Chapter 2

I would lie if I say I am not waiting for her reply. Ilang araw na rin ang lumipas noong nag message ako sa kanya. 

“She could've replied and said no if ayaw niya…” I rested the side of my face on the back of my hand while staring at my phone screen. 

The last time I checked, active naman ito. Nag post pa nga. Kahit follow back hindi nagawa? Is she not fond of supporting content creators like her? 

Inis ko na ginulo ang buhok ko. Bakit ba ako nag o-overthink dito? 

“Ang ganda ng umaga, ang ganda ng panahon, maliban lang sa mukha mo. Ano meron?” si Mariot na may hawak na namang iced coffee sa kamay nito. 

I sighed and showed her my phone. “Hindi pa rin siya nag re-reply. Tingin mo nakita na niya ‘to?” 

Nilapit ni Mariot ang mukha niya at binasa nang malakas ang message ko. Her face turned sour. 

“Pangit mo naman mag aya. Kahit ako hindi ka re-reply-an.” 

Umayos ako sa pagkakaupo ko. “So, the problem is how I approached her? Dapat ba gumawa ako ng powerpoint? Like, a proposal?” 

Nayayamot na tumingin si Mariot sa akin. “I don't think that's necessary. Try mo yung formal.” 

I started typing a formal message and sent it immediately. Kapag naka inom ng kape si Mariot, madalas na tumatama ang mga suggestion nito. 

“Ikaw lang?” I asked. Lumingon ako sa paligid. “Nasaan si Cloud?” 

Mariot smiled timidly. “Darating din ‘yan dito mamaya. May inasikaso lang.” 

I shrugged it off. The fact that Mariot’s carrying a coffee with her meant Cloud wanted to be alone for the meantime. Hindi lulubay si Mariot sa amin na walang suhol. 

“Is that a vape? Why are you carrying one? Baka mahuli ka ha.”  Paninita ko sa kanya.

Sumimangot ito. “As if naman gusto ko ‘tong hawakan. Kay Cloud ‘to.” 

“She's into vaping again? I thought she stopped?” kyuryoso na tanong ko. 

Cloud was boasting that someone is already prohibiting her to use vape. Noong kami ang nagpapatigil sa kanya, hindi ito nakikinig. Sa mukha pa namin binubuga ang usok na galing sa vape niya. 

Mariot shrugged her shoulders. “Hindi ko alam. Inosente ako. Ano? Nag reply na?” pag-iiba nito sa usapan. 

I feel like they're hiding something from me. I sighed. Hindi na ako nagtanong. Magsasabi naman ang dalawa. 

“No… baka ayaw niya?” sabi ko. 

Kinatok ni Mariot ang lamesa. May iba na napatingin sa gawi namin dahil doon. 

“Masyado kang negative. Malay mo busy lang ‘yung tao.” 

“Busy? Nakapag post siya ng video,” sumbong ko pa. 

Mariot flipped her hair. “Drafts, Cri. May ganun ka rin.”

Sumama ang timpla ko. Tama naman siya. 

“Too busy not to follow me back?” inis na tanong ko.

She arched her brows. “Kailangan ba?”

No, of course not… But still…? 

Naiinis na hinilamos ko ang palad sa mukha ko. Why am I being unreasonable? Even my friend, Mariot, finds it weird. I am not like this.

Or maybe, kasi first time ko na ako ang mag aya ng collab? Umasa ako na sasagutin agad? I don't know anymore.

Mariot sighed upon seeing my defeated face. “Message her again. Kapag wala pa rin sagot, email. For sure may email sa bio niya.” 

Ngumuso ako and did what she said. Baka hindi lang nito nakita, after all, marami siguro ang nag me-message sa kanya.

I slumped on my seat while having a staring contest on my phone. Busy rin naman si Mariot sa cellphone niya. Lumipad ang tingin ko sa papalapit na si Cloud.

Her eyes are a bit red, her nose too. My brows shot up. Who made her cry? Hindi iyakin ang isang ‘to. 

“What happened?” tanong ko agad nang makalapit na ito. 

Maski si Mariot ay natataranta na tumingin kay Cloud. Medyo nanlaki pa ang mga mata nito. 

“Gago,” she cursed. “It didn’t end well?” 

I watched her rubbed her eyes, pasimple pa na pinunasan ang luha. Nangingiti itong tumingin sa akin. Nilapag niya ang dala niyang paper bag. I glanced at it and saw the logo of the cafe na madalas namin pinupuntahan. 

