[6] Belinda's Lover
CHAPTER SIX
ISA-ISA niyang tinanggal ang butones ng kanyang suot at hinawi iyon. Ngayon ay nakahantad na sa mga mata nito ang kanyang dibib. Hindi iyon kasing yaman ng dibdib ng ibang mga babae pero hindi rin naman iyon flat at firm pa. Ngayon lang na-realize ni Billie na may ganoon na siyang nalalaman.
"You are so beautiful, Belinda," pabulong na sabi ni Kobe habang pinagsasawaan ng tingin ang magkabila niyang dibdib.
Nag-init ang kanyang pisngi nang makita kung gaano ito namamangha sa nakikita nito nang mga sandaling iyon.
"Hindi mo naman ako kailangan bolahin, Mister. Pahahawakan ko rin naman ang mga 'to sa'yo kahit sabihin mong walang sinabi ang mga 'to kaysa sa mga nakita mo na... o nahawakan."
Kobe chuckled. Goodness, pati pagtawa nito ay lalong dumagdag sa nag-aapoy niyang pakiramdam.
"I love them just the way they are, sugar." Sinapo nito ang dibdib niya ng isang kamay nito dahilan upang mapaigtad siya at makagat ang kanyang ibabang labi dahil sa sarap. "I love how they feel against my hand."
Pinisil nito ang dibdib niya kaya impit siyang napaungol. Nang marinig niya ang marahang pagtawa nito ay parang gusto niya itong batukan.
"Do you like it?"
Paulit-ulit na hinimas ni Kobe ang kanyang dibdib at sunod-sunod ang ungol na kumawala sa kanyang lalamunan. Nanlaki pa ang mga mata niya nang maramdaman ang mainit na katas na naramdaman niya sa pagitan ng kanyang mga hita. That early, huh.
"I'm sure they feel even better in my mouth."
Mas impit ang naging ungol ni Billie nang sakupin ni Kobe ang isang dibdib niya sa mainit na bibig nito. Napakapit siya sa bedsheet at napaigtad. Pakiramdam niya ay kakapusin na siya ng paghinga. Pero wala naman siyang magawa kundi tanggapin ang mumunting pagpapaligaya nito sa kanya.
Nang lubayan nito ang isang dibdib niya ay nangangapal ang kanyang dunggot dala ng paglaro ng dila nito. Lumipat ang bibig nito sa kabilang dibdib niya at binigyan din iyon ng pantay na atensiyon ni Kobe.
Billie pressed her thighs altogether. She was totally lost under his power. Sakali mang bigyan siya nito ng pagkakataon na tumakbo palayo ay hindi na niya gagawin. Nang lubayan nito ang kanyang dibdib ay nakaramdam siya ng pagtutol. Ayaw niya itong tumigil.
"Alam mong gusto kita pero hindi mo alam kung gaano, Billie," pagkuwan ay sabi nito nang magpantay naman ang kanilang mga mukha. "Gusto kitang angkinin pero hindi kita pipilitin. I badly wanted to be inside you pero wala akong magagawa kung ayaw mo." Kinintalan nito ng halik ang mga labi niya.
"What do you think, Kobe? Mukha bang ayaw ko?" sa halip ay tanong niya.
Dahil kung hindi nito itutuloy ang gusto nitong gawin sa kanya ay 'mapipilitan' siyang gahasain ito.
A victorious smile curved his lips.
"Wala nang bawian. Akin ka na."
Kinintalan siya nito ng halik sa mga labi bago ito lumayo sa kanya at maghubad ng damit. Hindi napigilang sumunod ng tingin ni Billie nang iangat nito ang suot nitong T-shirt kung saan bumalandra sa kanyang mga mata ang matipunong katawan nito.
Nang abutin nito ang pantalon nito ay mabilis siyang kumuha ng unan at itinakip sa kanyang mukha,
"What's wrong?" he asked with a laugh.
"N-nasilaw ako bigla."
"Gusto mong patayin ko ang ilaw?"
"P-pwede?"
Baka sakaling mabawasan ang pagka-tense niya kung hindi na masyadong maliwanag.
"There. Patay na ang ilaw."
Pero lalo lang yatang dumoble ang kaba sa dibdib ni Billie.
"Billie?"
"I'm fine."
Napilitan na rin siyang alisin ang unan sa kanyang mukha. Patay na nga ang ilaw pero ang lamp shade naman ang nakabukas. Huminga siya nang malalim. Kailangan niyang kayanin kung ayaw niyang mabitin.
Nang ituloy ni Kobe ang paghubad sa pantalon nito ay naipikit na naman niya ang mga mata. Bakit daig pa niya ang sinisentensiyahan sa nararamdaman niya?
Nang maramdaman niya ang paggalaw ng kama ay nahigit niya ang paghinga. Nang buksan niya ang mga mata ay si Kobe ang tumambad sa kanya. Ang isang side ng mukha nito ay natatamaan ng liwanag na nanggagaling sa lamp shade. Pinigil niya ang sariling huwag magbaba ng tingin at kung ano pa ang makita niya.
