Chapter 1
LABAG SA LOOB na iginiling ni Al ang kanyang balakang, nakakapit sa pole na nasa kanyang harapan habang unti-unting binababa ang sarili habang gumigiling. Pinapaligaya ang lalakeng nakamaskara na nakaupo sa malaking sofa habang nakaharap sa kanya. His cold stares that sent chills on Al's body whenever he stared at her eye to eye.
Nang magsawa sa kakagiling, sa kakasayaw nang sensuwal ay unti-unti nitong hinubad ang kanyang damit na ibinigay din mismo nang lalaki sa kanya.
Pwede nitong gawin ang lahat, maghubad, hawakan ang sarili o hindi kaya'y paligayahin ang sarili sa harap nang lalaki. Ngunit isang rule lamang nang lalaki ang hindi nito pwedeng sawayin. Bawal niyang hawakan ang mukha nito, at ang katawan nito mismo nang wala nitong pahintulot. At maliban na lang kung gusto niya itong makatalik.
Akmang ihuhubad na ni Al ang pangbaba nito nang pigilan ito nang lalake bago tumayo.
"What's got into you? Your performance is boring." aniya at itinapon sa harap nito ang envelope na alam niya kung ano ang laman bago siya nito tinalikuran.
Boring man o galingan niya ang pag-aaliw sa lalake ay may pera parin siya. Hindi bumababa pero hindi din tumataas.
"Boring pala pero tinigasan ka, ha! Letche! Kailan ba ako makakalabas sa lugar na 'to? Maski sikat nang araw ay hindi ko man lang makita. Ano 'yon bampira ba siya?" pinulot ni Al ang hinubad na tanging tumatakip sa dibdib nito pagkatapos ay iyong pera naman.
Wala siyang pake kung sabihan man siya nitong mukhang pera, that's the least thing she can do. Dahil kapag nakalabas siya sa lugar na ito ay wala na siyang problema, magnenegosyo ito gamit ang perang iyon para may ibuhay sa sarili.
Umalis ito doon sa entertainment room nang lalaki. Agad nitong tinungo ang kanyang kwarto, malaki ito at komportable. Pero dahil sa kanyang ginagawang trabaho ay hindi niya magawang magsaya. Pumasok si Al sa loob nang banyo at nilinisan ang katawan, naghilamos nang mukha para mabura ang nga kolorete sa kanyang mukha.
Ito na naman siya, napahikbi na naman siya dahil sa uri nang kanyang trabaho na hindi niya naman ginusto. Sa pagkamatay nang kanyang mga magulang ay siyang pagkabunggo sa kanya nang sasakyan. Nagising siya matapos ang dalawang buwan at viola! Naging isa siya sa mag-i-entertain sa estrangherong wala siyang ideya kung bakit siya idinagdag sa listahan nito na magpapawala nang kabordome-man niya. Kahit anong kiskis ni Al sa balat, kahit anong linis nito sa kanyang katawan ay wala pading pinagbago ang kanyang tingin sa sarili. Isa padin siyang maduming babae na sumasayaw, naghuhubad sa harap nang estranghero para magkapera.
Nang matapos siyang maglinis nang kanyang katawan ay padaskol itong nahiga sa kama. Kinuha ang isang duffle bag sa ilalim nang kama na naglalaman nang malaking halaga nang pera na kanya nang naipon dahil sa pagsasayaw at paghuhubad nito sa harap nang kanyang amo. Alam niyang malaki-laking pera nadin ito para makapagsimula siyang muli ngunit ang malaking katanungan sa kanya ay kung paano siya makakalabas sa impyernong 'to?
Lumabi si Al bago nagpakawala nang malalim na buntong hininga. Binalik nito ang duffle bag sa ilalim nang kama at muling bumalik sa pagkakahiga.
"Hay naku, Mama at Papa. Bakit ba kase maaga niyo kong iniwan dito sa mundong ibabaw? Mabait naman akong anak, palagi ko kayong sinusunod. Pero bakit hinayaan niyo parin akong mag-isa dito sa mundo? Masama ang loob ko sa inyong dalawa pero sana huwag niyo akong multohin. Masama lang naman ang loob ko kase iniwan niyo ako nang wala man lang pasabi. Ayan tuloy ginawa ako ditong stripper! Malaki man ang binabayad pero pakiramdam ko sa murang edad ay ninakawan na agad ako nang dignidad!" pinunasan nito ang luhang kumawala sa kanyang mga mata bago magtalukbong nang kumot.
"Ahhh! I hate my life—" tatlong sunod-sunod na katok ang nagpabangon kay Al.
Ang pumutol sa kanyang pag-eemote ay sana magkatigyawat sa kili-kili! Hiling nito sa kanyang isip. Nang buksan niya ang pinto ay ang mayordoma nang mansiyon ang kanyang nabungaran.
"Manang Goring," bati nito sa ginang na siyang ngumiti sa kanya.
"Magandang gabi, hija. Alam kong hindi ka pa kumakain nang iyong hapunan ngunit pinapatawag ka niya." naiintindihan ni Al kung sino ang tinutukoy nito.
"Saan daw ho, manang?"
"Sumunod ka sa akin, pakiusap." tinanguan nito ang mayordoma bago isinarado ang kanyang silid.
