27 out of 27
Kumatok si Cloud mula sa pintuan ng ilang beses pero walang nagtatangkang pagbuksan siya ng pinto. Sa huli ay malalim siyang napabuntong hininga at pinihit ang doorknob upang buksan 'yon.
Madilim sa loob. Kung iisipi'y parang walang katao-tao. Pero alam ni Cloud na nandito ang taong hinahanap niya kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na kausapin ito.
Habang nililibot ni Cloud ang kanyang paningin sa malaking bahay na pinasukan niya, ay may bigla nalang lumabas mula sa isang pintuan.
Bahagyang nagulat ang lalaki dahil sa nakita. Habang si Cloud naman ay napangisi sa kanya.
"Nakalimutan mo i-lock ang pintuan mo,"
Samantalang agad naman nakabawi ang lalaki. Tatalikod na sana ulit ito pero mabilis siyang tinawag ni Cloud.
"I'm here because I need answers. Nag-usap na tayo, hindi ba?"
Bahagyang lumakad si Cloud sa gawi nito. "It's time to make a new life. Alam mo naman siguro na kung magkukulong ka lang rito, mabubulok ka lang. Sayang ang talino mo."
'Di kalauna'y humarap na sa kanya ang kausap at binigyan siya ng walang emosyong itsura. Hindi na nagulat pa do'n si Cloud, matagal na niyang minamanmanan ang isang 'to kaya naman alam na niya ang signature look nito.
"I refuse," malalim na tugon nito.
"You what?"
"Stop fooling around, Cloud. You know I won't buy it."
Tatalikod na sana ulit ang lalaki nang magsalita si Cloud. 'Yun ang hudyat para matigil siya sa pagtanggi.
"Is that so? Are you going to give up just like that?" Naging seryoso ang aura ni Cloud. "Hindi ka uusad kung hindi mo babaguhin ang sarili mo. Hindi ka ba napapagod na pinagkakaisahan ka sa trabaho dahil natatakot sila sa 'yo? Wala kang kaibigan. Wala ka pang kasama dito sa bahay mo para medyo gumaan ang pakiramdam mo. Natatakot sila sa 'yo dahil hindi mo sila kinakausap, hindi kinakaibigan, walang pakialam. Kaya naman naiisip nila na walang saysay kung lalapit pa sila sa 'yo. I bet that's the reason why they always fired you."
Sa isip ni Cloud, hindi pwedeng hindi niya mapilit ang lalaki para gawin ang experiment. Kung babalik siya ng office nang walang napala, tiyak ay hindi na siya pagkakatiwalaan muli.
Experiment... 'yan lagi ang sinasabi niya sa mga nagiging parte nito. Alam niya na hindi niya pwede sabihin basta-basta na marami nang sumubok nito at epektibo dahil iyon ang nakasaad sa rules nila.
Ayaw niyang tanong-tanongin siya tungkol do'n. Ayaw niyang may gumawa ng research tungkol sa kanila dahil isa iyong sikretong gamot mula sa institution. Maliban nalang kung isa ka sa mga nagta-trabaho dito, pero kung hindi, hindi mo na dapat pang pakialaman ang tungkol do'n.
Ang gamot na binibigay niya ay isang liquid drug. Nakalagay ito sa isang sobrang liit na bote at kung tatantiyahin, nasa isang kutsara lang ang laman.
Tinatawag itong 'time spacing' dahil sa maliit na oras lamang, kaya niyang ibalik sa pagkabata ang itsura mo. Isa pa, once na nainom ang likido na 'yon ay tumatakbo na ang oras, gumagawa na rin ng paraan ang institution para tanggalin ang mga bad records ng taong sangkot dito.
"Here, drink this and change everything."
Inabot ni Cloud ang gamot sa lalaki habang ito nama'y tinitigan lang niya. Alam niya sa sarili na gusto niyang mabago ang buhay niya, pero hindi niya alam kung paano 'yun mangyayari.
"Nilalayuan nila ako dahil sila na mismo ang nagsasabi na wala akong pakialam sa lahat. Wala akong kaibigan dahil sabi nila, selfish daw ang isang tulad ko. Natatanggal ako sa trabaho kahit hinuhusayan ko pero dahil wala akong pakialam sa mga kasama ko at kaya ko silang ilaglag, sa huli ay kusa nila akong tinatanggal."
