Chapter 11 - Play the Queen

It’s been a couple of days since the incident happened yet the matter stayed in silence within our circle. Hindi ko naman sinasabi sa kanila ang tunay na nangyari, baka kasi kapag sinabi ko ay kung ano pang maging reaction nila, and I wouldn’t tell anybody about that since Kuya Herald told me not to.

Napabuntong-hininga ako habang inuubos ko ang Buko Shake na binili ko kanina sa Food Court malapit sa College of Engineering. Hindi ko ’yon maubos-ubos kasi ang laki ng plastic bottle na nilagyan, para yatang isang litro na ’tong buko shake na ’to. Ako rin naman ang may kasalanan kasi tatanga-tanga akong pumili ng size ng cup na kakayanin ko lang.

Para kasing sulit ’yong sixty pesos ko kaya sinubukan ko ’yong medyo malaki, it turns out na ’di ko pala ’yon kayang ubusin kaya sayang lang. Sana pala ’yong tagti-trenta na lang ’yong kinuha ko kanina. Muli pa akong sumipsip mula sa kulay green nitong plastic straw at ibinaba ko ulit ’yon sa lamesa.

“Strange things has been happening lately. Para bang may kung anong nag-iba, ’di ko lang alam kung ano. Parang biglang tumahimik ’yong atmosphere nitong maingay na department natin?” Narinig kong nagtanong si Rhaiza habang kunot-noo niyang pinagmamasdan itong buong CoEd Canteen.

Magkakasama kaming lahat sa dalawang lamesang pinag-isa. Kapwa kaming lahat nagmemeryenda, but in our surprise, there has been at least a minor difference inside the CoEd Building today, and I think I might know what it is.

“Amor’s group has been inactive these past days. Maybe may milagrong nangyari at tumigil na sila. Ewan ko ba, hindi ko alam kung anong nangyayari, parang ’di ako sanay.” Sabad naman ni Penny habang kumakain siya ng binili niyang mayonnaise chicken sandwich sa mga nagtitinda rito sa CoEd Canteen.

“Oo nga, they have been significantly inactive. Even in the classroom, madalas silang wala, ’di kaya sila natatakot ma-UD?” I then heard Knight asking, he meant Unofficially Dropped.

Maybe natakot silang magpakita kay Kuya Herald the day after the incident have happened, talaga naman kasing wala talagang sasantohin si Kuya kapag nagalit siya. At nang tumingin ako kay Kuya Herald na na sa harapan ko lang ngayon ay parehas kaming napangisi sa isa’t isa. Oo, marahil sa nangyari noon sa hallway ang dahilan kung bakit nag-lie low sila—o baka naman ay may binabalak silang iba?

“I’m probably sure that it has something to do with the two of you, Hiro, Der.” Nanlaki ang mga mata ko at kaagad akong napatingin kay Rhaiza sa kabilang side ng lamesa.

“Hoy, ’di ah! Pinatulan ko lang ’yong pa-karateng kung ano nila no’ng isang araw, matatakot ba ’yon sa ’kin nang gano’n lang? Ni hindi ko nga pu-puwedeng madampian ng kamay si Amor tapos sila pa matatakot?” Sarkastiko akong tumawa kahit pa hindi totoo ang sinasabi kong walang kinalaman ang nangyari no’ng isang araw sa sudden hiatus ng Amor’s Angels Sorority.

“Yeah, you’re right. Pero si Hiro ba, may ginawa bang kung ano ’yan para manigas sa takot ’yong mga ’yon?” Elwin then asked, bigla akong natahimik at sumipsip na lang ulit ako ng Buko Shake.

Hindi naman umimik si Kuya Herald at napahinga na lang din siya nang malalim. Walang pasabi siyang tumayo sa lamesa at pumunta sa isa sa mga counter para bumili ng pagkain. From the look of it, he’s quite not okay with the matter. Nape-predict ko nang gano’n ang magiging reaction niya kasi ’di naman malayong matanong kaming dalawa sa nangyari.

“I can already tell. So, what the fuck happened there?” Saad naman ni Rhaiza, napakamot naman ako sa ulo ko at nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba kasi nakapangako ako kay Kuya Herald na hindi ko sasabihin ’yon kahit kanino.

