Kabanata 2




Kabanata 2

     "Oo na! Okay na Christof! Hindi ko na nakalimutan! Isa pang tawag mo, sasamain ka na sakin!" I hissed as I end our call.

Papansin talaga!

More than 20 times na ata syang tumatawag sakin since magising ako kaninang umaga. Ang totoo nga nyan e dahil sa tawag nya kaya maaga akong nagising!

Kesyo baka makalimutan ko daw kasi yung usapan naming foodtrip ngayong araw. Senior? Senior ako?

Nagmadali na kong isuot ang fila rubber shoes ko at inipit lang ng isahan ang hangang balikat kong buhok.

I'm only wearing my army green cargo shorts and a white shirt dahil sa food court sa may bayan nya lang naman ako inayang magmiryenda.

Foodtrip pala ah.

I stomped both of my feet nang marining ko nanaman ang pagtunog ng phone ko dahil sa tawag nya.

     "BWISET KA! HUMANDA KA TALAGA SAKIN PAGDATING KO—!"

     "Bring your water. Wala silang tindang tubig dito, ayaw mo pa naman ng softdrinks diba? Yun lang naman. Pasigaw ka naman agad jan. Ang sungit! Rawr." mabilis nyang sabi at agad nang binaba ang tawag.

Dahan dahan kong binaba ang phone at huminga muna ng malalim para pakalmahin ang sarili.

That guy will be the death of me! 19 palang ako pero naha highblood na ko dahil sa kanya!

Hinga Vincey, titigil din yun sa pangungulit sayo sa oras na makahanap na sya ng bagong flavor nya.

Chill.

Matapos kong maglagay ng tubig sa tumbler ko ay lumabas na ko ng bahay, wala si mama kaya nilock ko muna ang front door at gate namin bago umalis.

Pagdating ko sa foodcourt ay inilibot ko agad ang paningin ko sa mga tables. Walang masyadong tao kaya napansin ko agad na wala sya dun.

     "Pssst." I heard someone from behind me let out kaya napalingon ako.

And when I do, siya na nakashades at may hawak na juice at isaw ang nakita ko.

(Imagine-nin nyo nalang na isaw yung nasa stick na hawak nya XD)

Bat kelangan may pashades? Wala namang araw a! It's already almost five in the afternoon for petes sake!

Lumapit ako sa kanya at mabilis na tinanggal ang pesteng bagay na yun sa mata nya.

     "May araw ba? Nasisilaw ka ba?" I hissed and sinaksak yun sa tyan nya. Napadaing sya sa sakit dahil dun.

Inubo ubo pa sya at umaktong humihingi ng tulong sakin para kunan sya ng tubig.

I rolled my eyes.

I moved forward para bumulong sa kanya, "Nakakahiya ka talaga kasama! bawas bawasan mo yang pagka OA mo ha! kundi iiwan talaga kita!" bulong ko at inagaw ang isaw na hawak nya.

     "Bilhan mo pa ko nito, dalian mo!" I commanded kaya umayos sya agad ng tayo at ngumiti ng malawak sakin.

     "Aye aye captain! Halika na!" He said and give me a two finger salute at parang batang hinila na ang kamay ko palapit sa stall ng mga isaw.

-

     "Ano bang meron at inaya mo nanaman akong kumain ngayon ha?" I asked nang nasa gitna na kami ng pagkain.

He leaned forward to me, "kasi ikaw lang ang matakaw na kilala ko." He said using his breath kaya amoy na amoy ko ang isaw na kinakain nya.

Buset talaga!

     "Gusto mo talagang masaktan ngayon no?" banta ko sa kanya. "Hehe syempre di ako laban boss, kain nalang tayo." he answered and patay malisya nang pinagpatuloy ang pag lamon nya.

Habang kumakain ay nahalata ko ang pagtitig nya sakin, I looked up to him and raised a brow. "Tusukin ko yang mata mo? Bet mo?" I plainly asked, he waved his hand as a sign of saying no at pinagpatuloy nalang ang pagkain.

Weird.

Pagkatapos naming kumain ay tumambay muna kami sa park para magpatangal ng busog.

     "Ice cream, bes." nakangiti nyang sabi habang inaabot sakin ang ice cream na binili nya sa ice cream vendor na nakatambay dito sa park.

