Kabanata 10

A/N: Kindly click the multimedia box to see photo of Noctis. Thank you!

# # #

"Kahapon pa masakit 'yang ulo mo ah? Dapat lumiban ka nalang." Sambit ko kay Katherine habang inaayos ang mga gamit n'ya.

"I said I'm okay... pawala naman na, I can feel it."

"Ihahatid na kita, Kath." Biglang alok ni Yahiko at sinabit ang strap ng bag sa kanyang isang balikat. Nakita ko namang napangiti 'ron si Kath.

"Sure,"

Napabuntong hininga nalang ako at sumabay sa kanila maglakad. Nakakapit si Katherine sa isang balikat ni Yahiko habang bitbit naman nito ang pink na shoulder bag niya.

Bagay sila. Ngayon ko lang napansin na mas bagay si Katherine kay Yahiko.

Nang makalabas ng gate ay nagpaalam sila na pupunta na ng parking area. Kung 'di niyo pa alam, mayaman 'yang si Yahiko. May sariling kotse. Sa bagay, halos lahat naman yata ay may kotse pwera nalang sa iba na hindi gumagamit no'n dahil walking distance lang ang mga bahay nila.

Kagaya ko. Saka wala akong kotse 'no, trabaho nga wala, kotse pa?

Huminto ako sa labas ng school at napabuga sa hangin. Naalala ko 'yung bilin ni Kath sa akin kahapon na magkakaroon kami ng 'golden week'.  Tinawag n'ya 'yong gano'n dahil magre-review kami simula bukas dahil malapit na ang midterm exam.

Lumakad ako at napailing. Kaya ko 'yon! Kung sa quiz at long test nga nakapasa ako, dito pa kaya?

Pero hindi eh! Ilang beses akong nag-retake 'no! Ayoko nang maulit pa 'yun kasi effort din ni Katherine ang pinag-uusapan dito.

Pwede naman ako magpa-tutor kay Chester tutal 'yon ang sabi niya 'di ba?

Ugh. No way. Nakakahiya. Nakakailang.

"How's your day?"

Bago pa ako makalingon ay tinabihan na ako ni Cloud at sinabayan sa paglalakad.

"You're talking to me way formal, dude." Sagot na kinatawa naman niya. Anong nakakatawa do'n?

"If you're going to make an report, sure it is formal, dude."

"Para saan?" Curious kong tanong.

"Hindi ba at part ka ng experiment? Every week nagse-send ako ng written report sa company kung anong nangyayari sa 'yo, kung may improvements. That's part of my job."

Bumuntong hininga ako. Nagdadalawang isip kung dapat ko bang i-open 'yung nalaman ko kay Noctis kahapon. Pero wala naman sigurong masama 'di ba? Isa pa, hindi 'yun nakakatuwa.

"Sa tingin ko..." pag-uumpisa ko.

Nakita ko mula sa gilid ng mata ko na napatingin sa akin si Cloud. Hinihintay ang susunod ko pang sasabihin.

"Sa tingin ko may malalang sakit si Noctis at mamamatay na siya." Diretsong sabi ko.

Muli ko na naman tuloy naalala 'yung mga naging usapan namin. Sabi ko na eh, something with his words has a deep meaning. Mukhang kahit hindi n'ya sabihin, alam ko na.

Hindi ko narinig na nagsalita si Cloud kaya naman tumingin ako sa kanya pero unti-unting kumunot ang noo ko nang makita na nakahawak siya sa kanyang bibig na parang... nagpipigil ng tawa.

What the heck?!

"Cloud!"

"Hahahahahahaha!"

Huminto siya at napahawak pa sa kanyang tiyan kakatawa. Napahinto rin ako at hindi ko maiwasang magtaka at the same time, mainis dahil sa tawa niya like, anong nakakatawa 'ron? Dapat ba pinagtatawanan ang gano'ng bagay?

"Why are you laughing, stupid?!" Inis na bulalas ko saka ako namewang sa harap n'ya.

"Hahahahaha! So-Sorry," umayos siya ng tayo habang nakadikit pa rin sa mukha niya na tuwang-tuwang siya sa sinabi ko. "What again? Noctis has what? Pfft--- hahahahaha!"

At ayon, nagsimula na naman siyang tumawa na parang iyon ang pinaka nakakatawang bagay na narinig niya. Ugh.

