Chapter 2 - Room TBA
The flag ceremony wasn’t that long and we eventually got off the oval, may ilang mga announcements lang about sa pagsisimula ng taon. Hiniling ng mga teachers na sana’y magkaro’n kami ng isang masaya at memorable na stay rito sa NEUST. In many cases, I agreed that we should, sana nga’y maging masaya at memorable ang stay namin dito.
Habang naglalakad ako papunta sa department namin ay naaaninag ko ’yong lalaki kanina. Among the people walking, siya lang talaga ang napapansin ko. Everyone’s blurred in my vision except for that guy. Para bang isa akong lente ng camera na nakatutok lang sa lalaking ’yon. And speaking of cameras, it’s shame that I didn’t bring mine today, I could’ve captured that guy already if I brought it with me.
Iniwan ko sa apartment ang camera ko dahil I don’t want to look any suspicious or anything that concerns what I said. I just wanted to look like a common, typical student. I have brought from my Talavera a collection of Harajuku bags and hoodies to complement my style, but I chose to leave it off to become... just this.
Mainit na rin kasi ang panahon so why would I even wear a hoodie, anyway? It’s not like I could turn heads around when I wear one.
I just took a deep sigh before wearing a smile again. And as I approach the College of Education or CoEd as all Education students of this university refer to, I saw how well and how organized it was. Noon kasing nag-submit ako ng requirements after I enrolled online, nilibot ko na ’tong buong campus so I’m already familiar with some of the buildings.
Kulay white and blue ang combination nitong kulay ng department namin at may classroom sa magkabilang hallway unlike the other departments na isa lang kada-hallway ang mga classroom nila. Tiled din ang hallway, kulay puti ang kisame sa itaas at may fluorescent light na nakalinya in between the doors of each classroom.
“Ang eerie,” bulong ko. Naglalakad ako ngayon sa hallway, kahit ba maraming tao ay ’di ko pa rin mapigilan ang pag-iisip ng kung-ano-anong mga bagay.
“Parang hallway ng ospital, tumatayo balahibo ko.” Saad ko pa.
Even though I couldn’t help but to react to it, ito naman talaga ang department na kinabibilangan ko. Napasinghal na lang ako at nagpatuloy pa sa paglalakad hanggang sa marating ko ang tapat ng designated classroom kung sa’n ako nakabilang. Tinignan ko pa ang pangalan ko sa list of students na nakapaskil sa pinto ng classroom bago ako tuluyang pumasok—mahirap nang mapahiya.
Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko papasok sa pintuan ng classroom na ’yon nang may marinig akong kumalabit sa ’kin. I turned around to find out who it is, I then saw a guy with wavy black hair, he wears a pair of photocromic glasses that slightly hides his dark hazel eyes that’s somewhat... worried.
He has a fine body, kasing-katawan ko lang siya, mas malaki lang ’yon nang kaunti sa ’kin. Nakasuot siya ng white t-shirt, nahalata ko na kaagad na freshman siya. Pero what would this guy even want from me? Kilala ko ba ’to? Kilala ba ’ko nito? Or... he just wants to ask something. Nakapagtataka lang.
“P’wede po ba magtanong kung sa’n ’yong Room TBA?” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. Gusto kong matawa but I kept a straight face and just smiled lightly.
“Sa taas po, pangatlong room sa left side.” Ngiti ko, ngumiti naman sa ’kin ’yong lalaki at tumango.
“S-Salamat po.” Saad naman niya at kaagad na rin siyang tumakbo pataas sa second floor. Nang mawala na siya sa paningin ko ay do’n na ’ko humagikgik, tinakpan ko ang bibig ko dahil ayo’ko namang mapagkamalan akong baliw ng mga tao rito sa hallway.
I thought that this only happens in fictional scenarios I often see in online vertical short forms, I did not expect that someone would literally ask me where the room TBA is! Maybe I’m too prepared that I actually knew the meaning of Room TBA—to be announced.
I’ve actually prepared myself on this journey that I did not even thought that there would be students in college behaving like a lost child! Nagu-guilty nga ako sa ginawa ko ro’n sa lalaki, for sure, ’yon ang unang kahihiyan niya sa college life niya. Sana ’di na ’ko makilala no’n, baka gantihan pa ’ko. Ang masama nga, baka classmate ko pa ’yon, iniligaw ko pa talaga.