He didn't say anything. He just kissed her passionately. Muli na namang naging sensitibo ang buo niyang katawan. Yumakap siya rito at hinayaang malunod ang sarili sa maiinit na halik nito.
She gasped when his hands reached for her underwear. Sa mga sandaling iyon ay naghalong kaba at excitement ang nangingibabaw kay Billie. Iniangat niya nang bahagya ang kanyang mga binti para maging madali para rito ang alisin ang maliit na sagabal.
Kulang na lang ay tumili siya nang tuluyan iyong mahubad ni Kobe at itinapon sa kung saan.
"Are you ready?" pabulong na tanong sa kanya ni Kobe, ang mainit na hininga nito ay tumama sa kanyang leeg.
Tumango siya sabay pikit ng kanyang mga mata. Nang paghiwalayin nito ang kanyang mga hita ay nakagat niya ang ibabang labi habang pigil ang kanyang paghinga. Now she's going to be his.
NAGISING si Billie dahil sa nakakakiliting paghalik ni Kobe sa kanyang balikat. Nakatalikod siya rito pero nakayakap naman ito sa kanya. Ang isang kamay niya ay nakakulong sa mga palad nito.
"Ano'ng oras na?" tanong niya.
"Madaling-araw pa lang. Sorry kung nagising kita."
"Hindi ka pa natutulog?"
"Nagising ako kaagad, e. I've been watching you sleep."
"Bakit?"
"Para patunayan ko sa sarili ko na hindi nga ako basta lang nananaginip."
Natawa siya at napatihaya para makita nang maayos ang mukha nito sa tulong ng lamp shade.
"Ang corny mo talaga."
"Well, this is the happiest night of my life."
"Ang corny-corny."
"Billie, you were a virgin."
"Napansin ko ngang nagulat ka."
"Talagang magugulat ako. Hindi naman ako ang unang lalaki sa buhay mo."
Nagbuntong-hininga siya.
"Ilang beses na rin akong pinilit ni Aiden na gawin na namin 'to. Ako lang ang may ayaw dahil hindi pa naman ako handa. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit nambababae siya habang kami ay dahil sa frustration niya sa 'kin. Kaya hinayaan ko lang siya. Dahil na rin siguro sa natatakot akong sumbatan niya 'ko na hindi ko siya mapagbigyan sa gusto niya."
"Kung gano'n, bakit..."
"Hindi ko rin alam, Kobe. Hindi ko rin masabi sa'yo. Hindi ko maintindihan sa sarili ko. Ang gulo ko."
Bakit nga ba ganoon lang kadali sa kanya ang isuko ang sarili kay Kobe gayong si Aiden ang boyfriend niya? She tried searching for reasons. Ang alam niya, may iba sa mga halik ni Kobe. He really wanted her and cherished her. Habang si Aiden, pakiramdam niya ay inuuna pa nito ang pangangailangan nito kaysa sa kanya. Kahit gaano kapusok ang ginagawa nitong paghalik sa kanya ay hindi naman nito nagawang gisingin ang kanyang pagkababae. Pero hinahayaan lang niya ito dahil obligasyon niya iyon bilang girlfriend.
"'Wag ka nang malungkot. Hindi naman kita gustong i-pressure." Hinawakan ni Kobe ang kanyang baba at kinintalan siya ng halik sa mga labi. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Masakit pa ba?"
"Hindi na masyado. Okay lang ako."
"Are you sure?"
"Oo nga."
"Kaya mo na ang panibagong round?" may bahid ng ngising tanong nito.
Pinamulahan ng mukha si Billie. Salamat na lang sa dilim at hindi nito iyon mapapansin.
"I think so."
Kumilos naman ito at pumaimbabaw sa kanya. Hinawi nito ang kumot na natakip sa kanya at tumambad na naman sa kanya ang kakisigan nito. Hindi na naiilang si Billie ngayon. Or else, siya rin ang lugi. His manhood is a sight to behold. Wala iyong ibang gustong iparating kundi siguradong kaligayahan sa sino mang babae. At masaya si Billie na naranasan niya iyon sa piling ni Kobe.
Pinaghiwalay ni Kobe ang kanyang mga hita at muli niyang naramdaman ang pagsugod ng matatag nitong sandata. Napaigtad siya at napayakap dito. Ang akala nga niya ay hindi niya ito makakaya kanina pero naging matiyaga si Kobe sa kanya. Kahit first time niya ay hindi siya minadali ni Kobe. Siya ang inuna nito hanggang sa masanay na siya sa laki nito.
"Masakit pa rin ba?" tanong nito.
"Hindi na masyado. Kaya ko 'to," paninigurado naman niya.
Wala na siyang ibang gusto nang mga sandaling iyon kundi ang muling maranasan ang kakaibang kaligayahan sa piling nito. Nang dahan-dahang gumalaw si Kobe sa ibabaw niya ay napaungol siya.
"Kobe..."
"You are so tight."
"You like it."
"I love it."
"Pwede mo bang bilisan?"
"Kailangan mong kumapit," he teased.
