[7] Belinda's Lover

CHAPTER SEVEN

NANG buksan ni Billie ang pinto ay nakita niya ang isang magandang babae. At may pakiramam siya na nakita na niya ito dati.

"Good morning, Ko—"

Natigilan ito nang makita siya. Ang matamis na ngiti nito ay agad na naglaho.

"Nasa shower pa si Kobe," alanganin ang ngiting sagot niya. "Gusto mong pumasok muna?"

Ilang sandali rin itong hindi nakapagsalita. Nang mapadako ang tingin nito sa T-shirt ni Kobe na suot niya ay nalungkot ang mga mata nito.

"Kaibigan ka niya?"

"O-oo."

"Ipagluluto ko sana siya ng breakfast pero dahil nandito ka na, hindi na siguro kailangan. Aalis na lang ako."

"Hindi pa naman kami kumakain," sansala niya.

"Aalis na lang ako," malungkot ang ngiting anito. "Ikaw na lang ang bahala sa kanya."

Tumalikod na ito. Gusto sanang habulin ni Billie ang babae pero hindi rin naman niya alam ang sasabihin. She looked hurt. Ang akala ba nito ay may relasyon sila ni Kobe?

Bumalik siya sa kwarto ni Kobe at naupo sa kama. Sino ang babaeng iyon sa buhay ni Kobe?

"Nasa'n na 'yong bisita ko?" tanong ni Kobe nang lumabas na ito ng banyo. Nakatapis lang ito ng tuwalya.

"Umalis siya, e. Hindi yata masaya na ako ang nakita."

Saglit na napahinto ito sa pagpunas ng tuwalya sa buhok nito.

"What do you mean?"

"Babae siya. Maganda. Para bang kilalang-kilala ka na niya."

"Hindi ko ini-expect na pupunta rito si Ara."

"Ara?"

At bakit parang narinig na rin niya ang pangalan na iyon?

"Kababata ko siya. Magkaibigan ang mga pamilya namin kaya malapit kami sa isa't isa."

"Childhood sweethearts pala kayo?"

"Hindi gano'n 'yon," he said with a chuckle. "Parang kapatid lang ang tingin ko kay Ara."

"Pero gusto ka niya na higit pa sa isang kaibigan?"

"Ilang beses ko nang nilinaw ang nararamdaman ko para sa kanya. Ayoko siyang umasa. Ayaw rin niyang sumuko. Hangga't hindi raw ako nagkaka-girlfriend, hindi niya 'ko tatantanan. Pero ngayong nakita ka niya—"

"Nasaktan siya, Kobe. Lalo na nang makita niyang suot ko ang T-shirt mo."

"Walang may gusto n'on, Billie. Gusto ko lang mahanap ni Ara ang taong totoong magpapasaya sa kanya." Naupo ito sa tabi niya. "At ako, masaya ako sa'yo."

"Kung makapagsalita ka..."

"I know you feel the same way," mayabang na sabi nito.

Hindi niya alam kung paano ito kukontrahin kaya napairap na lang siya.

"'Wag ka nang malungkot."

"Hindi ko mapigilan."

"Ano ang silbi ko kung malulungkot ka pa rin?"

"Ang corny-corny-corny-corny mo talaga."

"Gwapo naman."

Hinawakan nito ang likuran ng kanyang ulo at inangkin ang mga labi niya. Naipikit ni Billie ang mga mata. Ibinuka niya ang kanyang mga labi at hinayaang manggalugad ang dila nito sa kanyang bibig. Billie moaned.

Dahan-dahan siyang inihiga ni Kobe sa kama.

"Talaga bang ako pa lang ang nadadala mo rito sa condo mo?" tanong niya nang pinutol niya ang halik.

"Ikaw lang din ang unang babaeng natulog sa kama ko."

"Hindi ko ma-imagine kung sakaling may iba ka pang dalhin dito sa condo mo."

"Bakit naman?" nakangising tanong ni Kobe.

"Magseselos ako."

"Really?"

"Of course, I'm just kidding."

