12

"SABAY BA tayong uuwi mamaya?" tanong ni Jason kay Anton na kausap nito sa telepono.

"I'll be out for a client meeting. Plano ko sana dumiretso na ng uwi pagkatapos ng meeting," paliwanag ni Anton.

"Ah, ganoon ba? Sige, ingat ka. I love you."

"I love you, too." Ibinaba na niya ang telepono nang nakangiti. Jason has always been this sweet. Lagi nitong ipadarama sa kanya na importante siya. Ang swerte niya talaga kay Jason. Ang swerte-swerte niya.

Tiningnan niya ang kanyang relos, mag-aalas dose na. Kailangan na niyang umalis. Ala-una ang usapan nila ng kliyente niya. Ayaw niyang ma-late sa usapan. Baka bigla pang mainip iyon at mag-walkout.

Kinuha niya ang kanyang portfolio at nagbilin sa katrabaho, "May client meeting ako. I'll see you all tomorrow." Mabilis na naglakad na siya patungo sa elevator.

Paglabas niya ng building ay agad siyang pumara ng taxi. Laking gulat pa niya nang pagsakay niya ay kasunod niyang sumakay din si Carlo.

"Anong ginagawa mo rito? Bumaba ka nga!" singhal niya sa lalaki.

"HIndi ako bababa. We need to talk," madiin na sagot ni Carlo, tapos ay bumaling ito sa driver. "Manong, abante na. Ako nang bahala rito."

Mabilis na pinatakbo ng tsuper ang sasakyan.

"May client meeting ako. Huwag mong sabihin na hanggang doon ay bubuntot ka sa akin," pagtataray ni Anton sa dating nobyo.

"Maghihintay ako hanggang matapos ang miting mo." Desidido si Carlo na huwag magpatalo. "Hindi na ako papayag na hindi tayo makapag-usap."

"May dapat pa ba tayong pag-usapan? Matagal na tayong tapos. Tinapos mo na. Hindi ba?" Napansin niyang sumisilip sa rear-view mirror ang driver. "Manong, sa kalsada ang tingin."

"Kaya nga bumabalik ako. Aaminin ko, nagkamali ako nang iniwan kita. I'm sorry. Patawarin mo na ako and let's start anew." Parang lang itong batang nakikipagbati sa nakaaway na kalaro.

"Tang ina naman, Carlo! Ano tayo naglalaro? 'Pag ayaw mo na, ayawan na. Kapag nasa mood ka na, laro ulit?" Muling pinansin ni Anton ang driver. "Manong, saan ba tayo pupunta? Sa Eastwood po tayo."

"Hindi mo kasi sinabi kaagad, ser. Inuna mo pang makipagtalo diyan sa katabi mo," katwiran ng driver.

Hindi na sumagot pa si Anton. Aminado naman siyang kasalanan niya kung bakit hindi alam ng driver kung saan sila pupunta.

"Now, makikipag-usap ka na ba sa akin?" Hindi talaga maawat ang kakulitan ni Carlo. Parang katapusan na ng mundo para rito kung hindi nito makakausap si Anton.

"No! Busy ako at wala rin tayong dapat pang pag-usapan," matigas niyang sagot. "Can't you see? May boyfriend na ako. Pinalitan na kita. And it's just being fair because I know na matagal mo na rin akong pinalitan. Ang lagay eh, ikaw lang ang puwedeng maging masaya?"

"Mag-usap nga kasi tayo. I'm willing to leave Shelley, basta bumalik ka lang sa akin. Magsimula tayo ulit."

"Shelley pala ang pangalan. Wow! You really have mastered the art of dumping people, huh? Ang kapal-kapal ng mukha mo," singhal ni Anton kay Carlo. Nanggigigil na siya rito. Kung puwede nga lang niyang sapakin ang gagong ito ay baka kanina pa namamaga ang pagmumukha nito.

Eh, ba't ayaw mong sakalin? Anong pumipigil sa'yo? Ang utak niya ay tila nanunudyo.

"Stop it, Carlo. Walang mangyayari sa pangungulit mo. Kung ano mang meron tayo, tapos na 'yon. It's over! Kaya please lang, para sa ikatatahimik ng mga buhay natin, tigilan mo na ang kabubuntot sa akin. Tigilan mo na rin ang pagpunta mo sa bahay. You are not welcome there anymore!"
***
"JASON! BAKIT 'di mo kasama si Anton?" bungad ni Jairus nang makita niyang mag-isa itong dumating sa bahay.

"May miting daw siya, eh. Sabi niya diretso uwi na siya after ng miting kaya dito ko na lang siya hihintayin," sagot nito. "Akyat lang muna ako sa kuwarto, magbibihis."

Pagkatapos magbihis ay sumalampak sa kama si Jason at binuksan ang laptop. Nag-log in siya sa kanyang facebook account. Saglit siyang nag-browse at tumingin-tingin sa mga new post doon. Isang picture ang kumuha ng kanyang atensyon. Litrato iyon ni Xaira, ang kanyang ex-girlfriend. Sa larawan ay masaya itong kasama ang mga kaibigan sa Baguio City, habang nakasuot sila ng Igorot costume. Mukhang naka-move on na ito mula sa break up nila. Wala ni katiting na lungkot sa mukha nito. Sabagay, dalawang buwan na rin ang nakakaraan mula nang maghiwalay sila. Ang babaw nga ng dahilan ng kanilang paghihiwalay. Space. She needed space. Eh, ba't 'di na lang siya pumunta sa outer space? Siguradong ang laki ng space roon.

