Kabanata 1

"Bakit ka nagresign sa Meridien corp.? Isa 'yun sa pinaka malaking kumpanya dito sa Mackenzie town. Anong dahilan mo?"

"Well, sa tingin ko kasi hindi ako nagfi-fit do'n. Gusto ko 'yung trabahong magfi-fit sa pinag aralan ko."

"At 'yun ay Accountant, tama?"

"Yes,"

"Paano ka makakapag-Accountant kung hindi ka naman pumasa sa Civil Service? Hindi ba't para makapag-trabaho ka bilang Accountant ay kailangan pasado ka sa Civil?"

Lalong lumawak ang ngiti kong halatang pilit nalang. Pasimple akong tumitingin sa ibang direksyon dahil pakiramdam ko nakaka-intimidate ang tingin ng interviewer ko, Boss pa 'to.

"Pwede ko bang malaman kung ilang beses ka nakapag-exam ng Civil?"

"Uhm," napakamot ako sa kabilang pisngi ko bago sumagot, "A-Apat po."

"Apat?!"

"Opo,"

# # #

Napasandal at napabuga ako sa hangin habang pinagmamasdan ang mga taong nagsasaya ngayong gabi. Umiinom, nagpaparty, nagsasayawan, pwedeng gawin ang lahat sa party club na 'to. Ika nga sa kanta, Tonight, we own the night.

"It's good to know na nakasama ka sa amin ngayong gabi, taray walang palya sumama!"

Napatingin ako sa kaibigan kong halata na ang pagkalasing. May hawak siyang baso na naglalaman ng gin at sumasayaw-sayaw pa habang nakaupo sa tabi ko. Tila bigay na bigay sa ingay ng musika ng club na ito.

"Agree! Dahil diyan, sagot ni Lindsay lahat 'tooo!" Bulalas ni Pia habang nakakandong sa Boyfriend niya. Tss.

Binunggo naman ni Georgina ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya, "Treat mo daw, ano, palag?"

Napailing ako at dinukot ang wallet sa bag. Nakita kong may tatlong libo ako kaya naman nilapag ko na tutal, ngayon lang naman ito mangyayari. Kadalasan kasi sila ang sumasagot kapag nagpaparty kaming magkakaibigan.

"'Yooon! Guys!" Tinaas ni Casey ang nilapag kong pera. Napapalakpak naman ang mga gaga dahil naglabas ako ng pera ngayong gabi.

"Bigtime yata 'yang si Lindsay, ang yaman ng kumpanyang pinapasukan niyan eh!" Sigaw ni Pia dahil sa lakas ng tugtugan dito. Halos hindi na nga kami magkarinigan, mabuti nalang malalakas ang bunganga nila.

Kinuha ko nalang ang isang baso ng alak sa harap ko at nilagok 'yun. Pinapasukan daw... girls, wala talaga akong trabaho. Bagsak nga ako sa interview ko kanina eh!

Muli akong lumagok ng isa pang baso bago ko maramdaman na nagvi-vibrate ang phone ko. Medyo nakakaramdam na ako ng hilo, nanliit ang mata ko sa screen ng phone at nakita ang pangalang Bubbles. Oh, speaking of Bubbles, isa 'yun sa mga kaibigan namin. Sadyang hindi lang siya sumasama kapag party ang pupuntahan tulad nito. Saka nasa Business trip sila ngayon.

"Excuse me," saad ko sa mga kaibigan kong mukhang sabog na. Tumayo ako at mahilo-hilong naglakad palabas ng club saka ko sinagot ang tawag.

"Bubbles,"

"Mukhang alam ko na kung nasa'n ka, akala ko ba may pasok ka?"

Napasandal ako sa malamig na pader at bahagyang naihilot ang ulo ko. "Wala nga akong trabaho eh..." mahinang usal ko dahilan para mapatakip ako sa bibig ko. "A-Ang ibig kong sabihin... ano,"

"Ang ibig mong sabihin ay wala kang trabaho? Huh?" Halata na sa boses niya ang pagkalito. Samantalang mas nalito ako. Like what the eff?! Bakit ko nasabi 'yun!?

"A-Ano... hindi, ang ibig kong sabihin ay---"

"Cut it out and tell the truth. Bestfriend tayo, ano ba!" Kahit 'di ko siya nakikita, pakiramdam ko napapairap 'to sa mga sinasabi niya.

