[8] Belinda's Lover

CHAPTER EIGHT

"NASAAN ka na? Manonood ka sabi mo, 'di ba?" tanong sa kanya ni Kobe nang sagutin niya ang tawag nito.

Hindi naman naitago ni Billie ang ngiti niya habang naghihintay sila ni Tinie sa lobby para sa mga ka-meeting ng banda nila.

"Nandito pa 'ko sa station, hindi pa nagsisimula ang meeting namin."

Hindi nila pwedeng palampasin iyon ng mga kabanda niya dahil doon nakasalalay ang future ng career nila. May isang bigtime producer na interesadong i-produce ang musika nila abroad. Kung excited sila ng mga kabanda niya, e di lalong mas excited naman ang manager nilang si Tinie.

"Malapit nang magsimula ang laro namin. Gusto ko sana na nandito ka kapag nagsimula na kami para makahingi ako ng good luck kiss."

"Tumigil ka nga," namula ang pisnging pakli naman ni Billie. "Alam ko naman na kayang-kaya mo 'yan, e. Kayo pa ba ng kapatid ko?"

"I still want a kiss from my girl."

His girl daw, o. Halata ang pagiging possessive sa tono ni Kobe pero nakakatuwang kakaibang kilig naman ang hatid niyon sa kanya.

"Kapag nagkita na lang tayo. One hour lang naman ang meeting namin, e. Siguro makakaabot ako sa half-time. Okay na ba 'yon?" kagat-kagat ang ibabang labi sabi niya.

"Kapag nagkita tayo? Sure ka riyan, ha? Sisingilin talaga kita."

"Kung ipapangako mong mananalo kayo ngayong gabi."

"Mananalo kami. I'll see you later, Billie."

"I'll see you later."

Makahulugan ang naging ngiti ni Tinie sa kanya nang ibaba na niya ang kanyang cellphone.

"Kayo na? Break na kayo ni Aiden?"

"Hindi. Hindi. Binobola lang ako ni Kobe, ano ka ba?"

"Kaya pala ganyan na lang ang ngiti mo?" Sinundot pa siya nito sa tagiliran kaya napaigtad siya.

"Tinie, naman!" nanlaki ang mga matang saway niya.

Napabungisngis naman ang kaibigan niya.

NANG makarating si Billie sa coliseum para humabol sa kapatid at kay Kobe ay nakita niyang nagsisialisan na ang mga tao. Dumeretso siya sa dugout.

"Ate," si Ryon. "Ang aga mo. Sa isang araw pa ang next game namin."

She smiled guiltily.

"Pasensiya ka na talaga. 'Yong meeting kasi namin sa mga producer, e. Ang akala ko maaga kaming matatapos. Pero nanalo naman kayo, 'di ba?" Niyakap niya ang kapatid. "Congratulations! I'm really, really proud of you."

"Nagtatampo pa rin ako sa'yo," pabirong sabi naman ni Ryon nang marahang tapikin ang likod niya.

"Babawi na lang ako kapag napirmahan na namin 'yong record deal."

Mula sa pintuan ng dugout ay nakita niyang lumabas si Kobe. Napako naman ang mga mata nito sa kanya at matamis ang naging ngiti nito sa kanya.

"You made it."

"Na-late nga ako, e. 'Yong meeting kasi namin kanina."

"Alam kong importanteng meeting 'yon na hindi pwedeng palampasin. May next game pa naman, e. We're just happy na masasamahan mo pa rin kaming mag-celebrate."

"Saan ba ang celebration?"

"Sa bahay. Magluluto raw ng dinner si Nanay."

"That's nice," nakangiting komento niya.

"Ang sweet talaga ng Mommy ni Kobe, 'no, Ate? Nakaka-miss tuloy si Nanay," ani Ryon.

Siniko naman niya ang kapatid.

"Palibhasa may hinihingi kang pabor kay Nanay kaya ganyan ka na lang mam-build up."

"Wala namang bukingan."

"Nandito na 'ko, guys!"

Napalingon si Billie sa pinanggalingan ng boses. Saglit na nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino iyon at sinikap na umarte nang kaswal.

