10
"AH, GANOON? So, nagsisisi ka na nakipagrelasyon ka sa akin? At kanino mo talaga gustong makipagrelasyon, doon sa matandang dati mong hinuhuthutan? Pasalamat ka nga at ibinahay pa kita. Puwedeng-puwede naman kitang tikman lang, tapos idispatsa na. Mabuti nga at iginarahe pa kita! Kaya huwag kang magsasalita na parang ikaw pa ang nagmamalaki sa akin." May diin ang bawat salita ni Shelley. Wala siyang balak magpakabog sa Carlo na 'to.
Matalim ang tinging ipinukol ni Carlo sa baklang kinakasama. "Huwag mong kalilimutan na ikaw ang dahilan kaya kami nagkagulo ni Anton. Kung hindi mo inilagay sa wallet ko ang gamit na condom na itinapon ko na sa basurahan, hindi sana niya malalaman na nakipag-sex ako sa'yo. Hindi sana kami nag-away at hindi ko sana siya iniwan," panunumbat pa niya kay Shelley. "Kung ayaw mo ako rito, magsabi ka lang. Puwede rin akong umalis kahit anong oras." Malakas ang loob ni Carlo dahil hindi naman siya tambay na katulad ng ibang pumapatol sa bakla. Kahit paano ay kumikita siya sa trabaho niya bilang clerk sa city hall.
Iyon lang at tuloy-tuloy na pumasok sa kuwarto ang lalaki. Naiwan sa salas si Shelley at mainit pa rin ang ulong nagsindi ng sigarilyo. Hindi puwede sa kanya ang ganito. Ayaw na ayaw niyang niloloko siya ng mga lalaking nakakarelasyon niya. Malaki ang puhunan niya sa pakikipagrelasyon kaya hindi siya makapapayag na may makikisawsaw na iba habang pag-aari pa niya ang isang lalaki.
Nang maubos ang sigarilyo ay pumasok na rin ito sa kuwarto. Naabutan nitong nakahiga nang padapa si Carlo na tanging black brief lang ang suot. Matiim na tinitigan ni Shelley ang kanyang boytoy. Oo, laruan lang para sa kanya si Carlo. At madamot siya pagdating sa kanyang mga laruan. Walang puwedeng gumamit. Walang puwedeng humiram. Dapat, sa kanya lang.
Sumampa sa kama si Shelley at lumapit sa natutulog na binata. Marahan niya itong hinalikan sa batok at likod. Masuyo niyang hinaplos ang likod nito pababa hanggang makarating ang kamay niya sa maumbok nitong pang-upo. Bahagya niyang pinisil-pisil ang puwet ni Carlo at nang hindi na makapagpigil ay dahan-dahan niyang ibinaba ang suot nitong brief. Si Carlo naman ay nanatili lang na nakadapa at hindi kumikilos. Maaaring malalim na talaga ang tulog nito o kaya naman ay nagpapaubaya lang sa ginagawa ng baklang kinakasama. Walang kahirap-hirap na nahubad ni Shelley ang panloob ng binata. Muli niyang pinagsawa ang kamay sa paghimas sa puwet nito. Noon kumilos si Carlo at nagbago ng puwesto. Tumihaya ito kaya nalantad kay Shelley ang pribadong bahagi nito. Napalunok si Shelley. Isang buwan na silang nagsasama ni Carlo. Maraming beses na rin niyang nakita ang pagkalalaki nito. Pero sa tuwina ay nagdudulot sa kanya ng kakaibang init ang ganitong tanawin. Agad niyang sinunggaban ang nagsisimula nang mabuhay na pagkalalaki ni Carlo at pinagpala sa kanyang bibig.
***
Unang gabi ni Jason sa bahay ni Anton. Pagkatapos maghapunan ay sinamahan niyang manood ng tv sa loob ng kuwarto si Anton. Nakahiga sila habang nanonood. Si Jairus ay nasa kabilang kuwarto na at nagpapahinga na rin.
"Hindi pa ba tayo matutulog?" malambing na tanong ni Jason.
"Inaantok ka na ba?"
"Hindi pa naman." Mula sa pagkakahiga ay bumangon si Jason at tumayo. "Maliligo lang muna ako." Naghanap ito ng tuwalya sa mga gamit niyang nasa bag pa.
"Sige," sagot ni Anton. "Ilagay mo na bukas sa aparador 'yung mga damit mo."
