[11] Belinda's Lover

CHAPTER ELEVEN

"WHAT ARE you doing?"

Saglit na nilingon ni Billie si Kobe nang pumasok ito ng kusina. Abala siya sa paghahanda ng mga sangkap para sa ulam na lulutuin niya.

"Ipagluluto ka."

"Tama ba ang naririnig ko? Ipagluluto mo 'ko?"

"Para sabihin ko sa'yo, ang swerte mo dahil bihira na lang akong magluto ngayon."

Niyakap siya nito mula sa likuran.

"Si Aiden ba, ipinagluto mo?"

"Hindi pa."

"Sa three years na naging kayo?"

"Lagi naman kasi kaming sa labas kumakain. Ayoko rin naman na nasa isang lugar kami nang kami lang dahil madalas ay nagiging agresibo siya. Gusto niyang merong mangyari sa 'min. At—"

"Kalimutan mo na lang na nagtanong ako," putol ni Kobe at hinalikan siya sa pisngi. "Gusto ko na hindi muna natin pag-usapan ang ibang tao. Okay lang ba 'yon?"

"Nauna ka kaya."

"Ano naman ang lulutuin mo?" pag-iiba nito.

"Hindi ko pa nga alam, e. Pagsasama-samahin ko na lang 'tong mga ingredients at titingnan ko na lang kung ano ang magiging kinalabasan. Kakainin mo pa rin naman, 'di ba?"

"Kapag sumakit ang tiyan ko, ikaw talaga ang kakainin ko."

Pinaharap siya nito at idinikit ang katawan nito sa kanya kaya napadikit siya sa mesa.

"Baka hindi na naman ako makaluto nito, ha," kunwari ay sita niya.

"Okay lang naman sa 'kin kung magpa-deliver na lang tayo, e."

"No. Ipagluluto kita. Kapag hindi mo nagustuhan," tumingkayad siya at inilapit ang mukha niya sa mukha nito, "papayagan kitang kainin ako." Sa sinabi ay napabungisngis siya.

Saan ba niya napupulot ang mga kalokohang iyon?

"Sinabi mo 'yan, ha?" napangising sabi naman nito at hinawakan ang kanyang baba. "Kapag hindi ko nagustuhan, ikaw ang kakainin ko. Pero kapag nagustuhan ko, gagawin kitang dessert."

Pinanlakihan ito ng mga mata ni Billie at ilang sandali pa ay natawa siya.

"Okay, we have a deal." Kinintalan pa niya ng mga halik ang mga labi nito.

"Pa'no kung gawin na rin kitang appetizer habang hindi ka pa nakakaluto?"

Billie groaned.

"Ang dami mo talagang naiisip na kalokohan."

"Please say 'yes'."

She sighed in surrender.

"Okay. Basta magluluto na muna ako. Para siguradong may makain tayo."

Sineryoso naman ni Kobe ang sinabi niya dahil tinulungan siya nito. Hindi tuloy niya masabi kung likas lang ba talaga itong magaling na assistant o gusto lang nitong magpa-impress sa kanya.

NAGSIMULANG kumulo ang niluluto ni Billie habang siya naman ay kanina pa mainit. Kobe was taking her from behind. Ang T-shirt nitong suot niya ay nakataas hanggang dibdib niya. Naibaba na rin ang suot niyang underwear. Ang isang kamay ni Kobe ay nasa dibdib niya habang ang isang kamay nito ay nasa cherry niya.

Ang mga kamay niya ay nakakawit naman sa mga batok nito. Sa totoo lang ay hindi madali ang posisyon nilang iyon. Kinailangan niyang tumingkayad at lumiyad para makagalaw ito nang maayos sa kanyang likuran at madala siya sa kaluwalhatian.

"Aahh... Kobe..."

Pakiramdam ni Billie ay mas mabilis niyang maabot ang kaluwalhatian dahil ang pagkalalaki at kamay nito ang tumatrabaho sa kanya.

"Sabihin mo lang sa 'kin kung nahihirapan ka sa posisyon mo," sabi naman nito sa pagitan ng mga pag-ulos.