Sa huli ay napabuga nalang ako sa hangin at tumingala sa madilim na kalangitan. Bestfriend ko naman si Bubbles, bakit hindi ko nalang sabihin ang totoo tutal nadulas na ako.

"Ang totoo niyan... dalawang buwan na akong walang trabaho, Bubbles." Pag-amin ko. Pagkatapos ay binalot ako ng matinding hiya sa katawan. Sa aming lima na magkakaibigan, si Bubbles, Pia, Georgina at Casey, pagka-graduate ay nagka-trabaho agad. Hanggang ngayon stable ang trabaho nila.

Samantalang ako, ilang taon nang graduate pero pa-kontra-kontrata lang. Minsan nagre-resign pa ako dahil hindi ako masaya, hindi ako nagfi-fit in. Gaya ng ginawa ko sa Meridien corp.

Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa amin ng kaibigan ko. Tila hindi yata siya makapaniwala na ang lahat ng pagpapakita ko noon, ay pawang kasinungalingan lamang. Ang alam nila, may maganda akong trabaho sa isang Big company.

"Huy,"

"My god, Linds! Sabi mo may trabaho ka at maganda pa nga ang sahuran. Meridien, right? Tapos ngayon... anong nangyari?"

"Fine. I'm sorry! I lied. Kasi naman... masyado akong nadadala sa inyo. Kayo may mga trabaho nang stable, ako palipat-lipat. Paanong hindi ako aalis sa Meridien eh hindi naman ako masaya do'n. Sorry, sorry nagsinungaling ako sa inyo." Inis kong kinamot ang isang mata ko dahil pakiramdam ko namamasa 'yun. Nahihiya ako kila Bubbles sa pagsisinungaling ko, naiinis pa ako sa sarili ko.

"Sana sinabi mo ng maaga, I can help you anyway,"

"Isa pa, I failed passing the exam in Civil." Bigla ko tuloy naalala 'yung mga panahong ilang beses akong nagtry mag-exam, pero bagsak pa rin.

"Fo-For real?!"

"Tsk! Mukha ba akong nagloloko?!"

"Oh my gosh..."

Kahit pakiramdam ko naluluha na ako, pilit kong pinipigilan 'yun sa pamamagitan ng pagtingala at pagkamot sa mata ko. Nasa club ako, baka biglang lumabas ang isa sa mga kaibigan ko at magtanong kung anong nangyari sa 'kin. Hindi pa akong handang aminin sa kanila 'yun, kay Bubbles palang.

"Please don't tell this to anyone. Lalo na kila Pia, hi-hindi pa ako ready." Pakiusap ko kay Bubbles. Hindi pa ako ready dahil nahihiya ako. Kahit pa sabihin mong mga kaibigan ko sila noon pa, still, I lied.

"Kung iyan ang gusto mo. Pero wait, ano nang balak mo?"

Napailing ako, "Hindi ko din alam. Mag-a-apply nalang muna ako sa mga convinience store. Baka sakaling may pag-asa do'n."

"Sigurado ka? Are you okay? Sorry hindi kita mapupuntahan. One week business trip kasi 'to dito sa Cebu."

Mapait akong napangiti. I'm happy for them. Kahit na nakakapang-hinayang na ako lang ang katangi-tangi sa aming lima na nagsinungaling na may trabaho may maipakita lang.

How pathetic I am...

Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Bubbles ay sandali akong bumalik sa loob ng club para magpaalam sa mga kaibigan ko na uuwi na ako. Bago nila ako payagan ay pinainom muna nila ako ng dalawang baso ng Four Horsemen shot.

Kung ako sa inyo, DO NOT TRY THAT FUCKING SHOT!

Matapos kong maubos ang pangalawang baso ay naibagsak ko nalang 'yun at napapunas sa bibig. Naghiyawan naman ang mga kasama ko pero nang tingnan ko sila, shit! Halos maduling ako at pakiramdam ko nasa roller coaster ako.

Bigla din uminit ang tiyan ko at parang bumibigat ang ulo ko. Sanay ako sa mga inuming alak, pero itong shot na 'to ang pinaka delekado sa lahat ng natikman ko.

