[12] Belinda's Lover

CHAPTER TWELVE

HINDI makapaniwala si Billie nang makita si Aiden sa labas ng bahay nila. Bumaba siya ng taxi matapos bayaran ang driver. Agad na napatayo si Aiden mula sa pagkakasandal nito sa hood ng sasakyan nito nang makita siya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya.

"Kailangan nating mag-usap, Billie. Billie, magkaayos na tayo, please. I love you."

Tinangka siya nitong hawakan pero mabilis siyang lumayo rito.

"Aiden, hindi pa 'ko handang kausapin ka. Pwede bang umalis ka na?"

"Hindi ko kayang hindi ka makita. Ipinagpalit mo na ba 'ko?"

"Bakit? Ayaw mo?"

"Ano ba namang klaseng tanong 'yan? Ako ang boyfriend mo, 'di ba? Kaya hindi mo 'ko pwedeng ipagpalit sa iba!"

"Hindi kaya fair lang na ipagpalit din kita sa iba? Kahit naman noong okay pa tayo, ilang beses ka na ring sumama sa ibang babae, 'di ba?"

Sa sinabi niya ay halatang natigilan si Aiden.

"Pero pinapalampas ko lang lahat ng 'yon kasi ayokong sumbatan mo 'ko na kasalanan ko dahil ayokong pagbigyan ang gusto mo," patuloy niya. "Napapagod din naman ako, Aiden. At nagsasawa na rin ako. Kahit ilang beses mo pang sabihin sa 'kin na mahal mo 'ko, parang mahirap pa ring ibalik ang dati. Alam mo, sa tingin ko, wala na ngang patutunguhan ang relasyon nating 'to."

Hinaklit siya ni Aiden sa braso.

"Is there someone else, Billie?" matalim ang tinging tanong nito.

"Bitiwan mo 'ko, Aiden."

"Meron ba?"

Napangiwi si Billie nang dumiin ang pagkakahawak nito sa braso niya.

"This has nothing to do with someone else," sabi naman niya. "Problema natin 'tong dalawa kaya 'wag mo 'kong tatanungin kung meron pang iba. Kung nagdesisyon man akong makipaghiwalay sa'yo, 'yon ay dahil pagod na 'ko at hindi 'yon dahil nakahanap man ako ng iba. Bitiwan mo 'ko!"

"Hindi ako papayag, Billie. I won't let you go that easily!"

"Nakita kita minsan, alam mo ba? Meron kang kasamang babae at nagpunta kayong motel. Kung tatanungin mo 'ko kung bakit hindi kita nilapitan, dahil 'yon sa pinili kong 'wag na lang. Minabuti kong magpanggap na lang na wala akong nakita."

Ang matalim na tingin nito sa kanya ay naging maamo.

"Billie, alam mo namang ginagawa ko lang 'yon kasi ayokong pilitin ka sa bagay na ayaw mo. Hindi ko mahal si Gwynette. Napilitan lang akong samahan siya para hindi na kami mag-away ni Mommy."

"At hanggang ngayon, wala ka pa ring paninindigan pagdating sa Mommy mo. Sunod-sunuran ka pa rin sa gusto niya. At ang tanga ko dahil hindi ako nakipaghiwalay sa'yo noon pa!"

"Bitiwan mo ang kapatid ko!"

Sa isang iglap ay nakawala siya sa pagkakahawak ni Aiden nang bigla na lang dumating si Ryon at sinuntok ito. Bumagsak sa lupa si Aiden.

"Ryon!" gulat na sambit ni Billie.

"Bakit ka pa lumalapit sa kapatid ko? Hindi ka na ba makontento sa mga babae mo kahit na kayo pa? Ang kapal din ng mukha mo, a?" galit na singhal ni Ryon kay Aiden na sinisikap namang makatayo.

Napalakas yata ang pagkakasuntok dito ng kapatid niya dahil pumutok ang mga labi ni Aiden.

"Alam mo, Ryon?" hindi makapaniwalang tanong niya sa kapatid.

