasakit ang ulo ko sa mangyayari. Hays.

Narinig namin na may kumatok sa pinto kaya naman sabay-sabay kaming napalingon doon. Ghad, baka mamaya si Cloud 'yon! Ano nalang iisipin nila kapag nakita nila si Cloud na dadalawin ako?

Hala wait, wala akong maisip na dahilan!

"Ako na ang magbubukas," presinta ni Katherine kaya bago pa man ako makapag-salita ay tumayo na siya at dumireto doon.

Pinatong ko ang mga braso sa lamesa at napayuko nalang. Okay, sasabihin ko na itu-tutor ako ni Cloud kaya siya nagpunta dito, tama!

Inangat ko ang ulo ko at handa nang magpaliwanag nang mapahinto ako...

"Mabuti hindi ka naligaw? Akin na 'yan." Kinuha ni Katherine ang bitbit n'ya na plastic.

Nagsalubong ang mga mata namin... saka ko siya nakitang ngumiti.

"Lindsay,"

"Ch-Chester..."

"If you're wondering, niyaya ko siya dito para i-tutor ka. 'Di ba siya naman ang tumulong sa 'yo kaya naka-pass ka noon sa retake niyo ni Yahiko?" Paliwanag ni Katherine habang inaayos ang pagkain na dala ni Chester.

Gusto kong magtanong kung bakit, pero sa huli ay ngumiti nalang ako sa kanya at pinaupo siya na sinunod naman niya.

Naaalala ko na naman tuloy 'yung kahapon! Ugh, nakakainis!

# # #

"Ugh, I'm tired..." sumandal ako sa kama at napapikit. Come to think of it, tatlong oras na kaming non-stop na nag-aaral.

Iba talaga pag mga rank students ang kaibigan at kasama mo.

"Oh, don't be," kinuha ni Katherine ang notes ko at tinapat 'yun sa akin kaya napatingin ako 'ron. Psh! "You only solve one, papayagan mo ba 'to, Chester?" Baling nito sa kaharap ko.

Binaba ni Chester ang ballpen. "Let her rest,"

"Wh-What?!" Gulat na tanong ni Kath rito. Tumingin sa akin si Kath nang kunot ang noo. "I think he's spoiling you."

Hindi naman ako sumagot at hinilot nalang ang sintido ko habang si Yahiko ay nagce-cellphone naman. Tignan mo, kung si Yahiko nga hinahayaan niyang magtext, ako pahinga lang nagulat pa siya?

Binaba ni Katherine ang notes ko at napabuntong hininga. "Actually, Lindsay... I don't know how you got into St. Oliver."

Nagulat ako sa sinabi niya. Oh no...

"How did you get in when you're so dumb?" Pinanliitan ako ng mata nito kaya naman lalo akong nagulat. Dumb again?! I hate this!

"Th-That so rude!" Apila ko.

"You can't call it rude at this point, it's just a fact."

"Hindi lang siguro siya sanay sa patakaran natin sa school, Kath." Biglang usal ni Chester. "But I believe that Lindsay will work this out, right?" Tumingin siya sa 'kin kaya naman napilitan akong ngumiti.

Buti pa 'to may tiwalang magagawa kong makapasa. Itong isa... hays!

"That goes for me too," pagsingit ni Yahiko na kabababa lang ng phone. Ngumiti siya kay Katherine, "Bagay sa 'yo iyang suot mong cardigan."

Tumaas ang isang kilay ko nang pasadahan ko ng tingin si Katherine. Naka-sando siya na color gray sa loob at naka-cardigan na medyo malaki sa kanya. Although bagay nga naman sa kanya.

Hindi naman napigilan ngumiti ni Katherine sa pagpuri na naman sa kanya ni Yahiko. Pansin ko na palagi niyang napupuri ito. Tapos minsan 'yung mga titig niya, ang lagkit! Anyway, I ship to them. Bagay talaga sila, promise.

"Thank you ah..."

"Yeah right, you're really skinny, tho," Napasalumbaba ako sa lamesa at nginisian siya. "No wonder you could only throw that handball two meters."

Nagsalubong ang kilay nito sa akin at halatang nainis. "You're one to talk, miss one meter!"

"O bakit, hindi ba?" Banat ko.

Naibagsak niya ang dalawa niyang kamay sa mesa at bahagyang lumapit sa 'kin. "Mas malala pa rin ang one meter!"

"Magkalapit lang tayo, hahaha---"

"Hay, ba't ba kayo nagtatalo eh parehas lang naman kayong bugok sa sports?" Biglang usal ni Chester na nakahalukipkip na sa amin.

Parehas namin siyang pinanliitan ng mata ni Katherine. "ANONG SABI MO?!" Said in chorus.

Natawa si Yahiko kaya naman umayos na ng upo si Katherine at nag-ayos ng buhok. Habang napangiti naman ako.