Nakasalubong pa nito si Alexandra, isa ding stripper dito sa mansiyon. Marami sila dito, kaya hindi din maunawaan ni Al kung bakit hindi siya nito pinagbibigyang makalaya sa lugar na ito. Maraming babaeng stripper siyang kasama na willing na willing na sumayaw at humubad sa harap nito. Kahit nga na magpagalaw sa lalaki ay willing na willing ang kanyang nga kasama, halos itapon na nito ang kanilang sarili sa lalaki. Ngunit ni isa sa kanila ay walang kaalam-alam kung sino-sino sa kanila ang ginagalaw nang lalaki. Dahil kapag nalaman ito nang iba ay magkakainggitan at magkakasakitan.
Napailing na lamang si Al. Hindi niya naiintindihan ang ibang babae kung bakit halos na itapon na nito ang katawan sa lalakeng wala man lang kainte-interes sa kanila maliban na lamang kung naboboryo ito. Tandang tanda pa nito ang sinabi sa kanila nang lalaki.
"You will only dance and strip infront of me, when i am bored."
Napaka antipatiko talaga!
Tumigil si Manang Goring sa tapat nang opisina nang lalaki kung kaya't napatigil din ako nang hakbang.
"Hanggang dito na lamang ako, hija. Pumasok ka na lamang sa loob at kakausapin ka daw niya." tumango ako sa ginang at nagpasalamat dito.
Nang makaalis si Manang Goring ay nagdadalawang isip pa akong kumatok, ngunit agad ding nakapagpasya nang maisip na baka magalit na naman ito at mainip kapag natagalan siya.
Kumatok ito nang tatlong beses bago pinihit ang door knob at inihakbang ang mga paa papasok nang opisina nito. Hindi nito makita ang lalaki dahil sa kadiliman na umuukupa sa silid nang kanyang opisina kung kaya't nagsalita si Al upang malaman kung nasaan ito. Ngunit bago pa ito makapagbitaw nang salita ay naramdaman nito ang mainit na hininga nang lalakk sa kanyang labi. Nakaharap ito sa kanya! No, nasa harap niya ito mismo! At magkalapit lamang ang kanilang mga mukha dahil ramdam na ramdam nito ang init nang kanyang hininga na tumatama sa labi nito.
Napaatras si Al ngunit agad itong sinandal nang lalaki sa pader kung kaya't nahigit nito ang kanyang hininga. Para itong kinakapos nang hininga dahil lamang sa nasa harap nito ang lalake, sinasandal ito sa pader na nasa likod niya. Parang biglaang may mga paru-parong nagliliparan sa kanyang tiyan.
"Al... Aurelia Lilac." ang malamig nitong tinig sa pagbanggit nang kanyang pangalan ay parang hipnotismo para kay Al. Para itong nanghihina dahil sa pagbanggit lamang nang lalaki sa kanyang buong pangalan.
Mas lalo lamang nahigit ni Al ang kanyang paghinga nang lumapat ang labi nito sa kanyang leeg. Ang mainit na hininga nito at ang kanyang malambot na labi na ilang ulit na dumampi sa kanyang balat ay siyang nagdala nang kilala niyang sensasyon. Agad iyong naramdaman ni Al nang naging malikot ang kamay nang lalaki. Naglabay ito sa itaas na bahagi nang kanyang katawan at tumigil lamang nang mahawakan na nito ang pakay.
Muntik nang mapaungol si Al nang walang pasabing nilamas nang lalaki ang kanyang dibdib.
"S-sir..." nauutal na ani ni Al sa kaharap. "S-sir this is wrong—" hindi natapos ni Al ang muling sasabihin nang agad na sinunggaban nang lalake ang kanyang labi.
Isang marahas na paghalik ang ginagawa sa kanya nang lalaki. Pilit nitong pinapasok ang kanyang dila sa loob nang bibig ni Al. Wala itong kontrol sa ginagawa, wala itong kontrol sa sitwasyon. Hinayaan nito ang lalaki na lamonin siya at dalhin siya ibang mundo, sa mundo kung saan alam niya namang mali ngunit wala siyang nagawa.
Kinakapos ang hiningang napabitiw ang lalak mula sa paghalik kay Al. Isinandal nito ang kanyang noo sa noo ni Al. Ang kanyang kamay ay naroon parin sa dibdib nang babae, nagpapahinga doon na para bang kanyang tahanan.
"S-sir, i'm sorry—"
"Fuck! You're driving me crazy, Aurelia. And this is not good. You're a poison to me, damn it!" humiwalay ang lalake dito at hindi niya alam kung saan pumunta.
Hindi ni Al alam ang gagawin dahil ang akala lang naman nito y may sasabihin ito sa kanya o hindi kaya'y kakausapin siya na pwede na siyang umalis dito.
"S-sir—"
"Leave, Aurelia."
"P-pero, Sir may s-sasabihin—"
"I said, leave!" nanlaki ang mga mata nito sa gulat dahil sa pagsigaw nang lalaki at ang pagkabasag nang crystal na inihagis nito sa kung saan.
Dahil sa takot at kabang nararamdaman ay nagmamadaling hinanap ni Al ang door knob dahil alam niyang malapit lang naman siya sa pinto. At nang mahanap niya ito ay agad niya itong binuksan at agad na nagmamadaling umalis sa lugar na iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top