Chapter 12 - Trigger

“What in the name of goodness did I just hear?” Saad ni Kuya Herald na para bang hindi niya narinig ang sinabi ng babae sa harapan namin ngayon. Lahat kami ay hindi makapaniwala, nganga lang ang naging reaksyon nila Joe at Diva, kabilang na rin ako.

“S-So y-you’re saying that... oh my, legit? Oh my... I-I’m Joe Benilde, n-nice to meet you!” utal na saad ng nabibigla pang si Joe. Angela smiled then giggled, she covered her mouth as she laughs lightly. Ngumisi naman siya sa ’ming apat at pasimple pang nagbiro.

“Talagang legit, kung gusto mo’y kunin pa natin ’yong birth certificate na pi-nass ko sa registrar para lang maniwala ka.” Tawa niya, mas gumaan naman ang nakakabiglang sitwasyon nang dahil sa pagbibiro niyang ’yon.

“It’s not like we’re asking you’re really Angela Vergara but we’re just shocked to find you out here in our university, in a state university.” Joe added.

“First of all, I’m Diva Venta, nice to meet you din.” Diva then greeted her but she directly proceeded to her words.

“But seriously though, why would you choose to study here if anak ka ni Mayor Nika? Wouldn’t you choose a school that’s most likely pang-rich kid? Like... study in the big four universities in Manila? UP, Ateneo, USTe, La Salle? Bakit nanatili ka rito?” she followed by a series of questions.

“Also ’di ba may tatlo ka pang kapatid? We heard that two of them is studying in Manila—UST and Ateneo—and the youngest is in CIC. All are private schools.” Saad pa ni Joe, bahagya namang nabigla si Angela sa sinabi niya.

“Hay, ’di na ’ko nagulat. Marami rin kasing naka-follow sa personal account ni Mom kaya siguro alam niyo ang mga ganap sa buhay namin. She often share photos of us, at ng dalawang kuya ko at ng bunso kong kapatid. I recall her posting their apartments in Manila and naka-tag si Mom sa mga posts ng dalawa kong kapatid, pati ng bunso namin. So it’s likely due to that, am I right?” Angela then drove to further explaining.

Hindi ako ga’nong maka-relate sa usapan dahil ’di naman ako taga-Cabanatuan, kalilipat ko pa lang dito at ’di ko pa halos kilala ang mga naninilbihan sa siyudad na ’to. I am familiar with Mayor Nika Vergara, but I have no knowledge on her personal life and all. I didn’t even know that she had children to begin with.

And to see and hear about this truly changes the narrative of everything. Angela Rosa Vergara turned the tables around and no one could initially escape the damage of the impact her name is gonna cost. Isang anak ng mayor ang na-bully sa isang prominenteng unibersidad, magre-reflect ’yon sa pangalan ng university so everyone would initially talk about this and it might not just be a matter between all of us but would also be a matter in the whole Cabanatuan.

“I just wanna be a low-key student and I wanted to live like most common people do, ’di ko ginusto ng special treatment, I don’t want everything to be shoved down my throat.” Narinig kong nagsalita si Angela.

“I’m always wearing a mask so that everybody will not see me in public, nagco-commute ako kahit may service naman ako, nakikipag-siksikan ako sa jeep, nakikipag-unahan ako sa pila ng trike, at sumasakay ako palagi sa mga pedicab dito sa loob ng campus.” Dagdag pa niya.

“I don’t often go to expensive places to eat lunch, okay na ’ko sa food court dito sa loob ng university, o kaya naman lalabas ako para bumili sa mga karinderya riyan, kumakain nga lang ako sa isang space na walang tao since I can’t really eat in public since I’m supposed to take my mask off.” Saad pa ni Angela at ngumisi siya sa ’min.

“So you’re saying na you don’t like to live a luxurious life away from all the dilemma we’re going through everyday just to go to school, you can eat at all those expensive restos, and you can probably buy whatever you want but you’re choosing not to because you wanted to live like us, am I correct?” Joe asked Angela directly, napakunot naman ang noo nito at kaagad na sumagot.