Inangat ng lalaki ang isang kamay para abutin 'yun, pero kaagad na pumasok ang isa pang palaisipan niya.
"Kung babalik ba 'ko ng sampung taon mula ngayon... magiging maayos na ba ang pakikisama ko? Kaya ko bang... magkaroon ng pakialam sa iba?"
Mariin na pumikit ang lalaki sa mga naisip. Ilang araw na siyang kinukulit ni Cloud at sinusundan. Hindi niya na alam kung papayag ba siya o hindi.
Sa huli, mabilis niyang kinuha 'yon sa kamay ni Cloud at agad agad na ininom. Nagulat naman si Cloud sa ginawa niya, pero napangiti rin sa huli.
Marahas na pinunasan ng lalaki ang kanyang bibig at sumandal nalang sa dingding. Seryoso siyang tumingin sa nakangiting si Cloud.
"I won't promise I can make it, but I really want to."
Tinap ni Cloud ang lalaki sa isang balikat nito. "I'll guide you anyway, hindi gano'n kadaling magbago ng personality dahil sa pinaranas sa 'yo ng parents mo. Pero ipakita mo na kaya mo, and you'll be happy again."
Binigyan ni Cloud ng kasiguraduhan ang lalaki. Alam niya na magiging mahirap 'tong gagawin nila pero dahil isang experiment ang lalaki, kailangan nilang gawin ang best nila para sa ikasasaya ng puso niya ulit.
"Thank you, Noctis."
# # #
Matapos ang isang taon ni Noctis sa st. oliver university ay muli siyang kinausap ni Cloud. June 10, 2018 nang pagpasyahan niyang ipaliwanag kay Noctis ang lahat.
"I told you this will going to be really hard," Malamig na usal ni Noctis habang nasa baba ang paningin.
"Hang on, the institution gave you one more chance." Napabuga sa hangin si Cloud at tumingin nalang sa maliwanag na kalangitan. "Naiintindihan ko na hindi gano'n kadali. Actually, mas naging mahirap pa nga dahil ang daming insecure sa 'yo. Pero hindi kita masisisi, you're smart and good looking that it captures ladies eyes."
Bahagya siyang natawa sa sarili. Alam ni Cloud kung gaano karami ang nagkakandarapa kay Noctis. Pero wala man lang interes na pinakita ang isa. Kaya naman gano'n nalang ang inggit sa kanya ng mga lalaki.
Ilang saglit pa ay tinignan niya ang walang emosyong mukha ni Noctis. Naalala niya na ganitong-ganito ang mukha ni Noctis noong una silang magkita.
"Hanggang ngayon, wala ka pa ring pinagbago."
Litanya niya sa isip.
"C'mon, Noc, you still have 1 year. Mabuti nalang pala at sa 3rd year ka nag-umpisa. But don't worry, this time I know you'll feel changes. You can't give up,"
# # #
Tumingin ako sa wristwatch ko at nakitang 10pm na ng gabi. Medyo nadismaya ako. Alam ko naman na walang pasok bukas dahil linggo pero gusto ko magpahinga ng maaga!
Tinignan ko si Lou na halatang tipsy na. Kausap niya ang ibang ka-trabaho namin na gano'n rin, tipsy na rin. Tipsy na silang lahat.
Napairap nalang ako sa kanila. Supposedly, hanggang 8:30pm lang ang celebration na 'to pero hindi ko alam kung anong nangyari para ma-extend ng ganito ang celebration na 'to. Take note ah, linggo-linggo lumalabas 'yang mga 'yan.
Hindi din kasi ako makauwi mag-isa. Iniisip ko itong si Lou. Ayoko siya ipagkatiwala sa mga lalaking ka-trabaho namin.
Huminga nalang ako ng malalim at sumandal sa inuupuan ko. Habang hinihintay silang matapos, napatitig ako sa isang lalaking hindi kalayuan sa 'min.
Nakaitim na vest siya at puting tshirt sa loob. Itim ang slacks at nakaformal black shoes. Mukhang galing rin ng trabaho ang itsura niya pero kahit gano'n, ang fresh pa rin ng mukha niya.
Bigla akong napangiti. Actually, kamukha niya si Noctis.
It's been one year since my college life ends again. Aaminin ko na hindi gano'n kadali na magmove on sa taong kahit kailan, hindi magiging iyo. Pero look, I made it. Though hindi move on na move on dahil I know to myself na may nararamdaman pa ako sa kanya. Pero kahit papaano, kinakaya ko.