"Gusto mong sumabay?"
"Saan?" nagtatakang tanong ni Anton.
"Sa akin. Maliligo. Sabay tayo?" alok nito.
Natawa si Anton. "Huwag na, mauna ka na. Mamaya na lang ako pagkatapos mo."
"Sabay na kasi tayo. Para tipid sa tubig," pilit ni Jason.
Pinandilatan ni Anton ang binata. "Huwag makulit. Ayokong may kasabay maligo."
"Bakit naman?"
"Basta!"
"Eh, makikita ko rin naman 'yan," pilyong sabi ni Jason.
"Ewan!" Binato niya ito ng unan. "Maligo ka na!"
Humahalakhak na pumasok sa banyo ang binata.
Pagkalipas ng kinse minutos ay lumabas ng banyo si Jason. Nakatapis lang ito ng puting tuwalya ay may pakonti-konting patak ng tubig na umaagos mula sa basa pa nitong buhok.
Napakaguwapo ni Jason. At maganda rin ang katawan. Hindi akalain ni Anton na ganoon kaganda ang katawan ng binata kapag walang damit. Halatang nagbababad ito sa gym. Halos hindi na maalis ang pagkakatitig niya kay Jason.
Hanggang sa naghahanap na ito ng maisusuot ay hindi pa rin niya ito hinihiwalayan ng tingin. Napansin ni Jason ang tila pagkakatulala ni Anton.
"Oh, bakit? Para kang natuka ng ahas diyan," nakangiti nitong sabi. Bakit ba mas lalo itong gumuguwapo kapag nakangiti? Mas nagpapatingkad sa kaguwapuhan nito ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin.
"Wala," palusot ni Anton. "Kung wala kang maisuot, may shorts at sando ako sa aparador. Humanap ka na lang doon."
"Hindi na. Mayroon naman ako, eh. Nasa ilalim lang kasi. Kailangan ko pang halungkatin lahat ang laman nitong bag."
"Gamitin mo na lang muna 'yung sa akin. Marami naman diyan, pumili ka na lang," pamimilit pa ni Anton.
"Sige... Pasensya ka na, ha?"
"Para iyon lang?" Nginitian niya si Jason. At nakita niya itong naghahanap na ng maisusuot mula sa kanyang mga damit.
Unang isinuot ni Jason ang puting sando. Pagkatapos ay inalis nito ang tuwalyang nakatapis sa baywang at saka naman isinuot ang isang pambahay na shorts. Muli ay napako ang tingin ni Anton sa binata habang isinusuot nito ang shorts. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang nakaumbok na bahaging iyon sa pagitan ng mga hita nito.
Bago pa siya tuluyang mag-init dahil sa kanyang mga nakikita ay agad na siyang tumayo. "Ako naman ang maliligo."
"Kailangan mo ba ng magsasabon sa'yo?" pilyong tanong ni Jason.
"Baliw!"
Napahalakhak na naman si Jason. Bakit ba sa pandinig ni Anton ay napakaharot ng halakhak nito? Pero hindi niya maitatangging para siyang kinikiliti kapag naririnig niya itong humahalakhak. May dalang libog sa sistema niya ang bawat pagtawa nito.
Isinampay ni Jason ang tuwalya pagkatapos ay sumampa na siya sa kama. Pagkalipas naman ng limang minuto ay lumabas na sa banyo si Anton.
"Tapos ka na agad?" nagtatakang tanong ni Jason.
"Oo, bakit?"
"Ang bilis naman. Para ka namang ibon kung maligo."
"Matutulog lang naman ako, ah. Paggising ko maliligo ulit."
"Sabagay. At saka, mabango ka naman kahit hindi ka pa maligo," sabi nito kay Anton kasabay ang isang nang-aakit na kindat.
Hindi na napigilan ni Anton at siya naman ang napahalakhak. Kailangan niyang gawin iyon para maitago ang hindi mapigilang kilig na kanyang nararamdaman. Ano ba naman kasi itong nangyayari sa kanya? Kung kelan pa siya tumanda at saka pa siya kinilig. At saka pa siya kumerengkeng!
Haay naku, Anton! Ang landi-landi mo talaga!
"Halika ka na rito, higa na tayo," maya-maya ay sabi ni Jason.
Tinuyo muna ni Anton ang kanyang buhok bago bumalik sa kama.