"Pasensiya na. May nakita kasi akong kakilala kaya nakipagkumustahan naman ako kahit sandali."

"Ara, I'd like you to meet Billie, Ryon's sister," pakilala naman ni Kobe sa kanila. "Billie, this is Ara, kababata ko at kaibigan namin ni Ryon."

"Hi, Billie." Iniabot ni Ara ang kamay sa kanya. Nginitian siya nito na para bang ngayon lang sila nagkita.

"Hello, Ara."

"Tara na?" yaya naman ni Kobe sa kanila. "Sabi ni Mommy, sasarapan daw niya ang luto para sa 'tin."

NANG MARATING na nila ang parking lot ay bigla na lang siyang pinigilan ni Kobe sa kamay.

"Ryon, sa 'kin na sasabay si Billie," sabi nito.

"Bakit?" takang tanong naman niya. Noong isang araw lang ay nakabili na ng sarili nitong kotse ang kapatid niya.

"May kailangan silang pag-usapan ni Ara."

"Tanungin mo kaya muna si Ara kung gusto niyang sumabay sa 'kin," sabi naman ni Ryon.

Tiningnan nito si Ara na nag-iwas naman ng tingin.

"Sa'yo na lang ako sasabay. Wala naman akong choice, 'di ba?" anito.

"Halika na, Billie," sabi naman ni Kobe sa kanya at iginiya siya papunta sa sasakyan nito.

"May gusto si Ryon kay Ara?" tanong niya habang pinapanood ang dalawa na sumakay ng kotse ng kapatid niya.

"Yup."

"Nakakasama naman ng loob ang kapatid kong 'yon. Wala man lang binanggit sa 'kin na may nagugustuhan na pala siya. Nanliligaw na ba si Ryon kay Ara?"

"Hindi pa. Hindi nga siya makadiskarte kaya tinutulungan ko siya."

"Gusto mo lang ilayo ang atensiyon ni Ara sa'yo nang walang kahirap-hirap, ginamit mo pa ang kapatid ko," pabirong sabi niya.

Tumawa naman si Kobe.

"Of course, not. Tingnan mo, obvious naman na may tama si Ryon kay Ara. Kung meron mang makakapagpasaya kay Ara, si Ryon 'yon. I just want to help her see that."

"Pa'no kapag hindi nangyari 'yon? Baka masaktan lang ang kapatid ko."

"At least, sinubukan niya. Parang ako lang naman 'yan, e. Sinusubukan ko pa rin ang pagkakataon ko kahit may posibilidad na masaktan lang ako sa'yo."

"Ang corny mo na naman to the nth level!" kantiyaw niya rito para itago ang pagkailang na naramdaman.

"Hindi naman kita basta binobola lang."

"Pero pa'no 'yong tungkol sa pagkakita sa 'kin ni Ara sa condo mo?"

"Hindi 'yon sasabihin ni Ara kay Ryon o kahit na kanino dahil kinausap ko siyang mabuti tungkol do'n. Mabait si Ara at naiintindihan niya 'ko. Ang sabi ko, kukuha lang ako ng tiyempo para sabihin kay Ryon ang tungkol sa 'tin."

"Hindi ko lang kasi alam ang gagawin ko sakaling malaman 'to ni Ryon nang wala sa oras. Baka kung ano ang isipin niya sa 'tin."

Ginagap naman ni Kobe ang kamay niya at pinisil iyon.

"Problema ba talaga 'yon sakaling malaman ni Ryon? Wala naman akong intensiyong lokohin ka."

"Hindi pa ba tayo aalis?" pag-iiba niya nang makitang nakaalis na ang kotse ng kapatid.

"Hindi mo pa ibinibigay ang halik na ipinangako mo sa 'kin."

Hindi makapaniwalang napatitig siya rito.

"Alam mo bang ginalingan ko nang husto dahil gusto kong hindi ka magkaroon ng excuse na 'wag akong bigyan ng halik?"

She let out a nervous laugh. Ngayon pa lang siya nakatagpo ng lalaking kagaya nito.