Mas madali magmove on kung hindi mo na nakikita ang tao. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ramdam kong mahal ko pa rin siya hanggang ngayon.
Hindi ko na rin binalak na bumalik sa st. oliver. Alam kong babalik ang mga 'yun dahil kukuha ng requirements pero hindi ko na ginawa. Ayokong maiyak kapag nakita ko siya...
Palagi ko sinasabi sa sarili ko na 19 years old siya, and I'm turning 30. Alam ko namang age doesn't matter para sa iba, pero sa kaso namin, malabo na maging kami sa gano'ng estado lalo't hindi na niya ako kilala.
"Bes, kung gusto mo na umuwi mauna ka na. Sasabay na 'ko kay Peejay."
Bulong sa akin ni Lou kaya naman agad ko siya kinaltukan. Agad naman siyang nagreact.
"Anong sasabay kay Peejay?! Alam mo, umuwi na tayo ngayon. Hindi ka sasabay do'n!" Bulalas ko pero hinawakan ako nito ng mahigpit sa kamay.
Alam na alam ko kapag ganyan ang ginagawa ni Lou. It's either may plano siya, o nagmamakaawa siya sa akin.
"Lou..."
"Siguro naman ayos lang na aminin ko na ang nararamdaman ko sa kanya. Sinabi na rin niya sa akin na mamaya pag-uwi kami mag-usap tungkol sa nararamdaman ko."
"At paano kapag hindi ka niya gusto? Pupunta ka sa akin at mag-iiiyak?"
Bumuga ito sa hangin at tumitig kay Peejay na nasa kabilang lamesa lang. "Kahit hindi niya ako gusto... I'll still love him. Bestfriend ko siya noong college and I trust him. Whatever happens, I will still love him."
Hindi na ako nakapag salita nang tignan muli ako ni Lou. Nakikita ko ang pagnanais niyang umamin kay Peejay. Nakikita ko ang sinseridad niya.
Napakamot nalang ako sa pisngi ko at walang nagawa kundi ang pumayag. "Fine. Basta tawagan mo 'ko pag nakauwi ka na."
Nagliwanag naman ang mukha niya. "Yehey! Oo tatawag ak---"
"Kapag hindi mo ginawa 'yan, kalimutan mo nang magkaibigan tayo."
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Siya nama'y napayakap sa akin. "Makakaasa ka." nang kumalas siya sa yakap ay muli siyang nagsalita. "Magpahatid ka na kaya kay Cloud? Nasa'n ba ang isang 'yon?"
Tatawagan na sana niya si Cloud nang pigilan ko siya. "May importanteng ginagawa si Cloud, Lou. Sige na mauna na 'ko."
Tinupad ni Cloud lahat ng sinabi niya sa akin noon pa man na kahit bumalik ako sa tunay na edad ko, magiging magkaibigan pa rin kami, lalabas kami, mag-e-enjoy kami. Noon ko lang na-realize na marami pa akong hindi alam sa kanya na ngayon ko lang nalaman. Akalain mo 'yun, 31 years old na pala ang isang 'yun. Hindi kita sa itsura niya.
Gano'n pa man, wala pa rin daw siyang balak magpasakal-- este, magpakasal. Ayan kasi ang salita niya noong tinanong ko siya.
Kung talaga nakadestino na ikasal siya, mangyayari't mangyayari daw 'yun.
Sa isip ko nalang, paano mangyayari 'yun eh wala siyang nililigawan kahit may nagkakagusto naman sa kanya? Err.
Bilang naging matalik na magkaibigan kami ni Cloud, kilala na rin niya si Lou dahil si Lou ang pinaka close ko sa office. Samantalang wala naman nagbago sa samahan namin nila Bubbles.
Paglabas ko ng restau bar ay nakita kong umuulan pala. Kaya naman binuklat ko ang payong ko at handa nang lumusong nang may magsalita sa tabi ko.
"Dude, tell Kianna that I still don't want to be in a relationship. Alam mo naman na may mahal ako eh,"
Parang may dumaan na mabilis na ilaw sa harapan ko. Bahagya ring humigpit ang kapit ko sa payong na hawak ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang may nag-uudyok sa 'kin...