"Okay lang sa'yo na magdala ako ng ibang babae rito?"

"Condo mo naman 'to, a. Isa pa, hindi mo naman ako girlfriend."

"Hindi pa. Pero alam kong malapit na."

"Naks. Confident lang, a," kantiyaw naman niya rito.

"Mas mapapasaya kita kaysa sa boyfriend mo, Billie. Ikaw lang, e. Ayaw mo 'kong bigyan ng pagkakataon."

"Kapag ganyan ka nang ganyan, baka ma-in love na 'ko sa'yo. Sige ka."

"Ikaw yata ang may problema sakaling ma-in love ka sa 'kin, e."

Magsasalita pa sana si Billie pero napalitan iyon ng singhap nang maramdaman niya ang kamay nito sa loob ng kanyang damit.

"Totoo, 'di ba?" tanong pa nito.

Nawala na sa focus si Billie nang dumantay ang kamay nito sa kanyang dibdib. Paulit-ulit iyong minasahe ni Kobe na may halong diin. At gustong-gusto niya iyon. Patunay ang nagsitayuan niyang balahibo sa katawan bilang reaksiyon.

"H-hindi ka pa ba nagugutom?" nautal na tanong niya.

"Ikaw lang ang gusto kong kainin." Lumipat naman ang kamay nito sa kabilang dibdib niya.

"I'm serious. Gutom na talaga ako."

"Gusto mong ituloy natin 'to sa kitchen?"

"Payag ako."

"GUSTO mo bang kumain o hindi?" tanong ni Billie na pigil ang paikutin ang kanyang mga mata.

Nanghahalungkat siya ng pwedeng lutuin sa ref habang si Kobe naman ay niyayakap siya mula sa likod at hinahalikan ang kanyang leeg. Hindi tuloy siya makapag-concentrate dahil natu-turn on siya.

"Kinakain na nga kita ngayon."

She groaned.

"Magpa-deliver na lang tayo ng pagkain kung gusto mo."

"Great idea. Ako na ang tatawag."

"Hindi. Ako na."

Nakahinga siya nang maluwag nang layuan na rin siya nito. Lumabas ng kusina si Kobe habang siya naman ay nanghalungkat ng kapeng matitimpla. Nakalimutan niyang tawagan si Ryon. Hindi rin naman ito tumatawag sa kanya kaya malamang ay hindi na rin ito nag-aalala.

"Ide-deliver daw nila within fifteen minutes," deklara ni Kobe nang bumalik na ito.

"Okay." Uminom siya sa kape niya. Walang sinabi iyon sa init na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. At lahat ng iyon ay dahil kay Kobe.

"At habang wala pa ang breakfast natin, i-enjoy-in na muna kita."

"Ano naman ang akala mo sa 'kin?" nag-init ang mukhang pakli niya.

"Meron pa tayong fifteen minutes."

Nang humarap siya rito ay sinalubong siya ng mga halik ni Kobe. Yumakap naman dito si Billie nang tugunin niya ang mga halik nito. Ilang sandali lang ang kailangan at nagbabaga na naman ang nararamdaman niyang paghahangad na maangkin nito.

Walang kahirap-hirap na binuhat siya ni Kobe at pinaupo sa mesa. Hinubad nito ang kanyang damit at itinapon sa sahig. She wanted him. He wanted her, too. Kitang-kita niya sa mga nagbabaga nitong tingin na gusto siya nito. Billie had never felt this beautiful her whole life. Ramdam na ramdam niya na gusto nga siya ni Kobe bilang siya.

Hinawakan ng dalawang kamay nito ang magkabilang dibdib niya. Ipinatong niya ang mga kamay sa mga kamay nito at ginabayan ito.

"I want to love you, Billie," anas ni Kobe at pinagdikit ang mga noo nila.

"Nagawa mo na nga, 'di ba?" may bahid ng ngiting ani Billie. "Kagabi, kanina at ngayon ulit."

"Hindi lang basta 'yon. Gusto kong maging parte ng buhay mo. I want to be your man."