Hinigpitan naman niya ang yakap dito. At binilisan nga ni Kobe ang mga pag-ulos sa loob niya. Nagsimula na namang makaramdam ng pagkaliyo si Billie. Hindi niya kailanman inakalang ganoon katindi ang pakiramdam na maangkin. Ang akala niya ay nagiging OA lang si Tinie kapag sinasabi nitong halos himatayin ito kapag nagsi-sex ito at si Jake. Ang akala niya ay dala lang ng acting ang mga reaksiyon ng babae sa porn videos na pinapanood niya.
Ngayong siya na mismo ang nasa sitwasyon ay parang gusto na niyang himatayin. Siguro nga ay likas na malakas ang kanyang resistensiya.
"Kobe..." she moaned.
"I am here, Billie," sagot nito sa namamaos na tinig.
Oh, yes. He's here, inside her, a strong man that he is—claiming her and loving her like how a woman should be.
"Kobe..."
Iminulat niya ang mga mata at sinalubong ang mga labi niya ng mga labi nito.
"Tell me what you want," he whispered between kisses.
"Just you... oohh..."
Lalong binilisan at diniinan ni Kobe ang mga pag-ulos nito sa loob niya.
"I'm... I'm.... malapit na 'ko..."
"Don't worry. Nandiyan na 'ko."
At hindi naman siya binigo nito. Sa mga sumunod na pag-ulos nito ay sinakop siya ng matitinding sensasyon na parang ipu-ipo sa kanyang kaibuturan. Halos mawalan siya nang malay nang marating niya ang sukdulan. Habol ang paghingang bumagsak ang kanyang likod sa kama. Patuloy pa rin ang paggalaw ni Kobe sa ibabaw niya. Naunahan na naman niya ito. Siya na naman ang inuna nito.
Hindi naman nagtagal at naramdaman niya ang pagsabog nito sa loob niya. Hapong-hapo ito na bumagsak sa ibabaw niya at ang mukha nito ay isinubsob nito sa kanyang leeg.
Niyakap ito ni Billie. Nakapa pa niya ang mumunting butil ng pawis sa malapad na likuran nito.
"Pasalamat ka at hindi ako fertile. Hindi ka obligadong panagutan ako kung sakali," biro niya.
"Hindi mo kailangang mabuntis para panagutan kita. Kung pwede nga lang kitang pakasalan ngayon, e," sagot naman nito at hinalikan ang leeg niya.
"Ang corny-corny-corny mo talaga," napahagikhik na sabi niya.
NAUNANG magising si Billie. Dahan-dahan niyang inalis ang braso ni Kobe na nakayakap sa kanya at bumangon. Kahit na masakit ang ibabang bahagi ng kanyang katawan ay hindi niya iyon alintana. Nakita niya ang pulang mantsa sa bedsheet. Wala siyang pinagsisisihan sa nangyari. At nakakatuwang may fulfillment siyang nararamdaman.
Bumaba siya ng kama at nanghalungkat sa mga gamit ni Kobe. Kailangan niyang mag-shower. Kailangan niyang mapreskuhan.
Hindi niya ma-imagine kung sakaling pinayagan niya dati pa na mangyari sa kanila ni Aiden. Maybe it would feel different. Siguro ay hindi rin siya magiging masaya lalo na at ang mahalaga lang naman kay Aiden ay ang pangangailangan nito.
Nang lumabas siya ng banyo ay tulog na tulog pa rin si Kobe. Hinawi niya ang kurtina. Napaungol naman ito nang matamaan ng liwanag ang mukha nito.
"May balak ka pa bang bumangon?"
"Depende kapag katabi kita."
Inirapan naman niya ito. Napatihaya si Kobe at bumalandra na naman sa mga mata niya ang katawan nito. Mas masarap pala itong pagmasdan kapag maliwanag na maliwanag.
"Kailangan ko na yatang umalis. Baka kung ano nang iniisip ng kapatid ko dahil hindi ako nakauwi kagabi."
"Dito ka lang muna. Ako ang mag-e-explain sa kanya."
Tinaasan ito ng kilay ni Billie.
"Tatawagan ko na lang ang kapatid ko. At ikaw, bumangon ka na at mag-shower."
Lumabas siya at pumunta sa sala para ligpitin ang mga kalat nila kagabi. Pabalik na sana siya sa sala matapos ilagay sa basurahan ang mga lata ng beer nang makarinig siya ng doorbell. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa pinto at sa kwarto ni Kobe. Sa huli ay pinuntahan niya ito sa kwarto para ipaaalam na may bisita ito.
"Kobe?"
Narinig niya ang lagaslas ng shower.
"Yes?"
Sumilip ito. His hair was already wet with water. Katatapos lang niyang maligo pero nakakaramdam yata siya ng init.
"M-May tao yata sa labas."
"Pwede bang ikaw na lang ang magbukas?"
"Ha?" gulat na aniya. "Baka kung sino ang nasa labas at ano ang isipin niya kapag nakita ako."
"I'm sure you won't mind ano man ang isipin nila," he said with a grin.
"S-sige, bubuksan ko na."
"Thank you." Kinindatan pa siya nito bago ito bumalik sa shower.
d
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top