Chapter 1

Good morning po.” Bati sa akin ng driver ko. The sight of these body guards roaming around the house already ruin my day! Hindi na nawalan ng mga body guards, or mga sundalo dito sa bahay. Like anytime may susugod sa bahay. I can’t live normally and I am helpless with this.

“Marren, nakasimangot ka na naman.” Sabi sa akin ni Yaya na sinamahan ako sa kotse. Sasabay rin siya dahil need nya mag grocery.

“How can I, ever since nagkagulo dun sa may kampo, hindi na natahimik buhay ko.” Iritable kong sabi. How I wish I have a normal life to live on. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon, may kasama pa ako na batang lalaki noon, I can’t remember his name or his looks pero yung takot ko noon dahil akala ko katapusan na naming noon, mabuti na lang at nailikas kami ng mga sundalo doon. Simula nun, hindi na ako natahimik at lagi na lang may mga body guards sa paligid.

“Intindihin mo na lang si Papa mo, gusto lang niya maging ligtas ka. Tayong lahat.”

“If he’ll leave his work and live normally, mas safe pa tayo dun. Ayan naman kasi di ko maintindihan kay Papa, why does he keep working with the army? Hanggang ngayon nga, hindi niya pinapaliwanag sa akin kung ano ang role niya doon. I am old enough to understand.”

“Marren, lahat ng ginagawa ng Papa ay para sa’yo din.”

For how many times na rin sinabi iyon ni Yaya sa akin. Even with these measures sa bahay, I still don’t feel safe. Mas di pa ko mapakali kapag may nakikita akong mga body guards, kasi pakiramdam ko anytime may susugod sa bahay naman.

Finally, at school where I am free. No bodyguards at kahit papano ay nakakapamuhay naman ng normal. Lagi kong tinatakasan ang mga bodyguards ko, kaya Papa just gave up at hinayaan na lang ako na walang body guards kapag nasa school. Pero hatid sundo pa rin ako kahit saan. Well that may do.

“Here’s the blacksheep.”

There’s a flaw, I am no good in making friends. Mas madami pa akong nagiging kaaway. I don’t hate it though, ayoko lang makipagplastikan sa mga ayaw ko.

“There’s also a whore at my sight.”

“What did you just say.” Her eyes squinted, loathing me. I just raised my eyebrow and stared at her. Ano sa tingin niya matitinag niya ako, for how many times she dared to. Akala naman niya matatakot nya ako sa pagiging bitchesa nya.
Not me, Ericka.

“Whore, hindi ba malinaw sa’yo”

“You, bitch!” I caught her hand on time, saka ko siya sinampal. Sa tingin nya masasaktan niya ako?  Hindi ako nag aral ng self-defense for nothing at hayaan lang na basta Pasalamat siya at mahaba pasensya ko, kung hindi makakahanap siya ng sakit niya sa katawan.

“This bitch that you can’t get away with.” Singhal ko sa kanya. Saka ko siya tinulak at napasubsob sa may sahig.

Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingala sa akin habang nakakuyom ang kanyang mga kamay. “Remember, I have connection Dos.”

“I have too, pagalingan na lang tayo.” I said calmly, matahin na niya lahat wag ako. Hindi nya ako makukuha sa mga connections na iyan.

At all times, I prefer to be alone. Malaking factor din siguro na wala akong masyadong nakakasalamuha noon. Madalas sa bahay lang ako, kaysa lumabas ako na may kasama na may guards. Also it’s so hard to find a true friend. Like this one, na mabait lang sa una. For how many times nya ako inilalaglag, for cheating, hacking na hindi ko naman ginawa.

“This time, ikaw naman ang babagsak. Humanda ka!”

Napairap ako, don’t she think I am not aware kung bakit nasa side niya ang Deanm everytime napapatawag ako dahil sa kanya. Pasalamat siya at mabait pa ako sa lagay na’to. I just walked away as if nothing happened.

Pumunta muna ako sa library to set everything, having my laptop by my side. I took a checklist of the following requirements, web programming, data analysis and this calculator app na matagal ko ng tapos.  Well I had been doing my own codings and applications since when I was a child. Even though, I am still reviewing it, hoping to expand my knowledge about it. So far in this university so good naman. Isang oras pa bago ang klase namin, so meron pa akong oras ireview lahat ng requirments ko and to do advance reading.

“Dos, nandyan ka na pala.”

Tumango lang ako kay Mia at dali dali siyang tumabi sa akin. She is my only friend I have for the past years and siya rin ang nagconvince sa akin na itry itong university nila.  Though she keeps on seeking help about programming, ayos lang. Alam kong may ipapasuyo sa akin kaya rin siya lumapit sa akin.

“Kararating ko lang din, just reviewing some stuff. You should do the same.”

“Ahm Dos” Agad akong napatingin sa kanya. Pansin ko na medyo pupungas pungas pa sya at mugto ang kanyang mga mata. Hindi na naman siya natulog sa mga designs niya for her dream clothing line.