“I'm not Mariot, Cloud,” I flatly said.

That made her smile, pilit nga lang. “Alam ko… pero baka gumana?” 

“Who made you cry? Sinong lalaki ang tatanggalin namin ng kaligayahan?” galit na tanong ko sa kanya.

My anger melted in an instant when I heard Mariot's coughing. Napalitan agad ‘yon ng pag aalala. 

Mabilis naman na hinagod ni Cloud ang likod nito at inabot ang tumbler niya. 

“Kape pa,” Cloud teased. Mariot yanked her hand and grabbed the tumbler. Tumingin siya sa akin. “Wala kayong puputulin ng kaligayahan, hm? Ayos lang ako.”

Liar. I wanted to squeeze her hanggang sa magsabi ito but then I saw Mariot looking at me, shaking her head. I crossed my arms and sighed. 

While I was waiting for her reply, I busied myself with filming and writing scripts for voice overs. I also watched Cloud slowly coming back to her old habits, vaping. Mabuti nalang nagpalit ito ng flavor, kung hindi, ipapasok ko ‘yon ng buo sa bibig niya. 

I also did my assignment and peta's na kailangan na ipasa. I can juggle both my studies and content creation perfectly fine but there's a time where I need to decline some brands to rest. 

Declining brands means declining money. Kaya lugmok na lugmok ako ngayon. Lalo na ito lang ang source of income ko, aside sa binibigay na allowance sa akin ng mama ko. Some may have thought na malaki ang kinikita namin but no. It was just enough for a student like me who provides for herself. 

Mariot:
Labas naman tayo :( 

I sighed upon reading her message. 

Crimson Shion:
Walang budget.

Cloud: 
Busy ako?

My brows shot up. 

Crimson Shion:
Saan?

Cloud:
I’m a changed person now, Cri. Nag re-review ako. 

Mariot:
Papansin.

I shook my head before putting my phone down. Malapit na ang finals namin kaya halos hindi na rin ako active sa social media. I only open the clock application if I have to post something pagkatapos ay tatanggalin na. 

Mariot:
Group study tayo tutal ay nag aaral na pala si Cloud. 

I laughed before replying. 

Crimson Shion:
I have no means as of the moment so…

Hindi ko na rin mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses ko na silang tinanggihan. As much as I could, titipirin ko ang sarili ko hanggang sa magka extra money ulit ako. 

Mariot:
You know, hindi masama na humingi ka ng extra money kay tita.

Crimson Shion:
And you know I can’t do that. 

Mariot:
Ulol. Lumabas ka sa kwarto mo, pupunta tayo kina Cloud. Sagot ko na ang pamasahe mo.

Crimson Shion:
How about my cinnamon roll? 🥺

Cloud:
Pumayag ba ako na pumunta kayo rito? 

Mariot:
Ibili pa kita ng dalawa, Crimson.

I smirked. Got you, Mariot! I screenshot her message and sent it to our group chat. Agad nag react ng ‘haha’ si Cloud at nag ‘anger’ naman si Mariot. 

Mariot:
Gago. Hindi kita tatakbuhan. Nasa bahay niyo na nga ako sinusundo ka. Dalian mo.

Good thing I already washed up. Mabilis akong nag apply ng skincare at makeup sa mukha ko. Nagsuot lang ako ng pants, at fitted white shirt. I only brought my phone, iPad, and my small pouch which contained my retouching kit. 

“Tagal,” pabulong na singhal ni Mariot nang makita na ako. 

Tumingin ako sa kusina at nakita doon ang lola ko. She was still talking but her listener wasn’t listening anymore. Kahit ako pagod na makinig sa paulit-ulit niyang pangaral. 

“Ayon ulit?” natatawa na tanong ko sa kanya. 

Inis itong tumango sa akin at hinila ako sa braso. 

“Sobrang sama ko ba sa paningin ng lola mo? Sa tuwing pupunta ako rito ayon lagi ang pangaral niya. Tungkol lagi sa panunukso ni satanas… Ako ba ‘yon?” tanong nito sa akin habang tinuturo ang sarili. 

I heard my grandmother continue the lecture and sighed. Marahan ko siyang tinapik sa balikat. 

“Baka?” Kibit balikat na sagot ko sa kanya. “Lola, aalis na po kami.” 

