[5] Belinda's Lover

CHAPTER FIVE

"HINDI ka naman siguro hahanapin ni Ryon?"

"Hindi. Maaga pa naman, e. Ayaw lang naman n'on na nagpapagabi ako."

"I can tell him na magkasama tayo."

"'Wag," maagap niyang sabi kaya napatingin naman ito sa kanya saglit.

"Ayaw mong malaman niya? Alam niyang magkaibigan din tayo."

"Ah, e, ayoko naman siyang mag-isip ng kung ano."

"May problema ba kung mapalapit ako sa'yo? Sa tingin ko naman, wala."

"I'm still in a relationship with Aiden." Nag-iwas siya ng tingin. "Kobe, huminto ka!"

Na ginawa naman nito. Salamat sa seatbelt at hindi siya humalik sa dashboard. Pero hindi iyon inalintana ni Billie.

"What's wrong?"

Hindi sumagot si Billie at sumilip sa labas ng bintana. Sa hulihan ng hinintuan nila ni Kobe ay isang motel at nakita niyang tuluyang pumasok doon si Aiden at ang kasama nitong babae. Mabilis siyang bumaba ng kotse at sinundan ito. Naabutan niya ito sa reception's desk pero hindi siya nagpakita rito. Tama nang hindi nga siya namamalik-mata lang. Kung kukomprontahin niya ito, ano ang sasabihin niya? She's not even ready to talk to him.

"Billie, halika na." Mula sa likuran niya ay hinila siya ni Kobe pabalik sa sasakyan.

Walang imik na sumunod siya rito.

"Okay ka lang?"

"Nakita mo rin 'yon, 'di ba?" nakatungong tanong niya.

"I'm sorry for that," pero hindi naman apologetic ang tono nito. Binuksan na nito ang pinto ng kotse. "Tutuloy pa ba tayo?"

Tumango-tango siya at tahimik na sumakay.

IMBES NGA lang na sa mall sila magpunta ay huminto ang sasakyan ni Kobe sa parking lot ng isang condominium.

"Bakit dito tayo nagpunta, Kobe?" tanong niya nang pareho na silang makababa.

"We can still watch a movie in my unit. Besides, kung may balak ka mang umiyak, ako lang ang makakakita."

Hindi alam ni Billie kung paano niya nakuhang tumawa sa kabila ng nangyari.

"Puro ka talaga kalokohan."

Nakangiting iniabot ni Kobe ang kamay nito sa kanya. Tinanggap naman niya iyon at mahigpit nitong pinisil ang palad niya.

"Ilang babae na ang dinala mo rito sa condo mo?" tanong niya.

"Ikaw pa lang."

"Ilang babae na ang nasabihan mong siya pa lang ang nadadala mo rito?"

Kunot ang noo pero nakangiting sinulyapan siya ni Kobe. Humarang ito sa harap niya at paatras na naglakad.

"Nagsasabi ako ng totoo. Ikaw pa lang ang dinadala ko rito."

Natampal naman niya ito sa dibdib. Sa hindi na naman niya maipaliwanag na rason ay hindi niya kinayang salubungin ang mga titig nito.

Billie sat comfortably on the sofa.

"Ang ganda naman nitong unit mo. Mahal siguro ang pagkakabili mo, 'no?"

"Maswerte lang siguro ako. Kinuha akong endorser ng kompanyang nagpatayo nitong building. Itong unit ang isa sa mga compensation na natanggap ko."

"Iba na talaga ang sikat at gwapo, e, 'no?"

A boyish smile curved his lips. Tuloy ay nakalimutan niyang kailangan pa nga pala niyang ipagluksa ang kabiguan niya kay Aiden. Umupo naman si Kobe sa tabi niya.

"Gusto mong umiyak? Now's the perfect time."

"Oh, no," she groaned, sabay hilamos sa kanyang mukha.

"Hindi mo naman kailangang mahiya. Ako lang 'to."

"I'm hurt but I really don't feel like crying right now."

"Mahal mo siya, 'di ba?"

"Oo nga pero likas nang babaero si Aiden. It was the first time I caught him pero alam ko namang hindi 'yon ang unang beses na nakipagkita siya sa ibang mga babae."

"At hinahayaan mo lang siya?" salubong ang kilay na tanong nito.

"Dahil ayoko namang mag-away kami dahil do'n. I don't want to sound like a nagging wife. Naisip ko lang kasi, magbabago rin naman siya kapag naging mag-asawa na kami."

"So you even see yourself ending up with him?"

"You see, I don't have an ideal man. Kung sino ang boyfriend ko, malamang na siya na nga 'yong makatuluyan ko."

Napasandal ito sa backrest at idinantay ang isang braso sa likuran niya.

"Dapat kang magpasalamat sa 'kin."

"Dahil?"

"Dahil ako ang magliligtas sa'yo sa kapalaran mo."

"Okay?" kunot ang noong aniya.