Naikot ko ang mata ko sa inis. "Kailan pa naging nakakatawa ang gano'n, ha? Hoy, hindi 'yun biro. Hindi natin alam kung hanggang kailan nalang ang---"

"Fine, fine," saka n'ya tinaas ang dalawa n'yang kamay senyales na sumusuko na siya. "If that's what you believe then go for it,"

"Haaa?"

Lalo akong naguluhan. Oo at wala namang binanggit na gano'n si Noctis pero obviously, he's stating the fact! Hindi ako gano'n ka-tanga.

Huminga ng malalim si Cloud habang nasa kanya pa rin ang ngiti sa labi. "Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa 'yo para isipin 'yan pero..." saka siya marahang natawa, "Kung saan ka naniniwala, then fine. I won't stop you."

Lalong kumunot ang noo ko. "Bakit, may alam ka ba kay Noctis? Naging close ba kayo?"

"Kailangan bang mangyari 'yun?"

"So hindi ka naniniwala na may sakit siya? Kung alam mo lang kung paano siya magsalita. Sabi n'ya pa nga huling pagkakataon na n'ya ito. Hindi man detalyado, ramdam kong 'yon ang tinutukoy n'ya."

Nakita kong mula sa nakangiti niyang pigura, ay naging seryoso ito. "We'll never know, baka nga katapusan n'ya na, literally, o baka naman may ibang meaning na siya lang nakakaalam."

Maybe he's right. Ibig sabihin, pwedeng wala talaga siyang sakit at hindi mamamatay? Kung gano'n, mas maganda 'yon.

Bakit naman kasi 'yun pa ang pumasok sa isip ko?! Hays.

"Shall we go?" Tanong niya kaya naman tinanguan ko siya.

"Lindsay!"

Sabay naming nilingon ang lalaki na tumawag sa pangalan ko at honestly, bigla akong dinapuan ng hiya. Hindi pa rin nawawala sa akin 'yung nangyari noong P.E.

Nasa akin pa rin ang ilang at hiya.

Patakbo siyang lumapit sa amin ni Cloud. Tumingin siya sa kasama ko at binalik sa akin. "Sabay na tayo, pauwi na rin ako."

"O-Osige,"

Maglalakad na sana kami ni Cloud pero nagsalita na naman si Chester. "I'll walk her... alone."

Hindi ko tuloy maiwasang higpitan ang kapit ko sa strap ng body bag ko. Tumingin ako kay Cloud na nakangiti lang kay Chester habang ang isa naman ay seryosong nakatingin sa kanya.

Sa huli ay bumuntong hininga si Cloud. "If that's what you want."

"Pero---" at naputol ang sasabihin ko nang umatras siya at kumaway sa amin hanggang sa patakbo na siyang umalis.

Now, I'm all alone with Chester. Again.

Tumingin ako kay Chester at nakitang nakatingin siya sa akin. Pinilit kong ngumiti. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako sa kanya na naiilang. Para kasing ang seryoso niya na ewan.

Nagsimula kaming maglakad. Tahimik. Walang nagsasalita. Kaya naman hindi talaga mawala-wala ang awkwardness sa pagitan namin.

Napapaisip nalang ako eh, Bakit pumayag si Cloud na iwan kami ni Chester?! Akala ko ba gagawa siya ng report base sa sagot ko?!

"Saan ka pala nakatira?" Tanong niya.

Napatingin ako sa kanya habang naglalakad kami. Diretso siyang nakatingin sa dinadaanan. 'Yun ang naging signal ko upang pagmasdan ng mabuti si Chester.

Hindi ko maitatanggi na talagang gwapo rin ito. Maputi, matangkad, matangos ang ilong, mapungay ang mata, manipis ang labi, medyo makapal din ang kanyang kilay na bumagay naman sa kanya. Makinis din ang mukha niya, maayos ang nakatagilid ngunit nakatayo nitong buhok. Kung hindi mo pa nakikita si Noctis, kay Chester ka unang mahuhumaling, and that's for sure.

"Inis ka pa rin ba kay Noctis?" Biglang tanong ko dahilan para pagsisihan ko. Nakita ko kasing bahagyang nagsalubong ang kilay nito. "A-Ang ibig kong sabihin, sa may Topaz st. lang ako."

Ugh. Lindsay!

"What makes you think that?" Blangkong tanong nito.