"Pero hindi naman madali ang gusto mong mangyari. May boyfriend pa rin ako."

"Kung gano'n, ano ang gusto mong gawin ko para ako ang piliin mo?"

"Let's not talk about that right now, Kobe. Just love me now, okay? Kung ayaw mong abutan tayo ng delivery." Kinintalan pa niya ito ng halik ang mga labi nito.

"Can I love you later?"

"Kahit buong araw pa."

Halatang nagustuhan ni Kobe ang sinabi niya dahil sa naging ngiti nito. Hinubad nito ang suot nitong pang-itaas at itinapon sa direksiyon ng pinagtapunan nito ng damit niya kanina, inangkin nito nang maalab ang kanyang mga labi at muling hinawakan ang magkabila niyang dibdib.

Bawat pagpisil nito sa kanyang dibidib ay siya ring paghigit niya ng kanyang paghinga. Sa paglipas ng mga sandali ay gusto niyang maging demanding. Patunay iyon ng pamamasa sa pagitan ng kanyang mga hita.

"Fifteen minutes," paalala niya rito.

Ngumisi naman si Kobe. Inabot nito ang suot niyang boxers. Nakagat ni Billie ang ibabang labi nang dahan-dahang ibaba iyon nito. Ano kaya ang iisipin nito kapag nakita nito ang kanyang kahandaan?

"Just relax," sabi nito sa kanya nang tuluyan nitong mahubad ang boxers.

Relax? Mukhang imposible yata iyon lalo na at parang malulusaw siya sa hiya dahil wala na siyang maitago rito nang mga sandaling iyon.

"Nasabi ko na bang lalo kang gumaganda kapag namumula ka?"

Isang kunwaring irap naman ang tugon ni Billie.

"Relax, Billie."

Bahagya siya nitong pinaliyad kaya napatukod siya sa kanyang mga siko. She had to be patient. Ang kanyang mga binti ay hinaplos muna nito nang paulit-ulit kaya nanayo na naman ang kanyang mga balahibo. At pinaghiwalay na nito ang kanyang mga hita.

Ang akala niya ay maghuhubad na rin ito ng shorts pero laking gulat niya nang bumaba ang mukha nito sa pagitan ng kanyang mga hita. Ang balak na pagtatanong ni Billie ay nauwi sa isang malakas na ungol nang maramdaman niya ang mainit na bibig ni Kobe sa kanyang kaselanan.

Hindi niya napaghandaan iyon!

"Kobe!"

Napakapit siya sa mesa sa sunod-sunod na pagsugod nito. Pakiramdam niya ay kakapusin siya ng paghinga. Tila alam na alam ni Kobe ang ginagawa nito. She can vividly feel each thrust of his tongue against her sex, tasting her, savouring all of her.

Kapag nanonood siya ng porn ay napapangiwi siya sa curiousity kung ano ang pakiramdam kapag ginagawa iyon ng lalaki sa babae. Ngayong sa kanya na ginagawa ay naiintindihan na niya ngayon kung ano ang pakiramdam. Weird mang tingnan ay ang kakaibang sarap naman na hatid niyon sa kanya ang mahalaga.

Naipikit ni Billie ang mga mata habang nakaawang ang kanyang mga labi.

"Hmm... aahh..." Napadilat siya at nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman ang dila ni Kobe sa mismong 'cherry' niya. "Oh!" Ngayon naman ay nararamdaman na niya ang tila ipu-ipo sa kanyang puson at ang nalalapit na pagdating ng kaluwalhatian. "Kobe!"

"Hmm?" he murmured between her thighs. Ganado pa rin ito sa ginagawa.

"Faster..." kandaliyo niyang sabi.

Hindi siya papayag na hindi maramdaman ang big 'O' dahil lang dumating na ang delivery. Hindi naman siya nito binigo. Binilisan nito ang paggalaw ng dila nito na parang may hinahabol na oras. Billie can't help but adore him. Siya na naman ang inuuna nito.