Jason clicked the like button. Hindi pa nakuntento, nag-comment pa siya sa litrato: "Forever beautiful..."

Ilang litrato pa ni Xaira ang nakita niya at ni-like rin. Hanggang sa antukin siya at nakatulog.

Hindi na niya namalayan ang pagdating ni Anton.

Maingat na pumasok sa silid si Anton nang makita nitong natutulog si Jason. Ang laptop ang agad tumawag sa atensyon niya. Kinuha niya ito at ipinatong sa study table na nasa isang sulok ng kuwarto. Io-off sana niya ang laptop nang makita niya ang facebook profile ni Xaira Lopez.

"Andiyan ka na pala."

Napalingon si Anton kay Jason. "Oo, kararating ko lang. Kanina ka pa ba?"

Bumangon si Jason. "After office umuwi na ako kaagad. Pagdating ko rito nakatulog ako. Napagod sa trabaho. Akala ko nga mauuna kang makakauwi."

"Ang gulo kasing kausap noong kliyente ko, kaya natagalan ako. Hayun, inabutan na ako ng rush hour. Traffic pauwi."

Nakarinig sila ng mga katok sa pinto. "Dinner is ready. Lumabas na kayo diyan!" Si Jairus, nagtatawag na.

"Sige, susunod na kami." Bumaling si Anton kay Jason. "Bumaba ka na. Magbibihis lang muna ako."

"Sige... Pero, kiss muna. Hindi mo pa ako kini-kiss." Ipinorma pa niya ang nguso na tila naghihintay ng halik.

Nilapitan ni Anton ang nobyo at hinalikan sa labi.

"Smack lang?" nagrereklamong tanong ni Jason.

"Tama na 'yon. Kakain pa tayo."

"Anong koneksyon?"

"Basta, mamaya na lang."

"Sinabi mo 'yan, ha? Sisingilin kita mamaya."

"Labas na. Masamang pinaghihintay ang pagkain."

"Opo..." Kinindatan pa ni Jason si Anton bago tuluyang lumabas ng silid.

Agad na nagpalit ng suot si Anton. Sando at shorts ang isinuot niya.

Lalabas na sana siya nang maalala niya ang laptop. Muli niyang tiningnan ang profile ni Xaira Lopez. Maganda ang babae. Napakaamo ng mukha. Ito kaya ang ex-girlfriend ni Jason?

"Anton, bumaba ka na rito nagugutom na ako!" sigaw ni Jairus mula sa kusina.

Agad na in-off niya ang laptop at dali-daling lumabas ng kuwarto.

"Kung makasigaw naman ito, dumadagundong sa buong bahay." Sinita niya ang kaibigan.

"Eh, paano ang tagal mo kasing bumaba. Gutom na kami ni Jason. 'Di ba, Jason?"

"Upo ka na. Kain na tayo." Maaliwalas ang mukha ni Jason dahil sa ngiti nitong napakatamis. Nilagyan nito ng kanin at ulam ang plato ni Anton.

Nang makakuha na silang tatlo ng pagkain ay nagsimula na silang kumain.

"Ang sweet! Buti ka pa, best friend may nag-aalaga sa'yo. Ako, jusko! Tatandang dalaga na yata ako."

"Masyado ka kasing mapili," kaswal na sagot ni Anton.

"Aba, dapat lang. Sa ganda kong ito, napakaswerte ng lalaking makakabihag ng puso ko," puno ng kumpiyansang sabi ni Jairus. Si Jason ay patuloy lang sa pagkain habang nakikinig sa pag-uusap ng magkaibigan.

"Ang sinasabi ko, 'wag kang masyadong mapili para hindi ka nahuhuli sa biyahe."

"Best friend, hindi naman ako fishball store na bukas sa lahat ng gustong tumusok."

Muntik nang mapahagalpak ng tawa si Jason. Kahit kelan, karakter talaga itong si Jairus.
***
"Yuri, anong balita?" tanong ni Shelley sa kausap sa telepono.

"Magkasama kaninang tanghali ang syota mo at ang ex niya. Sumakay sila ng taksi at pumunta sa Eastwood."

"Eastwood? Anong ginawa nila doon?" Agad na nag-init ang bumbunan ng bakla.

"Well, hindi ko na sinundan. Basta, pagbaba nila ng taksi umalis na rin ako."

"Gago, hindi ba sabi ko sa'yo sundan mo. Paano ka makapagbibigay ng magandang impormasyon sa akin kung hindi mo sila susundan?"

"Sinundan ko nga, 'di ba? Mula Makati hanggang Eastwood. Tama na 'yun. Na-confirm ko nang magkasama sila. Ano ba ang gusto mo, sundan ko sila hanggang sa loob ng motel?"

"So, nag-motel nga sila?" galit na tanong ni Shelley.

"Malay ko. Malay mo..." panggagatong ni Yuri sa kausap.

"Makikita ng gagong lalaking 'yan! Makikita niya sa 'kin!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top