“Yeah, is there something wrong with that?” tanong niya pabalik.

“Well, if alam mo lang kung ga’no namin kagusto ’yang mga pribilehiyong na sa ’yo, I’m sure na naiintindihan mo kung ga’no namin gusto ang buhay na me’ron ka.” Narinig ko naman si Diva, even so, Joe initially responded with a side eye.

“Sinasabi mo riyan, yayamanin ka nga rin, ’wag kang panggap.” Napatawa kaming lahat sa sinabi Joe, nakita ko namang inirapan siya ni Diva.

“Yeah, I admit na nakakaluwag-luwag naman kami sa buhay at ’di rin ako nagco-commute pero to be a mayor’s daughter is on another level. Malaking privilege ’yon, and her being here in a state university would mean a lot.” Diva then proceeded to explain.

“Yeah, cut the off the analysis. Ang importante ngayon ay okay lang si Angela. Let’s not talk about her being here but let’s talk about what she could do on the matters of Bangs Amoro.” Nanlaki ang mga mata ko nang sumabad si Kuya Herald, at hindi lang basta sabad kung ’di ay dumirekta na kaagad siya sa gusto niyang mangyari.

“I’m Hiro Lacandoza, by the way.” Kuya Herald smiled at Angela right after he mentioned it so nakisabay na rin ako sa pagpapakilala.

“My name’s Sunder Mendez, you can call me Sun or Der, whatever you prefer.” Ngisi ko at pagkapos ay tumuon ako kay Kuya Herald.

“Pero, Kuya... isn’t that too much to ask for? And kakikilala pa lang natin kay Angela and gusto ko na kaagad siyang isama sa gulong ’yon.” I let myself explain but I saw Angela lending her curiosity.

“Wasn’t Bangs Amoro and her group the ones who cornered me here earlier? I heard about them on my first day of class, and I heard about a recent issue of two students being thrown on to a set of trash bins and she and her group made them pick the spilled trash up.” Angela continued asking.

“Kaming dalawa ni Diva ang tinutukoy mo, we’re glad na nakarating na sa block niyo ang nangyari.” Joe then answered her with a smile, feeling proud even though their talking about a bad situation.

“Hindi lang sa block namin, umabot na rin sa mga kalapit nating department, hanggang sa COE at sa mga Crim.” Nakita kong ngumisi si Diva sa sinabi ni Angela sa kan’ya.

“Right then, since we’ve got the matters figured out, gusto mo bang tulungan kami to fully eradicate them?” tanong naman ni Diva na ikinagulat ko rin.

“Pero, Diva... wasn’t it rude to ask something for someone we’ve just met?” I interfered with another question.

“Well, Angela is a huge opportunity for all of us. So we might as well ask her for help. She has the privilege, after all. Wala na silang magiging laban kapag nalaman nilang anak pala ni Mayor Nika ang kinanti nila.” Narinig ko namang saad ni Joe.

Saglit pa’y tumingin ako kay Angela na ngayon ay nakangiti pa rin sa ’min, she crossed her arms and I saw her nodding. Saglit pa siyang huminga nang malalim bago siya muling magsalita.

“Okay, if that’s the case then I’ll help you all out. Just tell me what I need to do.” She smiled genuinely.

The four of us were glad of her agreeing, malapit na malapit na kami sa gusto naming mangyari at dahil nandito na si Angela, mas mapapadali pa ang gusto naming makamit. Wala nang kawala ang grupo nila Amor this time, nararamdaman ko na ’yon.

***

We’re doing stretching before our fifty-meter run in PATHFit. Magkatani kami ngayon ni Kuya Herald habang inuunat Namin ang kaliwang paa namin sidewards while the other one is at rest. Nakaposisyon kaming para bang nagyo-yoga—naka-luhod kami sa isa naming tuhod while the other one is stretched out.