"No, I'm fine. Just go on—aahh. Malapit na rin ako," tugon niya.

Pero bigla na lamang nag-ring ang cellphone niya na nasa ibabaw ng kitchen table. Sandali siyang nagbalik sa katinuan. Si Kobe naman ay patuloy lang sa pag-ulos sa loob niya.

"Teka lang muna," awat niya rito.

Inabot niya ang kanyang cellphone at nagulat siya nang makita niyang si Tinie ang tumatawag. Hinawakan niya sa braso si Kobe bilang senyales na huminto muna ito.

"T-Tinie..."

"Babe, nasa'n ka? Samahan mo naman akong maglakwatsa ngayong araw. Pumunta tayong mall. Manood tayo ng movie."

"Tinie, hindi yata ako pwede ngayon," napakagat-labing ani Billie.

"At bakit?" napataas ang boses na tanong ni Tinie kahit na hindi naman ito galit. "Nasa'n ka ba ngayon? Nasa bahay ka ba ninyo? Susugurin kita riyan."

"Nasa labas ako."

"Kasama si Aiden? Oh, I know na! Monthsary niyo ngayon, 'di ba? Lumambot na naman ang puso mo sa lalaking 'yon? Ikaw talaga, Belinda!"

Nagbuntong-hininga naman si Billie.

"No, Tinie. I'm with Kobe. Kami ang magkasama."

"Hindi nga?" gulat na anang kaibigan niya. "Ano naman ang ginagawa ninyo?"

"Kailangan ko talagang sabihin sa'yo?"

"Oo. Curious ako, e!"

"Kung ako sa'yo, si Jake na lang ang yayain mo—" Malakas na napasinghap si Billie at napatakip sa kanyang bibig nang biglang gumalaw si Kobe sa likuran niya. Hinawakan niya ang braso nito at kinurot para patigilan ito pero hindi naman ito huminto.

"Are you okay, Billie?"

"Y-yes, Tinie..." Napakapit siya sa isang braso ni Kobe at napasandal dito para kumuha ng suporta. "Pwede bang mamaya na lang tayo, um..." Nakagat ni Billie ang ibabang labi. "M-mag-usap. I'll call you kapag hindi na 'ko busy ngayon. I'm really—uh—sorry."

Hindi na niya hinintay na makatugon si Tinie at binabaan ito ng cellphone. Ibinalik niya iyon sa mesa at nagbuntong-hininga.

"Nakakainis ka," aniya kay Kobe.

"What?" painosenteng tanong naman nito.

"Baka kung ano ang isipin ni Tinie sa ginagawa natin kapag narinig niya 'ko ."

"May ginagawa naman talaga tayo, 'di ba?"

"At okay lang sa'yo na malaman niya?"

"May masama ba ro'n?"

"Kobe," hindi makapaniwalang sambit niya sa pangalan nito.

"I'm sorry. Just let me make it up to you."

Hinugot nito ang sandata nito sa loob niya at pinaharap siya rito. Isinandal siya ni Kobe sa kitchen counter at maalab siyang hinalikan. Iniangat nito ang kanyang suot hanggang sa itaas ng dibdib niya. Sunod naman nitong iniangat ang kanyang binti at inalalayan ang likuran ng kanyang tuhod.

Muling tinangkang ipasok ni Kobe ang sandata nito sa loob niya. Para hindi na ito mahirapan ay hinawakan niya ang matigas at tayong-tayo nitong alaga at itinutok iyon sa bukana ng kanyang bulaklak. Lumiyad siya para tuluyan itong makapasok nang husto sa loob niya. Pareho silang napaungol nang tagumpay na mag-isa ang kanilang mga katawan.

"I love you," he whispered. "So much."

Ungol naman ang tugon ni Billie at yumakap dito. Iginiling niya ang kanyang balakang para ipahiwatig na gusto niyang mahal siya nito.

"HI, TINIE. Sorry kung binabaan kita kanina," ani Billie nang tawagan niya si Tinie.

Nagpunta siya ng kwarto ni Kobe para magpalit ng damit habang ito naman ang siyang nahanda ng mesa. Sinamantala na niya ang pagkakataon na tawagan ang kaibigan.