She pressed her thighs altogether, trapping him in between. Hindi naman ito nagreklamo. Nagpatuloy lang ito sa pag-angkin sa kanyang kaselanan. Billie fell on her back when she finally had her orgasm. Hinihingal siya. Nanginginig ang kanyang mga tuhod at halos maubos ang kanyang lakas. Gayunpaman, kontento siya at masaya—no, hindi yata sapat ang mga salitang iyon. She felt loved.

Sabay pa silang napalingon sa labas ng kusina nang marinig ang doorbell.

"Ako nang bahala," sabi nito at nginitian siya.

Napabangon naman siya. Hinawakan niya ang mukha nito at pinahid ang ilang butil ng pawis sa noo nito. She kissed his lips and tasted her own saltiness in his mouth.

"Thank you," sabi niya.

Ito naman ang mariing humalik sa kanya.

"The pleasure is mine."

NANG dumating sa bahay nila si Billie ay agad siyang nagpunta sa kusina para hanapin ang kapatid. Naabutan nga niyang nagluluto doon si Ryon. Magtatanghali na rin kasi nang makauwi siya. Gusto ni Kobe na ihatid siya nito pero ipinilit niyang magta-taxi na lang siya. Hinatid na lang siya nito sa sakayan at hindi umalis hangga't hindi siya nakakasakay. Hanggang sa makauwi siya sa kanila ay hindi maalis-alis ang kanyang ngiti dahil dito.

"Hi, Kapatid," bati niya at painosenteng ngumiti.

"Akala ko, nakalimutan mo nang may kapatid na naghihintay sa'yo. Bakit hindi ka man lang tumawag na hindi ka pala makakauwi? Kumain tuloy akong mag-isa kagabi."

"Nakatulog kasi ako kina Tinie," pagsisinungaling niya. "I'm sorry."

"Ano pa nga bang magagawa ko? E nangyari na nga."

"Hindi ka lumabas ng bahay?"

"Wala naman akong gustong puntahan ngayon. Gusto ko sanang yayain si Kobe pero himalang hindi ko ma-contact ang isang 'yon kagabi pa. Kaya kakain na lang ako buong araw. Nabusog pa 'ko."

"Ano 'yang niluluto mo ngayon?"

"Hindi ko nga alam, e. Pinaglalalagay ko lang ang mga tirang pagkain sa kawali. Kung pwedeng makain, saka ko na lang ipapangalan sa 'kin."

Natatawang niyakap niya ang kapatid.

"Kahit ano pa ang maging kinalabasan niyan, kakainin ko pa rin dahil kapatid ko ang nagluto. Magpapalit lang ako ng damit sa taas, ha? Pagbalik ko, tutulungan kita."

"Okay. Sabi mo, e."

Nang makapasok na si Billie sa kwarto niya, ang una niyang ginawa ay tawagan si Kobe. Kabilin-bilinan kasi nito na ipaalam niya rito sakaling makauwi na siya sa kanila.

"Nami-miss na agad kita," salubong nito sa kanya.

Natawa naman siya.

"Ang corny mo na naman!"

"Nakauwi ka ba nang safe?"

"Yep. Nandito lang pala si Ryon sa bahay buong umaga. Natakot umalis ng bahay nang walang maiiwang tao. Ang thoughtful talaga nitong kapatid ko. Kaya ayokong magka-girlfriend siya, e. Ayokong may kaagaw sa kanya."

"Ikaw, wala ka namang kaagaw sa 'kin, e. Sa akin ka na lang."

"Ha-ha. Nakakatawa," pakli niya.

"When can I see you again, Billie?"

"Kahihiwalay pa lang natin, a?"

"I'm serious. Kailan ulit kita pwedeng makita at makasama?"

Well, siya rin naman. Kung siya lang ang masusunod, gusto niyang mamaya ay makita at makasama na niya ito. She missed him, too.

"Manonood ako sa laban ninyo kung wala kaming gig."

"Kung hindi ka makakapunta, ako na lang ang pupunta sa'yo."

Nakagat niya ang ibabang labi. Sobrang atensiyon naman yata itong ibinibigay sa kanya ni Kobe?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top