18

"BAKIT HINDI ka makasagot? Tinatanong kita, gaano mo kamahal si Anton?" pag-uulit ni Jairus.

Natawa si Jason. "Anong meron? Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?"

"Walang nakakatawa sa tanong ko. Gusto kong malaman ang sagot mo," sabi ni Jairus sa mahina pero madiin na boses.

"Siyempre, mahal na mahal. Nakita mo naman siguro dati kung paano ko siya pilitin na mapapayag siyang maging kami. At sa maikling panahon na magkasama kami, nakita mo naman siguro kung paano ko siya mahalin."

"Mabuti kung ganoon. Sinisiguro ko lang..." Iyon lang at iniwan na niya si Jason na nagtataka pa rin kung bakit siya nagtanong ng ganoon.

Inubos ni Jason ang laman ng baso at pagkatapos ay bumalik na rin siya sa kuwarto.

"Ang tagal mo namang bumalik," reklamo ni Anton.

"Grabe naman. Saglit lang akong nawala, na-miss mo na ako kaagad."

"Maligo ka na, para makatulog na tayo..."

"Opo..." Kumuha siya ng malinis na underwear sa drawer at agad na pumasok sa banyo. Ilang sandali lang naman ay lumabas na rin siyang fresh at mabango.

Tinuyo niyang mabuti ang kanyang buhok bago siya humiga sa kama. Si Anton naman ay abala pa rin sa cellphone nito.

"Ano ba kasing ginagawa mo diyan? Kanina ka pa diyan." Inagaw nya ang cellphone at in-offf. "Matulog na tayo." Mablis siyang  bumangon para patayin ang ilaw sa kuwarto at saka muling bumalik sa higaan.

SI SHELLEY ay kanina pa naghihintay sa pagdating ni Carlo. Naiinis na siya. Saan na naman kaya nagpunta ang lalaking iyon? Nakakailang tawag na rin siya rito pero hindi naman nito sinasagot ang telepono. Sa inis ay muli niyang kinontak si Yuri.

"Anong problema?" bungad sa kanya ng lalaki nang sagutin nito ang cellphone.

"Bakit alam mong may problema?"

"Eh, tinatawagan mo lang naman ako kapag may problema ka. Iyong dyowa mo na naman ba?"

"Ano pa nga ba!"

"Ikaw, eh. Kung ako na lang ba ang dyinodyowa mo kaysa diyan sa Carlo na 'yan... wala ka sanang problema ngayon. Kasi alam mong trip na trip kita. Hindi kita ipagpapalit kahit kanino pa."

"Gago! Hindi kita tinawagan para magpaahas sa'yo. Gusto kong malaman kung kelan mo ako mabibigyan ng ebidensya ng panloloko ni Carlo. Kailangan ko ng litrato, video o kahit anong solid na ebidensya."

"Huwag kang mainip, darating tayo diyan. Tinatrabaho ko na ang request mo. At sisiguruhin kong kapag ibinigay ko na 'yun sa'yo, special delivery talaga. Walang kawala ang lalaki mo."

"Naiinip na ako..."

"Relax ka lang... Huwag kang masyadong excited. Ipapakita ko sa'yo kung paano ka lokohin ni Carlo." Tumawa pa nang malakas si Yuri na lalong nagpataas sa level ng pagkayamot ni Shelley.

"O, siya! Ang dami mong daldal, kulang ka naman sa gawa. Basta ibigay mo agad sa akin ang kailangan ko. Kung ayaw mong pati ang premyong gusto mo ay hindi mo rin makuha." Pinindot na niya ang end call bago pa makasagot ang kausap niya.

Inis na inis si Yuri. Pakiramdam niya, siya na ang hinihingan ng pabor pero siya ang parang namamalimos ng atensyon kay Shelley. Hindi naman yata puwede ang ganoon. Kapag may kailangan ang baklang ito, siya lagi ang tinatawagan. Kapag may ipagagawa, siya ang inuutusan. Bakit siya pa ang tila lumalabas na may utang na loob kay Shelley?

Nagsindi ng sigarilyo si Yuri, humithit, at pagkatapos ay ibinuga ang usok sa hangin. Ilang hithit buga pa ang ginawa niya habang iniisip kung paanong diskarte ang gagawin para maibigay niya ang hinihingi ni Shelley at makuha na rin niya ang premyong gustong-gusto niyang makuha.

"SAAN KA na naman galing?" salubong na tanong ni Shelley kay Carlo nang dumating ito sa bahay.

