Chapter 1 - In the Days Gone by

I yawned as I opened the window of my room, seeing everything still dark from outside. I left out a sigh after that, and I looked at the clock hanging on the wall. It says it’s already 5:00 a.m. and I need to get ready for my first day of school as a college student. I smiled thinking of what would my journey become.

Hindi na bago sa ’kin ang mag-isip sa kung anong mangyayari sa ’kin ngayon at kung ano ang magiging outcome ng bawat araw na dumaan sa buhay ko. It’s been always like this, but I don’t take it the bad way. In fact, ni hindi ko nga naisip na isipin ’yon. I always think of what will happen as a plan for the day ahead, on whatever I’ll do in a particular day. I plan everything inside my head.

Hindi naman ako masyadong nag-iisip ng maraming bagay tungkol sa mga ginagawa ko, I easily let go of any shenanigans and get over it. This way, I feel more peaceful not thinking of everything too seriously. Lalo na ngayong college na ’ko, I shouldn’t let anything bother me. Yeah, I need to prioritize my studies pero I told myself from the start na hindi ko dapat i-stress ang sarili ko—I suppose.

Muli akong humikab at saglit pa akong tumingin sa labas ng bintana ng balkonahe ko para pagmasdan ang unti-unting pagsibol ng buhay nitong siyudad. Cabanatuan City, Nueva Ecija. It’s not much of a city but it sort of levels what other cities has to offer, and one of them is Nueva Ecija University of Science and Technology, the university I’m going to attend.

Unti-unti nang nabubuhay ang natutulog na siyudad, it’s a sign na kailangan ko nang gumayak. Agad na rin akong nagtungo sa cabinet ko at binuksan ’yon, revealing my newly-bought school uniform—a light yellow polo partnered with dark blue pants. Kung susumahin, ang plain ng uniform namin pero it matches the weather here, mainit dito sa Cabanatuan. Some people even say that this city is a trial card to hell.

Inilagay ko sa ibabaw ng aking kama ang mga gagamitin ko, naroroon na rin ang backpack ko na may laman lamang isang binder notebook, dalawang ballpen, isang correction tape, at yellow pad, at siyempre, ang ilang kopya ng aking Certificate of Registration na ibibigay ko sa bawat professor for confirmation na kasama ako sa listahan ng mga students nila. Isinama ko na rin ang rechargable mini fan ko as a preemptive measure to the heat.

Pumunta naman ako sa kusina and binuksan ang isang cabinet, nagpakulo ng tubig, at kinuha ko ang isang cup noodles sa loob no’n para bantuan. Alas singko na kasi akong nagising and I have to make it to school before 7:00 a.m. dahil may flag at opening ceremony pa. Mag-isa lang ako rito sa apartment ko, and I really like being alone in here.

I’d rather not talk about where I came from, there’s nothing special about Talavera, anyway. It’s a neighboring municipality bordered to the west by Cabanatuan. Well, choice kong mag-aral sa siyudad, and choice ko rin ang unibersidad na pinasukan ko. I took the entrance exams and to my extent, I passed. It’s my own choice to stay and study here, I made it firm to myself that they will not get a hold of my life.

Gusto kong subukin ang pagkakataon, kaya I neglected and left it all, paglalaruan ko ang kapalaran ko. Pinangako ko kasi sa sarili kong iibahin ko ang landas ko, iba sa nais mangyari ng tadhana sa ’kin, ibang-iba sa gusto nitong isulat sa mundo. That’s why I took Bachelor of Elementary Education, kasi ’yon naman talaga ang gusto ko.

I’ve been fascinated by the idea of teaching, and I kept on delving into it until I realized that I loved being surrounded by the youth and teaching them became a core in me. I thought that I should be a teacher someday to foster the idea, and to resent myself from the burden of pressure that I continuously give myself.

Matapos kong kainin ang binantuan kong cup noodles ay kaagad na rin akong nag-shower. Napaisip ako, tama ngang pinili ko ritong mag-settle at dito ko na ituloy ang pag-aaral ko. Gusto ko na rin kasing mamuhay nang malayo sa kinasanayan ko, I wanna go out and explore, I wanna try new things. Even so, it doen’t make me forget the main reason why I came here.

I dried myself up after taking a shower, I then got dressed in my uniform right after. Saglit pa ’kong nagsalamin at nang maayos ko na ang sarili ko ay lumabas na ’ko ng aking apartment. Hampas ng maligamgam na hangin ng siyudad ang bumungad sa ’kin paglabas ko, that’s what gave me the idea that it would be a hot day.

“It’s going to be a long day, Sunder.” Pagkausap ko sa sarili ko, I heaved a sigh before even taking a step to look outside.