In my case, I already checked my COR and I was lucky that I was one of the students with a permanent classroom. Naka-set na ang room ko sa ’king COR, so it wasn’t written there as TBA. Well, I’m just saying Rest in Peace for the guy I was trippin’ along.
Pumasok ako sa classroom, I found the seats on the back finally taken except the seats in front. Umupo ako sa first row dahil ’yon na lang naman ang available na row na may mga free pang upuan. Napakadalang ng lalaki sa section na ’to, sa nabibilang ko ngayon ay apat lang kaming lalaki rito sa classroom, lahat ay puro babae na!
Well, that’s Bachelor of Elementary Education, or Education in general. Madalang talaga ang mga lalaki rito dahil mga babae ang karaniwang nagiging mga guro. Ine-expect ko na rin naman ’to, from all the boys in class, nakahanap ako ng isang kagaya kong ladlad. He’s talking to the girls on the back, laughing as he wear that pink headband that’s kind of fancy.
The other one was busy reading a book, while the last one’s playing mobile games on his phone, deeply concentrated on what he does. I find all of the boys unattractive, especially the one playing video games—para namang may magkakagusto rin sa ’kin, how narcissistic of me.
I fixed my eyes outside the window, marami akong nakikitang mga estudyanteng naglalakad pa sa labas. Check-in my clock, I found out that it’s almost 8:00 a.m., the class is going up late for the first day. Pero kahit na gano’n ay marami pa ring mga bakanteng upuan dito sa harapan, sadyang mga mahiyain lang talaga ’tong mga tao rito.
Habang nakatingin ako sa labas ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko, hindi ko ’yon pinansin no’ng una pero nanlaki ang mga mata ko nang may maamoy akong kakaiba—pamilyar, oo! Hindi talaga ako p’wedeng magkamali! Amoy ng isang lalaking taga-siyudad, a specific fragrance.
Dahan-dahan kong nilingon ang taong umupo sa tabi ko, only to find out that it was the guy in front of on the line at the oval earlier! Hindi ako makapaniwalang makakatabi ko ang lalaking ’to ngayon! Like, the probability ain’t that simple, so of all first year BEEd students here in NEUST Sumacab, siya talaga?!
Well, hindi naman sa ayaw ko. Actually, gustong-gusto ko pa nga! Pinagmamasdan ko siya nang palihim ngayon, all I can say is that he really looks handsome and admirable. He’s much a pretty boy up close, wearing a smirk as he stares outside the window. I then noticed him letting out a sigh, dumukdok siya sa armchair pagkatapos.
From what he did, I got this feeling that this guy’s one of those boys na pa-cool. He really embodies it—o baka puyat lang siya, or even bored kasi alas otso na, wala pang prof. Bakit ba kasi ang judgemental kong tao? Sino nga ba naman ako, ’di ba?
“Hey, Kuya Hero! Long time no see! Kumusta naging napakahabang bakasyon mo? Educ ka rin pala!” May narinig akong boses mula sa likod namin, palihim ko ’yong tinignan gamit ang peripheral vision ko.
’Yon ang lalaking naglalaro ng video games kanina. He must be done playing with his phone and he started to talk to the guy beside me. Even so, the he called him Kuya really messed up with my mind. Mas matanda ba ’tong lalaking ’to sa ’min?
“Puyat, malamang. Ano pa nga bang gagawin ko sa bakasyon kung ’di mag-training at alam mo na. And sinong nagsabi sa ’yong p’wede mo akong tawaging Kuya?” Saad naman nitong lalaki sa tabi ko habang nakadukdok pa rin siya sa armchair. He’s called Hero as I can recall.
“Okay, okay... geez. Alam mo, you should really put some time in yourself. You’ve been stressed lately.” Saad naman ng lalaki sa likod niya, naaaninag ko namang tumayo na sa pagkakadukdok itong katabi ko at tinignan niya ’yong lalaki sa likod.
“Paano naman, Elwin? You already know my situation, right? How am I supposed to enjoy? Hindi ka rin ba ungas.” Napahagikgik naman ’yong kausap niya sa sinabi niya.
“Sabagay, I understand you. Hindi naman kita masisi sa sinabi mo, Hero. Right, right... I’ll go play some video games.” Nakatalikod na at aalis na sana ’yong lalaki pero kaagad siyang hinawakan sa collar nitong katabi ko, napatingin naman ako nang mangyari ’yon.
