Beginning
Beginning𐙚⋆.˚
Napangalumbaba ako habang nakatingin sa test paper na nakapatong sa desk ko. Kanina ko pa 'to tinititigan at hanggang sa ngayon ay wala pa akong maisagot.
Do you remember the first time you truly fell in love?
I’m not talking about a simple crush or the fleeting kind they call "puppy love." I mean the kind of love that demands something real—your time, your effort, maybe even parts of yourself you never thought you'd give. The kind of love that makes you realize you're willing to sacrifice more than just your heart… you're willing to give everything.
Sino ba kasing nag-isip nito? Exam day, tapos ganito ang tanong? Paano ko naman sasagutin 'to?
Gusto kong magpapapadyak ng paa kung wala lang teacher na nakabantay sa harapan. Itong mga tanong na ganito ang nakakasira sa mood ko. Imagine, I was calculating numbers before this, and then boom, ganito ang magiging ending ng last subject na ita-take ko.
Naubusan ba sila ng tanong at ganito na lang ang naisip nilang ilagay? As far as I know, prino-proof read pa 'to bago ipasa sa mga student's sa exam. Nakalusot?
I was really out of words for this one.
"25 points daw 'yung essay sa last subject, anong sinagot niyo doon? Ang dali ng tanong pero mapapa-isip ka sa tanong."
Dumako ang paningin ko kay Keisha na nakanguso na ngayon.
"Basta ako, after analyzing the question, sinagutan ko na lang based sa mga naririnig ko. Wala naman akong karanasan sa ganyan, kaya safe lang." sagot ni Jewel.
Jewel is the type of girl who’s never been in a relationship—NBSB.
She’s always been focused on her academics, so much so that even when someone tries to catch her attention, she doesn't bother entertaining it.
But don’t mistake her for the typical "nerdy" type. She knows her worth. She carries herself with quiet confidence—she knows how to dress, how to do her makeup, and she can easily turn heads if she wanted to. She just chooses not to—because she’s never made love a priority.
"Ako, based sa experiences ko. Wala namang tama at maling sagot doon, kaya confident akong maisasalba ako ng 25 points na 'yun out of 50 questions." proud na sabi ni Ashley.
Mas lalo akong napanguso.
Walang nakalagay na 25 points 'yung essay!
I scanned the whole questionnaire kanina. Wala akong nakitang 25 points for that damn essay!
Sino ba kayang mag-time travel dyan? Babayaran ko na lang kapag successful na ako!
"Eh, ikaw ba Erin? Kanina ka pa tahimik, anong sinagot mo?" baling ni Keisha sa'kin.
Binasa ko ang pang-ibabang labi ko at tumikhim. Nasa akin ang tingin nilang tatlo, naghihintay sa isasagot ko.
"25 points talaga 'yun? Sino nagsabi?"
Napataas ang kilay ni Keisha. Habang naniningkit naman ang mga mata nina Ashley at Jewel. Unti unti akong ngumiti at nasapo ang noo kinalaunan.
"Kung maisasalba kayo ng 25 points sa essay na 'yun, mukhang 'yan naman ang magbabasak sa'kin."
Bopols. Bakit ba kasi nag-inarte pa ako kanina?As if namin susuyuin ako ng questionnaire na 'yun para lang makakuha siya ng sagot sa'kin!
"Hindi mo sinagutan?!" may kataasang tanong ni Ashley. Hindi pa nakuntento ang hinayupak, inilapit niya pa ang mukha niya sa'kin habang may nanlalaking mga mata.
"Ay tanga," Jewel groaned.
"Siguro umandar na naman 'yang kaeng-engan mo." ni hindi na tinanong ni Keisha, talagang alam niya na.
"I don't like answering that kind of question, guys. That's basically out of the topic!" I tried explaining.
Sino ba naman kasing nasa katinuan ang biglang maglalagay ng gano'ng tanong, samantalang ang subject namin ay specialized ABM subjects!
Seriously?
About love?
Excited akong gamitin ang calculator ko, dahil buong first semester wala akong calcu at ngayon, I decided to buy, kahit hindi ako sure kung mayro'n bang dapat i-solve, kasi mostly naman sa tanong ay definition lang ang choices about a certain words.
Maiintindihan ko pa sana kung nilagay nila 'yung set of essay na 'yun sa PelDev na subject, hindi sa major namin. Edi sana mas makatarungan.