Mukhang nakainom si Carlo. Hindi niya sinagot si Shelley. Tinapunan lang niya ng tingin ang kinakasamang bakla.

"Bingi ka ba? Tinatanong kita!" Lumapit pa siya kay Carlo.

"Hindi ka ba nagsasawa sa katatanong? Wala ka na talagang gagawin kundi alamin ang bawat ginagawa ko?" Naamoy ni Shelley ang amoy tsikong hininga ng lalaki.

"Hindi! Hanggang hindi ka nagtitino, hindi ako magsasawang bantayan ka. Anino akong susunod saan ka man magpunta. Naiintindihan mo?" Muling umatake ang pagkahisterikal nito. "Saan ka uminom? Sinong kasama mo?"

"Hindi ako uminom," tanggi niya.

"Huwag mo akong gawing tanga. Amoy na amoy ko ang alak sa hininga mo! Sinong kasama mong nagpakasaya, si Anton na naman?" Humarang siya sa dadaanan ni Carlo.

"Tsss... Tigilan mo nga ako. Puro ka hinala, wala ka namang mapatunayan." Tinabig niya si Shelley. "Padaan nga!"

Sumunod pa rin si Shelley kay Carlo hanggang sa kuwarto. "Sino nga ang kasama mo?!" nanggagalaiting tanong niya. Kulang na lang ay saktan niyang muli ang lalake kung hindi lang niya inaalala na baka pagbuhatan siyang muli nito ng kamay.

Hinarap ni Carlo ang bakla. "Wala akong kasama, okay? Uminom lang akong mag-isa. Nagpalipas lang ako ng oras para sana pagdating ko rito, tulog ka na. Para wala na akong marinig na sermon. Para hindi ko na marinig ang boses mo dahil binging-bingi na ako sa'yo. Sawang-sawa na ako. Naiintindihan mo?" Titig na titig siya sa kausap.

"Ayusin mo ang ugali mo kung ayaw mong makatikim ng hindi magandang salita sa akin." Hindi nagpatalo si Shelley. Kayang-kaya niyang makipagtitigan kay Carlo kahit buong magdamag pa.

"Ano bang gusto mo, ako? Eto?" Biglang kinabig ni Carlo si Shelley at mariing hinalikan sa labi. Marahas ang mga halik niya. Mas nang-aangkin kaysa nagmamahal. Puno ng pagnanasa, hindi pag-ibig.

Walang pakialam si Shelley sa klase ng halik na binibigay ni Carlo. Buong giting niyang tinapatan ng katumbas na dahas ang mapang-angkin nitong mga labi. Ipapakita niya kay Carlo kung ano ang kaya niyang gawin na maaaring hindi magagawa ni Anton. Ang pesteng si Anton! Si Anton na lagi na lang nakapagitna sa kanilang relasyon.

Ang halik na nag-umpisang marahas ay unti-unting naging banayad. Napuno ng mahihinang mga ungol ang buong silid. Ang mga damit na kanina lang ay nakabalot sa kanilang mga katawan ay nagkalat na ngayon sa sahig. Para na silang mga bagong silang na sanggol na hubo't hubad. Iyon nga lang, ang kanilang ginagawa ay hindi gawain ng mga walang malay na sanggol kundi ng mga taong naglulunoy sa kamunduhan at tawag ng laman. At nang humupa ang init ng mga katawan, naglaho na rin ang naipong galit ni Shelley. Basta masaya na siya ngayon dahil muli niyang naabot ang langit sa piling ng mahal na mahal niyang si Carlo.

Nakangiting pinagmasdan ni Shelley ang hubo't hubad na katawan ni Carlo na nakalatag sa sahig. Sa tindi ng namuong pagnanasa, hindi na sila umabot sa kama. Nakatitig sa kisame si Carlo habang humihingal pa rin ito sa pagod. Paminsan-minsan ay ipinipikit nito ang kanyang mata kasabay ang paghinga nang malalim.
Naramdaman ni Carlo na gumagapang ang mga kamay ni Shelley sa kanyang dibdib. Pinabayaan lang niya ito. Maya-maya ay bumaba ang kamay nito sa kanyang puson papunta sa parteng mas mababa pa roon.

Sinulyapan ni Carlo ang katalik at nakita niya sa mga mata nito ang hindi pa nauubos na libog. Inilabas niya ang kanyang dila at ipinaikot sa kanyang labi para akitin ang bakla.

Napasinghap na lang sa hangin si Carlo nang kumilos si Shelley at simulan nito ang second round.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top