"I'll make sure you fall in love with me. I'll make sure you realize that you deserved the best. You should be treated like a princess, Billie."

"Ang corny mo, Kobe, grabe. Pero bakit ako? I'm boring."

"You're not like the ordinary."

Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Is that a compliment?"

"Of course."

"Thank you. Kapag feel ko nang umiyak, pwede ba kitang tawagan?"

"Pwede ring hindi na 'ko umalis sa tabi mo para hindi mo na 'ko kailangang tawagin." He leaned towards her. "I really like you, Billie. Kung kailangan kong hingin ang kamay mo kay Ryon, gagawin ko. Gusto kitang ligawan."

Napalunok si Billie sa pagtatama pa lang ng mga mata nila.

"K-Kobe, sa totoo lang hindi pa rin ako naniniwala sa'yo."

"I don't expect you to. Kaya nga manliligaw ako para lang patunayan sa'yo na malinis ang atensiyon ko."

"Para mo na 'kong ate, Kobe."

"Halata ba? Hindi naman, 'di ba?"

"I'm in a complicated relationship."

"I will wait for you."

"You're unbelievable!"

"And handsome."

"Nakakagigil ka."

"Matagal ko nang alam 'yon."

"Ginugulo mo lalo ang utak ko. Nakakaloka ka," sabi niya sabay tampal sa kanyang noo.

Kinuha naman nito ang kamay niya at ikinulong sa kamay nito.

"At least, nalaman kong iniisip mo na rin pala ako ngayon."

"Ang corny mo."

"I'll get some food para—"

"Pwede bang mamaya na lang?" sansala naman niya. "Dito ka na lang muna."

"Kung 'yan ang gusto mo." Pinisil ni Kobe ang kanyang kamay.

Tumagilid siya ng upo at inihilig ang ulo sa braso ni Kobe. Ngayon ay malinaw pa niyang nakikita ang mukha nito.

"Iiyak ka na ba?" tanong nito.

"Mamayang kaunti pa."

Natawa naman ito. Hinawakan nito ang kanyang baba.

"Iiyak na 'yan..."

Kunwari ay umirap siya.

"Shut up." She pulled his face so that their lips would touch.

Hindi naman siya nabigo rito dahil agad na gumalaw ang mga labi nito upang sakupin ang mga labi niya. Tuluyan nang nawala sa isip ni Billie si Aiden.

"NAKIALAM na 'ko sa mga gamit mo, ha? Sana okay lang," sabi niya kay Kobe nang balikan niya ito sa kusina. Nagpaalam kasi siya rito na gagamit ng banyo at nanghalungkat na rin siya sa mga gamit nito.

Naabutan niya si Kobe na naghahanda ng mga inumin na beer at tsitsirya sa kusina.

"No problem," sagot nito na hindi lumilingon sa kanya. Busy pa rin kasi ito sa paghalungkat sa ref nito.

Sumandal naman siya sa mesa at pinagmasdan ang matatag na likuran nito.

"Magkano kaya ang isisingil mo sa 'kin kapag nadumihan ko 'to? Your clothes are all branded. Isang piraso pa lang, isang pamilya na yata ang mapapakain sa loob ng isang buwan."

"Sobra ka," natawang sabi nito at nilingon siya. "Mga galing sa sponso—" Hindi na naituloy ni Kobe ang sasabihin dahil napatitig na lang ito sa itsura niya. "Wow." Hinagod siya nito ng tingin nang paulit-ulit pa.

"B-bakit?" nautal na tanong niya dala na rin ng pagkailang na naramdaman.

Sinuot lang naman niya ang isa sa mga polo shirt nito na umabot sa kalahati ng kanyang hita. Sa ilalim niyon ay naka-panty na lang siya.

"You look good in my shirt." Isinara nito ang pinto ng ref at nilapitan siya.

"Sinasabi mo lang 'yan para hindi ko dumihan 'tong damit mo," pabirong pakli niya.

Hinapit siya nito sa beywang at idinikit sa katawan nito. Hayun na naman ang pamilyar na pagpa-party ng mga hormones niya dahil sa pagkakadikit nilang dalawa. He was looking at her with admiration, desire, and amusement—like she was the most beautiful woman he had ever seen.

"You look beautiful, Billie," paanas na sabi nito at hinalikan siya ilalim ng kanyang tenga.

Napakislot at napaigtad si Billie dahilan upang lalo siyang hapitin ni Kobe.

"The most beautiful?"

"The most beautiful."

Napaawang ang kanyang mga labi nang maglandas ang mga labi nito sa kanyang leeg. Para siyang napapaso na nakikiliti. Gusto ba nitong mawala siya sa katinuan?

And when he inhaled her scent, parang may kung anong siniliban sa kaibuturan ni Billie.

"K-Kobe..."

Kobe claimed her lips in a passionate way. Ang pagtutol niya ay agad na naglaho. Tinugon niya ng kasing pusok ang mga halik nito at kumapit sa mga balikat nito.

