Chapter 4 - Arithmo Mechani

Wala pa man din akong isang linggo sa unibersidad na ’to pero mero’n na kaagad kaming quiz sa Math in the Modern World. Nakailang buntong-hininga ako nang sabihin sa ’min ang bagay na ’yon, at sumakto pa talaga sa schedule kasi hati ang oras namin sa course na ’yon pagdating ng Miyerkules at Biyernes.

Base sa schedule ko sa portal, may dalawang oras kami sa kan’ya sa Miyerkules, at isang oras naman sa Biyernes. Discussion kaagad kami noong first meeting, wala nang intro-intro, sabak kaagad. We were stripped off, nobody ever discussed on our first meeting because the instructors and professors wanted to know us properly. They just made activities for us and them to get to know us. Tanging ang professor lang namin sa Math ang lumabag sa rule na ’yon, at nagsimula na kaagad ang mga kalbaryo namin sa unibersidad na ’to.

I’m currently reviewing my notes on the Fibonacci Sequence while I’m riding on a pedibab, medyo mainit ang panahon at talagang halos dumikit na ang malagkit kong balat sa suot kong polo dahil katanghaliang tapat ngayon.

Ni ang dala kong rechargable mini fan ay ’di naging sapat sa init ng siyudad na ’to. Ngayon ko nga napapatunayang trial card nga sa impiyerno ’tong Cabanatuan, sobrang init talaga! I’ll find a free space in this university na may aircon at do’n talaga ako magpapalamig once I had the time!

Going back to the topic our professor has discussed for two hours straight, including what was it and how does it work, nagsabi din siya ng mga real-life examples ng Fibonacci Sequence, and of course, he introduced us to Fibonacci. Dahil nga na-shock kaming lahat na first day pa lang ay may professor nang nag-discuss, ay wala naman na kaming nagawa kung ’di ang sumunod na lang sa discussion.

I am reading something about the calculation of the sequence, but then, I remembered something that I should’ve done beforehand. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla kong maalalang kailangan nga pala namin ng calculator to calculate the sequence accurately!

Shit!” I gasped, halos mapasigaw na ako nang dahil sa naalala kong kailangan nga palang magdala ng calculator ngayon!

Using a phone is not an excuse, either, hindi kasi p’wedeng gamitin ang calculator sa cell phone! It would be considered cheating kasi baka raw may mag-commit nga ng cheating if phone calculators were used. Hindi rin p’wedeng manghiram ng calculator sa kaklase habang nagka-klase kasi that’s considered cheating din daw! I should’ve bought one from a near department store before going here!

“Oh, bakit po? May nangyari po ba?!” Narinig kong nagsalita ang nagmamaneho nitong pedicab, kaagad akong napatingin sa kan’ya na ngayon ay lilinga-linga na sa loob para lang tignan ako.

“Kuya, stop the cab, please!” Natataranta kong saad, kaagad namang hininto no’ng driver ’yong pedicab. Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na alam ang mga sinasabi ko.

“Ay, Kuya, go pala, sorry po sa kalutangan ko.” Saad ko naman, nakita ko namang dumungaw ulit sa loob si Kuyang Driver at muka talaga siyang concerned.

“Okay lang po ba kayo? May nangyayari po bang masama sa inyo?” tanong muli ng driver. Kahit naiirita at Natataranta na ako’y pinilit ko pa ring ngumiti at tumango.

“Opo, Kuya... ah... idiretso niyo na po sa CoEd, nawi-windang lang po ako kasi first week pa lang nilapagan na kami kaagad ng quiz.” Pagbibiro ko sa driver, bahagya naman siyang napahagikgik.

“Sige, pero masanay ka na rito. Gan’yan talaga ang ilan sa mga professor dito sa Sumacab, hindi ka nag-iisa sa pinagdadaanan mo kasi napagdadaanan din ’yan ng anak ko rito. Pakatatag lang kayo, kaya niyo ’yan.” Nakita kong ngumiti si Manong, dito ay nagpatuloy na siya sa pagpadyak sa pedicab.

Nagpasalamat ako kay Manong Driver at nagbayad ako ng pamasahe pag-baba ko, pumasok ako sa loob ng aking kolehiyo at kaagad akong pumunta sa classroom. Hindi ko alam ang gagawin ko, naguguluhan at kinakabahan na ako ngayon. I can feel my hands shaking as if the weather is terribly cold even though it’s the opposite.

I tried to calm myself down by breathing in and out, I can’t let myself fail on the first quiz of my freshman year. Ayo’kong bumagsak sa unang quiz ng una kong taon dito sa NEUST! I don’t want to set a bad legacy for myself! I just need a damn calculator to calm myself up!

“Hey,” nagulat ako nang may narinig akong tumawag malapit sa ’kin. I felt like an electric shock came up from my foot to my head. I hurriedly looked at the direction the voice came from, and I was even more surprised to see him...