“Huwag magpapagabi!” sigaw nito. 

“Ihahatid ko po, la!” si Mariot na tinutulak na ako palabas ng bahay namin. “Gago, ang kupad mo.” 

“Sino ba kasi ang may sabi na pumunta ka sa amin?” natatawa na tanong ko sa kanya. Mas mainit pa sa summer ang ulo ng lola ko kapag nakikita si Mariot sa amin. 

Lumingkis ito sa akin. “Hindi ka lalabas sa kwarto mo kapag walang sumundo sayo.” 

Nakakaloko lang akong tumingin sa kanya. Hindi niya talaga ako binitawan hanggang sa makarating kami sa café na madalas namin tinatambayan. Cloud wanted to go out, hindi prepared si Mariot kaya dito na lang kami. 

“Ako na ang o-order. Sure ka cinnamon roll lang?” tanong ni Mariot. 

I smiled widely at her. This might be my only chance this year to get treated by the mighty ‘buraot’, Mariot. Bagay na bagay talagang ikabit ‘yon sa pangalan niya. Magkatunog pa.

“Strawberry milk too, please!” Nag beautiful eyes pa ako sa kanya. 

Ngumiwi ito. “Pasalamat ka mahal kita.” 

“Thanks, love.” Humalakhak ako nang sumimangot ito. 

I rarely called her with that endearment. I will gladly called her ‘love’ kung hindi lang nilalagyan ng malisya ng pamilya ko. They heard Mariot once calling me ‘love’, matinding sermon ang narinig naming dalawa kahit na in-explain namin na wala lang ‘yon. 

While waiting for Mariot and Cloud, I took my phone out and checked my clock application if she responded to my message. Bumuntong hininga na lang ako nang wala pa rin itong reply. 

Am I that hard to notice? She could dress me up. I won't mind.

Maayos naman na ang approach ko sa kanya. Hindi na siya tunog nag de-demand. I even sent an email. 

“You look like you're about to cry, love.” Pinisil ni Mariot ang pisngi ko bago umupo sa tabi ko. Nilapag niya ang pager sa lamesa namin. 

“Hindi pa rin nag re-reply…” 

Nilaro ni Mariot ang pager sa kamay niya. “Kung wala pa rin, tigilan mo na ‘yan.” 

“Really?” Naninimbang ko siyang tiningnan.

Mariot smiled, kasabay no’n ay ang pagiingay ng pager. “Kulitin mo ‘yan.” 

Sumama ang tingin ko sa kanya. My eyes softened when I saw the girl who dressed up closely similar to user KioJu. I grinned. 

Naka uniform ito at mukhang busy rin mag aral. I really couldn’t take my eyes off of her. Her face is meant to be praised. Masyado itong maganda para hindi bigyan ng pansin. 

I kept my eyes on her. Watching her every move while waiting for Mariot. 

I gasped when she suddenly lifted her head. Nagtama ang mga mata namin. Her face is blank. Ang sama rin nitong tumingin. 

My mind already went on defense mode. Maybe because of her sharp features, kaya ang unang pumasok sa isip ko ay masama ang tingin nito. I started thinking of any makeup style and techniques I could use to enhance her facial features more. 

Saka ko lang na-realize na tumagal na ang paninitig ko sa kanya. She snapped her fingers. 

“You need something, miss?” tanong nito sa akin. I shivered upon hearing her voice. Ang lamig.

Mabilis akong umiling. 

“Wala… Ang ganda mo lang.” I smiled but she didn't smile back. 

Naninimbang ang tingin nito sa akin. It's not like I am obliging her to do the same. Oh shit. I actually, unconsciously, have had that attitude recently. 

Umangat ang isang kilay niya. “Not handsome?” she smirked. 

I tilted my head, staring freely at her beautiful face. With her style, and even the way she acts sometimes, napagkakamalan talaga itong lalaki kahit sobrang haba ng buhok nito. 

I took my time appreciating her face. Her eyes are a bit round, they look like a boba, mahaba rin ang pilikmata nito… medyo matangos ang ilong. My throat went dry when my eyes caught her licking her lips. I cleared my throat. 

Nataranta akong sumagot. “You're a girl. Maganda ka.” 

“I see…” Tumango-tango ito bago ibinalik ang atensyon sa inaaral nito. 

My lips parted. With the small interaction we had… pakiramdam ko may nasabi akong mali. 

☕️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #gl