"Oh, kaya pa?" Bigla kong naramdaman ang alalay ni Casey sa tabi ko. Namumula na rin siya pero 'di gaya ko, mukhang kaya niya pang i-maintain.

"Ako pa ba?" Tanong ko kay Casey sabay ngiti. Kinuha ko ang purse ko at kumaway sa kanila. Gustong-gusto kong may maghatid sa 'kin gamit ang kotse pero naisip ko, iisa lang pala ang may dalang sasakyan ngayon. At 'yun ang Boyfriend ni Pia. Masyadong busy sa paglalampungan ang dalawa kaya 'wag nalang.

Paglabas ko ay halos matumba na ako sa sahig. Bawat lakad ko ay hindi pwedeng hindi ako hahawak sa pader o poste. Tutal, malapit lang naman ang apartment ko rito, lakarin na lang.

Mga limang minuto palang akong naglalakad pero parang isang oras na agad ang lumipas. Huminto ako malayo sa club, 'yung hindi ko na matatanaw. Halos wala na ring tao ngayong gabi, 9:30 na rin kasi kanina noong nahagip ng mata ko ang oras sa phone.

Napayuko ako at hindi na napigilan magsuka. Halos mapaluhod ako sa sahig dahil sa sakit ng tiyan. Para bang may kumakalikot sa loob no'n dahilan para masuka ka.

Shit, I'm fucking wasted.

Pagkatapos ng pahirapang pagsusuka ay umayos ako ng tayo at humabol ng hininga. Nasa akin pa rin ang hilo pati na rin ang panlalambot, parang gusto ko nang humiga sa kama ko.

Nakakaisang hakbang palang ako nang...

"Stop right there,"

Tumalikod ako at tinignan ang nagsalitang 'yun. Pinanliitan ko ito ng mata, medyo hindi malinaw sa akin ang mukha niya. Tanging katawan lang ang naaaninag ko. May kapayatan at katangkaran ang isang 'to, nakasuot ng black blazer at sky blue na polo sa loob at may red necktie.

Dahil hindi ko na mabalanse ang katawan ko ay napasandal ako sa poste. Parang gago kasi, imbes na naglalakad na ako pauwi may nagsalita pa sa likod ko. Hays!

"Did I fuckin' know yah?" Tanong ko habang kinikilatis pa rin ang mukha niya.

"I don't think so, but you know, you caught my attention, pretty."

Napairap ako at tumalikod na sa kanya. Aalis na sana ako nang muli na naman siyang magsalita. "You are 28 years old from Topaz st. You quit your job, you failed the interview, and you also failed four times passing the Civil examination. How brilliant you are... Lindsay Evans."

Napahinto ako sa paglalakad at biglang nilamon ng kuryosidad dahil sa mga narinig. Kahit na lasing ako, hindi ko maiwasang magulat sa mga nabanggit niya. Wait, bakit alam niya ang mga tungkol do'n?

"Isn't that enough for you to have a little chit-chat with me?"

Mariin akong napapikit. Pinapakalma ang sarili dahil sa pagkalasing. Saka ako dumilat at humarap sa kanya. Ngayon kahit hindi ko na siya panliitan ng mata, kita ko na ng malinaw ang kanyang mukha.

Mukha siyang bata pa, sabihin nating mga nasa 20's lang. Bagsak ang maitim na buhok na halos umabot na sa kanyang mata, matangos ang ilong at makinis ang mukha. In short, he's quite handsome.

"Pa-Paano mo nalaman ang mga iyon?" Kinakabahan yet nagtatakang tanong ko rito.

Napangiti siya at nilagay ang mga kamay sa likod. "Sorry if I act rude in front of a beautiful lady, I haven't introduce myself yet, I'm Cloud Strife, from Scientific institution company. My pleasure to meet you,"

Inabot niya sa akin ang isang kamay niya na tila pakikipagkilala pero tinignan ko lang 'yun. I don't really talk to strangers, pero alam niya ang nangyari sa 'kin eh! Alam niya!

"The hell I care about you, what I'm asking is how did you know my details!?" He's acting cool in front of me where in fact, it makes me more irascible!

Bahagya siyang natawa, "Narinig ko kayo ng kausap mo sa phone kanina. And it caught my attention. Gusto ko lang naman tulungan ka, nothing more, nothing less."