Hindi ako nakakibo nang ilang segundo bago ko maramdamang may kamay na humawak sa balikat ko mula sa likurang gilid ko, bahagya akong nagulat pero nang malaman kong si Kuya Herald ’yon ay nahalinhinan naman ako kaagad. Ngayon ay may hawak na siyang sandwich na halatang kabibili pa nga lang dahil ’di pa ’yon bukas. Ibinaba niya ang ulo niya at pinantayan ang akin, he smiled lightly as I looked at him, mesmerized by his face.

Ang lapit namin sa isa’t isa.

He looked at the others, ipinatong niya ang dalawa niyang siko sa lamesa at ngumisi. He nodded as he laughed lightly. He looked at me again, with a grin on his face.

“You can tell them, Sun, I don’t actually mind anymore. I got over it already.” Ngisi niya sa ’kin, kaagad din siyang bumalik sa pagkakatayo at tinalikuran niya na kaming lahat.

“I’m off to the classroom, may gagawin pa ’kong assignment na due mamaya.” Saad niya pa at tuluyan na nga siyang umalis. Nang makaalis na nga si Kuya Herald ay natuon sa ’kin ang atensiyon ng mga kaibigan ko.

“He’s kind of a procrastinator, isn’t he?” I asked them.

“Oh, get over it, spill the tea.” Rhaiza sarcastically muttered. I drew face palm and landed my elbows on the table, imitating a bored person.

“Fine, ito na.” Inayos ko ang postura ko kalanunan ay ibinaba ko na ang dalawang kamay ko sa lamesa.

“Kuya Herald made an outrage, he’s ready to beat the hell out of all of them because Amor said something about Kuya Herald deserving what happened to him. I don’t actually know the actual context of it, though.” Saad ko at muli ay nagpakawala ako ng hangin, pero nakita kong nanlaki ang mga mata nila Elwin, Knight, at Rhaiza.

“All right, Amor really did it this time.” Knight stood up and slammed the table, I delivered a shock into my nerves that I fliched holding my chest with both of my hands.

Pinagtitinginan kami ng mga tao pero seryoso lang na nakatuon sa ’kin ang tingin ni Knight. His hazel hair turned darker, and so as his light atmosphere. His eyes were dimmed, the way he holds the table was rough and I can sense that he’s really mad about what I said.

“I-Is there something wrong about it?” I asked an obvious question, only to turn at Elwin doing the same thing.

“Of course there is! There fucking is!” he raised his voice.

“Hindi ko kinakayang aabot pala sa gano’ng kababang level si Amor, we really do need to get rid of her.” Kalmado namang nagsalita si Rhaiza.

This must be serious, kahit hindi ko alam ang nangyayari ay talagang seryoso nga ’yon dahil nagalit din sila sa sinabi ko. Pareho kaming walang idea ni Penny sa nangyayari, gusto ko ’yong malaman pero pinipigilan ako ng konsensiya kong magtanong, hindi ko alam... pero pakiramamdam ko ay hindi ngayon ang pagkakataon para ituon ko ang sarili ko sa bagay na ikinagagalit nila.

Hindi ako nakaimik, nagkatinginan naman silang tatlo at akmang hahakbang na sila Elwin at Knight palabas nang marinig kong magsalita si Rhaiza.

“Kung ano mang gagawin niyo, ’wag niyo nang gawin. Baka kayo pa ang unang ma-kick out dito sa NEUST kapag ginawa niyo ’yan.” Napahinto ang dalawa, kaagad namang pumasok sa eksena si Penny na ngayon ay hawak na ang braso ni Elwin.

“Rhaiza’s right, and whatever it is that you’re mad about, hindi madadaan sa gulo ang sulusyon do’n. We must stick to what we planned out.” Saad ni Penny na kaagad namang sinang-ayunan ni Rhaiza.

“Tama si Penny, so get the hell back over here and finish both of your foods. Hindi pa ubos, oh, andaming mga taong nagugutom tapos nagsasayang kayo ng pagkain.” Humirit pa ng biro si Rhaiza, bandang huli ay bumalik naman sila sa kinauupuan nila.

Wala talagang magagawa si Knight kapag si Rhaiza na ang nagsabi, palagi siyang under sa kan’ya. Even Elwin, he can’t resist it when Penny comes to the picture.

***

Maaga ang labasan namin ngayon dahil may seminar daw ang teacher namin sa Mini Convention Center dito rin sa campus namin. Hindi naman tirik ang araw pero may kainitan pa rin ang panahon paglabas ko ng department namin. Napahikab ako dahil inaantok pa ’ko, napuyat kasi ako kagabi sa shift ko at gumawa pa ako ng assignment kaya nagdible ’yong pagod. And after this, I have to start work at noon today since katanghaliang tapat kami nag-out.