"Mabuti naman at tinawagan mo 'ko. You have an explaining to do, Billie."

"I know. And I'm really sorry. Wrong timing naman kasi ang pagtawag mo, e." Wala sa loob na nakagat niya ang kuko.

"Pa'no namang naging wrong timing 'yon?"

"E kasi..." Sa sobrang kalituhan kung paano magsasabi ng totoo sa kaibigan ay natawa na lang siya. "Hindi ka maniniwala, Tinie."

"Para kang baliw."

Lalo siyang natawa.

"Siguro nga nababaliw na 'ko." Naupo siya sa kama. "Nasa kitchen kami ni Kobe kanina nang tumawag ka at... at..." Mariin siyang napapikit. "Well, may ginagawa kami."

"Ano'ng ginagawa niyo?" litong tanong naman ng kaibigan niya.

Nakagat niya ang ibabang labi.

"Kung ano'ng ginagawa niyo ni Jake."

"'Yong ginagawa namin ni—ohemgee!" Nai-imagine na niya ang panlalaki ng mga mata ni Tinie. "May nangyayari na sa inyo? Kayo na ba?"

"H-hindi pa naman. Actually, hindi ko maipaliwanang nang malinaw ang mga pangyayari. Parang ang bilis, Tinie, e. Hindi ko ma-explain. Ewan ko ba. Basta natagpuan ko na lang ang sarili ko na may nangyayari na sa 'min."

"You mean it's not the first time?"

"No. May nangyari na sa 'min noong sinamahan mo 'kong makipagkita sa kanya. At noong araw ring 'yon, hindi ka maniniwala pero nakita namin si Aiden na pumunta sa isang motel kasama ang isang babaeng hindi ko kilala. Masamang-masama ang loob ko at si Kobe ang nandoon para samahan ako. He was so thoughtful. At ibinigay ko ang sarili ko sa kanya."

"May feelings ka na ba para sa kanya?"

"I don't know. I'm not sure. Pero sinabi ni Kobe na mahal niya 'ko. At masaya ako sa kanya. Hindi ko lang alam kung sapat na bang rason iyon para sabihing mahal ko na nga rin siya."Billie sighed in frustration. "Hindi ko alam ang gagawin ko, Tinie."

"Madali lang naman 'yan, e. Makipaghiwalay ka na kay Aiden and be with Kobe. E ano naman ngayon kung hindi mo pa mahal si Kobe? Mahuhulog din ang loob mo sa kanya. Sa isang lalaking katulad niya? Hindi 'yan mahirap mahalin, ano." Impit pa itong napatili. "Is he good?"

Namula naman ang kanyang mukha.

"Kulang ang salitang 'good', Tinie. Kaya hindi ako nakakaramdam ng panghihinayang na ibinigay ko ang sarili ko sa kanya. Pero hindi 'yon madali para sa 'kin. Kilala mo naman si Aiden. May pagka-stubborn 'yon. Pa'no ako makikipaghiwalay sa kanya nang hindi ipinagpipilitan ang gusto niya?"

"Kilala rin kita. Aminin mo man o sa hindi, mas stubborn ka. You should know what you really want, Billie. Kapag 'yon ang ipinagpilitan mo, I don't think may magagawa pa si Aiden maliban sa sundin ang desisyon mo. Trust me, Babe. Kapag nagawa mo 'yon, mahahanap mo na rin ang totoong makakapagpasaya sa'yo."

"Okay," pabuntong-hiningang sabi naman niya. "Tama ka nga riyan, Tinie. Maraming salamat, ha?"

"Walang anuman! Ikaw pa ba?"

"Kaya rin ako tumawag kasi hindi alam ni Ryon na kami ni Kobe ang magkasama. Ang sabi ko sa kapatid ko, lumabas tayong magkasama. Hindi rin kasi alam ni Ryon ang tungkol sa 'min ni Kobe."

"What? At ako pa talaga ang dinahilan mo, ha!" gulat na anito. "So kailan mo balak sabihin sa kanya ang tungkol sa inyo?"