Kaagad ko na ring nakita ang nabubuhay na atmospera ng Brgy. Sumacab Este, amoy na amoy ko na ang siyudad. Alas sais pa lang nang umaga pero nakikita ko na ang pagiging abala nitong siyudad. Isinara ko ang pinto ng apartment ko at ni-lock ’yon, naririto ang kuwarto ko sa second floor kaya nakikita ko ang ilang parts ng barangay.

“Ang aga mo naman, boy!” May narinig akong tumawag sa ’kin, kaya’t nilingon ko ’yon at napangisi ako nang makita ko kung sino ang tumawag sa ’kin.

“Maaga rin po kasi ’yong welcoming ceremony sa NEUST, Ate Vea.” Saad ko sa kan’ya habang kumakamot sa ulo ko. Nakita kong muli ang masigasig niyang ngisi habang binubuksan niya ang kan’yang tindahan.

May-ari si Ate Vea ng isang sari-sari store rito sa Barangay Sumacab Este, sa kan’ya ako madalas bumili ng pangangailangan. Ilang linggo na rin kasi ako rito sa Cabanatuan, nag-aayos ng mga gamit sa apartment, and navigating the new environment around me. Ate Vea’s one of the first people whom I met and welcomed me to my this new life.

“Sige, ingat ka sa araw mo, Der!” Tawag niya sa sarili niyang version ng nickname para sa pangalan ko. Napangisi naman ako at tumango na lang.

“Salamat po, Ate Vea.” Tango ko na lang at lumakad na ’ko nang tuluyan.

Dala ang pack bag ko ay nagtungo ako sa tricycle station. Mind it, Sumacab Este is a huge place. The apartment I got is a little too far from the university so I have to take a tricycle to go there. Nanghihinayang man ako dahil sa ang mahal nila maningil dito sa Cabanatuan kaysa sa mga tricycle drivers do’n sa Talavera ay wala naman akong magagawa.

Pinili ko rito, so hindi ko dapat pagsisihan kung sa gano’ng dahilan lang. Nagtataka nga rin ako kung anong kinaiba ng gasolina rito sa gasolina ng Talavera pero I thought that it have to be something relating to the number of tricycle drivers in the city—there’s a gazillion, hypothetically speaking.

“Kuya, sa NEUST Sumacab Campus.” Saad ko nang makasakay ako ng tricycle. Kaagad din naman itong tumakbo patungo sa sinabi kong lugar.

Habang binabaybay namin ang hi-way, nakikita ko na ang papasikat na araw. Saglit akong tumingin sa orasan ko at namataan kong alas sais y media na pala nang umaga, I’ll make it in time for the ceremony. Ilang minuto pa ang lumipas bago kami nakarating sa campus. Ibinigay ko rin kaagad ang bayad nang makababa ako.

Ngayon ay na sa harapan na ’ko ng main gate, looking at it makes me feel so proud of myself. The university I chose, I’m not just in front of it, I’m now a student of it! With a smile, I walked passed the gate and the college atmosphere then blew across myself, more than I can handle.

Different students of different departments wearing different uniforms. Napakaraming mga estudyante ang ngayo’y nilalagpasan ako habang nakatayo ako sa harapan nitong gate, may ngiti sa ’king labi at malugod kong tinanggap ang mainit na atmospera ng pagtanggap. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng unibersidad, at para bang umingay ang tahimik kong mundo nang tumapak ako sa loob.

Napakaluwang ng Sumacab Campus nitong NEUST, at talagang hindi magkamayaw ang mga mag-aaral sa pagkukumahog. May ilang mga freshman akong napapansin, madali silang mapansin dahil marami sa kanila’y wala pang uniform, at lahat naman ng freshman ay wala pang mga I.D.

Marami rin akong napansing mga estudyante sa College of Management and Business Technology, lalo na sa College of Engineering at College of Information Technology. Masaya ang lahat sa kanilang pagpasok at sa mga muling babalik dito matapos ang kanilang bakasyon. As for me, I’m indeed glad and excited of what’s to become of me.

Habang naglalakad ako papunta sa oval kung saan magaganap ang kauna-unahang flag ceremony ng school year na ’to ay may nakita akong isang lalaking estudyanteng nakasuot ng kulay dark blue na jacket. Nakasuot din siya ng white polo shirt na sa palagay ko’y may additional designs pa sa loob na natatakpan lang ng suot niyang jacket.

The boy is holding a camera as he points his lenses to the students walking across the oval near the grandstand. The students were aware of what’s going on and are even calling the guy for some photos.