Makaidlip nga muna mamaya pag-uwi ko, sakto na ’yong tatlong oras na naging bakante para makabawi ako ng kaunting tulog kagabi. And I do really need to fix my body clock already, considering that I have a six-hour shift at night.

“Der!” narinig kong may tumawag sa ’kin, nang marinig ko ’yon ay nakita kong tumatakbo na si Diva palapit sa ’kin habang si Joe naman ay naglalakad lang kasunod niya.

“Oh, it’s you, Diva. What’s up?” I casually asked her, she then screamed as if she would freak out.

“We knew what happened, and we were both freaked out! Amor was way below the belt for that!” Diva exclaimed but her tone was sarcastic, she crossed her eyes and rolled her eyes after finishing her sentence.

“Like for real, ’di niya na kailangang ibaba ang sarili niya nang gano’n to rebat on a stupid fight. That was directly offending—no... it’s a fucking assault.” Sabad naman ni Joe at inayos niya ang pagkakalagay sa mga mata niya ng photochromic glasses na suot niya.

Hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat kong i-react sa mga sinasabi nila kaya nanahimik na lang ako. Sinabayan nila akong dalawa sa paglalakad matapos kaming magtagpo-tagpo rito ngayon sa pathway.

“Okay na ba ’yong video mo, Der?” Joe casually asked me, I turned into him and I smiled.

“Yeah, I edited it last night. I removed the part where Kuya Herald yelled the hell out of Amor.” I replied with a grin, bahagya naman silang napatawa.

“You should sent me the raw video so that Diva and I could have something gossip about.” Tawa pa ni Joe, napatawa naman din si Diva kaya’t natawa na lang din ako sa sinabi niya.

Dito ay naisip kong dapat ko na bang tanungin ’yon... how can I relate to it when I don’t really know what’s it about?

“Ano nga pala ’yong rason kung bakit gano—” Even so, upon asking, I didn’t finish my sentence when Joe said something.

“Sila Amor ba ’yon?” tanong niya. Kaagad namang napakunot ang noo ko. Napatigil kaming tatlo sa paglalakad.

“Saan?” I asked him, I looked around the area to see them.

“Ayon, oh! ’Yong na sa gilid ng Infirmary? May kasama sila!” Bulalas pa ni Joe at tumuro sa direksiyon over the fences of the open court right in front of our department.

Kaagad akong tumingin sa Infirmary Building sa ’di kalayuan, natatanaw ko sila ngayon dahil may space sa pagitan ng open court at ng malaking four-sided LCD and LED Board kung sa’n ay naka-flash ang ilang mga announcement sa university namin. Nakita ko nga sa gilid ng Infirmary sila Amor at parang may kinakausap silang isang babae.

“Nakita ko na, bagong member na naman ba ng soro nila ’yang kasama nila? She’s quite new.” Saad ko, pero habang tinitignan ko pa sila ay parang may nararamdaman akong kakaiba.

“Hindi, parang hindi... it looks like they’re bullying someone!” Diva exclaimed, making me think that’s it! Oo nga, imbis na kinakausap lang ay parang inaaway yata nila ’yong babae!

“Wait, let’s be sure. Lumapit muna tayo bago tayo makasiguro.” Sabad ko naman sa kanilang dalawa.

Napansin kong walang gaanong dumadaang estudyante rito dahil wala namang ginugustong mapunta rito sa Infirmary. And since it’s just the middle of a cloudy but boiling morning, na sa mga classroom pa ang karamiham ng mga estudyante.

From where we’re at, lumapit kami sa kanila at nagtago kami sa isa sa mga gilid nitong LCD Wall, para kasi ’yong isang maliit na kuwarto na gray concrete ang ibaba ay na sa itaas ’yong mismong projector screen, sa itaas din nito ay may white concrete pyramid shape ’yong bubungan at nakalagay sa pinakatuktok ng pyramid ang logo ng unibersidad namin. Apat na sulok ang gilid no’n at sa isang gilid kami nagtago upang sumilip sa mga nangyayari.

I clearly saw the girl the whole sorority’s with, she wears a black facemask over her somewhat frightened face. She wears a black cardigan over her uniform that I surely recognize—CoEd. Natatakot ’yong babaeng nakasandal ngayon sa pader sa gilid ng Infirmary Building, she’s cornered and couldn’t get out of the situation. Her tired eyes carries fear, and from the look of it, the girl does look like she’s being bullied.