"Hindi ko rin alam. Isa rin 'yon sa mga problema ko. Kaya pwede bang pagtakpan mo na lang muna 'ko?"

"Finally. Hindi na masyadong boring ang buhay mo," ani Tinie at nakakalokong tumawa.

"Boring pala ang tingin mo sa 'kin all this time?"

"Hindi naman, konti na lang. Pakibati na lang si Kobe para sa 'kin, ha? At pati na rin pala kay Kobe Junior," at nakakaloko pa itong tumawa.

"Puro ka talaga kalokohan. Mag-usap na lang tayo mamaya pag-uwi ko, ha? Thank you talaga, Tinie."

"Pasalamat ka talaga at kaibigan mo 'ko. Enjoy, Babe! Bye!"

"THIS IS very good. Kasing sarap ng luto ni Mommy."

Hindi masabi ni Billie kung binubola lang ba siya ni Kobe pero tuwang-tuwa talaga siya sa reaksiyon nito. Sarap na sarap ito sa pagkain ng niluto niyang pininyahang manok.

"Huwag ka. Baka biglang sumakit ang tiyan mo bigla."

"Talagang sasakit ang tiyan ko sa sobrang busog."

Nilagyan niya ng kanin ang pinggan nito.

"Kung gano'n, kumain ka pa nang marami para lumakas ang resistensiya mo para sa dessert mamaya," makahulugan niyang sabi.

"Gagawin ko talaga 'yon. At ikaw rin, siyempre." Inilapit nito sa kanya ang kutsara nito. "Kumain ka."

Nagsalubong ang kilay ni Billie pero sandali lang iyon. Napailing na lang siya nang kainin ang isinubo nito.

"Good girl."

Kunwari ay umasim ang kanyang mukha sa itinawag nito sa kanya. Nagulat pa siya nang muli siya nitong sinubuan.

"Kaya ko nang kumain, okay? Baka ikaw naman ang hindi makakain."

"E di subuan mo rin ako."

"Manigas ka."

Nang matapos silang kumain ay nakontento na lang silang manood ng TV.

"Kailan ang next gig ninyo?" tanong ni Kobe habang nakahilig siya sa matipunong dibdib nito.

"Hindi ko alam kung meron kaming gig this weekend pero bukas, meron kaming mall tour kasama ng mga artista. May laro ba kayo bukas?"

"Wala pero meron kaming practice bukas. Pwede tayong mag-dinner after ng mall tour ninyo. What do you think?"

Napaayos naman siya ng upo.

"Kobe, gusto mo ba talaga akong masanay?"

"May masama ba ro'n?"

"Hindi ako pwedeng masanay. Sa sitwasyon ko ngayon, hindi ako pwedeng maging girlfriend mo. Naiintindihan mo naman ako, 'di ba?"

"Ayaw mo ba talaga o pinipigilan mo lang ang sarili mo?"

Natahimik siya sa tanong nito. Kinapa niya ang sariling damdamin. Sigurado siyang hindi niya ayaw dahil kung siya lang ang masusunod, gusto niyang palagi na lang silang ganoon ni Kobe.

Kaya pinipigilan na lang niya ang sarili. Baka makalikha lang ng gulo kung patuloy niyang uunahin ang pansarili niyang kaligayahan. Iyon nga lang, hirap din siyang pigilan ang sarili niya. Dahil kahit na alam niyang mali, natatagpuan pa rin niya ang sariling masaya sa mga bisig ni Kobe.

"Billie?" Hinawakan ni Kobe ang kanyang baba at hinuli ang kanyang mga mata.

"E kung samahan mo na lang kami ni Ryon na mag-dinner bukas? Nagtampo kasi siya sa 'kin noong hindi ako umuwi dahil dito ako nagpalipas ng gabi. Ipagluluto ko kayong dalawa."

"Sige na nga. Payag ako. Kaysa naman hindi kita makasama, pagtiya-tiyagaan ko na lang si Ryon."

Natawang kinurot niya ito sa tagiliran.

"Kung makapagsalita ka, parang hindi kayo magkaibigan."

"Biro lang," natawang bawi naman nito.

tG 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top