Dati sa trabaho, palagi akong OP o out of place sa mga kasamahan ko. Sila-sila lang ang nag-uusap, nagkakaintindihan. Ako, nasa isang sulok lang at walang pumapansin dahil sabi nga nila, palpak daw ako. Isa rin siguro 'yun sa mga rason kung bakit hindi ako makuntento sa trabaho ko...

Though calling them my "friends" might be too impudent to me, a girl who's ten years older... somehow, I feel happy.

Lumipas na naman ang ilang oras hanggang sa mag-alas singko na ng hapon. Kahit ilang oras na ang lumipas sa pag-aaral namin ay hindi pa rin ako natapos sa ilang pinapagawa nila.

Hindi na yata kaya ng brain ko. Kawawa naman.

Napabuga ako ng hangin at sumandal sa kama. Tumingin ako kay Katherine at Chester. Sila 'yung mga taong masisipag mag-aral...

"You study this hard all the time?" Naitanong ko na lamang.

Tumigil sa pagbabasa si Katherine at napatingin naman sa akin si Chester. "This is actually nothing," sagot ni Kath.

"Our standards are really different from you, guys." Napapangiting saad ni Yahiko na katatapos lang magsulat.

"You'll be in trouble if you don't pass the midterm," ani Chester na bumalik rin sa pagbabasa.

Hay, sabi ko nga mag-aaral na eh.

Babalik na sana ako sa pagsasagot ng notes nang biglang tumunog ang cellphone ni Katherine na nasa lamesa lang. Kinuha naman n'ya iyon at tinignan. "Ops, excuse me."

Tumayo siya at dumiretso sa verendra-- VERENDRA?!

Mabilis akong tumayo at halos magkanda-dapa-dapa na para lang maharangan siya. Kunot noo naman siyang napatingin sa akin. Whew.

"Ba-Bakit?" Tanong niya.

"U-Uhm..." 'yung mga basura ng canned beers at upos ng sigarilyo makikita mo do'n! "My laundry's drying!" Pagdadahilan ko.

Ngumiti siya, "Ano naman?"

Geez, ano naman daw? Huhuhu.

Dahil kanina pa ring ng ring ang phone niya, nagsalita na ulit ako. "Sagutin mo na dito, hindi kami mag-iingay 'di ba?" Tinignan ko pa sila Yahiko at Chester pero hindi naman sila sumagot at nakatingin lang sila sa 'min. My ghad!

"Bahala ka hindi mo na masasagot 'yan!"

"A-All right, all right," and finally, sinagot din n'ya ang maingay n'yang cellphone.

Nakahinga ako ng maluwag nang tumalikod siya sa 'kin at makipag-usap sa kabilang linya. Hindi ko talaga alam ang sasabihin kapag nagtanong siya about sa mga canned beers at sigarilyo na nasa labas.

Kung bakit naman kasi ang galing mag-iwan ng kalat nitong Cloud na ito eh!

"Guys," binulsa ni Katherine ang phone n'ya saka tumingin sa amin. "I need to go, tawag ako ng pinsan ko eh,"

"Paano 'to?" Mabilis kong tanong. Hindi pa kami tapos sa pagre-review.

Nginitian niya ako at sinabit ang bag sa kanyang balikat. "Nandiyan naman si Chester, mas matalino sa akin 'yan saka siya ang tutor mo hindi ba?"

Ako... si Yahiko... at Chester lang ang maiiwan dito?

"Ah, sasama na 'ko!" Tumayo si Yahiko at kinuha ang mga gamit n'ya. "Dumidilim na rin kasi, need to go home early."

"Gano'n ba? Sabay na tayo."

"Ihahatid na kita,"

Lumakad silang dalawa papuntang pinto pero bago pa mahawakan ni Katherine 'yun ay mabilis ko siyang pinigilan sa braso. Napatingin siya sa 'kin, pati na rin si Yahiko.

Pasimple akong tumingin kay Chester na nagbabasa ng libro saka bumulong kay Katherine. "How about Chester? Take him with you!"

"Why?"

"Kaming dalawa lang matitira? Seryoso ka? Ayoko!"

Hindi naman sa nag-iinarte o nagpapabebe. Kung kami nga ni Cloud ay madalas na magkasama dito, pero sa case ni Chester parang ayoko. Naiilang pa ako sa kanya! Okay lang sa hatid-hatid eh, pero 'yung ganito?

Parang ang awkward na naman katulad nalang ng kahapon. Huhuhu!

"Stupid. 'Wag ka ngang maarte diyan, kilala ko 'yan, hindi ka ra-rapin niyan. Malabo! Hahahahaha!"

"Manahimik ka nga!" Mahinang singhal ko. Nagawa pa talaga mang-asar, hays!

"Mauna na kami, bye!"