“Ba’t ka nagtataray? Parang kung sino ka, ah! Ba’t gano’n ka makatigin, ba’t ang sama mo tumingin?” I heard Amor throwing nonsense on that poor girl, I made up my mind to help her.

Wala sa sarili akong naglakad upang komprontahin sila, naaninag ko na ring nagulat sila Diva at Joe sa ginawa ko. I wasn’t thinking of what I’m currently doing, I’m mad, yes... and it drove me again. I’m already fed up of this stupidity.

“Der, bumalik ka rito!” Diva lightly exclaimed, so as Joe. I can hear them asking me to come back but I didn’t even flinch to turn to them.

“Hoy, ano na namang ginagawa niyo?! Kung sino-sino na lang pinagi-interes-an niyong mga putang ina kayo!” I shouted at Amor’s group, napansin naman nila ako kaagad nang dahil sa sumigaw ako.

“Ah, for isn’t it this motherfucker, hindi pa rin kami tapos sa ’yo, Mendez.” Amor began, I just rolled my eyes and I took a sigh.

“Enough with the shenanigans, kung ayaw niyo ng gulo, hand her over, or else I wouldn’t hold back anymore.” Pagbabanta ko sa patay na tono ng aking boses.

Pagod na rin ang mga mata ko dahil sa puyat, kaya wala na akong ganang makipag-insultuhan pa sa mga lekat na ’to. I just want this to be over with so that I can finally go home and catch some sleep, they’re all making it harder for me to fix my damn body clock.

“Or else what?” Amor hissed, dito na ako nabubwisit at inambaan ko siya ng suntok. Even so, she didn’t even flinch which shocked me.

“Alam kong hindi mo kaya, Mendez. May reputasyon kang pino-protektahan, ’di ba? Kaya kitang baliktarin kaya kung ako sa ’yo, I’ll stay out of this.” Ngisi niya, dahan-dahan ko namang ibinaba ang kamao ko, gigil pa rin ang nararamdaman habang patay ang ekspresyon ng aking muka.

Even so, Diva and Joe came in back-up...

“At kaya ka rin naming baliktarin, Bangs Amoro Sevillano! Sige, isang kanti mo sa babaeng ’yan at kay Sunder, ilalabas ko ’to!” Diva began to fight with a threat.

Hawak ngayon ni Diva ang cellphone niya, she’s getting everything on video. Muli akong napatingin kay Amor at napangisi, gayon na rin sa babaeng nakasandal sa pader na hanggang ngayon ay nababahid pa rin ng takot ang kan’yang ekspresyon. Joe came beside me, ready to blow an actual punch.

“May kakilala akong admin ng NEUST Secret Files, Amor. At hindi mo gugustuhing pag-piyestahan ka sa page na ’yon dahil tiyak, masisira ka na ng tuluyan sa buong unibersidad na ’to, and even sa buong Nueva Ecija.” Ngisi pa ni Diva.

She really got her. NEUST Secret Files is a freedom wall or a freedom page for all students studying here in this university, it’s popular among exposing various issues that wasn’t really talked or addressed about via gossip delivered on the page. And yep, the page’s popularity exceeds widely in the whole Nueva Ecija. It’s as popular as the official page of the university and the page of the official student publication.

“Kung nakaya mo akong patumbahin no’ng isang araw, ikaw naman ang binabantaan ko ngayon. I held back the day you threw me and Joe at the trash bins. I wouldn’t do the same mistake twice.” Diva kept holding her phone and she kept recording everything.

“Let her go, Amor, kung ayaw mong ikalat ko sa buong Nueva Ecija ang baho mo.” She further grinned in satisfaction.

Suddenly, I saw one of them—Khalifa, she ran to Diva to get the phone, even so, Joe was faster to catch her arm and twist it ninety degrees aback.

“Aray ko, ukininam!” She exclaimed as Joe twists her hands and arms further than ninety degrees.

Napaaray si Khalifa sa sakit. Tinangka ring kunin ni Merlyn ang cell phone pero ako naman ang nakahuli sa kan’ya, binunsulan ko si Merlyn at sinipa ko siya dahilan para tumipon siya sa damuhan. Tiffany tried to get it, too, but she ended up the same as Merlyn—parehas kumalahig ang mga ngipin nila sa lupa. Napaatras silang lahat sa ginawa ko, itinulak naman ni Joe si Khafia at nauna rin ang muka niya sa damuhan.

