Bakit, Author? Ano Ang Trip Mo?

Tanong #1: Bakit, Author? Bakit mo kami pinapahirapang basahin nang buo ang kwento mo? Sabi mo, kompleto na. Pero bakit hindi namin mabasa 'yong last chapter? Sinungaling ka, binibilog mo lang kami.

Sagot: Naka-private po. Bakit naka-private? Kasi matured ang rating. May temang hindi angkop sa mga batang nanonood--este nagbabasa. Ayan, o. Ebidensiya na KOMPLETO na talaga itong kwento MATAGAL na.

Ito pang isa.

Tadaaaa! Paano kayang nabasa ng iba at 'yong iba naman ay hindi pa? Na-follow naman na nila ako. Hindi kaya... dahil minor pa ang iba rito? Joke. Wala akong pruweba. Hahahaha.

Dalawa lang naman ang paraan para mabasa ang private chapters.

1. I-follow ang author.

2. I-refresh ang library. Kung ayaw pa rin, alisin ang story sa library at i-add ulit.

Ngayon, kung ayaw pa rin. Humihingi ako ng paumanhin kung hindi para sa inyo ang kwento ko. Sorry kung nasayang ang oras n'yo kahit hindi ko naman kayo pinilit basahin ang story ko. Ngayon, kung sinasabi ng iba rito na pinapahirapan ko sila dahil lang naka-private ang chapter ng story ko, fine. Basta sinusunod ko lang ang panuntunan ni Wattpad.

May hindi pa ho ba ako nasabi?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top