"Nahuli ko ang hayop na 'yan na may kahalikan sa bar noong isang linggo. Hindi ko sinabi sa'yo kasi ayokong sumama ang loob mo at binalaan ko na lang ang lalaking 'yan na 'wag nang magpapakita sa'yo pero hindi siya nakikinig. Ang kapal pa ng mukha niyang magpakita sa'yo."

"Hindi na uli siya lalapit sa 'kin. Tapos na 'kong magpakatanga sa kanya," malamig na sabi naman niya.

"Billie, no!" protesta naman ni Aiden. "Ipaglalaban na kita sa pamilya ko. Magpakasal na tayo. Please, Billie. Magpapakatino na 'ko, pangako 'yan."

"Umalis ka na kung ayaw mong magpatawag pa 'ko ng pulis, Aiden," sa halip ay sabi ni Billie.

Sarado na ang isip at puso niya sa mga walang kwenta nitong paliwanag. Hindi na nito mababago ang katotohanan na hindi na uli siya magpapaloko rito.

"ATE, I'M sorry."

"Sorry saan?" tanong naman niya habang nilalapatan ng yelo ang namamagang kamay ng kapatid ni Ryon.

"Dahil hindi ko sinabi sa'yo ang kalokohang pinaggagagawa ng lalaking 'yon. Ayoko lang naman na masaktan ka, e. I'm really sorry."

"Alam mo, siguro nga naging blessing-in-disguise pa na hindi mo sinabi sa 'kin 'yon. Baka kasi imbes na masaktan, baka binale-wala ko lang 'yon. Alam ko namang matagal na niya 'kong niloloko pero nagbubulag-bulagan lang ako. Mukhang mali yatang umasa ako na magbabago pa si Aiden."

"Sana naman hindi ka na makipagbalikan sa kanya. Sisiguraduhin ko na hindi ka na niya magugulo. Hinding-hindi na uli siya makakalapit sa'yo."

"Hindi na 'ko makikipagbalikan sa kanya. Mas matatahimik na 'ko kung ako na lang muna ngayon. Siguro makakahinga na rin ako nang maluwag kahit papaano. Maraming salamat. Ang akala ko, mahihirapan akong makipaghiwalay sa kanya. Mabuti na lang kapatid kita."

"Sinaktan ka ba niya?"

Tiningnan niya ang brasong bahagyang namamaga dahil sa pagkakahaklit sa kanya ni Aiden kanina.

"Wala 'to kumpara sa pamamaga nitong kamay mo. Makakapaglaro ka ba nang maayos nito?"

"Okay lang 'to. Bukas, mawawala na rin ang pamamaga."

"Sa'n ka ba nanggaling kanina at nasa labas ka?" pag-iiba niya.

"Nakipagkita ako kay Ara. Dinadamayan ko kasi siya sa kabiguan niya kay Kobe." Natawa pa si Ryon sa huling sinabi.

"Gustong-gusto mo talaga siya, 'no?"

"Well, yes. Sa tingin ko nga nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Ewan ko ba ro'n kay Kobe at hanggang kaibigan lang ang tingin niya kay Ara. Na kay Ara naman na ang lahat. Pero sinabi kasi n'on sa 'kin na may iba na raw siyang gusto."

Sumikdo naman ang dibdib ni Billie.

"Sinabi ba ni Kobe sa'yo kung sino 'yon?"

"Hindi nga, e. Ewan ko ba sa isang 'yon. May pa-suspense pang nalalaman. Ang sabi niya, sana raw suportahan ko siya kapag ipinakilala na niya sa 'kin ang babaeng gusto niya."

Napalunok naman si Billie.

"Bakit mo naman natanong, Ate?"

"W-wala naman. Naisip ko lang kung ano ba ang mga tipo niyang babae at hindi niya nagustuhan si Ara."

"Walang sinabi ang standards ko sa standards ng isang 'yon," natawang ani Ryon.

"TUMAWAG si Aiden sa 'kin kahapon. Kumbinsihin daw kita na makipagbalikan na sa kanya dahil magbabago na raw siya. Ang kapal talaga ng apog ng lalaking 'yon," napailing na wika ni Tinie habang mini-make up-an na siya nito sa maliit na backstage sa fountain area.