My mood suddenly lightened nang dahil sa ice cream na yun. "I knew it, isang ice cream lang talaga katapat ng pagsusungit mo." he said, I just smiled at sinimulan nang kainin ang ice cream ko.

I saw him turn his head to me using my peripheral vision.

     "So," He cleared his throat, "what do you think about the girl na kasama ko kahapon sa school?" he asked out of the blue.

I just shrugged, "Alin, yung maputi na matangkad?" casual kong sagot, I heard him chuckled sa gilid ko.

     "Yea, so what do you think? Anong nafifeel mo sa kanya?" he asked again, this time nakaharap na pati ang katawan nya sakin.

Tingin ko? sa babae nya? Kahapon?

I shift my gaze to him at pinanliitan sya ng mata.

     "Ano ba yung mga babae mo, products sa Shopee at Lazada na kelangan ko laging bigyan ng reviews? Tsaka teka nga, hindi ba't ikaw naman ang nakalandian ng mga yun? Bat ba ako tinatanong mo lagi? High ka ba?"

Inirapan ko sya at dumila nalang ulit sa ice cream. "Bat ka inis?" pabulong nyang tanong, nang lingunin ko sya ay pangiti ngiti pa ito habang nakatanaw sa harapan.

     "Inis? Sinong hindi maiinis e pati ba naman yang paglalandi mo ay kelangan pang involved ako? Hello, personal life mo na yan kaya please solohin mo okay?" I explained. Naubos ko na ang ice cream ko ay hindi padin sya sumasagot.

     "I just want to know what you feel."  rinig kong bulong nya pero di ko nalang pinansin, inaatake nanaman ata sya ng kawirduhan nya.

-

     "Uy ano yan, baks?" tanong sakin ni Steph nang may sulat na mahulog mula sa locker ko nang buksan ko ito.

I shrugged dahil wala din akong idea, we are both looking at the letter nang buksan ko ito.

Vincey,

Hi. I'm sorry for not giving you this letter personally. Truth is, nahihiya kasi ako sayo. I know hindi tayo close kaya baka maging awkward lang kung lalapit ako sayo out of nowhere kaya naisipan kong sumulat muna para ipakilala ang sarili ko.

     "Oh my gad bakla! May admirer ka! At in fairness ang old school ni kuya, bet!" Kinikilig na komento ni Steph.

Siniko ko sya dahil dun, harot harot nito.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa.

I'm Troy Cloyd Marquez, just like you 2nd year na din ako and I am taking up Tourism Managent as a course.

     "WHAT? Si Troy? As in si Troy na sobrang tahimik kong kklase? Naks! Tingnan mo nga naman, ikaw lang pala ang bibihag sa puso ng snob na yan!" Komento nanaman ni Steph kaya siniko ko ulit sya.

     "Aray! Kota ka na bakla a!"

Simula ORSEM palang nakikita na kita dito sa Univ, I don't know kung napapansin mo pero lagi din akong pumupwesto sa table malapit sayo kapag naglulunch ka sa cafeteria.

I didn't mean stalk you though, pero wala akong magawa kasi pakiramdam ko hindi nakokompleto ang araw ko pag di kita nakikita.

That's when I realized that I am already loving you from afar, cheesy man pakinggan pero damn! You badly got me dahil sa mga ngiti mong hindi mawala wala sa isip ko kahit pa nasa gitna ako ng klase. You're the most beautiful girl I've ever seen. I hope you'll give me a chance to get to know you.

I know it's awkward for you to do this and it's not that likable for me to ask this but, can you send me a message if ever you think na willing ka nang bigyan tayo ng chance to know each other?

Anyway here's my number 09*********

-Troy.

Otomatiko nang tumaas ang kilay ko matapos kong basahin ang sulat.

On the other hand, inalog alog naman ako ni Steph dahil sa kilig, "WAAAA magkakalove life ka na girl! Grabe ang sweet naman pala ni Troy!" she said and her eyes almost formed a heart shape.

     "Kilig ka girl? Ako kasi hindi. Creepy kaya. Tsaka ang advance mo, lovelife agad? Ni hindi ko pa nga nakikita tong kklase mo na to." I retorted and rolled my eyes at her.

Pailing iling syang ngumiti sakin.

     "Na ah ah! Wis ka nang tatangi once na makita mo yang si Troy girl! Tiba tiba ka jan bruha! Bukod sa matalino e sobrang gwapo pa nya! Perfect na kumbaga." she described Troy and I can't help but to think about Christof.