Woah, so isa siyang 'Good samaritan?'

Tumaas ang isang kilay ko sa kanya at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Yeah he got looks, mukhang may kaya sa buhay. Pero anong trip 'to? Bibihira ang ganitong tao.

Depende nalang kung may kapalit ito.

"Niloloko mo ba ako?"

Nakangiti siyang umiling, "Do I look like one?"

"Oh baka naman stalker ka?"

"Impossible," saka na naman siya marahan natawa. "I just wanted to help you, ano bang masama 'ron? Why can't you just say, 'okay help me with my wastage life.' Right?"

"Fuck you,"

"No, no, no, I cannot FUCK you. I'm sorry,"

Urgh. Hindi ko alam kung nantri-trip lang 'to o ano, but he's existence makes me more irritable! Pakiramdam ko nang-aasar lang siya!

"As if I'll fuck with you, kiddo." Mataray na sabi ko saka ko siya tinignan mula ulo hanggang paa. Oo gwapo siya, but he's not my type! Ayoko sa mga kagaya niyang pilyo.

"Tss," napailing siya at pinagkrus ang mga kamay sa dibdib. "Careful what you say, baka isang araw katabi na kita sa kama---"

"Will you shut up?! I'm leaving!"

Tumalikod ako pero dahil hindi pa pala ako nakaka-get over sa pagkalasing ay na-out of balance ako dahilan para matumba sa sahig, luckily, sinalo ako ng lalaking 'to.

Napahawak ako sa ulo ko at mariing napapikit. Shit, my head hurts. Ito na naman ang kirot. Tumayo ako at pilit na pinapakalma ang sarili sa loob. Hindi ako pwedeng himatayin dito lalo at nandito ang lalaking 'to. Honestly, I don't trust him.

"Let me help you na kasi,"

"You shut up."

Napabuntong hininga siya at nakita kong may dinukot siya sa bulsa niya, isang sobrang liit na bottle. Kasing-liit ng bible keychain. Sa loob no'n ay may kulay asul na likido.

Teka, ipapainom niya ba sa 'kin iyan para mawalan ako ng malay? Tapos paggising ko nasa ibang lugar na ako, nakatali? No way!

"This will help you to make a better future. Actually wala pa nga 'tong pangalan since kaka-experiment lang. But you can call this 'Time spacing' since it's related in time."

Hindi ko alam kung hahanga ba ako o maiinis pero, what the heck?!

"Sinasabi mo ba na ako ang susubok ng pinag-ekspirimentuhan niyo, ha?" Sabi ko habang nakaturo sa boteng hawak niya.

And then he gave me a nod with a genuine smile which mean... it's a yes.

Napaatras ako, "Sorry but I reject it,"

Tumalikod ako at lalakad na sana dahil ayoko nang tulong na inaalok niya. Pero bigla nalang niya akong pinigilan sa braso dahilan para mapatingin ako sa kanya. 'Yung ngiti niya kanina ay biglang naglaho at tila sumeryoso, "Magagamit mo 'to para maiayos mo ang buhay mo. Ayaw mo bang mahanap ang satisfaction mo? Gusto mo bang maging cashier o waitress nalang habambuhay while your friends having there great salary in a big company they're working?"

Aaminin ko, medyo tinamaan ako sa sinabi niya kahit hindi naman kami lubos na magkakilala. Kung sa bagay, nakinig siya sa usapan namin kanina ni Bubbles kaya malamang eh ganito nalang siya ka-pursigido. Gagamitin pa yata ako bilang sampol sa eksperimento niyang walang kasiguraduhan.

Dahil hindi ako nakapagsalita, hinawakan niya ang kamay ko at nilagay doon ang maliit na bote saka niya sinara ang palad ko. "That is the only way you can change your past and make it right. Nang sa gano'n, walang halong kasinungalingan na ang pakikipag-sabayan mo sa mga richkid friends mo."

Habang nagsasalita siya ay unti-unti na akong nakaramdam ng antok. Tila ngayon na umeepekto ang pagkaantok dala ng alak kanina. May mga sinasabi pa siya pero huli na para maintindihan ko 'yun.

Nagdilim ang paningin ko at nawalan nalang ako ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top