Paglapit niya kay Jason ay agad siyang siniil nito ng halik sa leeg. "Pa-kiss nga, tingnan ko lang kung mabango ka talaga."
Nakiliti si Anton sa halik ng binata pero pinilit niyang pigilin ang kanyang reaksyon. Nahihiya siya sa sarili niya. Hindi siya dapat umaakto nang ganoon. Hindi na dapat! Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?
Nakakahiya!
Nakakahiya talaga.
"Matulog na tayo," aya niya kay Jason para tumigil na ito sa kahahalik sa leeg niya.
Umungol ang binata at hindi huminto sa ginagawa. "Mamaya na, maaga pa." Saglit na inabot nito ang remote control at pinatay ang telebisyon. "Saglit lang..." Huminto ito sandali at tumayo para i-off ang switch ng ilaw sa kuwarto at kaagad ding bumalik sa kama.
"Late na, matulog na tayo..." Iba ang sinasabi ni Anton sa gusto niya talagang mangyari. Aaminin niyang nadadarang na siya sa ginagawa ni Jason kahit na simpleng pagdampi lang iyon ng mga labi ng binata sa kanyang balat.
Nagulat siya sa sunod na ginawa ni Jason. Ang mga labi nito na kanina ay abala sa kanyang leeg ay biglang umakyat patungo sa kanyang labi. Sa unang pagkakataon ay naglapat ang kanilang mga labi. Masarap pala. Mas masarap kesa sa mga labing natikman na niya.
Hindi pa nakuntento si Jason sa basta halik lang. Nagsimulang maglikot ang dila nito na tila ahas na naghahanap ng mapapasukang kuweba. At sa konting pagbuka ng bibig ni Anton ay nakapasok ang pangahas na dila. Nalasahan niya ang laway ni Jason at wala siyang naramdaman ni konti mang pandidiri. God, he really loves this guy so much!
Hindi na namalayan nina Anton at Jason kung paano nilang nahubad ang kanilang mga suot. Nagmistula silang mga bagong silang na sanggol na iniluwal sa mundo sa kadiliman ng gabi. At katulad ng isang sanggol na giniginaw ay naghanap sila ng init ng katawan sa isa't-isa.
Si Jason, kahit na bata pa ay tila sanay sa pagpapaligaya sa kanyang katalik. Halos tumirik ang mga mata ni Anton sa luwalhating dulot ng mga labi at mapagpalang kamay nito. Kung sa umpisa ay tila nahihiya pa si Anton, nang tumagal ay itinapon na niya ang lahat na natitirang hiya sa kanyang katawan. Dinama niya nang lubos ang ligaya sa piling ng lalaking nagparamdam sa kanya kung paano pahalagahan at mahalin.
Now it's his turn to return the favor. Magpapatalo ba siya sa isang bata? He will not be a forty-year-old gay man for nothing. He wanted to give Jason the same pleasure and more! At gagawin niya iyon ngayon.
Inumpisahan niyang bigyan ng banayad na haplos ang dibdib ni Jason. Pinagsawa niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang dibdib nito. He took time caressing his nipples that made Jason moan in unexplained sensation. At hindi pa siya nakuntento sa paghaplos dito, inumpisahan niyang isubo nang salitan ang dibdib ng katalik. Mas lumakas pa ang pag-ungol ni Jason na mas nagpatindi naman sa nag-iinit na pakiramdam ni Anton.
Dahan-dahan siyang bumaba papunta sa pusod ng binata at pinaglaruan ng kanyang dila ang palibot nito. Tila umaalon ang tiyan ni Jason sa tuwing madadampian ng dulo ng kanyang dila ang loob ng pusod nito. Halos mamilipit ito sa luwalhating nadarama na mas pinasagad pa nang dumako ang bibig niya sa pribadong bahagi nito. Paulit-ulit na binanggit nito ang pangalan niya habang abala siya sa pagbibigay ng walang katulad na ligaya rito. At nang maipon ang lahat ng init sa katawan ay tila bulkang sumabog ito at nagbuga ng mainit at malagkit na likido.
Kapwa humihingal sina Anton at Jason nang humupa ang init. Sa unang gabi ni Jason sa bahay ni Anton, bininyagan nila ang kama na naging saksi sa kanilang pag-iibigan. Bago sila tuluyang matulog, muling naglapat ang kanilang mga labi at minsan pang dinama ang tamis ng halik ng bawat isa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top