The boy then takes their photos as he smiles at them with gladness. I then noticed that the boy aimed his lenses at me. In shock, I quickly turned my face away but I guess it was too late. Amid the noise, I heard the camera shutter. Before I could even turn my gaze away, the guy already captured me. I wasn’t ready for the ordeal, but I let it pass.

Napansin ko ang isang logo sa jacket no’ng lalaki, kahit medyo malayo ako sa kinatatayuan niya ay nakita ko ang nakalagay do’n. Gayon din ang lace niya—isang pamilyar na pangalan ng isang organisasyon. Nang makita ko ’yon ay kaagad akong bumaling sa ’king isipan at kaagad ko na ring tinanong ang sarili ko sa kung ano ang maaari kong gawin upang makasali ro’n.

The Blaze, huh? I’ve always wanted to be a part of them.” Bulong ko sa sarili ko at ngumisi ko.

Nahanap ko na rin ang mga ka-department ko, pumila ko kasama ng mga Education dito sa gawing gilid ng oval malapit sa grandstand. Maluwang at malaki ang NEUST Grandstand at ang mismong oval na nakapalibot sa isang napakalawak na football field. The field’s even made of turf, talagang ginagamit ’yon for the use of football and other sports. Baka nga naglalaro pa sila rito ng baseball at softball. Gawa naman sa rubber ang tracks ng oval.

Dito ko natantong napakayaman ng eskuwelahang ’to dahil they have most facilities that other schools here in the city hasn’t. Talavera could never offer something like this, because I barely see any school going this far for facilities. Nakikita ko rin ang ibang mga department dito, nakapalibot kasi ang maraming building dito sa oval, at isa sa pinakamalapit na building dito sa grandstand ay ang apat na palapag na CICT Building.

Inilinya ko ang sarili ko kasama ng mga first year, na sa gawing gitna ako ngayon ng linya habang hinihintay ko ang pagsisimula ng flag ceremony. Medyo umiinit na rin dahil timitirik na ang araw, ’di naman alintana ng mga estudyante ’yon. It looks like they’re already immune to it.

Saglit pa’y nag-umpisa na nga ang flag ceremony, inawit na ang Lupang Hinirang habang itinataas ang watawat sa flag pole. ’Di rin nagtagal ay binigkas na rin ang panunumpa sa watawat nang maitaas ang bandila’t matapos na ang awit. We’re already in the midpoint of the ceremony when I noticed someone running towards our direction—a fellow Education student, a guy.

Nanlaki ang mga mata ko nang mamasdan ko siya nang malapitan, tumatakbo sa sa tracks ng oval dala ang kan’yang backpack. The sunlight hitting his face, his brown hair getting blown by the wind, his muscular body swinging along the breeze as he runs. I felt something tingling within me, at sinabayan pa ’yon ng pagtunog ng susunod na kantang aawitin ng mga mag-aaral—the NEUST Hymn.

“Way back in the days gone by, our school was just a simple one...”

Hingal na hingal ang lalaking ’yon nang makarating siya sa linya. My eyes then widened as he clinches his way in front of me, napansin ko ang laki ng kan’yang katawan at ang hugis ng kan’yang pigura, I can’t even deny that this guy is indeed muscular.

“Now it moves to greater heights with a symbol that will ever shine...”

“We give a toast to mentor’s zeal who works to make a great NEUST...”

Natulala lang ako sa lalaking na sa harapan ko ngayon. Napahawak ako sa ’king dibdib at naramdaman ko ang matinding pagkabog nito. Napakuyom ako, napahinga nang malalim at umiwas na lang ng tingin sa lalaki. Ngunit dahil na sa harap ko siya, ’di ko talaga siya mapigilang tignan at sulyapan.

And because he’s just an inch away from me, I can literally sense his fragrant smell. Amoy na amoy ng isang taga-siyudad na kahit mainit at pawisan ay ’di pa rin umaasim.

“Oh here is the country’s pride, the NEUST...”

“It thrives through all the years. Let’s forever be loyal and true...”

“Oh here is the nation’s call for a better youth tomorrow...”

“Hail to dear alma mater, let us all work with our might...”

I proceeded to sing the rest of the hymn that I memorized way before I came here. Even so, I still can’t get my gaze away from this guy, my heart’s still throbbing over him.

“Keep achieving for the glory of the Nueva Ecija University of Science and Technology...”

I think mero’n na ’kong dapat i-achieve bukod sa matataas na grades ngayong semester—ang lalaking na sa harapan ko ngayon. In the days gone by, my heart’s been too silent for these. But it suddenly came to be—to thrive for something it likes.

Kauumpisa ko pa lang dito sa NEUST, pero nakaro’n na kaagad ako ng rason para pumasok araw-araw.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top