"At ano ang sinabi mo?"

"E di sinabi kong lubayan ka na niya. Hindi ka na masaya sa kanya at nakakita ka na ng lalaking mas higit pa sa kanya."

Nanlaki naman ang mga mata ni Billie.

"Sinabi mong may nakita na 'kong—"

"Of course, I'm just kidding!" natawang sansala naman ni Tinie. "Sinabi ko lang na kailangan niyo nang maghiwalay ng landas dahil wala nang pupuntahan ang relasyon niyo at sana irespeto niya ang desisyon mo."

Nakahinga naman siya nang maluwag.

"Ikaw talaga, Tinie, grabe ka rin. Pero tingin mo ba, hindi na niya ipagpipilitan ang sarili niya sa'kin?"

"Diyan naman ako hindi sigurado. Hangga't walang lalaking umaaligid sa'yo, iisipin lang ni Aiden na meron pa siyang pag-asa sa'yo."

"So ano'ng gusto mong palabasin?"

"Gawin mo nang boyfriend si Kobe. Gawin mo nang opisyal ang relasyon ninyo."

"Tinie, naman. Alam mo namang hindi 'yon gano'n kadali, 'di ba? Baka mabigla si Ryon."

"E ano naman ngayon?" napameywang na ani Tinie. "Mabibigla nga siya pero sa umpisa lang naman 'yon. Matatanggap niya rin 'yon, eventually. Magkaibigan sila ni Kobe at sigurado akong susuportahan kayo ni Ryon. Mahal ka ng kapatid mong 'yon, e."

Nasapo naman ni Billie ang noo.

"Tinie, sinasabi mong gawin kong rebound si Kobe! Hindi ba magiging unfair ako sa kanya? Napakabuti niyang tao para gawing panakip-butas lang. Hindi ko 'yon kayang gawin sa kanya," mariing sabi niya.

"Pero iyon lang ang paraan para tantanan ka na ni Aiden," giit naman ni Tinie.

"Hindi ko pa rin kaya."

"Are you falling in love with Kobe, Billie?"

Nanlaki lang ang mga mata ni Billie pero hindi siya nakapag-react. Hindi niya alam ang sasabihin. Para siyang na-corner sa sinabi nito.

"Hindi ko alam, Tinie."

"Kailangan mong alamin, Billie. Kung hindi mo naman pala siya kayang mahalin, mas mabuti pang 'wag mo na lang siyang paasahin. If he does not deserve you, he deserves someone worth of his love. Ayaw mo naman siguro siyang magaya sa'yo na nagsasayang lang ng panahon sa isang taong hindi naman siya kayang mahalin nang totoo, 'di ba?"

Hindi naman siya tumugon. Tama naman kasi ang mga sinabi ni Tinie. Pero bakit isipin pa lang niyang hindi na niya makakasama si Kobe ay tutol ang kalooban niya? Para bang hindi niya kakayanin kung makita niya itong masaya sa piling ng iba?

"ATE, GUTOM na kami!"

Napalabas ng kusina si Billie nang marinig niya ang boses ni Ryon. Pero ang mga mata niya ay napadako sa nakasunod dito na si Kobe. Ang simpleng presensiya nito ay nakakamanghang nakapagpasaya sa kanya.

Pasado alas sais na nang makauwi ang mga ito galing sa practice at katatapos lang din niyang magluto.

"Kumusta kayo?" nakangiting tanong naman niya.

"Okay lang naman."

"You look good," sabi naman sa kanya ni Kobe.

Kaswal lang naman ang pagkakasabi nito niyon sa kanya pero nakakatuwang nakaramdam siya ng pagka-conscious.

"Alam ko namang kailangan ko nang mag-shower kaya hindi mo na 'ko kailangang bolahin," pakli naman niya.

"Sa'n galing naman 'tong mga 'to?" tukoy ni Ryon sa mga pagkain at souvenirs na itinambak niya sa sofa. "Don't tell me galing ang mga 'to kay Aiden?"