"Yes, it's still Lindsay. Kung pwedeng hanapin ko siya, gagawin ko. I want to marry her, no one else. So please tell that to Kianna. I don't want her to get hurt."
Lindsay...
"Thanks a lot, dude."
His voice... is so familiar.
Narinig ko ang tunog ng sapatos niya senyales na pabalik na siya sa loob kaya naman mabilis akong humarap sa kanya at tama nga ako...
Siya 'yung lalaking tinititigan ko kanina.
"Sandali!" Bulalas ko sa lalaking ngayon ay nakatalikod na sa akin.
Hindi ko alam pero bigla akong nanghina. Bakit... bakit nakikita ko sa kanya ang lalaking matagal ko nang hindi nakikita?
"Have...have we met before?"
Kahit malamig dito sa labas, hindi ko maiwasan na pagpawisan ang kamay ko. Kinakabahan ako na hindi ko alam. Nakita ko na siya kanina at kamukha niya nga si Noctis, pero bakit... bakit ganito 'yung nararamdaman ko?
"I'm sorry but who---"
Huminto siya sa pagsasalita nang makaharap sa akin. Natulala siya at bahagyang napaatras ang isang niyang paa.
Gusto kong sabihin sa sarili ko na hindi ito si Noctis dahil malayo ang itsura niya sa nakikita ko ngayon. Pero kusang bumaba ang tingin ko sa kamay niya na may suot na bracelet at...
...malinaw na malinaw pa ring ang nakaukit doon na 'L.N"
Wala pang tatlong segundo nang mamuo ang luha ko sa mata habang nakatingin doon. Imposible, bakit nasa kanya ang bracelet na 'yon?
Napahawak ako sa isang kamay kong suot-suot ang bracelet na kasama no'n. Hindi kaya...
"Lindsay,"
Mabilis nag-angat ang tingin ko sa kanya nang banggitin niya ang pangalan ko sa seryosong tono. Ngayong naglapat na ang mga mata namin, iisa lang ang nakikita ko sa mga ito.
Mula noon hanggang ngayon kung paano siya tumingin sa 'kin, gano'n na gano'n pa rin. Kahit kaunti, walang nagbago sa mga tinging 'yon.
Ibig sabihin...
"This is my last chance. The only chance I have. 'Cause if not, I'll lose my whole life forever."
"We'll never know, baka nga katapusan n'ya na, literally, o baka naman may ibang meaning na siya lang nakakaalam."
"I thought that falling in love with someone and knew that you'd have to part, seemed pointless. But lately I've realize something... something may seem pointless, but worthy."
"You led in a wonderful experience, Lindsay. Hold your head high. Marami pang mangyayari sa 'yong mas maganda sa inaasahan mo."
"I'm rooting for your love story with Noctis..."
Ngayon ko lang napagtanto na si Noctis ay bumalik din sa dati niyang edad noong mga panahong nando'n ako sa st. oliver. Ngayon ko lang din na-realize na magkakilala pala sila noon pa ni Cloud.
Hindi ko namalayan na mabilis na palang nakatakas ang luha sa aking mata. Pero kahit gano'n ay hindi ko magawang punasan 'yon dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita.
Noctis is... right in front of me.
"You are an experi---"
Bago pa niya matapos ang sasabihin ay nabitawan ko na ang payong at mabilis na tumakbo sa kanya para yakapin siya ng mahigpit. Wala akong ibang maramdaman kundi tuwa dahil hindi siya si Noctis na 19 years old.
Siya si Noctis na 29 years old na yakap ko ngayon.
"I-- I missed you so much, so, so much!" Sabi ko nalang habang humahagulgol na parang bata.
Samantalang naramdaman ko naman ang pagganti niya sa yakap ko. Gumaan ang pakiramdam ko dahil pagkatapos ng lahat, sa kanya din pala ako babagsak.
"God knows how much I missed you more, Lindsay." saka niya ako hinalikan sa ulo. Palagi niya itong ginagawa sa 'kin...
Love may seem impossible to us back when in the academy. Dumating pa ako sa point kung saan akala ko talaga, hanggang doon nalang. Kahit medyo naiinis ako kay Cloud dahil hindi niya sa akin sinabi 'to, masaya pa rin ako.
And atlast, I finally have him. No more complaint, no more questions.
It's been a year, and yes, you still have my heart, Noctis Lucas Caelum.
Always will.
End.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top