48
MALALAKAS na katok sa pinto ang gumising kay Yuri. Bumangon siya at nagkakamot ng ulong binuksan ang pinto. Nawala ang antok niya nang makita si Shelley na nakatayo sa kanyang harapan.
Malawak ang pagkakangiti ni Shelley na tila ba nakakita ng isang masarap na pagkain. Bigla ay nagkaroon ito ng matinding pagnanasa sa lalaking kaharap na halos hubo't hubad sa suot nitong manipis na puting brief. Matagal na rin siyang tigang magmula nang lumayas sa bahay niya si Carlo.
"Anong ginagawa mo rito?" asik ni Yuri kay Shelley. Iniharang niya ang katawan sa pintuan para hindi makapasok ang bisita.
"Papasukin mo muna ako para doon tayo mag-usap sa loob."
Wala nang nagawa si Yuri nang tabigin siya ni Shelley at diretso itong pumasok sa loob ng apartment.
"Ano na naman ba ang kailangan mo? Tapos na ang obligasyon ko sa'yo. At wala na akong balak na magpagamit pang muli sa mga kabaliwan mo," matigas niyang sabi sa baklang bisita.
Misteryoso ang pinakawalang ngiti ni Shelley. "Alam mong hindi totoo 'yan, Yuri. Binayaran kita. Pero wala pang matinong resulta ang pinagagawa ko sa'yo. Palpak ka kasi!"
"Kaya nga! Palpak ako kaya 'wag mo nang asahang gagawin ko pa ang gusto mo."
"Paano naman ang ibinayad ko sa'yo? Malaking pera din 'yon, Yuri. Hindi ganoon kadaling kumita ng pera."
"Puwes, magalit ka na kung gusto mo. Magwala ka na hanggang impiyerno, pero wala ka nang mababawing pera sa akin. Ubos na 'yon!"
Humalakhak si Shelley na ikinagulat ni Yuri. "Madali naman akong kausap, alam mo 'yan. Puwede mong ibalik sa akin ang halagang ibinayad ko sa'yo, sa ibang paraan," malanding sabi ng bakla tapos ay kumindat pa ito sa kausap.
"Walanghiya ka talagang bakla ka! Hindi mo na magagamit ang katawan ko kahit kelan!"
Umarko ang kilay ng bakla. "Wala ka namang magagawa kapag ginusto ko. What Shelley wants, Shelley gets..." Binuksan nito ang dalang handbag at dinukot ang kung ano."
Nanlamig ang buong katawan ni Yuri nang ilabas ni Shelley ang isang baril at itutok sa kanya.
"Napakadali mo namang makalimot, Yuri. Ginawa ko na 'to sa'yo dati, 'di ba? Pero kung noon ay hanggang tutok lang, ngayon ay ipuputok ko na ito makuha ko lang ang gusto ko," pagbabanta pa nito sa lalaki. "Ngayon, i-lock mo ang pinto," utos niya kay Yuri habang nakatutok pa rin dito ang baril.
Nag-aalangang sinunod niya ang utos ni Shelley.
Dahan-dahang lumapit ang bakla kay Yuri. Hindi pa rin nito inaalis ang pagkakatutok ng baril. Anumang oras ay handa si Shelley na iputok ito kung kinakailangan.
Nang makalapit kay Yuri ay idiniin ni Shelley ang dulo ng baril sa dibdib ng lalaki.
Mula dibdib ay pinagapang ni Shelley ang baril paikot sa dibdib ng binata. Nang magsawa sa dibdib ay pinadausdos niya iyon pababa papunta sa gawing pusod nito. Pinaikot-ikot ni Shelley ang dulo ng baril sa pusod ni Yuri. Halos hindi humihinga ang lalaki sa nadaramang kaba. Paano kung biglang pumutok ang baril?
Hindi pa nakuntento si Shelley at isinuksok niya ang baril sa garter ng brief ni Yuri. Tapos ay pilyang sinilip ang bahaging nakatago sa loob ng brief.
Napangiti si Shelley sa nakita. Inaasahan na niya iyon dahil ilang beses na ba niyang natikman ang lalaking gustong-gusto niyang matikman ulit ngayon.
"Hubad!" utos niya kay Yuri.
"What the fuck? Stop this nonsense, Shelley," pagkontra ng lalaki sa gustong mangyari ng bakla.
"Sabi ko, hubarin mo ang brief na suot mo," matigas niyang sabi. Wala siyang balak na ipagpaliban ang init niyang nararamdaman. Itinapat niya ang baril sa noo ni Yuri.