Hindi naman nasasaktan ang tuhod namin dahil may mga rubber mats na korteng jigsaw puzzle kaming niluluhuran, it’s to cancel the weight of our bodies colliding to the marble floor of the gymnasium for comfortable warm-up exercises.

Hindi ko nakitang pumasok sa klase namin si Amor ngayon, pati ang mga ka-soro niya. Ang dalas nilang um-absent even from the start of the school year, parang once or twice a week ko lang yata sila nakikitang pumapasok, and it’s definitely not any course related to P.E. or anything that involves movement, ayaw nilang pinagpapawisan, I can see that.

Pero kahit naman ’di magsipasok ’yong mga lekat na ’yon, tiyak na may makukuha silang grades kasi malakas sila sa mga prof., or should I say the VPAA.

Baka ma-red tag ako, hayop.

Well, anyway. May nasagap akong chismis nitong mga nakaraang araw, na mga anak din pala ng mga malalaking tao ang mga kaibigan ni Amor kaya gano’n na lang sila kataas sa tingin ng marami. Mga anak-mayaman ang iba pa niyang kaibigan pero bakit kaya ’di na lang sila sa ibang unibersidad naghasik ng lagim? Mayayaman naman sila, bakit dito pa sa isang state university sila nagkakalat ng dumi?

Napahinga ako nang malalim at nagpatuloy na lang ako sa pag-unat ng mga paa ko. Kalaunan ay natapos din kami sa stretching ng mga paa namin, maging ang kamay, bewang, at balakang namin ay ’di nakatakas sa warm-up. Matapos ’yon ay iniligpit namin ang mga ginamit naming rubber mats at dumiretso kami sa Oval dahil nando’n ang tracks.

Limahan naman ang capacity ng tracks at namarkahan na kung saan kami magsisimula at matatapos. Parang relay kasi ang ginawa ni Sir Axel, every fifty meters ay may nakaabang na sa likod namin at binigyan kami ng baton, dapat namim ’yong ipasa sa mga ka-linya namin bago kami tumakbo ng another fifty meters para ipasa naman sa ibang members ang aming baton.

“Sun, I think something’s wrong with Pen.” Kaagad akong lumingon kay Kuya Herald na ngayon ay kasamay ko nang maglakad papunta sa nakatoka naming istasyon kung saan ibibigay sa ’min ang baton.

Magkasunod lang ang area naming dalawa kaya sabay kami ngayon sa paglalakad. Nang sabihin ni Kuya Herald ang tungkol kay Penny ay kaagad din akong napalingon sa grupo nila sa ’di kalayuan. Oo nga, parang namumutla si Penny at pagod na pagod, pero pinipilit pa rin niyang lumakad and I know that he’ll force himself to run for the grades.

Why was it that there’s still these kinds of activities for people like Penny, alam na nga ng teacher na may-sakit siya, bakit ’di exempted si Penny sa mga ganitong uri ng activity? Samantalang ’yong iba, kahit ’di pumasok, nagkakaro’n pa rin ng grades, ang unfair naman no’n.

“I’ll go talk to him.” I muttered and I separated ways with Kuya Herald and quickly ran to Penny, he didn’t even notice me running to him even though I’m currently in front of him now.

“Penny, okay ka lang ba? Ang putla mo. Masama ba pakiramamdam mo?” tanong ko. Saglit pa’y lumingon siya sa ’kin, ilang segundo ang lumipas bago niya ako tugunan.

“Ah, oo, puyat lang.” Pilit niyang ngiti. Hindi ako naniniwalang dala lang ’yon ng puyat.

Oo, baka dahil nga sa puyat ’yon, pero baka hindi lang dahil puyat siya kaya siya matamlay. Nag-stretching kami kanina, baka napagod pa siya ro’n, baka ’di siya kumain ng umagahan kaya mapula siya, baka atakihin siya ng hika since we all know that he has that kind of condition. It’s crucial for him to at least take a rest, kasi parang ang lala na ng tama sa kan’ya kung puyat lang.