"Wa-Wait---" at ayon, tuluyan na silang lumabas ng bahay.

Huminga ako ng malalim at pikit matang napabuga nalang 'yon. Alam ko sa sarili ko na hindi ako gano'n ka-kumportable na kausap at kasama si Chester sa iisang bahay lalo at dalawa lang kami. Sabi ko nga, awkward para sa 'kin dahil sa mga kahihiyang nangyari.

Lumakad ako palapit muli sa mesa at umupo sa tapat n'ya. Nakita ko siyang nakatingin sa 'kin kaya naman pinilit kong ngumiti.

"A-Are you sure you don't want to leave?" Kinakabahang tanong ko.

"Not until we're done." Seryosong tugon naman nito kaya pumunta nalang ang mga mata ko sa notes na nasa harap ko.

Hindi pa nga pala siya tapos na i-tutor ako. Hays!

Dahil kailangan matapos namin ang pag-aaral ngayon, nagsimula na naman siyang mag-turo sa akin doon sa mga subjects na dehado ako lalo at midterm ang pinag-uusapan.

Habang nagsasalita siya, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Naiilang lang ako sa kanya dahil nga doon sa nangyari no'ng P.E. at ang nangyari kahapon. May something kasi sa kanya na parang ang hirap ipaliwanag. But all in all, Chester is a nice person. Imagine, he has everything in popularity but he still gives his all lecturing me.

Kung tutuusin, si Chester 'yung tao na maliit ang pasensya. Pero nakakahanga na pagdating sa pagtu-tutor sa akin ay kayang-kaya niyang kumalma kahit ilang beses akong nagkakamali o may hindi nage-gets.

That is why... I have to pass.

"Lindsay,"

Napasandal ako sa gilid ng kama at binaba ang ballpen dahil sa sakit ng kamay sa pagsusulat ko. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakayuko siya at may hawak na...

Planner.

Kulay kayumanggi ang planner na 'yun. Naramdaman ko bigla ang malakas na pagpintig ng puso ko dahil sa nakikita ko. Gusto kong agawin 'yun sa kanya at magtanong kung saan niya nakuha 'yun pero tila umurong yata ang dila ko.

Oh no, Chester...

Umangat ang tingin nito sa akin at nilapag sa mesa ang planner na nakabukas. "What's with this planner? Reminders about interviews and resumes."

Ito na nga ba sinasabi ko eh. Bakit hindi ko napansin 'yon?!

"Uh-Uhm, works... I guess?" 'Di siguradong sagot ko. "Nag-hanap kasi ako ng part time job noon. So, ayon nga." Saka ko binalik ang sarili sa pagsusulat.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi ko talaga alam. Ugh!

Narinig ko siyang napangiti. Kaya naman pasimpleng umangat ang mga mata ko sa kanya na nananatiling nakatingin sa aking planner.

"I knew you're not a dumb,"

Naalala ko bigla 'yung sinabi ni Noctis kahapon bago n'ya kami iwan ni Chester... 'yung, "Just so you know, she's a 100% dumb." Sa kabila no'n, hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

"Su-Sure I'm not!" Depensa ko sa aking sarili.

Tumingin siya sa akin. "So how was it? Saan ka nag-trabaho?"

"Ha?"

"Kahit mahina ka sa pag-aaral, alam ko namang masipag ka. Kaya ka nga nag-hanap ng trabaho 'di ba? Saan ka nag-trabaho?"

Damn it, Chester! Bakit kailangan mo pang tanungin 'yan? Saan mo ba nakuha 'yan?!

Nabasa ko ang labi ko at kung saan-saan na napadpad ang tingin ko. "S-Sa ano... convinience store. Doon sa pinagbilhan mo kahapon."

Bahagya siyang napangiti. "Wow. Bakit hindi mo sa 'kin sinabi? Eh 'di sana naitanong ko kung maganda ba ang performance mo doon."

Argh. Hindi naman ako nag-trabaho do'n. Sadyang wala lang akong maisip na ipalusot kaya 'wag ka nang magtanong.

Kinuha ko ang planner sa mesa at nginitian siya bago ako tumayo. Lumakad ako sa cabinet at pinasok 'yon doon ng magsalita muli siya.

"Ayaw mo na ba ulit mag-part time? Natanggal ka ba o nag-resign ka?"

O.M.G.

Tila isang matulis na bagay ang mga iyon na tumama sa aking noo. Tinamaan ako sa tanong niya. Bukod do'n, hindi ko alam ang sasabihin ko.

"A-Ano..." dahan-dahan ako humarap sa kanya. Nakita ko na nag-aabang siya ng sagot mula sa akin pero hindi ko alam kung papaano 'yun iiwasan.

Ghad, Cloud help me!