Gosh, I'm so dead. "Wa-Wala. H'wag mo nang sagutin, hehe---"

"Sinwerte lang siya sa pagiging presidente niya sa klase, pati na rin ang pagiging rank one sa buong university. Kayang-kaya ko 'yun tanggalin sa kanya dahil alam ko na mas matalino ako do'n." Confident nitong sagot. "Dahil hindi gaya n'ya, mas kaya kong makipag-sabayan kahit kanino."

I get what he's trying to say. Pagdating sa cooperations and everything, lamang talaga si Chester. Obvious naman 'yun dahil member pala siya ng isang varsity team dito sa school.

At kahit hindi niya diretsong sagutin, alam ko na insecure pa rin siya kay Noctis. Who wouldn't? When all the attention and appreciation is yours. 'Yun nga lang, hindi 'yon ang hanap ni Noctis.

"Gusto mo ba ng Ice cream?"

Tinignan ko 'to at ngumiti. "Libre mo?"

"Sure,"

Dumaan kami sa isang convinience store. 'Yung convinience store pa na dapat eh pag-a-applayan ko.

"Hintayin mo ako dito ah?" Hindi pa man ako nakakasagot nang iwan niya na ako at pumasok sa loob.

Napabuga ako sa hangin. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa kung bakit ko 'yon natanong. Hindi ko rin kasi alam kung papaano 'yun sasagutin. Siguro dahil wala naman siyang dapat ika-inggit kung siya din naman ay 'almost perfect' na.

Bigla akong nagulat nang may humatak sa akin pagilid. Nakita ko nalang na may mabilis na sasakyan ang dumaan sa harapan ko. As in malapit lang sa akin!

Noon ko lang tinignan ang taong humatak sa akin-- at ang nakakagulat pa 'ron, SOBRANG LAPIT NG MUKHA KO SA MUKHA NIYA. RAMDAM KO RIN NA MAGKADIKIT ANG AMING MGA KATAWAN SA HINDI INAASAHANG PAGHATAK NIYA SA AKIN.

Seryoso ang mga mata niya. Kagaya ng dati, mararamdaman pa rin ang panlalamig ng kanyang titig. Kaya naman ramdam ko na mabilis na namula ang aking pisngi. Jusq nakakahiya!

Napakurap ako at dahan-dahan umatras sa kanya. Napayuko ako kaagad at mariing napapikit. Kung bakit naman kasi paharang-harang ako sa daanan ayan muntik na ako masagasaan.

Pero buti nalang... naagapan niya.

"You're really a dumb," walang emosyong sambit nito.

Kumagat ako sa ibabang labi ko at pilit siyang tinignan, feeling ko namumula pa rin ako. "T-Thank you, Noctis."

"Wala pa 'yan sa mga ginawa mo sa 'kin."

Sweet naman--- ano?! Hindi ako nasi-sweetan ah? Wala akong sinabi. Wala 'yon.

Ngumiti ako sa kanya at bago pa man ako makapag-salita ay pinatong niya ang isang kamay niya sa ulo ko na para akong isang bata.

Nanlaki ng bahagya ang mata ko. Parang baliktad yata ah?

Tinanggal niya 'yun at nagsalita. "May kasama ka?" Tanong nito na kinabigla ko.

Jusq. Wala na bang katapusan ang pagkabigla ko?! Nakakainis 'tong mga sudden actions ni Noctis! Waaaah!

"Ah---" bago ko pa matapos ang sasabihin ko, bigla nang may umentrada.

"Ako. Bakit?" Maangas na tanong ni Chester.

Napatingin ako sa kanya. May hawak siyang plastic na naglalaman ng ice cream. Alam kong malamig ang mga iyon, pero mukhang ang init ng may hawak. Geez.

Nawala ang paningin ko kay Chester nang ipasok ni Noctis ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang pants. "Just asking. Problem with that?"

Oh, dear.

"Now that you know, can you leave?" Banat naman ni Chester.

"I don't mind,"

Nagpalit-palit ang paningin ko sa kanilang dalawa. Parehas silang nagsusukatan ng tingin habang pansin ko na tumataas na ang inis ni Chester, si Noctis naman ay kalmado lang ngunit seryoso.

Umiwas ng paningin si Chester pero inis din na binalik kay Noctis. "Go away, I'll walk her home." At nagulat naman ako nang hawakan ako nito sa pulsuhan.

Naptingin doon si Noctis. Gusto kong bawiin, pero natatakot ako kay Chester. Parang ayoko siyang sabayan dahil sa inis niya kay Noctis.