"Alam kasing maraming babagsak sa major, baka palugit na nga 'yun e. Malay mo, out of 50 questions wala tumama sa hula mo, pero nasagutan mo naman 'yung essay, edi pasado ka pa!" halos kulang na lang ay tuktukin ni Ashley ang ulo ko.
Mas lalo akong napanguso.
"At kung hindi mo nasagutan, ipagdasal mong tama lahat sa answer sheet mo. Kasi kung hindi..." lumabi si Jewel at ngumisi. "Piece of shit ang kakalabasan ng grades mo."
Hearing those words lit a fire of frustration inside me.
"Bakit ba kasi hindi mo sinagutan, madali lang naman 'yun. Walang tama at walang maling sagot. Sa ating apat, ikaw ang may dapat malalim na sagot." iiling iling si Keisha.
Imbes na magsalita ay isinandal ko ang sarili ko sa inuupuan, at napahilamos sa aking mukha.
Out of 50 questions, I wouldn't deny na may mga part talaga doon na hinulaan ko. Kahit nag-review naman ako, 'yung iba kasi hindi naman lumabas sa test questionnaire.
Kumbaga, nag-review ka nga, pero 'yung ni-review bibihira naman lumbas sa questionnaire. Anong sense?
Wala akong masyadong gagawin kaya naman nang mag-aya si Ashley na mag-coffee ay sumama na lang ako. We went to the nearest cafe around campus, and ordered.
As usual, madami naman kaming nasirang buhay. Siguro kung totoong nakakagat nila ang dila nila kada may nagbabanggit ng pangalan nila ay matagal na silang walang dila.
Please, hindi lang namin kami ang ganito? Parang in every circle of friends may madadamay at madadamay talaga. Para bang ito na 'yung pagkain ng kaluluwa namin.
Napailing ako sa naisip.
You're giving excuses, Erin!
"Nilalait niya pa ako dati. She's so mean, and I'm not exaggerating it!" pagtatanggol ni Keisha sa sarili niya.
"You guys, you know na may insecurities ako. Dati talaga, nahihiya ako kasi akala ko hindi na normal kung may armpit discoloration ako. Tapos 'yung mga tinuturing kong friends, 'yun pala ang gagamitin sa'kin. What a life, right?"
Napaangat ang sulok ng labi ko sa sinabi ni Keisha.
I don’t understand why people keep degrading others by using their insecurities. Like, hello? Today has been eye-opening for many. On social media, influencers are encouraging everyone not to hide their insecurities—they’re something to be proud of. When you embrace them, no one can use them against you.
I just can’t comprehend why some people still use insecurities as insults—either to win an argument or to have something to gossip about.
We often gossip about people’s personal issues, but I’m proud to say that we never cared about their insecurities. I have my own too, and despite that, I’ve learned to embrace them.
Ang perfect naman nila kung lagi nilang gagamitin ang insecurities ng isang tao para lang manalo sa isang argumento.
"That just sums up what some people are like—and having armpit discoloration is completely normal. Kaya nga madaming lumalapit sa mga beautician dahil gusto nilang magpaputi, or whatsoever." wika ko.
"Dati lang naman ako nabo-bother sa insecurities ko, but right now, hindi na. Inaalagaan ko na rin naman ang sarili ko." aniya ni Keisha. "Psh, masyado kasi siyang mapanglait, nabuntis tuloy."
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa huling sinabi ni Keisha. Halata pa rin sa kaniyang may kakaunting hinanakit pa rin siya para sa dating kaibigan and that's normal.
Sino ba naman kasi ang hindi magagalit, kung ang itnuturing mong friend ay sinasaksak ka patalikod? Kung ako ang nasa kalagayan niya, hindi ako santo para magpatawad.
"Siya pala 'yung tinutukoy ni Sir, Paulo. 'Yung biglang nagdrop-out for serious reason." Jewel added.
Kung sino sino pang naungkat namin, hanggang sa inabutan na kami ng alas sais sa coffee shop, that's when we decide to go home.
Sabay kami ni Ashley, habang sila Jewel at Keisha naman ay sabay na sumakay ng bus. Medyo may kalayuan kasi ang bahay nila kumpara sa amin ni Jewel na ilang bahay lang ang pagitan sa isa't isa, at isang tricycle lang para makapasok sa malapit na subdivision dito sa campus.
"Pumunta ka muna sa bahay, kaka-text lang ni Mama, nag-baked siya ng cookies and cake, tayo daw muna ang unang tumikim bago niya ilagay sa bakery."