"A-Actually..." bumuntong hininga ako at naupo sa kama. "Hi-Hindi naman natuloy ang trabaho ko do'n dahil..." kay Cloud. Siya ang umudlot ng pag-a-apply ko sana ro'n. "... nawalan ako ng time. Oo 'yun nga," saka ako pekeng natawa nalang.

Tumango naman siya na parang nakumbinsi ko naman. Hayy.

"Base sa nakita ko, marami kang naka-schedule na interviews. Hindi mo ba tinuloy 'yun?" Tanong na naman n'ya.

Argh. Naniniwala na talaga ako na kapag matalino, maraming tanong.

"Huh?"

Bingi-bingihan syempre.

"Pero nakapag-trabaho ka na 'no? Anong feeling? I mean alam kong mahirap pero... 'yung sa 'yo, nahirapan ka ba o naging masaya ka?"

Ghad what's with this questions! Hindi ko na talaga nagugustuhan 'yung mga tanungan ni Chester, feeling ko dahil alam niyang nag-trabaho na ako eh, i-interviehin niya ako ng i-interviewhin. Habang tumatagal, lalong hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ugh!

"Bakit naman... natatanong mo mga iyan?" Balik tanong ko habang may pilit na ngiti. Sana lang hindi niya mahalatang kinakabahan ako.

Hindi siya kaagad sumagot. Nanatili siyang nakatitig sa 'kin kaya naman napalunok nalang ako. Maya-maya ay umayos siya ng upo at napailing, bahagya rin siyang natawa.

Aaminin ko, sobrang kinakabahan ako hindi lang dahil da-dalawa lang kami dito kung hindi dahil sa mga susunod niya pang sasabihin. Nakaka-tense!

"Chester---"

"Let me rephrase my question," binasa niya ang kanyang ibabang labi saka marahang tumingin sa mga mata ko. "Does being alone with me do nothing for you?"

Whaaaat?!

Napakurap ako at talagang hindi nakaimik sa tanong niya. Kanina lang ay kinakabahan ako dahil tungkol sa trabaho ang tinatanong niya pero... bakit biglang ganito?

Ano bang mas pabor sa 'kin, 'yung unang tanong niya o itong huling sinabi niya?

"Aren't you... excited?" Dagdag pa nito.

Hindi ko namalayan na napahawak na pala ang isang kamay ko sa aking dibdib. Masyado akong nabibigla sa kanya. Ayokong lagyan ng meaning 'to pero bakit hindi ko mapigilan? Ugh.

"Uhm... a-ano?"

Matunog siyang napangisi, "Are you inlove with someone?"

Dahil sa tanong niya, automatic na may biglang pumasok na tao sa isip ko...

Si Noctis.

Wait, bakit? Bakit si Noctis? Hindi ko naman siya crush, inlove pa kaya? Joke lang 'yun. Hindi siya. Hindi talaga siya... promise.

"I... don't think so." Mabagal na sagot ko. Hindi ko kasi sigurado kung anong isasagot. Hindi ko talaga alam kung bakit. Tsk!

"You don't think so, huh?" Pinatong niya ang kanyang dalawang siko sa mesa at pinagsaklop ang mga daliri. Mataman din niya akong tinignan na parang sinusuri niya akong mabuti.

Gusto kong iiwas ang paningin ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Masyadong nakakailang ang kanyang mga titig pero nakakainis, ayaw makisama ng katawan ko.

"What if I tell you that---"

Naputol ang sasabihin ni Chester ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan at iluwa no'n ang hinihingal na si Cloud. Naka-suot siya ng earphones at kunot noong nakatingin sa amin.

"Cloud?" Gulat na tanong ko. Napatingin agad ako sa pinto dahil ang alam ko, ni-lock ko 'yun!

Shit! Sinira niya ba?!

"Don't worry, I didn't break it." Saka niya inangat ng bahagya ang isang kamay na may hawak na susi. "I have a spare key,"

Kumunot ang noo ko, wala akong maalala na binigyan ko siya ng duplicate ko!

"Wait," entrada ni Chester. Pinagmasdan niya mula ulo hanggang paa si Cloud. "Spare key, are you two lovers?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Chester kaya naman nagulantang ako.

"Hell, no!" Giit ko.

"Hindi naman sa pagiging bastos pero... would you mind?" Sumenyas si Cloud kay Chester na parang pinapalabas niya ito kaya naman mabilis na kumunot ang noo ni Chester.

Tangina, Cloud!

"Don't be afraid, Strife. I'm not going to take Lindsay from you-- for now."

Kinuha ni Chester ang mga gamit niya sa lamesa at tumayo. Pinantayan nito ng tingin si Cloud na nakatingin ng seryoso sa kanya.

Ilang sandali lang ay lumingon sa akin si Chester, "I'm going. Tapusin mo 'yang pinapagawa ko." At walang paalam na lumakad at padabog na sinara ang pintuan.

Woah.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top