“Akin na yang laptop mo, I knew it.”

“Talagang friend talaga kita, kilalang kilala mo talaga ako.” Aniya at inabot sa akin yung laptop niya.

“Why do you kept on pursuing this kasi, sabi ko naman sayo pwede ka naman magshift.” Sabi ko habang chinecheck if yung app nya. Ni hindi man lang niya nasimulan ang ilan sa mga coding ang programming ng calculator app nya.

“Kung pwede nga lang Dos, kaso alam mo rin naman si Daddy. Gusto niya ako magtrabaho sa intel.” She sigh, ni hindi man lang siya tumitingin sa ginagawa ko.

“You still chose this, the you should know your priorities.”

“I told you, you should prioritize this first.”

She shrugged and lost her composure. “Kahit ano naman ang gawin ko walang pumapasok sa isip ko.”

“Sabi naman sa’yo, pwede mo naman sabihin sa Daddy mo and you’ll quit. You’ll just get tired and its too late. Saka yang mga designs mo, dapat ipass mo na sa House of Fashion sa may Paris.”

Napayuko na lang din siya, lagi ko na lang din kasi sinasabi sa kanya na kung hindi niya gusto mag IT, ihinto na lang nya ang magswitch to fashion desigining. She will not be a good intel lalo at sa akin din niya inaasa ang mga outputs nya. Kung ko lang siya kaibigan since bata kami, hinayaan ko na lang siya na bumagsak.

“Ikaw, you have every potential, pero lagi naeexpell sa mga pinapasukan mo na mga uni. Besides, working in the intel suites you.”

“There’s no way I will follow his steps alam mo naman. Saka huwag mo nga ibahin ang usapan.” Sabi ko without looking at her, manawa din siya marinig ang inis ko kay Papa. Kinokopya ko na lang ung iba sa codings ko, pero may konting modifications din naman para hindi halata na gawa ko.

“Fine fine, you will tell kung hindi dahil kay work ni Papa mo di kayo iniwan ng Mama mo, di nawawalan ng body guards sa bahay nyo. blah blah”

Hindi ko na lang siya pinansin at chineck yung coding niya for the calculator app. Huwag niya isa-isahin ang mga rants ko. There’s only one hour left para makaabot ito sa deadline. She’s already stucked making her own dream clothing designs. Medyo nakakainis na rin kasi minsan,, kung hindi ko lang siya kaibigan, baka tiniis ko na lang.

“Sa susunod kasi, unahin mo muna yang mga requirements bago ang passion mo.”

“Sorry Dos, alam mo naman I can’t help.”

Napailing na lang ako. Passion Passion, I will be hearing the same reason all over again. Kahit ano rin naman ang sabihin ko sa kanya, hindi rin naman din siya makikinig sa akin. But I understand, the she really loves to be a fashion designer, instead of coding talagang designs ang inaasikaso nya.

“Kung hindi lang kita kaibigan.”

“I’m so lucky to have you then.” Ngumiti si Mia sa akin. Kung hindi lang siya nagtiyatiyaga sa ugali ko, o kaya nakikinig sa akin, at kung hindi lang siya ang kaisa isang bata na kalaro ko kapag sinasama ako ni Papa sa kampo.

“Here, It’s ready for presentation.” Binigay ko na sa yung laptop niya. “Last na ito ha, you should focus also here, dahil pinili mo rin mag IT.”

“For how many times mo na yan sinabi Dos, pero alam ko di mo naman ako matitiis. Thankie.” She said and winked. Napailing na lang ako at nireview pa yung iba pa sa programming. I hope I will get everything right dahil finals na namin.

Sabay na rin kami ni Mia na pumasok sa room namin, since same block rin naman kami. One seat apart ang arrangement ng seats at agad na kasimangot si Mia dahil dito. I bet she didn’t even review for this. Bumungad din si Ericka sa tabi ko na kaagad na umirap sa akin. Hindi ko na lang pinansin at inayos ang sarili sa pwesto ko.

I have an exam to focus on, hindi sa kanya.

Online ang submission ng exam naming, meron naman din practical na need din naming isubmit thru email. Everything is well and fine and confident naman ako sa mga outputs ko. Maya maya pa at kinakabahan na lumapit sa akin si Mia.

“Grabe, sumakit ang ulo ko dun!” She is seeming very exhausted and she even smells like minted ointment na mukhang kanina pa niya inaamoy at inilagay na sa sentido niya.

“Then go change your course.” I said coldly then nagsimula na rin kami naglakad sa hallway.

“Change my course ka diyan, If I know ako lang naman ang friend mo dito.”

Sinamaan ko siya ng tingin.

“Even I am alone,  I can still manage myself Mia. By the way go check you bag.”

Nagtataka siyang tumingin sa akin at hinawakan ang bag niya.