“Sure ka ba? I’ll ask Kuya Herald to excuse you para makapag-pahinga ka kasi mukang need mo talaga. Ang putla ko, para ka nang labanos! Malakas naman si Kuya sa mga teacher, I’m sure he can help you out.” Simpleng pagbibiro ko to lighten up the situation.

“Thanks, pero... ’wag na. Siya lang din naman ang hahabulin ko kapag ’di pa ’ko tumakbo ngayon. Po-problemahin ko pa, ang dami-dami na ngang ginagawa. Okay lang ako.” Muli’y pilit na ngumiti si Penny.

“S-Sure ka, ha? Kapag ’di mo kaya, tawagin mo lang kami. We’ll help you out.” Ngiti ko, pasimple na lang siyang tumango at halatang pilit pa rin ang kan’yang ngiti.

Tumakbo ako pabalik kay Kuya Herald, napansin kong nag-aalala nga rin siya para sa kalagayan ni Penny. He does look disturbed while he glances at Penny to make sure he’s just fine. Kahit ako rin naman ay kinakabahan dahil baka kung ano ang mangyari sa kan’ya, kasabay pa naman namin siyang tatakbo at kalaban pa namin ang group nila sa relay.

I then heard Sir Axel calling as he wears with his lapel mic to make sure that we can hear him from across the oval. Sa sobrang laki kasi ng oval nitong NEUST ay talagang higit sandaang metro ang layo kung purong sigaw lang ang gagamitin ni Sir Axel. Need niya talaga mag-lapel para marinig namin siya.

“Okay limang team lang muna ang magre-relay kasi ’yon lang ang capacity ng oval natin. Ang mauunang makatapos ng relay ay sila ang makakakuha ng perfect score. Two points sa score ang bawas ng mga susunod. Over fifty ’tong activity niyo, forty ang pinakamababang p’wedeng nakuhang score.” Tuloy-tuloy nang ipinaliwanag ni Sir Axel ang instructions.

“Okay, runners, position.” Ang isang kaklase namin ang mauunang tumakbo, pang-apat ako at dulo si Kuya Herald na siyang pinakamabilis sa ’min.

“Ready, get set, go!” Ura-urada rin ay narinig namin ang pag-pito ni Sir Axel sa lapel, dito ay nakita kong nagsi-takbo na ang mga mauunang tumakbo.

Within a split second, the baton reached me. I immediately got and I started running as fast as I could. I focused my eyes on my reach—Kuya Herald who is now looking at me and encouraging me to run faster. His eyes dangle with the look of sincerity and concern, all while his gestures and smiles pull me towards him with the speed of the impeding wind.

Within a stroke of my breath, I managed to tap his hand and pass him the baton. Kuya Herald ran faster than I could, kung kasing-bilis ako ng hangin, kasing-bilis naman siya ng kidlat. Kahit malayo ay nakikita ko ang pawisa niyang P.E. Uniform, tumatagaktak ang pawis mula sa kan’yang noo, pisngi, at batok.

Sinundan ko siya sa finish line. Kami ang nakauna at nanalo kami sa karera, earning us a perfect score for the task. Pagkarating ko kay Kuya Herald ay napatalon kaming dalawa sa saya dahil sa nagawa namin.

“We won!” we both exclaimed, I took out my face towel and gently glided it to his cheeks while he was still celebrating his victory.

Medyo nagulat si Kuya Herald pero napagtanto niya naman ang ibig kong mangyari, napangisi siya pero imbis na kuhanin lang ang towel ay kinuha niya pa ang kamay ko at kasama no’ng ipinunas sa noo, pisngi, batok, at maging sa leeg niya. Nangingingig ako sa nerbiyos at excitement habang ginagawa ko ’yon, pero laking gulat ko na lang nang may narinig akong sumigaw.

“Bumulagta si Pen, tulong, hoy!”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top