Yeah... him!

Kuya... Herald.

“W-What was...” I couldn’t utter any word because of the mixed feelings I’m currently feeling. Para bang napakabilis ng tibok ng puso sa magkaibang rason at magkaibang emosyon.

“You seem a little quiet today?” mahinahong tanong sa ’kin ni Herald. Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Isang linggo na ang nakakalipas pero wala pa rin akong nakakasundo rito sa block namin. Para bang ang hirap mag-fit in sa bagong environment na ’to, at para bang ang hirap maka-adapt sa buhay-kulehiyo. Parang ang hirap, parang ang hirap maki-socialize even though... I promised myself to be... out here and enjoying, making friends, but... I remained silent in my first days here.

Para bang nauulit ang mga pagkakataong ayaw ko nang maalala. Para bang ibinabalik ako sa mga pagkakataong ang hirap-hirap pasanin ang lahat ng ’yon... and that... I believe that it’s repeating again...

“Hey,” muli akong nabalik sa wisyo. Saglit pa ’kong tumingin sa lalaki sa harapan kong ngayon ay parang nao-off na sa mga ikinikilos ko. I cleared my throat before replying.

“I-I’ve always been quiet ever since the first day. I haven’t talked to anyone yet.” I tried my best to gain my composure, kahit pa magkahalong kaba at kilig ang nararamdaman ko ngayon.

“Well, you’re talking to me now so... I guess I broke the silence?” he asked again casually. I smiled upon him asking that, it seems like a ray of confidence suddenly stuck through me. It seemed like it’s a comforting sentence.

“The name’s Hiro Lacandoza, or you already know it because I already introduced myself in class.” Ngisi pa nitong si Kuya Herald, dito ay tuluyan nang gumaan ang loob ko and tila ba nawawala na ang nerbiyos sa aking katawan. My heartbeat went to normal again as he talked.

“I-I think your first name sounds nice, too. Kuya Herald is it?” I tried my best to be calm, I saw his eyes widen and he took a slight gasp.

“Y-Yeah... I-I uhm... I suppose so, too.” Napaiwas siya ng tingin at napakamot siya sa ulo niya. Para bang may nasabi ako about sa first name that made him feel uneasy, I wanted to take it back but then...

“Do you want to call me by my first name?” he asked me again but with pure confidence. He made a firm stand and again smiled at me, tumango ako to say yes.

“Well, you can’t.” His voice echoed in my ears, as if everything went blank after he said it. I know that he was being serious, but I perceived that as one serious joke.

Nawala ang ingay sa classroom sa pandinig ko, it seems like everyone is fading in pure light, at ang natira na lang sa classroom ay kaming dalawa. The wind started to blow, seeing his red hair be blown away by the wind. It feels so genuine for some reasons. I wanted to feel it, too, I’ve always do... even so... I couldn’t... forget.

“Kuya Herald,” I came back to my senses and muttered his first name in front him, making him smile. Napahagikgik siya sa ginawa ko at umupo na siya sa upuan niya sa tabi ko.

“You’re a naughty guy, aren’t you?” he proceeded to ask with a hint of sarcasm. Napangisi na lang din ako dahil sa sinabi niya.

“And oo nga pala, drop the Kuya, it’s not like we’re aged apart anyway.” Saad pa niya, ngumisi ulit ako at umiling, nagtaka naman siya sa ginawa ko.

“Don’t want to, calling you Kuya sounds good, and besides... you’re twenty-one and I’m eighteen, gotta have respect boundaries, you know, Kuya...” Kuya Herald rolled his eyes.

Pero sa kabila ng kulitan naming dalawa ay naalala ko ulit ang calculator na dapat ay binili ko na kanina bago ako pumasok dito sa Sumacab. Napaiwas ulit ako ng tingin, nininerbiyos na naman ako, naramdaman ko ulit ang pagkabalisa dahil do’n.

“You seem to feel uneasy, is there something wrong?” Narinig kong tanong ni Kuya Herald kaya naman ay kaagad akong napalingon sa kan’ya.

“Wala akong calculator sa Math in the Modern World, nakalimutan kong magdala.” Saad ko, his concerned look then faded as it turned into a more relaxed one, he again smiled after.

“Don’t worry, you can use mine, I can do the quiz without it.” Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya ’yon. Namataan ko siyang dumukot sa bag niya at naglabas siya ng isang Scientific calculator. Kasunod no’n ay inilahad niya sa ’kin ’yon.

“Are you sure? ’Di ka ba mahihirapang mag-compute kapag wala kang calcu? Baka kapag bumagsak ka sa quiz na ’to sisihin mo ’ko, ha.” Saad ko naman sa kan’ya, he chuckled and then he gave me a smirk that dragged my face in heat.