“Hand her over, Amor, now!” Diva commanded her, nanggigigil pa rin si Amor, pero hindi ko ine-expect ang kasunod niyang ginawa.

Siya ang lumapit upang kuhanin ang cellphone, and since all of us can’t lay a finger on her, it would be impossible for Diva to fight back. Nagulat din si Diva sa ginagawa ni Amor pero ’di siya natinag. Every attempt of Amor on getting rid of her precious video just kept failing. Diva kept dodging Amor’s attempts to snatch the phone. Amor should occasionally learn from those ones in Manila, I bet she’ll improve her snatching skills the next time around.

“Kuhanin mo kung makukuha mo!” Diva teasingly mocked Amor’s desperate attempts. She kept on hitting the ground, getting back at it and trying again.

Until...

“Hindi ka titigil o paduduguin ko ’yang muka mo?” I heard a deep voice coming from a distance.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ’yon, out of the blue, he came. Kuya Herald walked towards Diva, approaching her to keep her phone safe. Nakita kong biglang nagbago ang mood ni Amor, nakadama siya takot, I can really sense that. Napaatras siya kasama ng iba niyang mga kasama sa grupo nila.

“Hand her, now!” Sumigaw si Kuya, walang imik sila Amor at kaagad na itinulak ’yong babaeng naka-face mask papalapit sa ’min.

Malapit pang masubsob ’yong babae, pero nasalo ko naman siya kaagad. I helped her to get up on her feet, she’s still trembling from all the things that have happened. I took a glance at Amor’s group once more, alam kong si Kuya Herald lang ang katapat nila kasi gagawin ni Kuya ang bawat banta niya sa kanila without hesitations.

I slowly glanced at Kuya Herald to see his face engulfed in a strange but familiar aura, I like how he sounded. Kahit na galit siya, his low but husky voice makes my heart tremble upon hearing it. His messy and lush red hair once again getting flown by the wind, his gaze sharp enough to cut through my soul. He’s this Herald, and seeing him like this feels agitated in a reason that I feel compacted as he let this side of him out.

“Now leave.” Kuya Herald commanded them again, pero nag-alinlangan pa sila.

“Get the fuck out of here now!” Nang sumigaw na si Kuya Herald ay do’n na sila nagsipulasan. Mabilis na para bang mga binugaw na manok—literal na parang binugaw.

Matapos silang umalis ay natuon naman ang atensiyon namin sa babaeng na sa harap namin ngayon. Takot na takot pa rin siya sa nangyari but Diva already got on her she started to comfort her and calm her down.

“Anong nangyari sa kan’ya, Sun?” tanong ni Kuya Herald sa ’kin, kaagad ko naman siyang hinarap para sagutin.

“Hindi ko rin alam kung ano bang pinagmulan, we just saw the soro hitting on her out here.” Tugon ko, saglit pa’y lumapit na kaming tatlo nila Joe kila Diva at do’n sa babae.

“Are you all right?” Pasimunong tanong ko.

“O-Okay na po ang pakiramamdam ko ngayon, s-salamat po.” Magalang namang nagpasalamat ’yong babae.

“Hala ’wag ka nang mangupo sa ’min, parang magkaedad lang tayo, eh.” Pagbibiro naman ni Diva to lighten up the situation.

“Siya nga pala, ano nga palang pangalan mo and why did you end up like that, anyway?” Joe frankly got into interrogating her, bahagya namang hinampas ni Diva si Joe for asking that this early.

“I’m... Angela, Angela Rosa España, you can call me just Angela or whatever you like to call me, whatever you prefer to call me.” I can see from her eyes that she’s smiling.

“Wait, did you say... España? Like, the middle name of Mayor Nika Vergara? Only a few individuals are carrying those last names in this city—España and Vergara, and I never ever encountered a person in this city with that last name.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kuya Herald na ngayon ay katabi ko lang.

Joe and Diva apparently gasped as they heard what Kuya Herald was referring to, nabigla rin ’yong babae pero kalaunan ay nagsalita ulit siya.

“Well, since you did save me from those group of girls, it’s fine for me to say this, I’ve been hiding my face in front of people all these years. I think it’s time to change that.” Tinanggal niya ang face mask niya at dito’y bumungad sa ’min ang muka niyang itinatago sa likod ng face mask na ’yon.

“I’m Angela Rosa España Vergara, at anak ako ni Mayor Nika Vergara.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top