"Well then, walk her safe." Tumalikod ito at handang nang lumakad palayo nang muli itong lumingon sa amin...

"Just so you know, she's a 100% dumb."

# # #

Kaagad kong kinuha ang phone ko sa lamesa nang umilaw ito. Nakita ko ang unknown number na lumabas sa screen, isang message.

Hindi naman siguro sila Casey ito ano? Meron akong number nila kaya imposible 'yon.

Huminga ako ng malalim saka pinindot ang message mula sa hindi ko kilalang number.

O baka naman si Chester? Pero bakit naman n'ya kukunin ang number ko? Kanino naman? Imposible rin 'yon.

Pero lahat ng thoughts na pumasok sa isip ko ay nawala nang parang bula at bigla rin akong nakaramdam ng kaba nang mabasa ang kabuuan ng message...

From: +63976********

I know it's late, but I want to know if you got home safe? By the way, it's me, Noctis.

Napasinghap ako at napahawak sa aking bibig habang nakatitig sa mensaheng iyon. Maliit na message, pero ang dami nang pumasok sa isip ko kagaya ng...

Si Noctis ba talaga ito? Saan niya nakuha ang number ko? Bakit niya ako tinext? Anong ire-reply ko? Maghi-hi ba 'ko? Bakit ako kinabahan? Nagbago na ba talaga ang ihip ng hangin? O sadyang tama talaga ako na may angking bait siya? Bakit sinusunod-sunod niya ang panggugulat sa 'kin? Bakit ako natataranta? Waaaaaah!

Napailing ako at mabilis na inalis ang mga 'yun sa isip ko. Kapag nagpatuloy pa 'yun, tuluyan na akong lalamunin ng kabang nararamdaman ko-- pero bakit nga ba ako kinakabahan? Nakakainis ka na talaga, Lindsay.

Sa huli ay sinikap kong replayan siya ng, "Nakauwi naman ako ng ayos. Salamat sa pag-aalala. Ikaw, nakauwi na ka ba?"

Pinatong ko ang isang siko ko sa lamesa at sumalumbaba habang nakatingin sa message niya. Eh sa hindi ako makapaniwala eh, hindi ko akalain na magbibigay siya ng ganitong atensyon sa 'kin at hindi ako do'n sanay although gusto ko na ganito siya.

Napaayos ako ng upo nang makita ang dumating na message mula sa kanya, kaagad ko 'yun binasa.

From: +63976*******

Good to know that, and yeah I'm home.

Hindi ko inaasahan na... mapapangiti ako sa message niyang 'yun. Siguro nga, kung ito lang ang paraan para magkaroon siya ng kaibigan, dapat ko nang sanayin ang sarili ko.

Gusto kong malaman niya na... hindi pa huli ang lahat para sumaya at magkaroon ng mga kaibigan. Ayokong ang isang bata na katulad niya ay mawawala sa mundong ito na hindi man lang na-enjoy ang buhay.

Hays. Ang bait mo talaga, Lindsay.

Bigla akong nakarinig ng pag-click ng camera kaya binaba ko ang kamay kong may hawak na phone at tumingin ng blangko kay Cloud na nasa harapan ko at nakaupo.

Oh, my, nakalimutan kong may kasama pala ako. Hays!

"What's that for?" Tanong ko rito.

Binaba niya ang cellphone niya at ngumiti sa 'kin. "A test subject smiling because of a college guy. That's for my report."

"Ugh, delete it!" Singhal ko. Pero tinawanan lang ako nito, as usual. Binaba ko ang phone ko at pinatong nalang ang mga braso sa mesa, "Why are we drinking at my place anyway?"

Nagulat na nga lang ako nang biglang may kumatok sa labas ng aking pinto at tumambad sa akin ang mukha ni Cloud, may mga dala siyang inumin kagaya ng beer at pagkain.

"What's the big deal?" Bahagya niyang nilapit ang mukha sa 'kin kaya napakunot ang noo ko, "Natutuwa lang ako dahil nagiging close kayo ni Noctis, hindi lang 'yon, isama na rin natin si Chester. So let's celebrate!"

Nanlaki ang mga mata ko. "A-Ano?"

Lumayo siya at humithit ng yosi saka binuga ang usok sa gilid niya, "Nakita ko kayong tatlo sa tapat ng convinience store kanina. Mukhang nagkakasundo na kayo ni Noctis, that's nice." Nakangising anito.