Hindi na ako nagdalawang isip. Nang makarating kami sa bahay nila Ashley ay kaagad akong binati ng halik ni Tita Georgina sa pisngi at ganon din sa anak niya. Iginiya niya kami papuntang kusina at bago pa man ako tuluyang makaupo sa bandang counter table ay nahagip kaagad ng mata ko ang pamilyar na lalaki.
Soren.
He's the kind of man who moves from one woman to another the moment he gets bored. The type who plays the part of a hopeless romantic—making you fall for him—only to leave once you do, leaving you questioning your own worth.
It’s a damaging pattern, and it leaves behind nothing but a broken image.
Isa lang 'yan sa mga naririnig ko about him. I don't know if it's true or not, hindi naman ako interesadong malaman dahil wala naman akong pakialam sa kaniya.
But one way or another, I don't know kung bakit naging kaibigan siya ni Ashley.
"Akala ko ba ay kami lang ang titikim, Ma? Bakit nandito 'yang ulupong na 'yan?" pagbabasag ni Ashley sa nakangiting lalaki.
"Madamot ka talaga, Ash? Malamang, invited din ako dahil ako ang kasama ni Tita Georgina na mag-grocery." pagtatanggol ng lalaki sa mismong sarili.
"Whatever, " Ashley rolled her eyes.
Napangisi lang ang lalaki at napadako ang tingin sa akin. Ang kaninang mapangloko niyang pagkakangisi ay napalitan nang pagkagulat na ekspresyon.
I raised my eyebrows, giving him a questioning look.
What the hell, why he's looking me like that? He didn't even budge!
Inialis ko ang paningin ko sa kaniya. Lumapit ako sa counter at sinuri ang binaked ni Tita Georgina. Wala pa ring kupas sa pagba-baked si Tita. I wonder bakit hindi man lang natuto si Mama nang minsan siyang pagtiisang turuan ni Tita.
"How's the taste, isn't it too sweet?"
Kaagad akong umiling. "Masarap Tita Gi, tama lang sa sweetness, and still, lasang lasa ang flavor. Mukhang ito ang sunod na papatok sa bakery mo." komento ko.
Ngumiti si Tita sa akin at nagbaling sa anak.
Nag-thumbs up si Ashley habang panay ang salpak ng cookies sa bibig niya. Hindi niya na kailangang magsalita, alam kong alam na ni Tita na nagustuhan talaga ng anak niya.
"Masarap Tita-"
"Alam ko, Soren. Kahit hindi na kita tanungin ay lahat naman masarap sayo." natatawang putol ni Tita sa lalaki.
Simple akong nangiti dahil doon, at hindi ko naman namalayan na nasa akin lang pala ang paningin ng lalaki kaya't gusto kong mapairap nang punain niya ako.
"Tatawa tawa ka dyan,"
"Hoy, umuwi ka na nga. Mukhang kanina ka pa nandito," suway sa kaniya ni Ashley.
"Ayaw ko nga, mas nakakatulong ako kay Tita kaysa sayo, ikaw ang-"
Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin, pano'y sinalpakan ba naman ni Ashley ng may makalakihang cake sa bibig na nagpa-ubo dito.
Imbes na suwayin ay natawa lang si Tita Georgina at inasikaso na ang ibang bini-baked. At si Ashley naman, hinila na ako paalis ng kusina habang pasigaw na nagpaalam sa nanay niya.
We went upstairs. Pumasok kami sa kwarto niya at parehas na nahiga.
"Erin,"
"Hmm,"
"If ever you even cross path with Soren without me, can you promise me not to fall for him?"
Para akong nabingi sa sinahi ni Ashley.
"Hindi pa ako baliw para mawala sa sarili, Aly." I said. "Gusto mo ba 'yun?" hindi makapaniwalang tanong ko.
She chuckled looking at me. "Hindi rin ako baliw para umabot sa ganyan, Erin!"
She laughed, but I didn't.
"Then why are you saying that to me? You're so random."
"Just clearing things, my dear Erin. Matagal kong naging kaibigan 'yan si Soren, and I know you heard bad thing's about him...some of them are facts and some of them are not."
Hindi ako kumibo.
Ano namang pakialam ko sa Soren na 'yun?
And to fall in-love with him?
I'm not Erin for nothing.
"I know him, but not as well as before. Just please, if ever man, h'wag na h'wag."
Para mapanatag siya. I nodded.
"Wala akong balak, at kahit kailan, hindi papasok sa standard ko ang kaibigan mo. He's too friendly, not my type."
────୨ৎ────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top