Kabanata 3
Kinabukasan ay nagdesisyon akong iwasan na muna si Christof, katulad ngayon inaaya nya ulit akong gumala mamaya after class pero sinabi ko na masama ang pakiramdam ko at kelangan ko nang umuwi ng bahay.
For almost 1 week ganon lang ang ginawa ko, I pretended to be sick para may dahilan ako sa pagiging matamlay ko.
Mukha namang hindi nya napapansin na iniiwasan ko lang sya.
Pero nang dumating ang Sabado, dun nya na napansin na parang wala naman talaga akong sakit.
Naabutan nya kasi akong nagmomorning jog sa loob village na tinitirhan namin.
"Tara miryenda! Pambawi mo man lang sa ilang beses mong pag tanggi sakin dahil sa pagiging sakitin mo." pangiti ngiti nyang asar pero matamlay ko lang syang tiningnan.
Umiling ako, "Ayoko Christof. Siguro next time nalang, ayoko muna gumala ngayon." sagot ko at nag jog nalang ulit pabalik sa bahay.
I was about to open our gate nang may marahang humila sa braso ko. It was him.
"Iniiwasan mo ba ko Vincey?" seryoso nyang tanong pero hindi ko pinahalata na nabigla ako na napansin nya na ang pag iwas ko. Umiling ako ulit at tinangal ang kamay nya sa braso ko.
"Next time nalang." tanging nasagot ko at iniwan na sya dun. Hindi ko alam kung anong oras na sya umuwi pero nang sumilip ako sa bintana ng kwarto ko ay nasa baba pa ang kotse nya nang mag alas 10 na ng umaga.
Alas 3 na ng hapon ngayon at wala naman na sya sa baba kaya nagbihis na ko para pumunta sa bahay nila Stephanie.
I need her right now.
I need some advice from her.
"You think this is the time para patulan ko yung sulat ni Troy? Sa tingin mo ba hindi na ko masyadong kukulitin ni Christof pag nalaman nyang may manliligaw o boyfriend na ko?" I asked Steph na katabi ko sa pandalawahan nilang duyan sa bahay.
Nakahiga kami sa duyan habang pinagmamasdan ang langit sa taas namin.
Nasa balcony itong duyan kaya masarap din ang hangin. It feels very comfortable lalo na para sakin ngayon.
Buti nalang dito ko naisipan pumunta ngayon.
Nakakagaan sa pakiramdam.
"Kung ang sinasabi mo ay gagawin mong panakip butas si Troy, please wag Vincey. Kawawa naman yung tao, wala naman syang ginawang mali tapos gagamitin mo sya ng ganon?" she answered kaya napaisip ulit ako.
"Pero what if matutunan ko din naman syang mahalin upon knowing him diba? Pano kung sya naman pala talaga yung para sakin at pang gulo lang talaga si Christof sa eksena?" tanong ko ulit.
I heard her sigh.
"Alam mo bes, sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko sayo. Kasi gusto kong itry mong buksan yang puso mo kay Troy pero sa tuwing iniisip ko na what if hindi mag work out? Pano kung in the end si Christof pa din ang mahalin mo? Kawawa naman yung tao and I'm sure makokonsensya ka din pag nangyari yun. Ikaw, kawawa ka din kasi wala ka namang kasiguraduhan na pag minahal mo si Christof hangang dulo ay mamahalin ka na din nya."
Umupo sya mula sa pagkakahiga at hinarap ako. "Alam mo sa totoo lang bakla, para sakin, ikaw lang ang maka kapagdesisyon kung ano ang gagawin mo. Basta tandaan mo na kahit ano pa ang piliin mong gawin, nandito lang ako para sayo. Pero wag puro puso ang pairalin girl ha? Minsan utak din."
Sa huli, nagdecide ako na subukang buksan ang puso ko sa iba.
Hindi naman siguro masama kung susubukan ko?
After all, base sa mga kwento sakin ni Steph tungkol kay Troy, sa tingin ko, mas may chance naman akong masaktan kay Christof kesa pag sa kanya.
Pagkauwi ko sa bahay ay kinuha ko ang sulat ni Troy sa drawer ko sa kwarto.
Naupo ako sa kama bago nag isip pa ulit ng ilang beses.
Okay Vincey, once na tawagan mo sya, kelangan mo na talagang magpaalam sa kung ano mang feelings mo para sa bestfriend mong babaero at walang pakealam sa kung ano mang nararamdaman ng mga babae sa paligid nya.
"Goodbye Christof, ayokong nasasaktan nang katulad sa pinaramdam mo sakin noon nang makita kitang halikan ang babaeng yun. I can't take the feelings that you're giving me kaya kahit na hindi ko pa naamin sayo ay bibitawan ko na ang feelings kong to para sayo. Alam kong hindi magiging madali pero ... kailangan kaya pipilitin ko."
Matapos kong kausapin ang sarili ko ay tinype ko na ang mga numerong nasa papel.
Nakadalawang ring palang ang nasagot nga na agad ito.
"Hello! Vincey?" salubong sakin ng lalaki sa kabilang linya. Pano nya nalamang ako to?
"Oh! I'm sorry, alam kong nagtataka ka kung bakit alam ko agad na ikaw to. I asked Steph for your number, kasi in case na hindi mo pa ko tawagan within a month ay ako na ang tatawag sayo." masaya nyang kwento, napangiti naman ako dahil sa tono ng boses nya.
He sounds so energetic taliwas sa kwento sakin ni Steph na may pagkasnob ito at minsan lang magsalita.
"It's okay Troy." tanging nasagot ko nalang.
Ilang minuto syang hindi nagsalita mula sa kabilanga linya kaya akala ko ay naputol na ito.
"Damn, I can't believe I'd be able to hear your voice like this."
-
A/N:
If you liked this chapter, please consider giving it a vote~
Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top