“Wait, Elwin. I did not even realize that it’s you I’m talking to. Paano ka nakapasok dito sa CoEd, eh alam ng lahat na balagbag ka?” Saglit niya pang hinila ang collar ng lalaking ’yon, I remember he called him Elwin.
“Nasasakal naman ako, Kuya!” daing nitong si Elwin, pero nakangisi lang itong si Hero.
“Sabihin mo muna sa ’kin kung pa’no ka nakapasok dito?” Hero talked like a child, para siyang ’yong Chinese na mayor ng Bamban, Tarlac sa senate hearing.
“Malamang naipasa ko ’yong entrance exams, how am I supposed to do so?!” Elwin grunted, it made Hero laugh.
Nakita kong pinagmamasdan na silang dalawa ng mga kaklase namin, pero they don’t seem to be brothered. Para bang wala silang pakialam sa mga tao sa paligid nila. I like how casual they both seem to be, and I like the atmosphere of this guy called Hero. He’s quite funny, and I like how he treated this Elwin like that so casually I’m front of the whole class.
“May backer ka siguro, ano?” pabirong tanong pa ni Hero bago niya binitawan si Elwin.
“Wala, magaling lang talaga ako manghula sa mga items ng exams.” Tawa naman ni Elwin, pareho silang napatawa at sabay na nag-apir.
Saglit pa’y nakita ko sa pinto ang isang babaeng nakasuot ng unipormeng pang-teacher, kaagad akong umayos ng upo at gayon na rin ang mga kaklase ko. Hero took his seat beside me, the silence was too loud for the whole classroom when the professor came.
“Magandang umaga sa inyong lahat!” masayang bati ng propesor namin, kaagad naman kaming nagsitayo sa kani-kaniya naming mga upuan.
“Magandang umaga rin po!” we all replied in sync na para bang naka-program kami. Sumenyas naman ’yong propesor namin na pu-p’wede na kaming maupo kaya naman ay umupo na kami at hinayaan namin siyang magsulat sa board.
“Moneylyn Fundador Avenuellida, Associate Professor III”
Pangalan niya at ang posisyon niya sa unibersidad ang isinulat niya sa board. Hinarap niya kaming lahat at masaya siyang ngumiti sa ’min. Not like the seriousness I expected from college professors, this is totally different than what I’ve expected. Akala ko kasi, talagang seryosohan na sa college, hindi naman pala masyado.
“Ako si Moneylyn F. Avenuellida, Associate Professor III dito sa Sumacab Campus. Filipino major ako, kaya asahan niyong madalas akong mananagalog.” Pakilala niya sa ’min, Wala sa sarili naman akong napatango sa sinabi niya.
“Moneylyn ang pangalan ko, tawagin niyo na lang ako sa pangalang ’yon. Pero wala naman akong pera, ubos lagi. Kaya mas mabuti siguro kung tawagin niyo na lang akong Moneyless.” Saglit pang nagbitaw ng joke si Ma’am, hindi lang buong klase at pati siya’y natawa sa sarili niyang banat.
“Sige na, seryoso na. Gusto kong malaman ang mga pangalan ninyo kaya alam niyo na ang drill. Introduce yourselves tayo.” Ngisi niya, ikinatiklop agad ito ng lahat—well, not me kasi bidabida ako, who am I to not be the main character of my own life?
“Magsimula tayo rito kay kuya sa gilid, teka... Hero? Uy, ikaw pala ’yan. Ba’t ka napadpad dito sa BEEd?” tanong ni Ma’am Moneylyn sa itinuro niya—si Hero.
“Wala na raw po kasing slots sa MAPEH major, Ma’am. Kaya po nag-BEEd po ako.” Kamot naman sa ulo nitong si Hero, napangisi rin naman si Ma’am.
“Sige na, introduce yourself na. Pangalan, taga-saan, edad, at kung bakit BEEd at NEUST ang pinili mong program at pamantasan.” Dagdag pa nito. Tumango naman si Hero at hinarap niya kaming lahat.
“Good morning, I’m Herald Hero Lacandoza, from Brgy. Hermogenes C. Conception, Sr., Cabanatuan. Twenty-one years old, and I chose BEEd dahil wala na raw pong slot sa MAPEH, and hiyang naman ako sa mga bata so I guess taking the BEEd program would somewhat be aligned with what I want to be.” Saad niya.