Hindi na dapat ako magulat na nakita ni Cloud 'yon dahil palagi naman siya nakasunod sa akin, pero ewan ko ba't bigla akong nahiya sa nakita niya kanina.

Narinig din kaya niya 'yung sagutan no'ng dalawa? Malamang ay oo.

Naikot ko ang mata ko ng maka-recover, "May klase pa tayo bukas ng tanghali at baka ma-late tayo ng gising."

"For a dumb, you sure are serious."

"S-Shut up!" Saka ko siya binato ng canned beer na wala ng laman.

"Ouch!" Napahaplos siya sa kanyang ulo, "Sadista!"

Hays. Dapat pala hindi ko na pinatuloy 'tong Cloud na ito sa loob eh. Kahit kailan, ang lakas niyang mang-insulto!

Napatingin nalang ako sa bintana at napaisip. Tama nga kaya na mangialam ako kay Noctis? I mean, sa pagkakaroon man n'ya ng kaibigan. 'Yung para maiwasan man lang 'yung pangti-trip sa kanya? Naaawa ako sa kanya dahil ang dami pala talagang may galit sa kanya kahit wala siyang ginagawa. Dahil ba nami-misinterpret nila si Noctis?

Nag-aalala lang din ako, syempre baka mamaya totoong may sakit siya at may taning ang buhay kaya gano'n siya magsalita. Kung 'di man totoo 'yon, para sa akin ay ayoko namang maranasan niya na kapag nagkaroon siya ng trabaho ay wala pa rin siyang kaibigan o kasama.

'Yun ang mahirap sa trabaho, kung sa school, talino ang labanan, doon ay galing at ugali na ang pag-uusapan.

Hays, ang galing kong makialam, pero hindi ko naman ma-apply sa sarili ko noong nagta-trabaho pa ako. Ang dami kong palpak.

"Bigla kang sumeryoso," rinig kong ani Cloud kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Tingin mo ba tama na maging ganito kami ni Noctis? Ibig kong sabihin, alam ko sa sarili ko na nag-aalala lang ako sa kanya at gusto ko siyang magkaroon ng kaibigan habang kaya pa. Pero ako," saka ako pekeng natawa, "Palpak naman."

Nawala ang ngiti ni Cloud at bahagya na ring sumeryoso. "Maybe that's true, but, when he's out in the real world and stumbles, he'll remember someone who used to compel him. If not, I think what happened to him now will stay with him."

Kung saka-sakali bang wala siyang sakit at hindi mamamatay... maaalala kaya n'yang nakilala n'ya ako at kahit papaano ay tinulungan?

"It's funny when time comes and your year ends as student. Eventually, everyone you meet will soon forget you." Dagdag pa ni Cloud.

Napalunok ako. Kung ang pagba-back out sa experiment na ito ay kapalit ng kawalan ko ng alalaala sa lahat, kapag naman natapos na ang experiment na ito ay ang mga taong na-meet ko ngayon ang mawawalan ng alalaala sa akin.

Pumasok sa isip ko si Noctis. Hindi rin pala n'ya ako maaalala...

"Say, Lindsay," lumingon ang mata ko kay Cloud, nakahawak ang isa niyang kamay sa kanyang kanang pisngi. "Are you liking this?"

Medyo nagulat ako sa tanong niya. Nagugustuhan ko na nga ba ito?

Hindi pa ako nakakasagot nang muli na naman siyang magsalita dahilan para muli na naman akong matigil, "Is letting you take a long, making hard for you to leave?"

Ilang saglit akong natulala sa kanya at tila naghahanap ng sagot sa tanong niya. Gano'n na ba ako? Nagugustuhan ko na ba ito dahilan para mahirapan akong makaalis?

Noctis...

Lalo ako napatigil, bakit ko siya naisip?! Anong connect niya sa pinag-uusapan namin?! Waaaaah!

Nagulat ako nang biglang natawa ang kasama ko. "I see, it's getting hard for you to say goodbye to Noctis." Aniya na parang alam niya ang nasa isip ko! Ugh.

"Oh, shut up! The way you see through everything is seriously driving me nuts!" Bulalas ko rito pero tinawanan na naman niya ako. Huhu!

Sa kabila nang asaran at pikunan sa amin ni Cloud ay hindi ko maipagkakaila na kahit papaano ay tama siya...

Magiging mahirap nga ba sa akin kapag dumating ang oras na matapos na ang kontrata ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top