"You're sick!"
Humalakhak ang bakla. Tila tuwang-tuwa pa ito sa sinabi ng lalaki. "Ngayon mo lang ba nalaman?"
Napailing na lang si Yuri. Paano pa ba niya mapipigilan ang baklang ito?
"Maghubad ka na, naiinip na ako!" Tumalim ang tingin ni Shelley sa kausap.
Unti-unting ibinaba ni Yuri ang suot niyang brief. Sanay siyang makipaglandian kung kani-kanino pero nakakainis rin pala kung ganitong napipilitan ka lang na gawin ang katulad nito.
"Bilisan mo! Ang bagal mong kumilos." Hinila na nito ang kanyang brief at tuluyan na ngang nahubad hanggang sa kanyang binti. Nalantad sa mga mata ng bakla ang bahaging tinatakpan kanina ng kapirasong telang iyon.
Parang baliw na sinibasib ni Shelley ng halik ang hubad na katawan ni Yuri habang nakatutok pa rin ang baril sa lalaki. Tila wala na ito sa sariling katinuan. Basta ang mahalaga na lang para rito ay mailabas nag nararamdamang init ng katawan.
Kumokontra man ang isip ay wala namang magawa si Yuri kung hindi pabayaan na lang ang bakla sa ginagawa nito sa kanyang katawan. Paano ba niya magagawang tumanggi kung ang dulo ng baril na hawak nito ay nakatutok sa kanya at maaaring pumutok sa isang munting pagkakamali.
Ngayon ay nakaluhod na si Shelley sa kanyang harapan at tila nasaniban ng kung anong elemento na sumasamba sa kanyang pribadong bahagi. Ang mga ungol na lumalabas sa mga labi nito ay tila orasyong hindi niya maintindihan ang kahulugan.
Napapikit si Yuri sa nararamdamang sensasyon. Totoo nga na ang iba ang reaksyon ng katawan sa sinasabi ng utak. Kahit ayaw ng kanyang isip, hindi magsisinungaling ang kanyang katawan na nagugustuhan nito ang ginagawa ni Shelley.
"Humiga ka sa sofa!" utos sa kanya ng bakla.
Noon tila natauhan si Yuri. Imbes na sundin ang sinabi nito ay bigla niyang itinulak ang bakla kaya napahiga ito sa sahig ng salas. "Hindi!" Mabilis na tumalikod si Yuri para tumakbo papalabas ng silid.
"Hayup ka!" Mabilis na itinutok ni Shelley ang baril sa nakatalikod na lalaki at bago pa ito nakalabas ng apartment ay pumutok na ang baril.
Isang bala ang naglagos sa likod ni Yuri at duguan siyang bumagsak sa sahig.
Nang mga oras na iyon ay papalabas naman ng kanyang tinutuluyan si Carlo at dinig na dinig niya ang putok ng baril na sa tingin niya ay nagmula sa isa sa mga apartment sa palapag na iyon.
Hindi pa siya natatagalang mag-isip ay nakita naman niyang nagmamadaling lumabas si Shelley sa apartment ni Yuri. Hawak pa rin nito ang baril.
Nanlaki ang mga mata ni Carlo. "Shelley!" tawag niya rito.
Nagulat din ang bakla nang makita siya. HIndi siguro nito inaasahan na may saksi sa ginawa niya kay Yuri.
"Anong ginawa mo kay Yuri?"
Itinutok ng bakla ang baril kay Carlo. "Huwag kang makikialam!" Habang naglalakad siya papalapit sa hagdanan ay hindi niya inaalis ang pagkakatutok ng baril sa dating nobyo. Nang marating ang hagdan ay mabilis siyang nagtatakbo pababa para takasan ang ginawang krimen.
Agad na tinakbo ni Carlo ang apartment ni Yuri. Naiwan pa nga ni Shelley na bukas ang pintuan nito kaya nakita niya sa labas pa lang ang nakahandusay na hubo't hubad na katawan ng lalaki.
"Yuri!" Walang pagdadalawang-isip niya itong nilapitan at tiningnan ang pulso nito. Nang matiyak na humihinga pa ang lalaki ay kaagad niya itong binuhat para maisugod sa ospital. Nakasalubong pa niya ang kanyang kasera kaya hindi na siya nag-atubiling humingi ng tulong rito. "Tulungan mo ako, tumawag ka ng taksi!"
Naguguluhan man at natataranta ay nagtatakbo pa rin pababa ng building ang babae para tumawag ng taksing magdadala kay Yuri sa ospital.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top