"Sino naman ang nagsabi sa'yong wala akong balak na bigyan ka ng halik? E di sana hindi na lang ako humabol dito kung iiwas lang din naman ako."

Hindi itinago ni Kobe ang matamis na ngiti nito. Lumapit ito sa kanya at inilagay ang isang kamay nito sa likuran ng inuupuan niya at ang isa naman ay nasa gilid niya. Si Billie naman ay hinawakan ang mukha nito at nagtagpo ang mga labi nila para sa isang mainit na halik.

Hindi niya napigilan ang mapaungol nang mahanap ng dila nito ang kanyang dila. She realized she really missed him. Bagay na kahit minsan ay hindi naman niya naramdaman kay Aiden kapag nagkakalayo sila nito. Nakontento na lang kasi siya na nagkikita sila nito kung kailan man ito may panahon sa kanya.

And she's cheating on him.

"Iwan mo na 'yong boyfriend mo. Maging akin ka na lang," sabi nito sa pagitan ng paghalik sa kanya.

"Hindi 'yon gano'n kadali, Kobe."

"Umaasa ka pa rin bang maaayos niyo ang relasyon niyo?"

"'Yon ang gusto niya."

"'Yon din ba ang gusto mo?"

"Ang gusto ko lang, ituloy mo ang paghalik sa 'kin."

Akmang hahalikan na naman siya nito nang pigilan niya ito sa dibdib.

"Mamaya. Ituloy mo mamaya. Sa ngayon, kailangan nating habulin sina Ryon."

Umayos siya ng upo at nagsuot ng seatbelt.

"HINDI mo naman sinabing invited na naman lahat ng nasa angkan ninyo," biro ni Billie kay Kobe habang kumakain sila nito sa isang sulok.

"Mga pinsan ko lang naman ang mga 'yan," sabi naman nito.

"Nakakainggit ka. Ang dami mong kamag-anak. Kami kasi ni Ryon, nasa ibang bansa na rin ang mga kapatid ng parents namin kung wala man sa probinsiya."

"Kapag pinakasalan mo 'ko, magiging kamag-anak mo na rin ang mga kamag-anak ko."

Isang kurot sa tagiliran ang ibinigay niya rito.

"Bakit? Ayaw mo?"

"I like your mom, Kobe. Napakabait niya."

"She likes you, too. It's obvious."

"Pwede bang do'n naman tayo sa lugar na tahimik? Naiingayan na 'ko rito."

"Kanina pa nga kita gustong masolo, e."

Pasimple silang lumabas ng bahay at nagpunta sa likod kung saan minsan na silang tumambay nang sila lang.

"Gusto mong i-on ko ang ilaw ng lamp post?" tanong nito sa kanya.

"Kahit 'wag na. Ayokong may makakita sa 'ting dalawa," sagot naman niya.

"Mas gusto kong malinaw na nakikita ang mukha mo. Kung umakyat kaya tayo sa kwarto ko?"

"E di maghihinala ang makakakita sa 'tin. Ikaw talaga."

Walang pasabing hinapit siya sa beywang ni Kobe at siniil ng halik ang kanyang mga labi.

"Nami-miss ka na raw ng kama ko, Billie. Kailan kaya kita makakatabi uli ro'n?" paanas nitong sambit sa pagitan ng mga halik na pinagsasaluhan nila.

Nahigit naman ni Billie ang paghinga sa kilabot na hatid niyon sa kanya.

"Gusto ko na ring bumalik do'n, Kobe," ganting bulong niya at marahang kinagat ang ibabang labi nito.

Hinawakan naman siya ni Kobe sa beywang at walang kahirap-hirap na binuhat siya paupo sa garden table.

"I want to make love to you the whole day, Billie. When can you make time for me?"

"Ikaw? Hindi ako busy bukas."

"Tomorrow is fine."

Ipinasok ni Kobe ang kamay nito sa loob ng kanyang T-shirt at inabot ang hook ng kanyang bra. Iniangat naman niya ang kanyang damit para hindi na ito mahirapan.