Oh shoot! Am I blushing in front of him?!

Even so, he kept talking.

“There’s no need for that para sa ’kin. Iiwan ko na sana ’yan sa bahay kanina but I thought that Elwin wouldn’t bring a damn, pero matanda na ’yon, hayaan mo na.” Tawa niya naman, napatawa na lang din ako. At least, he didn’t notice me blushing.

“Ah... s-salamat nga pala. I can’t compute the equations without one, so... you’re really a lifesaver.” Pagpapasalamat ko sa kan’ya, pero biglang nawala ang masayang ekspresyon niya sa kan’yang muka. His expression changed into a neutral one.

“Glad you appreciate it, let’s just go on with these.” Saad niya at muli ay naglagay siya ng isang maliit na ngiti sa kan’yang labi.

Did I say something wrong? Nagpasalamat lang naman ako sa kan’ya, but well... isang himala na talagang may nagpahiram sa ’kin ng calculator. Salamat na lang talaga sa kan’ya, he literally carried me there!

“Siya nga pala, I haven’t introduced myself to you property.” Pahabol ko kay Kuya Herald, tumingin muli siya sa ’kin. Inilahad ko ang mga kamay ko para makipag-kamay sa kan’ya.

Sakto namang bumugso ang malakas na hangin mula sa labas ng bintana, the slightly warm breeze touched my skin under my polo. It glided to my hair, taking it. I wore a smile, and it felt like I was glowing, making ng eyes twinkle in joy to finally know someone in this university.

“Sunder Mendez, you can call me any nickname you want.” Ngisi ko, napangiti na lang siya sa ’kin at saglit pa ay nakita ko siyang tumango.

“Sunder... it sounds exactly like...” Narinig ko siyang bumulong, but he quickly reiterated to another sentence.

“Sure, I’ll call you... Sun, kasi I bet you shine like the sun, if that’s okay?” he asked again. I nodded as a sign that I agree.

I’m actually a bit flattered on what he said but I agreed because most of everyone I’ve met here calls me Der, Sun is a more accurate way to call me by my nickname. To bring much thought to it, why do they call me Der, anyway? Sun does make total sense.

“Then, Sun it is. Nice to meet you, Sun.” He accepted my handshake, nagkamay kaming dalawa habang umiihip ang hangin mula sa labas ng bintana, na para bang isang eksena sa pelikula. But it seems like it’s a familiar feeling, yeah... I’ve already felt this before.

Ganito rin noon, ganitong-ganito ang pakiramamdam. Bakit ba naalala ko pa ang mga nangyari? Bakit sa lahat ng mga ginagawa ko, pumapasok pa rin ang lahat ng ’yon sa utak ko kahit ayaw ko na ’yong alalahanin? Bakit... bakit kaya patuloy akong hinahabol... ng nakaraan?

“Good afternoon, class.” Bigla na lang akong nabalik sa wisyo nang marinig ko ang professor namin sa Math in the Modern World na si Ma’am Belliza Buena Mano—yup, push na push talaga niya ang pa-quiz sa unang linggo namin dito sa unibersidad na ’to.

Kaya nga as she said to us last meeting, she likes to embody her last name, kasi kami ang unang sasabak sa mga pa-quiz ng semester na ’to, thus Buena Mano. These professors surely got their humor and tense sides balanced, I admire them for that.

“Okay, class, get one whole sheet of paper, we’re going to start our first quiz of this semester.” Saad niya, rito na ’ko bumitaw sa kamay ni Kuya Herald at kumuha na ’ko ng papel sa bag ko.

“Ma’am, one whole po?” tanong pa ng iba na ikinatawa ko naman habang kumukuha ng papel sa bag ko. These people never learn, really.

Saglit pa ay may biglang sumulpot na tao sa likod namin, I noticed that it was that Elwin, the boy that Kuya Herald talks to often. It seems like he ran his was here at kararating-rating lang din niya. Nakikita ko ang buo-buong butil ng pawis mula sa noo niya, at hingal na hingal talaga siya. Para bang ilang kilometro ang tinakbo niya papunta rito sa CoEd mula kung saang lupalop man siya galing.

“Kuya Hiro, may calculator ka ba?! Nakalimutan ko kasi magdala, p’wede pahiram?!” Narinig kong bulalas niya sa hapong-hapo niyang boses.

It was then I knew that he was fucked up. I almost bursted out laughing knowing that I am the one who got to borrow Kuya Herald’s calculator first, and that it was the first near-death experience I had, hyperbolically speaking.

Pareho kaming nakakuha ng mataas na score ni Kuya Herald sa unang quiz, but then I discovered that I didn’t earn myself just a friend that day. I also earned myself an opponent.

Herald Hiro Lacandoza got a perfect score, while Sunder Mendez came in second with two mistakes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top