"Hindi, 'no. Galing 'yan sa mga fans namin. Nagkaroon kasi kami ng on-the-spot signing ng mga album sa backstage kanina," natawang sagot niya.

"E di ikaw na ang sikat." Kumuha ito sa isa sa mga chocolate. "Pahingi, ha?"

"Mamaya mo na lang kaya kainin 'yan? Kakain pa tayo, e. Baka mawalan ka ng gana niyan," saway naman niya rito.

"Isa lang, promise." Binalingan nito ang kaibigan. "Gusto mo?"

"Mas gusto kong kumain ng luto ni Billie."

Napatikhim si Billie para itago ang saglit na pagkabulabog ng kanyang sistema nang ngumiti sa kanya si Kobe.

"Aakyat lang ako sa taas para mag-shower. Kayo na muna ang bahala rito."

"Uubusin ko 'tong mga pagkain mo."

"Subukan mo lang," banta naman niya bago tumalikod.

NAKATAPIS lang ng tuwalya si Billie nang lumabas siya ng banyo. Tumungo siya sa kanyang closet at naghanap ng maisusuot. Isinara niya iyon. Napatili pa siya nang makita si Kobe sa likuran niya.

"Kobe, ano'ng ginagawa mo rito?" nanlalaki ang matang tanong niya.

"Para makita ka. Nagpaalam ako kay Ryon na gagamit ng banyo."

"Naligaw ka, gano'n?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.

"Nandito ka, e," nakangising sagot naman nito. "Na-miss kita."

"Gano'n kabilis?"

"Hindi ba pwede?" Hinapit siya nito sa beywang at siniil siya ng halik sa mga labi.

"Na-miss din kita." Kumapit siya sa mga braso ni Kobe at tinugon ang mga halik nito.

Ngayong magkadikit na naman ang kanilang mga katawan ay gumapang na naman ang pamilyar na init sa kanyang sistema.

"Dito na lang ako magsya-shower. Pwede bang samahan mo 'ko?"

"Kobe," saway naman niya rito.

"Ano'ng masama?"

"Baka hanapin ka ni Ryon."

"Hindi niya 'ko hahanapin. Pustahan tayo, napasarap na 'yon sa pakikipag-usap kay Ara sa phone. Besides, kailangan pa nating pag-usapan ang tungkol sa inyo ni Aiden. Sinabi sa 'kin ni Ryon na nakipaghiwalay ka na raw sa kanya."

"Kung pwede lang na ayoko munang pag-usapan 'yan sa ngayon. Magulo pa ang utak ko."

"Kaya hindi mo 'ko kinausap tungkol dito kahapon?"

"Ayaw lang naman kitang madamay. Please, Kobe. 'Wag na muna natin 'yang pag-usapan ngayon."

"Wala ba talaga akong halaga sa'yo?" Halata ang lungkot sa boses nito.

Pakiramdam tuloy ni Billie ay tila kinukurot ang puso niya.

"'Wag ka namang ganyan," pakiusap niya. "Pati ba naman tayo magkakaproblema?"

"Hindi mo 'ko mapipigilang mag-alala sa'yo," katwiran naman nito.

"I know. At nagpapasalamat ako sa'yo dahil do'n. Sasamahan na kitang mag-shower para mabawasan na ang tampo mo sa 'kin." Kinintalan niya ng halik ang mga labi nito. "Okay na ba 'yon, ha, Kobe?"

"Gusto ko 'yon."

Nginitian naman niya si Kobe at hinila ito pabalik sa banyo.

"Ang daldal talaga ng kapatid kong 'yon," sabi niya matapos hubarin ang tuwalya at isampay iyon sa kinasasabitan ng kurtina.

"Magkaibigan kami kaya natural lang na magkwento siya sa 'kin tungkol do'n."

Nang tuluyang maghubad ni Kobe ang natitirang saplot nito sa katawan ay tumayo na ito sa ilalim ng dutsa.

,'X+1t;

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top