Nang hawakan ng mga kamay ni Kobe ang kanyang magkabilang dibdib ay napaigtad siya at napasinghap. Sinakop ng kakaibang sensasyon ang kanyang sistema. Ibig sabihin niyon ay handa na naman siyang muling maangkin nito.

Nang bumaba ang mukha nito at sakupin ng bibig nito ang kanyang dibdib ay impit ang kanyang naging ungol. Walang dapat na makarinig sa kanila pero hindi naman niya makontrol ang hatid na kilabot niyon sa kanyang kaibuturan.

Napasabunot siya sa buhok ni Kobe nang laruin ng dila nito ang kanyang dunggot. Hinawakan niya ang isang kamay nito na nasa kabilang dibdib niya at ginabayan iyon para masahein nang mariin ang dibdib niya.

Napaungol si Billie nang lalong diinan nito ang pag-angkin sa kanyang dibdib. Pinaglalaruan nito ang kanyang dunggot sa pagitan ng mga ngipin nito. Pakiramdam ni Billie ay maiihi na siya.

"Oohh..."

Lumipat ang bibig nito sa kabila niyang dibdib. Kasabay niyon ay ang pag-abot nito sa butones ng kanyang jeans. Hindi naman na niya ito pinahirapan at inalalayan itong hubarin ang pantalon niya.

Wala ni isa man sa kanila ang nagsalita. Mabilis na paghinga lang nila ang kanilang naririnig. Mula sa liwanag ng buwan lang niya nakikita si Kobe pero hindi maikakaila sa mga mata nito na isa lang ang gusto nilang mangyari nang mga sandaling iyon.

Nakagat niya ang ibabang labi nang sunod nitong hawakan ang garter ng kanyang underwear. Hindi na maikakaila ang pamamasa sa kanyang kaselanan nang paghiwalayin niya ang kanyang hita para madali nitong mahubad ang maliit na sagabal na iyon.

Pakiramdam niya ay laking ginhawa nang maramdaman niya ang malamig na garden table sa kanyang pang-upo. Si Kobe naman ay dahang-dahang ibinaba ang shorts nito habang hindi inaalis ang mga mata sa kanya.

Dumukwang ito at muling inangkin ang mga labi niya. Napasinghap siya nang dahan-dahan nitong paghiwalayin ang kanyang mga hita. Napahawak naman siya sa magkabilang gilid ng mesa.

"And finally, my favorite spot," bulong nito sa kanyang tenga.

Napayakap dito si Billie nang dahang-dahan nitong ipasok sa uhaw niyang kaselanan ang nag-uumigting nitong sandata.

"Kobe," she moaned. "Aahh..."

Kobe felt so perfect inside her. Napahiyaw siya nang bigyan nitong pwersa ang pagpasok nito hanggang sa maramdaman na niya ito nang buo sa loob niya.

"Gusto kong ako lang ang nagmamay-ari ng pwestong ito sa katawan mo, Billie. Hindi ko kayang isipin ang lalaking iyon na nasa pwesto ko ngayon. Gusto kong akin ka lang. Kaya kitang pasayahin. At walang kakayahan ang boyfriend mo na gawin 'yon."

"You are so sure of yourself, Kobe," napangiting sabi naman niya. "I want you, too. Pero hindi ko maipapangakong sa'yo lang ako. Ni wala tayong relasyon na dalawa. Mali itong ginagawa natin."

"Nagdadalawang-isip ka na ba ngayon?"

"Hindi naman sa gano'n. Kaya lang, obvious naman na pinagtataksilan ko na rin si Aiden dahil sa ginagawa natin."

"Kaya nga hiwalayan mo na siya para tayo na ang magsama."

"Hindi ba unfair kay Aiden ang ipagpalit ko siya sa iba? Kung meron mang akong dahilan para hiwalayan siya, 'yon ay dahil sa wala na nga talaga akong nararamdaman para sa kanya. Pero hindi naman ako sigurado. Tapos dumating ka. I like you, Kobe. Hindi lang ako sigurado kung sapat na bang rason 'yon para sabihing mahal na nga kita," may pag-aalinlangang pag-amin naman ni Billie. "I feel lost right now."

s

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top