Naputol lang ang maalab nilang halikan nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Naiwan ko sa sala ang phone ko," sabi niya at mabilis itong iniwan.

SI RYON ang tumatawag. Kinalma muna niya ang sarili bago sinagot ang tawag. Lumapit siya sa glasswall at tumanaw sa kalangitan. Napansin niyang kumagat na ang dilim.

"Ryon."

"Anong oras ka uuwi, Ate?"

"H-hindi ko alam, e. Bakit?"

"Magpapa-deliver na lang ako ng dinner natin. Ano ang gusto mo?"

"Um, s-siguro ikaw na lang ang bahala. Ikaw naman ang magbabayad, 'di ba?"

"Oportunista ka talaga, Ate," reklamo naman ng kapatid niya.

"Bakit? Akala mo ba hindi ko alam na nadagdagan na naman ang endorsements mo? Kaya wala kang dahilan para pagdamutan ang kapatid mo."

"Plano ko ngang bumili ng kotse sa paycheck ko."

"Naks naman!" kantiyaw niya. "Kaya proud na proud ako sa'yo, e. Pero 'wag ka munang mag-aasawa, ha? Hindi pa 'ko yumayaman, e. Kailangan ko pa ng tagasustento sa 'kin."

"Mag-asawa ka na lang kaya ng basketball player?" sabi nito na ikinasamid niya.

"Mukha na ba 'kong kailangang mag-asawa?"

"Hindi naman. Pero mabuti na rin 'yon dahil hindi rin naman ako boto sa boyfriend mo, e. Wala talaga akong tiwala sa isang 'yon. Ano. Ipapakilala kita sa mga teammate namin ni Kobe?"

"No need!" maagap na sabi niya.

"Mahal mo pa rin ang lalaking 'yon? Ikaw na talaga," napalatak pang anang kapatid niya.

Hindi naman talaga iyon ang dahilan. Ayaw niyang makipagkilala sa iba dahil mas gusto niya si Kobe kaysa sa mga mas matanda sa kanya.

"I have to go, Ryon. Magte-text na lang ako kung pauwi na 'ko."

"Bye, Ate. Ingat ka."

Nang humarap siya sa sala ay nagulat pa siya nang nandoon na si Kobe at ang mga pagkain na kakainin nila.

"Si Ryon?" tanong nito nang lapitan niya ito.

"Oo. Tinatanong niya kung anong oras daw ako uuwi."

"Ihahatid naman kita sa inyo."

"Baka mag-isip ng kung ano ang kapatid kong 'yon."

"Hayaan mo siya. Kilala naman niya 'ko, e." Naupo ito. Pagkatapos ay hinila siya nito sa kamay kaya napaupo siya sa kandungan nito.

Kumuha naman si Billie ng isang canned beer at binuksan iyon. Ibinigay niya iyon kay Kobe.

"Uminom tayo."

"Sure."

Ikinuha rin niya ng beer ang sarili at uminom.

"HINDI mo na 'ko maihahatid pauwi," wika ni Billie matapos tipunin ang mga lata ng beer na naubos nila.

Hindi pa naman sila lasing pero hindi pa rin safe kung magmamaneho pa si Kobe. Ang panonood nila ng movie ay hindi na naituloy. Nakuntento na lang sila sa pagkukwentuhan at paghaharutan kung hindi man sila naghahalikan.

"Gusto mo bang dito na lang matulog?" tanong nito sa kanya.

"Ikaw. Gusto mo bang dito na lang ako matulog?"

"I want you in my bed, Billie. Tell your brother you'll stay with me tonight."

Kinurot naman niya ito sa tagiliran.

"Sana hindi na lang ako pumayag na mag-inuman tayo. Wais ka rin, e."

Nginisihan lang siya ni Kobe at kinintalan ng halik sa mga labi. Yumakap siya sa leeg nito at tinugon ang mga halik nito. Pinangko siya ni Kobe at naglakad nito nang hindi napuputol ang halik na pinagsasaluhan nila. Wala nang pakialam si Billie kung saan siya nito dalhin. Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa mga halik nito.

Napaungol siya kasabay ng paglalapat ng kanyang likod sa malambot na bagay. Wala nang ibang maisip nang mga sandaling iyon si Billie kundi kung gaano kasensitibo ang lahat ng bahagi ng kanyang katawan. She wanted his touch to explore her. She was already consumed with her wanting for him. Alam niyang ganoon din ang nararamdaman ni Kobe. Nararamdaman niya sa mga halik nito sa kanya.

Naramdaman niya ang isang kamay nito sa isang dibdib niya na ikinasinghap niya. Hindi iyon inaasahan ni Billie. Kahit may nakaharang pang tela ay ramdam niya ang pagtigas ng kanyang dunggot dahil sa ginawa nito.

"Oohh..." she gasped in surprise when he squeezed it.

Mas gusto niya kung walang nakaharang na tela sa balat niya.

2

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top