“Siyempre, I chose NEUST dahil dito ako nagmula, I graduated senior high here last year. There was this practice na ’di na kailangang mag-take ng exams ang mga senior high graduates nitong university so it’s a privilege para sa ’kin. Pipili pa ba ako ng ibang unibersidad? Hindi na kasi I’ve been an NEUSTian through and through.” He then further explained where he came from.
Alam ko na’ng sinabi niyang priority at may pribilehiyo ang mga senior high graduates ng NEUST na pumili ng program sa unibersidad for college, matagal na ’yong sabi-sabi sa buong Nueva Ecija. Kaya pala no’ng nilabas ’yong entrance exams results ay ’di ko nakita ’yong pangalan niya sa mga nakapasa—because he never took the exams in the first place.
Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niyang twenty-one na siya. Like, for real?! Twenty-one na siyang magfi-first year college?! Kaya pala kinu-kuya siya nitong si Elwin, and I should call him kuya also—if mag-uusap lang kami, ’wag issue.
“And by the way, you spell Hero as H-I-R-O, not H-E-R-O, many people often get my second name wrong. And if you want to address me, call me by that name, I like it better.” Sinapo ko ang noo ko sa narinig ko.
So sa lahat ng mga nangyari kanina pa, wrong spelling pala ’yong pangalan niya sa isip ko. Yeah, it can’t be helped. I heard it as Hero, so I supposed that he was called by that name. Pero mali nga ako kasi pala-desisyon ako. Napapala ko sa mga maling akala, kaya ako nasasaktan, eh—joke!
And also, I don’t want to call him Hiro either, Herald sounds great. Kahit pa he likes his second name better, I would call him Herald. I like it better.
“Next tayo, sa katabi ni Hiro, tapos sa likod ng katabi niya, pakanan.” Ma’am Moneylyn then instructed, sinenyasan niya ako upang tumayo at sa pagtayo ko ay hinarap ko ang buong klase. Malugod ko silang nginitian.
“Hello po, I’m Sunder Mendez, call me any nickname you like, I don’t mind it. I’m eighteen, from Talavera. I chose BEEd dahil gusto kong magturo sa mga bata, at para mag-explore na rin sa field ng Education.” Saad ko naman.
“Pangarap ko kasing maging teacher and I took this path to break a certain cycle—to be free on the life I’ll take.” I continued.
“Well, I chose NEUST because I wanted to break that cycle in this place. I chose Cabanatuan, Sumacab, and this university to be the bare witness of me achieving my own dreams. And I also chose it for some confidential matters in which I’m not comfortable of telling as of the moment. In short, I chose NEUST to be a part of me proving that I could be what I wanted to be.” I received some claps after I ended my introduction.
I took a little glance at Herald, only to find out that he’s looking at me. Even so, he looks like he’s in awe—unfazed. I don’t know how to describe it, he looks shocked pero he’s somewhat... impressed and... happy?
“Maraming salamat, maaari ka nang umupo.” Narinig kong saad ni Ma’am Moneylyn. Nang maupo na ’ko ay kaagad na rin namang sumunod na magpakilala ang mga kaklase ko.
“Ako po si Elwin Magiting, disiotso, mula sa Mayapyap Sur, NEHS Alumni...”
“Jonah Sabado, twenty, from Mabini Homesite...”
“Penny Docil, seventeen, from Brgy. Sumacab South...”
“Rence Ibarramendia, eighteen, from Magsaysay South...”
“Knightingale Estacion, nineteen, from Brgy. Bagong Buhay...”
“Rhaiza Peñascosas, eighteen, mula sa Brgy. Sangitan...”
Ilan lang sila sa mga classmates kong tumatak ang mga pangalan sa ’kin dahil sa mga naging introduction nila. I like how they showed confidence kahit pa unang araw pa lang ng klase at nagkakahiyaan pa ang lahat. Inililista ko ang mga pangalan nila sa notebook ko at tinatandaan ko rin ang mga muka nila, I’m eyeing to be friends with these people.
Napakaraming posibleng mangyari rito sa Sumacab, napakaraming mga taong p’wedeng makilala, at napakaraming mga bagay na maaari kong magawa. Pero ang importante sa ’kin ngayon ay ang pag-aaral ko—at siyempre, dadagdagan ko naman ’yon ng kaunting walwal at... landi.
At sa lahat ng maaaring landiin, naririto lang siya. Blockmate ko, at seatmate ko. Kayliit talaga ng unibersidad para sa ’ming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top