Matalino at gwapo?

Gwapo din naman si Christof, mahina nga lang ang IQ.

     "Tss. Alam ko na yang nasa isip mo! Kinukumpara mo nanaman sa bestfriend mo si Troy no? Hay naku Vincey, tigil tigilan mo na nga yang lihim mong pagtingin kay Christof! Kay Troy ka nalang, matino na, sure pa kong wala kang kaagaw. I mean, wala kasi di yun babaero."

I just stayed silent kesa sumagot pa sa sinabing yun ni Steph.

Sa totoo lang kasi, matapos kong mabasa yung sulat two words lang ang masasabi ko.

Sana All.

Hindi sana all may gusto sakin ha. Kundi sana all alam na kung anong pakiramdam na magmahal kahit na hindi pa naman nila lubos na kilala ang taong minamahal nila.

Eh ako? Ang tagal ko nang kilala si Christof pero nalilito padin talaga ko sa nararamdaman ko para sa kanya.

Alam ko sinabi ko na sa sarili kong mahal ko sya, kahit nga kay Steph ay sinabi ko na yun.

Pero ano nga bang pinagbasehan ko ng pagmamahal na yun?

Ah! Yung pagkamatay ni Miyawi.

Oo yun lang. E diba nga kasi sinugal ko yung buhay nya sa pangakong hinding hindi ko mamahalin si Christof?

E namatay sya e. Ibig sabihin mahal ko si Christof? Hays.

Ewan ang gulo! Kahit ako hindi ko mainitindihan ang sarili ko. Ano nga ba kasi dapat ang basehan ng salitang pag ibig?

Katulad ba yun nang sinasabi nila na mahal mo sya kung naiinis ka sa tuwing may kasama syang iba?

Oo naiinis ako! Naiinis ako pag may kasama nanamang syang ibang babae. Pero hindi dahil nagseselos ako kundi dahil alam kong may sasaktan nanaman syang tao, may papaasahin.

So ibig sabihin, hindi ko talaga sya mahal?

O mahal ko sya pero bilang kaibigan lang?

Masasabi na bang mahal ko sya kapag masaya ako sa tuwing kasama ko sya?

Kasi puro inis at imbyerna lang naman ang dulot nya sa araw ko e.

Pero aaminin ko, kapag kasama ko sya, komportable ako.

Yung nailalabas ko yung totoong ako.

I mean, hindi naman ako plastik na tao pero yung tipong pag kasama ko sya, nagagawa ko kung ano yung mga trip kong gawin.

Nasasabi ko sa kanya kung anong totoong nararamdaman ko sa araw na yun.

Pero love na ba yun kapag naging komportable ka lang sa kanya?

Ano ba kasi talaga ang love?

Pauwi na ko sa bahay pero yun padin ang nasa isip ko, di ko kasabay si Steph o kahit na si Christof pauwi dahil may iba pa silang subj para sa araw na ito.

Pero laking gulat ko nang matanaw ko si Christof sa isang eskinita na nadadananan ko tuwing pauwi. He's not alone, he's with a girl, probably his girlfriend.

Nung una, lalagpasan ko nalang sana sila dahil mukang pag lalandian lang nanaman ang inaatupag nila. Pero bigla nalang nadikit ang mga paa ko sa sementadong daan nang makita ko ang sunod niyang ginawa.

I was left with my eyes widely opened and my breathing suddenly became deeper.

Kasabay ng mainit na sikat ng araw ay ang nasasaksihan ko ngayong mainit din nilang paghahalikan.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Bakit ganito? Dati naman kahit ano pang pakikipaglandian nya sa ibang babae ay di ako naapektuhan ng ganito.

Bakit dahil lang sa eksena na to ay parang nadudurog ang puso ko?

Hindi ako makapaniwala.

I swallowed hard at pinilit ang mga mata kong umiwas na sa direksyon nila.

So, ito na ba yun?

Ito na ba yung tinatawag nilang pag-ibig?

Kasi kung oo ... tama din pala yung kasabihan na ang puso kapag umibig hindi maiiwasang masaktan.

Umalis nalang ako at tinakbo nalang ang distansya pauwi ng bahay.

Mali to, hindi dapat ako nagpapaapekto sa pag-ibig na yan!

Hindi ako sanay na masaktan ng ganito and I don't like this kind of pain.

I should runaway from this feeling, from him.

-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top