“Dos, don’t tell me na..” Agad na niyang hinalughog ang kaniyang bag. “Dos sinasabi ko talaga sayo.”

Ngumisi lang ako sa kanya at pinakita ang tracking transaction ng pinaship kong portfolio niya to different fashion schools sa Paris.

“OMG” Nanlalaki pa ang kanyang mata na tinignan niya iyon.  A sense of disbelief while holding that piece of paper. I knew she is excited but I know na nabobother pa rin siya sa maaring maging decision ng daddy niya. She doesn’t have enough courage to do it at alam ko mas ikakasiya niya if she becomes a fashion designer.

“Loko-loko ka talaga. Alam mo naman ang daddy.”

I hold both of her hands and assure her. “These fashion schools will be excited to have you and there’s nothing wrong to give it a shot. I know na maiintindihan niya.”

“Dos naman.” Tutol niya.

“Mia, just give it a shot. Ayoko na dumating ung araw na pagsisihan mo ang lahat dahil hindi mo man lang sinubukan na ituloy ang pangarap mo.”

Now I  can even see her eyes teary, I know that’s for joy. Tumango tango lang siya saka niya ako niyakap ng mahigpit.

“Tama ka Dos, I should have the courage to pursue my dreams. Hindi yung itinatago ko lang.”

"Tama ka, you should start now."

Mia smiled "Thanks Dos.:

I showed her my satisfied smile. I am waiting for this to happen, having the drive to pursue things that she wanted, kaysa pinipilit niya ang sarili niya sa bagay na hindi naman niya gusto in the first place. She’ll be terrible if that happens. I am so glad that finally she got into her nerves, dapat noon ko pa ginawa ito.

“That’s my girl!” I winked.

“So what If hindi ako payagan ni Daddy.”

“Edi takasan mo na lang, I can lend you some money though and hack some scholarships for you. Kunyari ka pa.”

“Dos ha, ang galing ng idea mo, parang ang mura ng Paris a?”

“You know I can find ways. I can work in the black market.”

Napadaing ako ng bigla akong hinampas ni Mia “Tigilan mo nga yan Dos, gusto mo bang makalaban ang Papa mo.”

Parang kaming tanga na nagtatawanan ni Mia. I have enough money though, I hate Papa, pero hindi ko naman tatangkain na pumasok doon. Natigilan na lang kami pareho nang may lumapit sa amin na parang kanina pa nakatingin sa amin.

“What?” Mataray kong sabi.

“Dos, pinapatawag ka sa Dean’s office.”

Parehas kaming nagkatinginan ni Mia. I knew she can sense na hindi ito magandang balita. Mukhang sabay pa kami aalis sa university na ito.

“Panira naman ng moment.” Sambit ni Mia nang makaalis na yung kumausap sa amin kanina.

Hindi na ako magugulat kung may kinalaman na naman ito kay Ericka. The same case na lagi na lang niya ako iinvolve sa kung ano anong aberya sa school na wala akong kinalaman.

Pumasok ako sa may Dean’s office, hindi pa rin ako namalayan ni Tito habang nagtatype siya doon.

"Marren, nandyan ka na pala."

Simple lang ako na ngumiti at umupo sa may gilid. Inabot niya sa akin ang isang envelope.

“Wala na bang bago dito.” I said, for how many times they have handled me this expulsion letters. Sanay na ako, collection ko na ata ito from different universities.

“All the evidence of the hacking incident leads to you. Kaya ayan ang napagdesisyunan."

But somehow, this is different wala na akong kinalaman sa mga paratang nila. I've been studying here peacefully and yet lumalapit pa sa akin ang gulo.

“Tito, alam mo naman na wala akong kinalaman diyan.”

“I know, and I did what I can Marren, ayan na rin ang napagdesisyunan ng board ng university. They decided to expel you out.”

I knew who is behind all of this. Talagang hindi na ako tinantanan ng babaeng iyon.

“Then, I have no choice to accept this and accept my father’s wrath.” Walang gana kong sabi at tininago na lang yung envelope sa bag ko.

“Marren.” I know he is worried for me, pero wala naman nang bago tungkol dito

“I don’t care, just let them, kung gusto nila ako maalis. What you did tito is enough." Sambit ko saka tumayo. There's no conversation here at maganda na umalis na lang din ako kaagad dito.

“I just don’t want to give up on you Marren, parang anak na rin kita.”

I sigh. “I appreciate the gesture Tito but no need.”

“You have potential Marren, just like your father.” Naikuyom ko na ang aking kamay saka ako humarap sa kanya.

“Please just don’t compare me with him, ayokong maging tulad niya. Even if I took IT, ibang track gusto ko.”

He just smiled. “You’ll never know Marren what comes in the future, but I know na mas magaling ka pa sa kanya.”

I just left the room. I don’t care if I become better than Papa and mahalaga sa akin ay makaalis sa sitwasyon na ito. Sana hindi na lang niya ako naging anak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top